55 - Support System
Dusk Till DawnSongs for this chapter :) (para lang feel diba? chz)
Ang Wakas
Before It Sinks In
Roses & Sunflowers
Dusk Till Dawn Spotify Playlist
3rd Person's
A year later..
Maagang nagising si Winter dahil may call time ito ng 10am sa isang shooting site para sa pag-film ng kanilang music video. They're releasing their 10th Anniversary Album that consists 10 + 1 songs. 2 music videos and 1 special performance video.
Dahan-dahang inalis si Winter ang pagkaka-yakap ni Yunjin sa kanya nang magising ito at umungot, "Hmmm.." at mas lalo pa itong sumiksik sa kanya.
"May shoot kami today, lablab.." sabi ni Winter habang hinahaplos ang likod ng kanyang girlfriend.
Tumingala naman itong si Yunjin sakanya, napangiti naman siya ng makita ang gulo gulong buhok na humaharang sa maganda nitong mukha.
"Good morning, lablab ko." she kissed her nose matapos niyang ayusin ang buhok nito.
Yunjin smiled before she open her eyes.
"Good morning to you too, my sunshine.. Last shoot today?"
Tumango naman itong si Winter, "Yes po, babawi ako bukas. Date tayo."
"Let's go sa E.K! Or sa Skyranch, lablab!"
"Sure! Sige, noted po madam."
Isa lang 'to sa mga similarities ng mag-kasintahan. Gusto nila ang mga arcades and thrill rides katulad ng rollercoasters. Everytime rin na may free time or rest day sila sa bahay ay naglalaro lang sila sa gaming setup o hindi naman kaya sa consoles ni Winter.
"Go na! Ligo ka na. I'll prepare breakfast." she taps Winter's cheek before she got up from the bed. "Seriously love? Where the hell did you throw my nighties again?!"
"Uyy! y! What a morning view!"
"Winter!" saka nito isinuot ang oversized polo ni Winter na naka-kalat sa lapag.
"Eto na nga oh, babangon na." sabay hampas sa pwet ng kanyang girlfriend.
"Winter Sky!!!" sigaw ni Yunjin na siya namang takbo papuntang bathroom ni Winter.
Habang inihahanda at inaayos ni Yunjin ang kanilang almusal sa lamesa saka namang yakap ni Winter dito mula sa likuran.
"Sarap naman niyan, parang yung nagluto."
"ert. Let's eat na. Tumawag pala si Gigi kanina sabi ko nagpe-prepare ka na. Baka raw kasi tulog ka pa." natatawa nitong sabi.
Nagsimula na rin silang kumain ng nilutong agahan ni Yunjin. It's their fave breakfast. Bacons, Eggs, Daing at Sinangag. Ofcourse, mawawala ba ang kape? Ito naman ang isa sa mga pinagkaiba ng dalawa. Mas preferred ni Yunjin ang pag-inom ng tea, since she's a singer at madaming benefits ang teas. Si Winter naman eh parang hindi mabubuhay ng walang kape sa katawan.
"Ah nga pala, lablab. Nakita mo na yung pinadala ni ate Seul nung isang araw? Yung mga tea? Para sayo daw yun eh."
Yunjin nods as she sips on her hot chamomile tea. "Yea, I'm already drinking one na nga oh. Set pala yun, lablab. Nag-message na rin ako kay ate Seul to thank her.. Si ate Irene yung actor sa mv niyo today diba?"
Tumango lang itong si Winter habang nilalantakan ang kanyang masarap na almusal.
"I have a sched pala later, sayang."
"Okay lang yun. Nakapunta ka naman sa ibang shoot eh. Busy ka rin, lablab. Akala ko nga rest day mo, bakit may sched? gusto mo kausapin ko sila tito Luther?"
"Huy, wag na! Work naman yun, lablab. It's really fine. Go finish your food na, you're gonna be late niyan."
"Yes, maam."
--
Winter's
"Winter, Yunjin sent a food truck. It's outside." sabi ni ate Anne na isa rin manager ng BAD.
"Sige po, ate Anne. Thank you, kain na rin kayo dun."
"Wow! Food truck!" excited na sigaw ni Ryujin.
"Hoy, RJ picturan mo muna ako dali! Issend ko kay Yunjin!" -Heejin
"Me muna! Tabi! Bubba take a picture of me!" -Ning
"Okay, pwesto ka in the middle, bubba." -Aeri
"Groupie muna mga accla sandale!" -Sunoo
Napailing na lang ako sa kanila. Matapos naming mag-picture kasama nung food truck at nung mga pagkain.
At dahil nasa break pa rin kami. Tumawag ako kay Yunjin na agad namang sinagot yung facetime.
"Hi, lablab!" nakangiti niyang bati sakin.
"Hey-"
"YUNJIN LABLAB!!!" sabay sabay naman nilang sigaw. Aba sino pa ba? Edi itong mga ka-banda ko? Napaka-ingay lalo ni RJ at ni Heej. Jusko!
"Hello, girls! Nagustuhan niyo ba yung foods?"
"Opkors, teh! Syempre!" -Sunoo
"Thank you po!" sabay naman na sabi ni Heejin at RJ.
"Thanks, Yun!" -Ning
"Aren't you gonna go here today, Yun?" -Aeri
"Ah, I don't think makahabol ako today. I want to, kaso I have a meeting pa with Burberry."
"Aw, sayang mare! Kung kailan andito si ate Irene!"
"I know, Ning! Kaasar! I want to see ate Irene act!"
Girl crush kasi talaga ni Yunjin si ate Irene. Sus, kahit naman ilang beses na niya nameet 'to sila ate Irene. Pero gusto niya kasing makitang umaarte ng live, nasaktuhan namang may meeting siya.
Matapos yung call nilapitan ako ni Aeri dahil busy lumamon yung iba.
"I'm really happy for you, Skie. I should thank Yunjin a million times for making you happy again."
"Ako din, Aeri. Sana din magkaron na kayo ng baby bubba." hinampas naman ako ni Aeri. "Aray naman!"
"Wala pa. Still not in the plan, Skie."
"Ay, bakit naman? Edi mga kailan?"
"I don't know.. Anyway, the man na bumato sa inyo last year? and the one who's following you were iisa lang pala. And nahuli na siya. So, don't worry about it na."
"So, tama tayo? Kay dad na tao?"
Tumango naman siya.
Hindi ko talaga maintindihan yung part na yan eh. Paano pang nakakapag-utos 'tong si dad kung nasa kulungan? Well. He has money, he can do anything kahit nasa kulungan. Tanginang, justice yan sa pilipinas pang mayayaman lang nga talaga. Gobyerno nga naman. (lol the slander)
-
"Alright, cut! That's perfect, Miss Irene! Thank you so much!" bati nung director ng music video namin kay ate Irene.
"Thanks, direk! No worries, this is my gift for my babies."
"LABYU ATE!!!" sigaw naman ng mga members ko.
"Let's move for our special performance video! Are we done with the set?"
"Yes, direk. Nag-aayos lang po yung BAD." rinig kong sabi nung isang PD staff.
Nagaayos na rin kami ng mga instruments namin dito sa empty swimming pool na gagawing parang stage namin dito sa special perfomance video ng 'Roses & Sunflowers' that I made for Yunjin.
Sa pangatlong retake namin dumating naman si Yunjin. Nagulat saka napangiti ako ng kumaway siya habang kumakanta kami ni Ning. Rolling pa pala.
"Cut! Okay, its a wrap! Gusto ko yon! That was a perfect scene! We should add that!"
Agad naman naming tinignan yung kinalabasan. Ah, yun pala yung sinasabi ni direk.
Comments