39 - Ohayo, Japan?

Dusk Till Dawn
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's
"Baby, are you ready to go na? The bubbas are waiting na sa baba!" sigaw ni Karina galing sa living room.

 


Inayos ko pa kasi yung laptop bag ko kaya bumalik ako sa room. Magsasapatos na lang rin ako paglabas. 

 


"Tapos na rin. Mag-shoes lang ako, baby."

 


Eto naman rin kasi si baby! Hindi ko alam saan ba kami pupunta at may tatlong luggages at isang backpack pa kami. Sabi niya lang "we're going in a vacay, baby!" jusko? Saan naman? At ang daming bagahe at siya pa nag-impake ng lahat? Paano na lang yung plano ko sa Friday! Baby naman eh! Inuunahan ako sa pagce-celebrate ng anniv namin.

 

 

 

 

"Tara na, baby.."

 

 

"Okay, let's go na! Let me carry your laptop bag."

 

 

 


She's wearing a white shirt and a cardigan paired with high-waisted pants and a sneakers, just a comfy outfit. Ganun rin naman ako. I'm just wearing a Laker's yellow hoodie and a track pants paired with a white sneakers. Parehas rin naming suot yung couple white airforce nike sneakers namin.

 

 

 

 

 


"So tagal ha?" bungad ni Ning ng makapasok kami after namin maiayos sa likod yung mga luggage.

 

 

"Sorry naman ha? May tinapos pa kasi akong work kagabi, late akong nagising. Nakaayos na nga si Luna nung nagising ako."

 

 


"You're sleeping soundly kasi ang sarap ng sleep mo, baby."

 


"By the way, did you bring bonamine, Rina? Parehas kayong mahihiluhin ni Skie.." sabi naman ni Aeri na nagmamaneho.

 

 

"Yes, I did, we bought last night. Thanks for reminding me pala, Gi."

 

"Always, Rina. What time is your flight pala ulit?"

 

 

"Hmm 4:20 and about 3 hours of flight.. Just in time to have a breakfast when we land."

 

 

"I see. I'll message you later kung saan maganda mag-breakfast."

 

 

"Sure, thanks Gi."

 

 


"Grabe naman, hindi uso mag-share? Saan ba kasi punta natin, baby? Aeri.."

 

 

"Wag ka ng pumalag, Wintong. Stay put ka lang, hindi ka naman ililigaw ni mareng kars. For sure naman may lost and found para sa mga puppy dun." sagot naman ni Ning.

 

 

 

Napakamot na lang ako ng ulo. Ayaw talaga nilang sabihin. Kahit alam ko naman ng plano talaga ni Karina to for our anniversary.

 

 

 

 

 


-

 

 

 

 

 


"Really, baby? Japan talaga? Akala ko domestic flight lang! Kaya naman pala ayaw mong ibigay yung passport ko!" sabi ko ng makaupo na kami sa loob ng eroplano.

 


Nalaman kong sa Tokyo, Japan ang lapag namin nang i-announce yung flight details namin. 

 


"Surprise, I guess? It's one of the place sa travel list natin right?"

 

 

Mabilis naman akong tumango. Eto yung una naming sinulat sa Journal ko, meron kasi akong bucket list and travel lists for us. 

 

 


"So, ilang days tayo, baby? I think around this month fall na dun, oks naman ba yung na-pack mong clothes natin? Medyo malamig pa don.."

 

 

"Of course, baby. I'm ready. I just didn't search for it naman, Gigi helped me sa lahat though 3 days lang tayo."

 

 


Hay nako, Aeri.. Nga naman, yung hap-haponesa-hap-koryan na yon o-o! Kaya naman pala laging naguusap yung dalawa, akala ko about med things lang yun pala about this na rin pala.

 


"Meron ba tayong tourist guide don? or tayo lang? May list ka na ba ng pupuntahan?" exicted kong tanong kay baby.

 

 

OH SHISS! Makakapunta kami sa Akihabara Town! Sana kasama sa list. Alam naman niya na gusto ko pumunta doon. Sana pumayag si Karina bumili akong games!

 


"Yes, baby. I told you, I'm ready. But we don't have tourist guide, we're just by ourselves, don't worry we have Gigi naman if we got lost or what." 

 

 


"Uh, baby.."

 


"I know that look, Winter Sky. Yes, Universal Studio is included."

 

 

 

Ha? Baby!!! Hindi lang naman dun ko gusto pumunta. 

 

 


Tumawa naman siyang mahina, "I was just kidding around, baby. Ofcourse, Akihabara Town is included sa list ng pupuntahan natin. But please behave, baka bilhin mo yung buong town."

 

 


Nagliwanag naman yung muka ko. Yes!!!

 

 


"Yessss!! Thank you, baby! Patingin ako ng list natin?"

 

 

Binigay niya yung iPad ko na nasa loob ng laptop bag ko. Ha?

 


"I'll airdrop it. But drink bonamine muna, baby." inabot niya yung bonamine med galing sa med bag niya sa hand bag niya.

 

"Thank you, baby. You're the best!" uminom muna kami nung meds dahil nasa ere na pala kami. 

 

 

 

 

 

--

 

 

 

 

"Baby.. Love, wake up.. We landed na." tapik ni Karina nang mahina sa pisngi ko.

 

 

"Ang bilis naman? Parang kakapikit ko palang?"

 

 

Natawa naman siya ng bahagya, "Japan lang naman tayo, baby not U.S."

 

 

"Ah, sabi ko nga eh. Tara na? Bumababa na rin sila."

 

 

 

 

 

 

"Gi messaged me that we should have a breakfast at Jade5. Its near from here and from our hotel naman." sabi ni Karina habang hinihintay namin yung mga bagahe namin.

 


"Sige, for sure naman masarap don. Kabisado ni Aeri pasikot sikot dito eh."

 

 

 

 


Nang makarating kami dito sa Jade5 Breakfast agad rin kaming umorder. Hindi naman pala malayo at hindi traffic, mas convienient na rin na nagrent ng sasakyan 'tong si Karina. 

 


"Eat slowly, Winter Sky."

 

 

"Opo, kamahalan. Sorry, nagutom ako sa byahe." sagot ko habang kinakain tong bacon and cheese omelette ko pati na rin tong masarap na waffle. 

 

 

"Sure, you do. Nag-sleep ka lang buong flight.."

 

Eggs benedict naman ang kanya. Tapos may coffee rin kami, hindi naman mawawala sa sistema naming dalawa ang kape.

 


"Tulog muna tayo pag-check in, baby. Rest ka muna. "

 

 

"Yea, its still early pa naman din. We could go later lunch sa Asakusa then Tokyo Skytree and we could go after dinner sa Tokyo Tower."

 

 

"Asakusa yung may temples?"

 

 

"Uh-huh. We could go eat there ng lunch and may streetfoods din daw don, Gigi said that."

 

"Edi magsusuot din tayo ng Kimono?" 

 

 


Hala? Dream ko yon! Nakapag-suot ako ng kimono dati, united nations pa yata nung grade school yun! Pano si Aeri, Japanese humiram na lang rin ako sakanya, hindi kasi kasya yung hanbok ni ate Seul sakin. Mahaba, mas matangkad pa kasi nun si ate sakin. 

 

 


"You want that? Sure, will do that!"
 

 

 

 

 

 

 

 

Nagising ako after an hour, hindi na rin ako makabalik sa pagtulog. Kaya bumangon na rin ako inayos ko na lang yung luggage namin. Hindi ko na rin muna ginising si Karina 10 something palang naman. Tinawagan ko rin si Aeri para mag-thank you at magtanong rin ng iba pang magagandang puntahan, she gave a list na raw kay Karina. 

 

 

Planadong planado talaga ni baby 'to. Nakakainis pero at the same time kinikilig ako. Oo na nga, kinikilig na. Nakaka-bakla talaga ang kiligin! Wews.

 

 

 

 

"Baby.. Sky?" nagising na si Karina at mukang hinahanap ako sa tabi niya. My big clingy-baby.

 

 

"I'm here, baby.."

 

 


"What did you do? Did you sleep ba?"

 

 

 


Agad siyang yumakap sakin nang makalapit at makahiga ulit ako sa kama. Nakasandal ako sa headboard ng kama, nakayakap naman siya sa may tyan ko.

 

 


"Oo, nakatulog naman ako pero naalimpungatan ako, hindi na ako makabalik sa tulog.. ayun, inayos ko na lang rin yung luggage. Tinawagan ko rin si Aeri kanina. Balik daw tayo dito sa summer, mga birthday mo mas maganda dito kasi season ng cherry blossoms. Mag-stay daw tayo sa bahay nila sa dito sa Tokyo o sa may Osaka." sabi ko habang hinahaplos ang mahabang buhok niya.

 

 

"Hmm. That sounds great, baby."

 

 


"Ah, nga pala may nakita akong park malapit dito sa hotel kanina, I searched it. Yoyogi Park daw yun. Daan tayo dun bago tayo dumerecho sa Asakusa."

 

 

"Sure, we can do that. What time is it na ba? Are we going na?"

 

"Almost 10:30 na, Luna. "

 


"I'll wash up lang and let's go na?"

 

"Sige, nagshower na rin naman ako kanina."

 

 

 

 

 

Dumaan muna kami sa Yoyogi Park para mag bike saglit inikot lang namin yung park. Ang peaceful lang rin ang sarap pa ng hangin. Nakalanghap rin ng fresh air! Sa Maynila air pollution, tangina! 

 

 

Buti na lang rin dalawa na yung na-rent naming bike. Baka Winter padyak era na naman eh! Bumili lang kami ng water bago bumyahe pa Taito dahil doon yung Asakusa. Halos 20-25 minutes raw on the way doon sabi ni waze. 

 

 

Okay rin naman ang byahe, wala masyadong traffic. 

 

 

 

 


Nang makarating kami sa Asakusa dumerecho na agad kami sa rental ng mga kimono. Ang ganda lang namin ni baby! Pero sabi niya ang pogi ko daw. Pano karamihan ng available na kimono parang puro floral! Ang gay! Kaya yung kinuha at isinuot ko yung plain blue kimono na pang-guys pala. Mas okay naman 'to no. Match rin sa blue niyang kimono. 

 

 

 

"Suteki na kappuru!" sabi nung matandang babae na kasama nung nag-assist samin.

 

 

Ano raw? Hindi naman niya siguro kami minumura ano?

 

 


"She said you two are a lovely couple." sabi ni ate girl matapos niyang ayusin yung kimono ni baby.

 

"Oh, thank you." sagot naman ni Karina.

 

 

"Welcome! Welcome! What is your name? You pretty!" sabi ulit ni lola.

 

 

"My name? I'm Karina and this is my girlfriend, Winter." 

 

 


"Ahh. Come come! Karina-san, Winter-san!"

 

 


Lumapit naman kami ni baby kay lola, binigyan niya kami ng isang pouch na may lamang dalawang red bracelets.

 


"Thank you! This is beautiful!"

 

 

 

"That bracelets are like a red strings of fate. They said that the two people connected by the red thread are destined lovers or soulmates, regardless of place, time, or circumstances but it has been worn also for protection, faith, good luck, strength, and connection. My grandmother thinks you two are destined to be lovers." page-explain naman ni ate girl.

 

 


Nakangiti lang kami ni Karina. Soulmates or destined lovers pala kami ni baby! Ayun raw yung nakikita ni lola. Kinilig naman ako don! Salamat po, lola!

 

 


Agad rin naman naming sinuot sa isa't isa yung red bracelet na binigay ni lola. Bagay sa suot naming couple rosary ring at necklace! Dami na naming couple items ni baby!

 

 

 


-

 

 

 

"Baby, how come pala na you didn't get to go here pa? I mean, Gigi? She's from here." tanong ni Karina habang naglalakad kaming magka-holding hands papunta sa mga streetfoods dito. 

 


Partida kakakain lang namin ng lunch, kakain na naman? Well, hindi rin naman heavy yung lunch namin. Tamang tongkatsu lang dahil paborito namin ni baby ang tongkatsu. Mas masarap pala dito dahil authentic talaga!

 

 

"Ah, hindi kasi ako sumasama sa kanila ng family nila everytime na pumupunta sila dito. Kahit pa pinipilit pa ako ni Aeri saka ni mommy. Dad wouldn't allow me." sagot ko. Ngumiti naman ako sakanya ng tipid.

 

 


"Oh. Ang sarap talaga yakapin sa leeg niyan ni James Kang! I'll do that when I saw him talaga!"

 

"Anong?-" 

 


Ah. Yakapin sa leeg. Ibig sabihin sasakalin. 

 


"Baby, mga natutunan mo kila RJ! Sabing wag mong pagkakausapin mga yun eh."

 

 


Natawa naman siya. 

 

"I'm learning a lot, baby! Ang dami nilang terms na nakakatuwa kaya!"

 

 

Napapikit na lang ako ng mariin at napailing. Si RJ at Heej talaga ang yayakapin ko sa leeg paguwi ng pinas.

 

 

 

 

Bago kami umalis patungo sa Tokyo Skytree dumaan na rin kami sa Madame Tussauds Tokyo yung wax museum dito sa may tokyo. Nagpicture lang rin kami. Kinikilig pang nagpa-picture si Karina kina Brad Pitt at Johnny Depp na wax lang rin naman. Psh. 

 

 


Ah, bumili rin pala kami ni baby ng mga polo na kimono dun sa Asakusa pati ng magnets para sa fridge. Yung iba pang-pasalubong na rin sa friends and fam. Ang ganda rin pala talaga ng Japan ano? Ang dami pang historical places and all that. Gaya doon sa Asakusa sa Taito. May mga temples, shrines, may garden at iba't ibang mga traditional structures. Sobrang ganda ng pagkaka-establish ng mga to. As an engineer, grabe yung ginamit na mga materials ang titibay kahit naiayos na ulit meron paring part na buo pa rin.

 

 

Pa-set na rin yung araw ng makarating kami sa Tokyo Skytree. Sakto para makita ang sunset! Ang ganda! Ang taas ng building na 'to, sabi nga dun sa baba. This is the tallest building sa Japan. And in fact, when the Skytree was built nga raw, it was the second tallest building in the world, standing at a height of 634 metres.

 

 

Takot pa si baby kanina pero sabi ko naman maganda yung view at hindi ko siya bibitawan. Heto, parang koala na hindi mahiwalay sa kahoy niya. 

 

 

 

 


"Ang ganda no, baby? Look, nagsset na yung araw!" sabi ko kay Karina na nakayakap sa braso ko.

 

 

"Yeah, its so beautiful! This is one of the best sunset date with you, baby.." 

 

 

"Asus.. pero well, muka nga. Wait, baby.. picture tayo."

 

 

"Wow, now you're taking a picture na ha?"

 

"For memories naman rin kasi, Luna. Dali, smile na!"

 

 

 

 

 

"I love you, Luna." sabi ko bago ko pindutin ang camera shutter. And there, her most prettiest smile. 

 


"Ang ewan mo talaga!"

 


"Maganda ka dito, baby. Sobra! Wala ka namang picture na hindi maganda."

 

 

 

Maganda naman talaga kasi. Parang hindi nga 'to dumaan ng panget na phase. Sinabi niya pa dati panget siya nung may braces siya, pero nung nakita ko yung pictures niya na may brace siya sa bahay nila? Ang ganda kaya niya? Saan banda yung panget doon? Grabe lang sila ni ate Irene. Parang mga dyosang bumaba sa mundong ibabaw.

 

 

 

 

 

 

Nag-dinner kami ni baby sa isang sikat na Japanese restaurant malapit sa Tokyo Tower dahil doon rin naman yung last destination namin ni Karina for today. Tamang date night lang rin.

 

 

Pero di pa rin ako maka-get over sa sarap nung wagyu! Kaya naman pala ganun ka-mahal sobrang sarap, ang mamahalin rin ng lasa! Nakikita mo pang niluluto sa harapan mo nung chef! Syempre, hindi naman mawawala yung mga sushi at sashimi. 

 

 

Gusto ko sana mag-ramen pero sabi ni baby kasi magpupunta kami sa ramen museum sa Yokohama bukas. Kaya sige, susulitin ko na lang yun bukas.

 

 

 

 

-

 

 

 


Mag-8 na rin ng makarating at tambay kami dito sa Tokyo Tower. Malayo palang tanaw na tanaw mo na tong Tokyo Tower sa sobrang recognizable niya, para kasi siyang Eiffel Tower ng Paris base sa structure nito. They said na yung symbol nitong tower na to is yung recovery ng mga Japanese after ng World War II. 

 

 

Shi-nare ko pa 'tong fact na 'to kay Karina. Amazed na amazed naman siya. Gustong gusto niya kaya everytime magkkwento ako ng mga ganto pati na rin about sa work kong pagiging engineer. Kahit pa nung nagaaral pa ako kahit bagot na bagot siya dahil puro math, puro formulas daw ang pinagsasabi ko, gustong gusto naman niyang marinig.

 

 

 


"I really love it when you're talking about your field like the structures of the buildings and all that.."

 

 

"I know.. pero bat nga ba? Hindi ka ba nabbore? Dati bagot na bagot ka sa mga alaga kong formulas." natatawa kong sabi. Totoo naman lalo nung reviews ko for boards!

 

 


"No, not really. I love it because I find it y. You look so attractive, when you talk about it."

 

 

"You mean? Nakaka-y ang pagiging engineer?"

 


"Yeap. Especially when you're wearing your white polo and tie with your white hard hat."

 


"New kink mo ba yan, baby?"

 

 

"Psh. You do also find me attractive whenever I'm wearing my white uniform though, pano na lang if I'm wearing a white coat na?"

 


"That.. Uh- sobrang hot mo nun, naiimagine ko na agad- aray ko naman!"

 

"Ayan, dyan ka magaling!"

 

 

"Arigatenks- oww! masakit, baby ha? Hindi na nga oh." pinagha-hampas lang naman kasi ako. 

 

 


Niyakap ko na lang siya from behind. 

 


"Baby.."

 

"Luna.."

 

 


"Sige, ikaw muna." sabi ko, sabay kasi kaming nagsalita eh.

 

 


"I have a gift for you.."

 

"Ayun rin sasabihin ko. Pero may gift ka pa? Hindi pa ba gift tong pag-travel natin? I thought hindi tayo gagast-"

 

"Just this time lang naman. Wait-- here.." kinuha niya sa hand bag niya ang isang box.

 

 

Kinuha ko rin sa chest bag ko yung box na gift ko for her pahaba naman ang akin.

 

 


"Sabay tayo magbukas?" nakangiting tumango naman siya.

 

 

 

 


"Baby! Were the same!"

 

"*laughs* Oo nga ano! Parehas watch!"

 


Natawa na lang kami dahil parehas na wrist watch ang gift namin sa isa't isa. Ang sosyal ng dating naman nitong relo na gift ni baby! Parang mahahablot sa Quiapo, ganun! Meron pang initials niya sa likod. K.L.C, para raw alam kung kanino ako ibabalik. Dejoke.

 


Yung gift ko sakanya parang pang jejemon, glow in the dark pa. Pero sabi kasi ni mareng google design for medical talaga yung watch na yun. Speidel Medical Scrub Glow Watch ang tawag. Tapos may black and white na straps pwedeng palitan. Binilhan ko rin ng ganto si Aeri at Yeji-babe. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hello! As promised, here's a double UD! Thank you so much for reading DTD! :) HBD siguro sakin hihi. Stay safe & stay hydrated! lablab. ♥ PS. HBD talaga since umuwi before my bidet si Hyun at Minjeong hihi. Plus the RV teasers. YAY. ♥

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 47: HooooooOOOOOO SHETt_t
Trumfeet #2
Chapter 43: GO! MARENG LIA IPAGLABAN MO!
Trumfeet #3
Chapter 41: OTOR WE/I DON'T MIND KUNG MAHABA ANG OTOR'S NOTE MI LALO NA KAPAG MAY KINIKWENTO KA🫶 OK LANG KAHIT MAHABA YAN BABASAHIN KO PA RIN YAN TOR🫶 AND TOR PLEASE DO NOT INVALIDATE YOUR FEELINGS 🫂🫶 PAGALING KA TOR AH?🫶 HART HART🫶
Trumfeet #4
Chapter 40: OTOR TAAS UPUAN! THANK YOU SA INFO NA TOH TOR! BERI MATS! HART HART KA SA AMIN🫶🫶🫶
Trumfeet #5
Chapter 32: Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama

Amen
Trumfeet #6
Chapter 23: sori teh terwin igop ehh,,,,,
Trumfeet #7
Chapter 17: amen? Amen.
Trumfeet #8
Chapter 17: amen? Amen.
Trumfeet #9
Chapter 16: Hoy! kaninong kanta toh? Kundiman by Silent Sanctuary? Ay kay ssob rj ba? Oh! ssob rj ibomba muna toh!
Trumfeet #10
Chapter 14: ebarg,,,,