Chapter 3

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

 

Chapter 3.

 

Bata palang ako, nahilig na talaga ako sa pagbebake, pagdedesign ng cake, paggawa ng mga simpleng tinapay, at panonood ng mga nagbebake sa youtube o kahit sa mismong panadero sa bakery namin na isa sa business ng magulang ko.

 

Nalapit talaga ako sa pagbebake dahil iyon na ang nakalakihan ko. Amoy ng bagong lutong tinapay, o 'di kaya nama'y matatamis at magagandang design ng cakes, cupcakes, cookies, at marami pang iba.

 

Lalo na nung mga panahong hindi pa ganon kabusy sila mama, tinuturuan niya ako na magbake kahit na medyo mahirap ako turuan dahil madali ako madistract at matanong din ako. Pero kahit na ganon pinagtyagaan niya ako at tinuturuan niya ako kapag free time niya at nasa bahay lang siya. Hanggang sa nalaman ko na kung paano, nag explore ako ng iba't ibang uri ng flavors, nag experiment ako sa mga bagay bagay kahit na may mga pagkakataon na masyado raw matamis, o 'di kaya nama'y matabang, may dark chocolate pa nga na sobrang pait to the point na halos idura na nung mga kumain. May ice cream akong nagawa na hindi rin sobrang sarap, medyo maalat pa nga. Pero after those failed pastries, natutunan ko na rin kung paano magbake ng sakto lang at mapapahanga talaga yung mga makakatikim at mas lalo akong naggogrow bawat araw dahil sa hindi ako natatakot sumubok ng bago.

 

Hindi naman kasi pwedeng tumalon ka agad sa success, marami ka pa talagang mapagdadaanan bago mo matutunan ang mga bagay bagay. At ganon ang nangyari sa akin, kaya naman masaya rin ako dahil marami na rin akong alam na i-bake, baking and pastry arts ang kinukuha ko ngayon para mahasa rin ang pagbebake ko, tapos kumukuha rin ako ng business dahil balak ko magtayo ng sarili kong bakeshop after college.

 

Dami kong pangarap sa buhay, I chuckled at the thought. Kahit na mukha akong ewan paminsan, meron naman akong plano sa buhay ko 'no, at sure na rin ako sa gusto ko — sure ako na ito talaga ang gusto kong maging trabaho.

 

"Woy, ano yan? Choco butternut munchkin?! Penge ako!" Narinig kong singit ni Giselle sa tabi ko habang sinisilip niya ang ginagawa ko, natatawa nalang ako sa kaniya habang gumagawa ako ng streusel. Kakatapos ko lang gawin yung choco glaze at tapos na rin ako ron sa pinaka munchkin, nabilog ko na rin at ididip ko nalang sa choco glaze then igugulong sa streusel.

 

"Hindi pa nga tapos, magtigil ka muna." Sabi ko naman, nandito na naman siya sa bahay as usual, pero wala sila Chaewon dahil may pasok sila ngayon. Ako rin naman meron, pero mamaya pa kaya naman gumawa muna ako nito dahil ipapamigay ko rin sa mga kaibigan ko. Itong si Giselle naman, wala siyang klase ngayong araw kaya nakatambay rito, iniiwan ko nga siya minsan dito sa bahay namin, para ko na rin kasi talaga siyang kapatid at nagtitiwala ako sa kaniya kahit na iwan ko siya rito mag-isa.

 

"Nagugutom na ako," Humimas pa siya sa tyan niya at bahagyang ngumuso. "Wala bang makakain dito?"

 

Nanonood kasi siya kani kanina lang tapos nagpaalam ako na gagawa nga ako ng choco butternut kaya pumunta muna ako rito sa kusina, mga ilang minuto lang sumilip din siya rito, tinitignan ang ginagawa ko.

 

"Wala." I let out a soft chuckle, "Bumili ka sa tindahan nila Ningning. Wala rin atang pasok yun, siya bantay sa tindahan."

 

"T— tse." Namula naman ang mukha niya dahil sa narinig, halatang natigilan din. "Ayoko nga. Nakakahiya."

 

"Bakit naman nakakahiya? Bibili ka lang naman." Parang ewan na sambit ko naman sa kaniya habang ginagawa na yung choco butternut munchkin, dinip ko na sa choco glaze at nilagyan ko na rin ng streusel, yung kulay orange.

 

"Kahit na!" Sumubsob naman siya sa braso niya na nakapatong sa lamesa, "Kilala niya ako, baka hindi maganda ang impression niya sa akin."

 

"Okay lang, hindi ka rin naman maganda, quits lang." Natatawang panunukso ko naman sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin at nakatikim agad ako ng kurot sa balikat, "Aray naman!"

 

"Buti nga, masama ka." Parang bata na wika nito, sumubsob ulit at bumalik sa kanina niyang pwesto. "Ano bang gagawin ko para maging close kami at maiba ko yung bad impression niya sa akin?"

 

I raised my eyebrow kahit na hindi niya ako nakikita dahil nakasubsob siya ngayon sa lamesa, "Hindi naman masama ang impression niya sa'yo."

 

"At paano mo nalaman, ha?" Tanong naman niya sa akin, hindi pa rin ako tinitignan.

 

"Wala, pakiramdam ko lang. Hindi rin naman siya mukhang galit sa'yo. For sure, magiging masaya yon kapag kinausap mo na siya." Naniniguradong saad ko naman, sure naman kasi ako na magiging okay sila ni Ningning once na magkausap sila, I mean halata naman na interested din si Ningning sa kaniya, hindi niya lang napapansin dahil hindi niya gustong pansinin, masyado niyang minamaliit sarili niya at masyado raw mataas si Ningning para sa kaniya.

 

Hay, typical Giselle.

 

"Paanong saya?" Hindi ko alam kung seryoso ba siya o dinodogshow na naman ako dahil tumatawa siya nung inangat niya ulit ang ulo niya at tinignan ako.

 

Umirap nalang ako at pinakita sa kaniya yung choco butternut munchkin na ginawa ko, "Kita mo 'to? Hindi mo makakain 'to isang sabi mo pa ng ganyan."

 

She chuckled nervously sabay nagpakita ng peace sign, biglang umamo ang mukha niya. "Eto namang si bestfriend, hindi mabiro! Magtatawanan tayo, kasi ganon ang bonding!"

 

"Ewan ko sa'yo, buang ka talaga." Sabi ko naman at pinagpatuloy na ang ginagawa ko, "Gusto mo ba gumala tayo mamaya pagkagaling ko sa school? Dalawa lang naman class ko, eh. Hanggang hapon lang."

 

She tilted her head, mukhang napaisip naman siya. "Sige, saan ba pupunta?"

 

I shrugged my shoulders, "Magtitingin tingin lang ako sa mga coffee shop or bake shops, kukuha lang ako inspiration or ideas para sa next kong ibe-bake, tsaka gusto ko rin lumapang ng masasarap na pastry ngayon."

 

"Libre mo ba?" She asked again, wiggling her eyebrows, tignan mo 'to, kung hindi ba talaga makapal ang mukha.

 

"Depende, kung kakausapin mo si Ningning, bilhin ko pa lahat ng gusto mo." Natatawang hamon ko sa kaniya, mukha naman siyang namutla dahil sa sinabi ko. Natakot pa ata. Parang ewan talaga.

 

"M— may pera pa pala ako." Kinakabahan na sabi niya at sinundan pa ng awkward na pagtawa. Napapailing nalang ako dahil takot na takot talaga siya sa thought na magkakalapit sila ni Ningning, hindi naman nangangagat yung tao, hindi rin naman masungit, hindi naman nakakatakot. Pero siguro hindi ko maiintindihan dahil hindi naman ako yung may crush. Si Karina rin naman hindi nakakatakot pero dahil ganon ang dating niya sa akin, nakakaintimidate siya most of the time. Idagdag mo pa na mukhang mabigat talaga ang loob niya sa akin kaya lagi niya akong sinusungitan.

 

"Sige ako ilibre mo, may pera ka pala eh." Natatawang patutsada ko naman, napabusangot siya agad.

 

"Hindi, wala. Para sa akin nalang yun!" Giit naman niya, I chuckled because of her reaction at nilagay ko na sa ref yung ginawa ko, mamaya ko ulit ilalabas.

 

"Kung ayaw mo, ako nalang bibili." Sabi ko naman, gusto ko bigla ng nova eh naubos na yung chips dito dahil nilapang ni Yujin nung bumisita siya rito kay Wonyoung.

 

"Anong bibilhin mo?" Agad niyang pag-usisa sa akin nung makitang kinuha ko ang wallet ko sa taas ng ref.

 

"Nova, ikaw ba? Anong gusto mo?" Tanong ko, alam ko namang wala talaga siyang lakas ng loob na bumili sa tindahan nila Ningning kaya naman hindi na ako nagbalak na utusan siya.

 

"Piattos," A chuckle escaped her lips, mukhang sumasaya dahil sa ibibili ko siya ng pagkain. "Thank you, the best ka talaga."

 

"Mama mo." Pambabara ko naman sa kaniya bago lumabas mula sa kusina, "Sinasabi mo lang yan kapag binibigyan kita ng pagkain."

 

"Doon ka lang naman the best." Parang ewan na saad naman niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at inambahan ng suntok. Napatawa naman siya nang mapagtanto ang sinabi niya.

 

"Joke lang yun, mah labs." Panggagago niya ulit, hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na ako ng bahay, dire diretsong tumawid papunta sa tindahan nila Ningning sa tapat ng bahay namin.

 

"Pagbilan po." Sabi ko naman habang sinisilip kung may tao ba, malaki yung tindahan nila, marami ring tinda kaya naman kapag may kailangan ka eh dito ka talaga makakahanap ng pangangailangan mo. Ultimo school supplies, meron eh. Pati mga gamit na kailangan sa bahay, meron din sila. Hindi lang puro pagkain. Literal na sari sari store. Pwede na nga maging SM, eh. Business 'to ng magulang niya pero iba rin yung nagbabantay, parang bakery lang namin. Alam ko, tumatao si Ningning dito kapag wala siyang pasok.

 

"Ano yun?" Speaking of, narinig ko na ang boses niya. Nagtama ang mata naming dalawa kaya naman nginitian ko siya na agad naman niyang ginantihan.

 

"Ikaw pala, Winter." Pagbati niya sa akin, hindi naman kami strangers ni Ningning — well, hindi kami yung tipo na magkasama sa campus, yung tipong kapag breaktime eh kami yung magkikita para kumain o ano pa man dahil may sarili siyang group of friends at ako rin. Pero okay naman kami, kapag nagkakausap kami hindi naman kami awkward sa isa't isa. Cool lang, mabait naman kasi siya, kaya may mga times na hindi ko maintindihan si Giselle at natatakot siya rito kay Ningning.

 

"The one and only," I grinned, taas baba pa ang kilay ko, napaismid naman siya. "Pabili ng isang nova, at piattos."

 

"Anong kulay ng piattos?" Tanong naman niya at tinuro yung isang hilera ng piattos sa likod niya, syempre yung pinakacommon na tinitinda sa mga sari sari store, may green, blue, red.

 

"Ano bang gusto ni Giselle?" I whispered to myself as I tilted my head, iniisip ko kung ano ang gusto niya ngunit nagdesisyon nalang ako na kulay green dahil naalala ko na lahat naman kinakain non. "Ah, yung sour cream nalang."

 

"Nandyan yung kaibigan mo sa bahay niyo?" Imbis na kunin yung kulay green na piattos, iyon ang tinanong niya sa akin kaya naman napakurap ako. Ano raw?

 

"Si Giselle ba?" Kahit obvious naman, gusto ko pa rin makasigurado dahil napaka random naman niya — bakit niya tinatanong kung nandito si Giselle?

 

She confirmed my guess when she nodded her head, napaawang naman ang bibig ko at dahan dahang napatango.

 

"Oo, lagi naman syang nandyan." Kumakamot ang tenga na usal ko sabay pakawala ng mahinang tawa, I'm telling the truth, dahil totoo naman. For sure nakikita niya rin yun dahil sa tuwing nagdidilig siya ng halaman o 'di kaya nama'y nagbabantay sa tindahan nila eh nasasaktuhan na nakatambay kami ni Giselle sa may bakuran namin.

 

"Oh. I could tell." Ngumiti naman siya sa akin, nagulat ako nung kumuha siya ng isang cheese, at isang sour cream na piattos. Akala ko namali siya ng rinig at inakala niyang dalawang piattos ang binili ko ngunit naglagay rin siya ng nova sa plastic. I blinked in confusion, staring blankly at the plastic she's offering me.

 

"Bakit tatlo?" Nagtatakang tanong ko naman, pursing my lips. "Isang nova at isang piattos lang—"

 

"Libre ko na yan." A soft smile made its way to her lips. "Pakibigay kay Giselle."

 

Nang maintindihan ko kung ano ang gusto niyang iparating, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagikhik, masyado na ba akong shipper nito? Tangina, ako na kinikilig para sa kaibigan ko mga pre.

 

Naiimagine ko na yung mukha niya kapag nalaman niyang binigyan siya ng long time crush niya ng piattos, ing piattos. Baka itabi pa niya pagkatapos niyang kainin yung laman.

 

"Thank you, Ning." Nakangiting sabi ko naman, gusto ko sanang itanong kung crush ba niya si Giselle kahit na halata naman — pero ayoko siyang maawkward-an kaya next time nalang ako magiging chismosa, charot.

 

"You're welcome!" Kinuha na niya yung binayad ko para ron sa nova at piattos, hindi na nga niya ako siningil don sa dinagdag niyang cheese flavor. Nangingiting lumakad ako pabalik sa bahay namin, ineexpect ko naman si Giselle na nakaupo ulit sa couch habang nanonood pero nagulat ako nung makita kong katabi na niya si Wonyoung.

 

"Oh, Wony!" Sabi ko naman, lumawak ang pagkakangiti niya nang masilayan ako.

 

"Ate!" Tumayo siya at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap, niyakap ko naman siya pabalik habang tinatapik tapik ang likod niya, ang isang kamay ko naman ay hawak pa rin yung plastic.

 

"Bakit maaga ka ata?" Tanong ko naman sa kaniya, ang alam ko may photoshoot siya ngayon para ron sa brand na ineendorse niya. Freelance model kasi 'tong kapatid ko, wala namang nagmamanage sa kaniya na company o ano pa man, talagang maganda lang siya at sikat din lalo na sa social media kaya naman may mga kumukuha sa kaniyang brands. Graduating na siya sa senior high school, STEM student. Okay naman siya sa pag-aaral niya, above average nga kung tutuusin — nakakasabay siya at top student din kahit na may times na absent siya dahil sa schedule niya. Magaling din siya sa math, ang pinagkaiba lang naming dalawa, magaling pa rin siya hanggang ngayon. Hay.

 

"Maaga kaming natapos, ate." Nakangiting sabi naman niya pagkakalas sa yakap niya sa akin, nakita kong bumaling ang atensyon niya sa plastic na hawak ko at pansin ko rin ang pagkislap ng mga mata niya. "Wow, piattos!"

 

"Oh, Win, bakit tatlo binili mo? Nakita mo ba si Wony na umuwi rito?" Tanong naman ni Giselle, nakatutok pa rin sa TV. Siguro eh nakita niya kanina na tatlo ang laman ng plastic na dala ko.

 

"Hindi." Sagot ko naman agad, panandaliang nawala sa isip ko na nilibre nga pala siya ni Ningning nung makita ko ang kapatid ko. "Pasobra 'to, bigay ni Ningning sa'yo."

 

Gaya ng inaasahan kong reaksyon, pagkabigla ang gumuhit sa buong mukha niya at akala ko pa nga mababali ang leeg niya sa bilis ng pagkakalingon niya sa akin nung banggitin ko ang pangalan ng crush niya.

 

"Ano?!" Para siyang timang ngayon sa itsura niya, nanlalaki ang mata niya, bahagya siyang nakanganga marahil sa gulat, nakahawak din siya sa bandang dibdib niya.

 

Napatawa naman kami ni Wonyoung dahil sa reaksyon niya.

 

"Mukha kang gago," Walang habas na sabi ko naman at inirapan siya. "Oo, bigay ni Ningning yung isa."

 

"Huy, seryoso nga?!" Tanong pa ulit niya, sinusuri ang ekspresyon ng mukha ko, hindi pa ata naniniwala sa sinabi ko. Well, can't blame her, madalas kasi ay ginagago ko siya, lumala trust issues ni shunga.

 

"Oo nga." Seryosong sabi ko naman at tinignan siya diretso sa mga mata niya, "Hindi kita papaasahin kung hindi totoo 'to, alam mong hindi ako ganon."

 

Tumatango tango naman siya, mukhang naniwala na sa akin, mabuti naman, dahil baka ipukpok ko na 'to sa ulo niya kapag pinagdudahan pa niya ako.

 

"Pero dahil nandito si Wony, tig isa na kayo dahil dalawa na sa'yo." Madiin na sabi ko naman, parang sinasabi ko na isang kontra niya lang eh sisipain ko siya palabas ng bahay.

 

"Alin dyan yung bigay ni Ningning?!" Tumayo pa siya at lumapit sa amin, kinuha niya yung plastic na hawak ko.

 

Hindi makapaniwalang tinignan ko naman siya, "Seryoso ka ba? Lahat naman yan galing sa tindahan nila, huwag kang mag-alala."

 

Nakakuha na naman ako ng tawa mula kay Wonyoung sa tabi ko. Mukha kasing ewan 'tong si Gigi.

 

She ran her fingers through her hair, magkasalubong na ang kilay niya. "That's not what I meant! Ano kako yung dinagdag niya?"

 

"Ah, yung sour cream kasi ang binibili ko, dinagdag niya yang cheese flavor tapos libre na raw niya." Sabi ko naman sa kaniya, mabilis pa kay Flash na kinuha niya yung kulay blue, yung cheese ang flavor, at ngiting ngiti na niyakap ito. Kung ako ang tatanungin, mukha talaga siyang engot sa paningin ko lalo na ngayong mga ora

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
338 streak #1
Chapter 8: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
bpandap #2
Chapter 8: miss na kita baby di ko na kaya
1234_qwerty
#3
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#4
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#5
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #6
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#7
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
529 streak #8
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
529 streak #9
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #10
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕