Chapter 1

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

 

Chapter 1.

 

"I hate numbers!" Naiiritang saad ko habang padabog na binaba ang ballpen ko at mariing napapikit, naramdaman ko rin ang malambot na kutson sa likuran ko dahil sumandal ako saglit sa sandalan ng couch na inuupuan ko.

 

"You used to love math, Win!" Natatawang singit naman ni Minju na para bang hindi nakita ang pagmamaktol ko kani kanina lang. Sinamaan ko naman siya ng tingin, napatikom siya ng bibig at natatawang hinimas nalang ni Chaewon — girlfriend niya, at cousin ko, ang balikat niya para i-comfort siya.

 

"Wag mo kasing pagtawanan, nasstress na nga si Winter." Natatawang sambit naman nito ngunit duda ako sa pagmumukha niya na wala siyang sunod na sasabihin, hindi magtatapos don ang litanya niya dahil ako ang usapan, at si Chaewon Tamayo siya.

 

"Hindi naman niya ginusto na bumalik sa kinder yung level ng capability niya sa math." Ngumuso pa siya sa harapan ko, para bigyan ako ng simpatya — na alam ko namang purong pang-aasar lang, kaya naman kinuha ko ang pinakamalapit na unan sa tabi ko at binato sa mukha niya. Dahil kampi sa akin ang tadhana ngayong mga oras na 'to, sumapol naman sa mukha niya at bumagsak din kay Minju ang unan na nasa tabi niya. Napahalakhak naman ako nung makita ang reaksyon ng mukha niya.

 

"Serves you right, Chaebanig." Pang-iinis ko sa kaniya as I rolled my eyes, nakita ko namang sinamaan nya rin ako ng tingin pabalik at narinig ko ang pagbunghalit ni Minju kakatawa nang marinig ang tinawag ko sa girlfriend niya.

 

"Hoy, bakit ka tumatawa!" Iritableng pagrereklamo naman ni Chaewon at inalis ang pagkakaakbay niya kay Minju sabay busangot, "Hindi na tayo bati, akala ko magkakampi tayo, baby!"

 

Nakita ko namang sinuyo agad ni Minju ang pabebe kong pinsan at pinaliguan ang mukha nito ng halik, pinugpog pa nga ng halik, sana all nalang. Nagkunwari nalang akong nasusuka dahil sa nakikita ko, ano 'to, libreng Kdrama, cringey version?

 

"Natawa lang ako sa banig." Natatawang sabi ni Minju, mukhang aliw na aliw siya habang naka side hug kay Chaewon na hindi na maipinta ang mukha ngayon. "Bakit ba kasi palagi kang tumatae nung bata ka, to the point na sa banig ka na pinahiga!"

 

"Sige, isigaw mo pa." Sarcastic na sabi naman ni Chaewon, napatawa ako nung mapansing namumula ang tenga nito, mukhang nahiya rin nung maalala ang nakakahiyang nangyari sa kaniya noon nung bata kami.

 

Dumating kasi sa punto na pinahiga na siya ni tita sa banig dahil nga lagi niyang nalalagyan ng tae yung higaan nung bata siya, alam na alam ko iyon dahil sa bahay nila kami minsan nakikitulog kapag walang tao sa bahay namin at walang mag aalaga sa amin, syempre bata pa ako, kailangan may kasama ako pati na rin yung bunso kong kapatid, kaya naman sa kanila ako nakikitambay hanggang sa pagtulog eh magkasama kami. Magigising nalang ako ang baho na ng buong kwarto dahil nanaginip pala siya na may inidoro at tumae siya ron, kaya ang ending, nagdusa kaming lahat sa bahay.

 

Nung una, napapalagpas pa dahil bata pa naman siya at hindi maiiwasan na may ganong mangyari. Pero nung palagi na ganon, dumating na sa point na sa banig na sya pinahiga at may mga tissue, plastic at alcohol na sa paligid niya. Natatawa ako na naawa sa kaniya non pero naovercome naman niya at naging maayos din ang pagtulog niya, sineswerte pa nga sya dahil sa bahay lang siya nagaganon, at hindi sa school.

 

Kaya ayon, kami kami lang nakakaalam na ganon siya. Nalaman lang ni Minju nung nag-aasaran kami ni Chaewon at hindi naman namin alam na naririnig pala kami ng girlfriend niya, kaya naman simula non, lagi na ring natatawa si Minju sa nickname ko kay Chaewon na ikinapupula palagi ng mukha niya.

 

Mabait naman si Minju, hindi siya nauuna mang-asar, at mabilis din siya kung suyuin ang pinsan ko once na magtampo ito, kaya naman swerte pa siya. Dahil kung malaman kong ganon jowa ko, hindi pwedeng hindi ko mababanggit ang kahihiyan na yon kahit isang beses sa isang araw, charot.

 

"Joke lang! Kiss na kita," Pagbe-baby naman ni Minju sa kaniya at nilapit ang mukha niya sa pinsan ko para dampian ng halik ang pisngi nito, nakita ko namang nagpipigil ng ngiti si Chaewon, haliparot talaga. "Bati na tayo, ha?"

 

"Sige na nga." Nakangusong sabi naman ni Chaewon at niyakap na pabalik si Minju, sino bang niloko niya? Hindi naman niya kayang magalit sa jowa niya, kahit ilang minuto lang, hindi niya talaga natitiis. Ganyan kabait at understanding ba naman jowa niya, siya pa ba magsisimula ng away? Duh.

 

"Alam niyo naman na nandito ako, diba?" Nakakunot ang noo na tanong ko, napalingon naman sila sa akin. Nakita ko ang pagngisi ni Chaewon nung mapagtantong nasaksihan ko lahat ang kaharutan nila, although sanay na ako, nauumay na nga ako — nagrereklamo pa rin ako palagi sa tuwing ganyan sila sa harap ko. "Bakit kayo naglalandian sa harap ko? Respeto naman, hello!"

 

"Hindi ka namin nakita, sorry." As usual, si Chaewon ang nagsabi non, sino pa ba? "Liit mo kasi."

 

"Ulol." Hindi pa sapat ang malutong at makasalanang pagmumura ko, pinakitaan ko pa siya ng middle finger ko kaya naman nanlaki ang mata ni Minju, habang tawang tawa naman si Chaewon dahil nabwisit na naman niya ako. Sideline job niya yun, eh.

 

"Ano ba kasi yang ginagawa mo ulit? Bakit may math?" Nginuso niya yung notebook, textbook, mga ballpens at scratch papers sa harapan ko, kanina pa ako nagsasagot dito ng math na hindi ko naman talaga required gawin pero ewan ko ba!

 

"Sa kapatid ni Yeji." Kumakamot ang tenga na sabi ko sabay pakawala ng isang malalim na buntong hininga, "Hindi niya raw kasi alam, kaya sa akin pinasagutan. Dahil nanalo naman daw ako sa math quiz bee nung elementary!"

 

"Pakisabi nga ulit sa akin Minju kung bakit niya tinanggap?" Tanong ni Chaewon bago ibalik ang pagkakaakbay niya sa jowa niya, ngumiti pa siya sa akin na parang inosente habang hinihintay ang sagot ng jowa niya.

 

"Uh. . . kasi crush niya si Yeji nung highschool? Lalo na nung nanalo sa dance competition yung group nila at tulo laway si Winter nung makita niya kung gaano ito kaangas sumayaw? Tapos nung binigyan siya nito ng fortune cookie nung foundation day at nakita niya na ang nakalagay ron eh mapapansin na siya ng crush niya. At naniniwala siyang tama yung binigay ni Yeji dahil napansin nga siya ng crush niya which is si Yeji rin." Mahabang litanya ni Minju na para bang confident pa siya at kabisadong kabisado niya talaga ang dapat niyang sagutin sa tanong ng walanghiya niyang jowa bago sumandal sa balikat ni Chaewon na tawang tawa na naman dahil nasapul na naman nila ako.

 

Kailan ba nila ako titigilan?

 

"Pwede ba, ilang beses ko bang sasabihin—" Huminga ako nang malalim, handang ipagtanggol ang sarili ko sa pang-aalipusta nilang dalawa. "Hindi ko na siya crush, ginagawa ko 'to ngayon dahil crush siya ni Ryujin at kailangan ko siyang tulungan mapalapit sa crush niya!"

 

"Reasons, reasons, reasons!" Nang-iinis na turan na naman ni Chaewon, at ngayong mga oras na 'to, gusto ko talagang gawing punching bag yung mukha niya dahil namumuro na siya sa akin. Idagdag pa ang nakakainis na pagkakangiti nito.

 

Hmp.

 

"Tigilan niyo na nga ako." I glared at them while crossing my arms, "Wala na talaga akong nararamdaman na kahit ano kay Yeji, gusto ko lang talagang maging mabait dahil kaibigan ko siya, at gusto siya ng pinsan natin, Chaewon."

 

"Oo nga naman, wag mo kasing bigyan ng malisya, baby!" Pagtatanggol naman sa akin ni Minju, tumatango tango naman ako dahil mabuti nalang nandyan siya kundi kanina ko pa sinakal yung girlfriend niya. "Tsaka, wag na rin natin i-push, baka naman si RJ ang masaktan."

 

"Sure, sure." Tinaas ni Chaewon ang dalawang kamay niya na parang pinapahiwatig na sumusuko na siya sa diskusyon, "Okay, hindi ko na ipipilit ang Yeji agenda na yan. Pero matanong ko nga, bakit ayaw mo na sa math? Dati nakikipagbuno ka pa para lang ikaw ang gawing representative ng section niyo tuwing may quiz bee."

 

"Kaya nga." Naka-agree naman agad si Minju, palibhasa schoolmate rin namin nung elementary at highschool. Inshort, nakita namin ang pagtanda ng isa't isa. "Lagi ko nakikita ang pangalan mo sa tuwing may kinalaman sa mathematics, tapos usap usapan ka rin dahil lagi kang perfect sa math pag may exam. Nacheck-an ko nga rin one time yung seatwork mo dati, isa lang mali mo, yung bonus question pa." Natawa naman si Chaewon sa huling sinabi ni Minju, napapailing naman ako habang nangingiti, wala naman silang sinabing kasinungalingan, lahat naman yun tama. Mahilig ka naman talaga sa math noon.

 

To the point na pwede ko na palitan yung math teacher ko sa pagsagot sa board at pagdidiscuss ng lecture dahil sobrang bida bida ako at parang alam ko na ang lahat tungkol sa subject na yun.

 

"Pagod na ako sa mga numero." Mahinang sambit ko nalang bago minasahe ang sentido ko, wala naman talaga akong malinaw na paliwanag bakit nawalan ako ng amor sa math, basta bigla nalang sumakit ulo ko one day sa mga numero. Sa ngayon, hindi ko na masyadong naeenjoy ang math hindi kagaya noon. Gumagawa nalang ako kapag talaga kailangan at syempre, ayokong bumagsak. "Nawalan nalang ako ng interest bigla."

 

"Pwede pala yun." Inosenteng sabi naman ni Minju, tumatango tango pa. "Sabagay, naranasan ko na rin yan."

 

Napakunot naman ang noo naming dalawa ni Chaewon, ngunit tahimik lang ako habang si Chaewon eh agad siyang tinanong. "Huh? Ano yun, baby?"

 

"Dati gusto kong maging artista. . ." Tumingala pa si Minju para magkaharap ang mukha nila ni Chaewon dahil nakasandal siya sa balikat ng pinsan ko, "Ngayon gusto ko nalang maging sa'yo."

Maduwal duwal naman ako sa mga sunod kong nakita dahil sa sobrang kilig ata ni Chaewon sa jowa niya eh agad niya itong hinalikan sa labi — right infront of my salad, nagtukaan talaga sila! Hayop na yan, lagi nalang ata akong third wheel. Eto na ba ang sumpa?

 

"I'm out!" Nandidiring sabi ko bago tumayo at dali daling pumasok sa kwarto ko, bitbit ang mga sinasagutan kong math homework at hinayaan nalang sila na maghalikan sa sala namin. Jusko.

 

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko at narinig ko nalang na nanonood na ng movie yung dalawang magjowa na iniwan ko sa sala, hinayaan ko nalang sila dahil bebe time naman nila yun, mas peaceful din ako rito dahil mag isa lang ako at nakakapagsagot ako ng maayos.

 

Kaya nga lang, ang problema, nadidistract ako ngayon dahil nagnotif sa akin na nagpost sa instagram yung crush ko, well, not totally crush pero nacucute-an lang ako sa kaniya. Siguro yun lang ang tamang description sa nararamdaman ko ngayon dahil iyon lang naman talaga? Sa pagkakaalam ko, oo. Kaya iyon ang pinaniniwalaan ko. Basta, maganda siya.

 

Followed ko siya sa social media accounts niya pero sa twitter niya lang ako finollowback, at wala pang mukha ko iyong twitter account na yun walang bahid ng Winter Tamayo sa bawat sulok ng account, baka nga hindi niya alam na ako yun kaya finollowback niya ako — dahil for some reason, medyo mainit ang dugo niya sa akin.

 

Hindi ko alam syempre, dahil kung alam ko, baka inayos ko yung ayaw niya sa akin dahil ayoko naman na may taong galit sa akin, kahit sino pa yun, nabobother ako sa fact na may kinagagalit sila sa akin.

 

Pero hindi rin naman kami close. Well, nagkakausap kami sa school. Kaya ko nga nahalata na mainit ang dugo niya sa akin. Hindi niya rin ako tinitignan, at kung tatapunan man niya ako ng tingin, minsan — no, madalas masama ang tingin na ipupukol niya sa akin. Ako naman 'tong awkward na tatawa nalang sa kaniya at magmamadali na maglalakad palayo dahil ayokong salubungin ang masamang tingin niya sa akin.

 

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na itanong sa kaniya ano bang nagawa kong mali para umakto siya ng ganon sa akin, gayong ayos at mabait naman siya sa lahat ng tao sa paligid niya. Tanging sa akin lang siya ganon, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil mukhang kakaiba ang pakikitungo niya sa akin at namumukod tangi ako sa lahat, pero malamang, hindi naman ako tanga para ikatuwa yun dahil hindi naman positive ang pagkakaiba ko sa mga tao! Naiiba ako sa lahat dahil sa akin lang siya galit at ako lang ang sinasamaan niya ng tingin. Matanaw palang niya ako sumasama na yung timpla ng mukha niya. Sinong matutuwa ron?!

 

Pero oo, inaamin ko naman — may pagkamasokista nga ata talaga ako dahil kahit na nasasaktan din naman ako sa mga ganong hirit at ginagawa niya, hindi ko pa rin magawang mainis sa kaniya. Iniiwasan ko rin siya minsan, pero hindi dahil galit ako sa kaniya, kundi dahil ayokong mas magalit siya sa akin. Wala naman akong nararamdaman na kahit anong negative sa kaniya, ang tingin ko lang eh cute siya, wait, maganda pala. Magaling sa lahat, matalino, at mabait. Hindi nga lang sa akin, pero ang mahalaga mabait siya.

 

Wala akong sama ng loob sa kaniya dahil ngayon nga eh, nilike ko pa ang recent post niya sa instagram. Ganda kasi, eh. Nakabeanie pa siya habang nakauot ng sweatshirt at may hawak na cheese corndog sa gitna ng kalsada, gabi na, at matatanaw mo sa likod niya ang buwan.

 

Sino naman kayang ka late night stroll ng babaeng 'to?

 

Hindi naman sa curious ako, pero parang ganun na nga.

 

Napakibit balikat nalang ako at isasara na sana ang phone ko para ipag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
331 streak #1
Chapter 8: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
bpandap #2
Chapter 8: miss na kita baby di ko na kaya
1234_qwerty
#3
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#4
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#5
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #6
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#7
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
523 streak #8
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
523 streak #9
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #10
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕