Chapter 4

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

 

NOTE ULIT: Hello, for clarifications, and to avoid misunderstandings in the future, I just write fanfics about winrina, but I don't read winrina socmed aus on twt, or their fanfics on wattpad, aff, ao3 and etc. Ang pinaka una, at huli kong nabasa na hindi ko pa natapos eh yung [araw araw] au, which is maganda rin so y'all should read it! I don't know rin kung bakit hindi ako nagbabasa ng fics nila although fan naman na ako since pre debut but I enjoyed writing them! So, if ever man na pakiramdam niyo may mga scenes, nicknames for jmj and such akong nagaya na [hindi ako aware dahil hindi nga ako nagbabasa] please kindly message me in private, wala akong intensyon na manggaya. Kung ano pa man yun, it's just purely coincidence, mapag-uusapan naman po yun. I'm just writing every ideas that popped into my head. Yun lang po.


PS. May friend ako na naaway dahil sa ganitong issue, wala siyang ginagaya pero inakusahan siya just because of the "same scene" raw. Gusto ko lang linawin sa inyo dahil ayoko ring maaway lalo pa't hindi naman ako nagbabasa ng wr aus/ffs kaya wala akong pagnanakawan ng idea. Gusto ko lang kayong pangunahan HAHAHAHA thanks sa mga nagbabasa btw!

 

 

Chapter 4.

 

"Ate, si Yujin, oh! Tinago sa akin yung munchkin!" Bungad sa akin ni Wonyoung pagkapasok ko ng bahay, ano pa nga bang inaasahan ko? Malamang, magulo, puro asaran, sigawan, sabunutan, at away bata ang bubungad sa akin dahil ang lakas lang naman mangtrip ni Yujin, pikunin naman 'tong kapatid ko.

 

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko naman pagkababa ng bag ko sa couch, dumiretso agad ako sa kusina dahil nauuhaw ako, kailangan ko ng tubig.

 

"Kasi ate, si Ate Chaewon, nagtext sa akin! Tirhan daw namin siya ng munchkin dahil dadaan siya mamaya, nakakailan na rin 'tong si Wony!" Paliwanag naman ni Yujin, tinuro pa si Wonyoung na nakanguso na ngayon.

 

Nilagok ko muna yung tubig na iniinom ko bago magsalita, "Nakakarami ka na pala Wony, bawal masyadong marami."

 

"Eh, ate kasi! Bakit ang sarap?!" Nagpapapadyak pa siya na parang bata habang naka crossed arms, isip bata pa rin talaga siya most of the time, lalo na kapag kasama si Yujin, hilig din kasi siyang asarin nung isa pagkatapos eh bebaby-hin, ewan ko ba sa dynamics nila.

 

"Masarap talaga yan, ako gumawa, eh." Taas noong sabi ko habang tumatawa pa, lumapit na ako sa kanilang dalawa at umupo sa tabi nila. "Huwag ka na mag-inaso riyan, igagawa nalang din kita macarons next time."

 

Mahilig si Wonyoung don kaya naman isa yun sa mga una kong pinag-aralan gawin nung nag uumpisa palang ako.

 

"Yey, ate! Thank you. Namiss ko yan." Ngiting tagumpay naman siya agad at nakalimutan na niya yung sinusumbong niyang munchkin sa akin kanina.

 

"Baby, I'd give up anything to travel inside your mind." Napakanta naman bigla si Yujin bago sumandal, mukhang LSS siya sa kanta ni NIKI na every summertime. Nung isang araw ko pa naririnig na kinakanta niya.

 

"Maganda talaga ang boses mo," Puri ko naman agad sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin at napangiti, "Bakit hindi ka nalang mag Kpop idol?" Natatawang dagdag ko pa.

 

"Kung pwede lang, ate." Natatawang sagot naman niya, "Kaya lang ayaw ng ermats at erpats ko."

 

"Magaling din yan sumayaw, ate!" Segunda naman ni Wonyoung habang nakatutok pa rin sa cellphone niya.

 

"Halata nga, athletic ka rin, eh. Grabe, nasa'yo na ang lahat." I giggled as I said those words. Napatawa rin siya sa sinabi ko.

 

"Hindi naman ate, average lang ako sa lahat." Bumuntong hininga naman siya, "Gusto ko lang maging enough para kay—"

 

Tumaas naman ang kilay ko, dahil medyo mahina na ang boses niya sa bandang huli na sinasabi niya, pero narinig ko pa rin. Klarong klaro.

 

"Ano yun, bata?" Taas ang kilay na tanong ko sa kaniya, namula naman ang mukha at tenga niya nang mapagtanto na narinig ko ang sinambit niya.

 

"W—wala, ate." She cleared , napaiwas pa ng tingin si gago, mukhang nahiya pa. Eh alam na alam ko naman ang pinapahiwatig niya kanina. Mabuti nalang at hindi narinig nitong kapatid ko dahil busy siya sa ginagawa niya sa phone niya.

 

Hindi ko nalang inusisa pa, dahil baka ayaw rin naman niyang sabihin. Malamang ayaw niyang sabihin, hindi madali ang sitwasyon niya lalo pa't magkababata sila ni Wonyoung.

 

"Nasaan nga pala si Gigi? Sabi niya hindi raw siya aalis dito, eh." Kumakamot ang ulo na tanong ko naman dahil narealize ko na kanina pa ako nakaupo rito at aalis nga pala kami ni Giselle kaya ako umuwi agad.

 

"Actually, kakaalis lang niya kanina bago ka dumating ate, sabi niya may kukunin lang daw siya sa bahay nila pero babalik din daw siya agad." Tugon naman ni Wonyoung sa akin. Infairness, nasa amin pa rin ang atensyon niya kahit na mukhang busy siya sa ginagawa niya, ah.

 

"Ah, okay. Hintayin ko nalang." Sumandal nalang ako habang nakatingin sa kisame, tahimik din yung dalawang bata sa tabi ko. Hindi naman nakabukas yung TV kaya wala ring kahit ano na maingay.

 

"Kamusta pala studies?" Dahil nga nakakabingi ang katahimikan, nagsalita nalang ulit ako. Wala rin naman akong ginagawa, hindi rin nagreply sa akin si Karina kanina.

 

Namula ang tenga ko at nag-init bigla ang batok ko nung maalala ko ang nangyari kanina, for sure usap usapan ako ngayon sa club nila dahil ang daming nakakita ng unfair treatment ko, pwe. Paano kasi may pa-box pa kay Karina tapos ilang piraso rin yun, samantalang isa hanggang dalawa lang nakuha nung mga tao ron. Hayaan na, bahala na sila sa iisipin nila. Wala naman talagang malisya yun. Basta, gusto ko lang magbigay.

 

"Okay naman, ate. Graduating na rin kaya maraming pinapagawa, tapos okay naman yung basketball na sports ko, may training lang palagi kasi malapit na yung laban namin sa kabilang school pero nakakaya ko naman pagsabayin, takot ko nalang kay coach na huwag ako paglaruin kapag bumagsak ako." Natatawang sagot ni Yujin sa akin.

 

"Naglalaro ka rin ng badminton tsaka volleyball, diba?" Tanong ko naman sa kaniya, athletic kasi siya tapos competitive pa. Tandang tanda ko talaga siya pagdating sa mga sports dahil halos lahat sinubukan niya. Track and field siya dati nung junior high sila.

 

"Opo, ate. Pero sa basketball ako focus ngayon, eh. Hindi ko kasi pwedeng pagsabayin yung training, lalo pa't paguran talaga ngayon." Pagpapaliwanag naman niya kaya napapatango nalang ako.

 

"Basta pag kailangan mo ng tulong sa math," Huminto pa ako, at nginuso si Wonyoung na nagcecellphone pa rin hanggang ngayon. "Ayan kapatid ko, magaling."

 

Akala niyo ako 'no, asa.

 

"Ate, grade 12 na ako kaya wala na kami masyado math. Actually wala na talaga." Natatawang sabi ni Yujin sa akin kaya naman nanlaki ang mata ko, tsaka ko lang naalala na HUMSS student nga pala siya.

 

"Ay oo nga pala. . ." Napalabi naman ako, ABM kasi ako nung senior high dahil nga business ang kinuha ko ngayon. Meron naman na akong experience sa pagbebake kaya gusto ko rin magfocus sa business. Pero nagkuha rin ako ng baking and pastry para mas lumawak pa ang kaalaman ko.

 

"Dinadamay mo pa ako, ate." Sabi naman ni Wonyoung, hindi naman late yung reaction niya 'no? Insert sarcasm. "Tsaka matalino yan si Yuj."

 

"Hindi ah." Kumakamot ang ulo na pagtanggi naman ni Yujin sa tinuran ng kapatid ko, "Average lang ako. Nagpapasalamat nalang ako na 'di ako bagsak dahil nga sa training ko, tapos minsan ineexcuse pa ako pag may meeting kami."

 

"Okay lang yan, ang mahalaga nakakapasa at may natututunan ka. Tsaka masaya ka sa ginagawa mo." Nakangiting sambit ko naman, nakakatuwa lang kasi ang productive niya rin. Napagsasabay sabay niya yung sports niya sa academics at hindi madali yun, ha. Lalo na't puspusan ang training nila, imagine sobrang pagod ka dahil gabi na kayo makakauwi madalas kapag may training kayo tapos gigising ka ulit maaga para sa school.

 

"Win, saan ka?!" Hindi ko na narinig yung sinagot ni Yujin dahil napatayo ako at napatingin kay Giselle na humahangos ngayon sa harapan namin, nagmamadali siyang pumasok sa pinto at grabe pa makatawag sa akin kaya naman nagsalubong ang kilay ko.

 

"Hoy, bakit para kang hinabol ng kabayo sa itsura mo?" Narinig ko naman ang pagtawa nila Yujin at Wonyoung sa komento ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Giselle habang hinahabol ang hininga niya, nakapatong ang dalawang palad niya sa tuhod niya habang hinihingal siya. Saan ba nakipaghabulan 'tong bruhang 'to?

 

"T—teka, ang hirap magsalita, wooh!" Huminga siya nang malalim habang hinihingal pa rin, umayos na siya ng tayo at pinunasan ang pawis sa noo niya gamit ang palad niya.

 

"Ano yun?" Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya, paano naman kasi iba rin ang pagkakangiti niya. Anong nahithit nito? "May nangyari ba?"

 

"Oo!" Nakita ko kung paano siya lununok bago magsalita, mukhang excited sa kung ano man ang sasabihin niya. "Ililibre kita sa kung saan man tayo pupunta! Tara na!"

 

I suppressed a giggle, but smiled. "Seryoso ka ba? Anong nasinghot mo?"

 

"Gago, bilis na! Good mood ako." Mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil inobserbahan ko ang buong itsura niya at hindi naman siya mukhang nangtitrip lang. Ang aliwalas talaga ng mukha niya at nagha-hum pa siya, kahit sila Wonyoung ay nagtataka sa inaakto niya.

 

Kaya naman ginawa ko ang ginagawa ng mga normal na tao. Nanghula, at nagtanong.

 

"Hulaan ko, nakausap mo si Ningning 'no?" I wasn't sure naman sa sinabi ko, just a wild guess. Hindi ko nga pinagkakatiwalaan si Giselle pagdating sa ganyan dahil concern niya nga yung paggay panic niya sa harap ni Ningning at ayun, hindi na siya nagfunction nang maayos.

 

She grinned, nodding enthusiastically. Ang lawak na ng ngiti niya ngayon. "I also got her number!"

 

Oh , I'm so proud.

 

"So, paano nga?" Tanong ko naman habang papasok kami sa isang coffee shop na nakita namin nung nakaraan, nagtanong kami kung maayos ba at well recommended naman nung iba kong kaibigan na nakapunta na, hindi naman siya sobrang malayo pero hindi rin walking distance. Medyo malapit sa hospital at sa isang kilala na university kaya naman marami ring tao. Pero nasaktuhan namin na hindi sobrang crowded nung lugar ngayon at may mga natanaw rin ako na bakanteng upuan habang papalapit kami kanina.

 

Hindi na niya kasi kinwento yung buong details at sinabi niya na sa coffee shop nalang daw namin pag-usapan pero grabe pa rin siya makangiti kaya naman nahahawa nalang ako.

 

"Mamaya, umorder muna tayo! Excited ka naman." Natatawang sabi niya kaya naman napatawa rin ako. Excited naman talaga ako, duh. Ang tagal ko kayang hinintay na magkalapit silang dalawa. Kung alam niya lang.

 

"I want the vanilla honey toast with ice-cream, plus an iced mocha." Natatawang sabi ko naman sa kaniya bago siya itulak sa counter, "Ikaw na bumili, libre mo naman."

 

"Hay," Napatampal naman siya sa noo niya bago mapabuntong hininga. "Mali mali talaga yung mga desisyon ko sa buhay."

 

"Yeah, buti alam mo!" Natatawang pang-aasar ko pa sa kaniya, "Thanks my dear bestfriend."

 

Iniwan ko na siya ron at naghanap na ako ng upuan, hindi naman sobrang punuan, pero marami ring tao. May kanya kanyang ginagawa sa buhay nila, may mga naglalaptop, mukhang nag-aaral. Meron namang mga nagde-date, or ako lang nagbibigay ng malisya, basta ayon. Meron namang mga solo flight at mukhang ineenjoy lang yung kinakain nila. Meron naman nakikinig habang nagbabasa at umiinom ng kape. Iba't ibang trip sa buhay. At ako, nandito para makichismis sa lovelife ng bestfriend ko at kumain ng libre.

 

Charot, gaya nga ng sabi ko, gusto ko lang din mag explore ng iba't ibang pastry na maita-try ko rin sa bahay, gusto ko lang magkaroon ng bagong gagawin. Tsaka mag imbento na rin ng sarili kong dessert.

 

Habang hinihintay ko si Giselle, tumingin muna ako may labas ng bintana ng shop. Ang daming tao. Sobrang busy ng kalsada. Most of them were university students, some rushing to class with coffees in their hands, others strolling leisurely by, chatting with friends or staring down at their phones. May mga nakita pa akong nakaputi, I'm assuming na nurse yun or doctor sa hospital na malapit dito. Or baka med student, I don't know.

 

"Hoy." Napalingon naman ako kay Giselle nung umupo siya sa harapan ko, meron na siyang dala dalang tray, nandoon yung inorder ko pati na rin yung kanya. Hmm, hazelnut latte and carrot cake ang inorder niya.

 

"Hoy ka rin." Natatawang sabi ko bago kinuha yung inorder ko sa tray, nagpasalamat naman ako sa kaniya, una sa lahat dahil sa pag order niya. Pangalawa, dahil libre niya 'to. At wala, wala akong ginawa talaga. Tumunganga lang ako.

 

"So, ano na nga?" Tanong ko ulit, kating kati na ako marinig y

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
347 streak #1
Chapter 8: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
bpandap #2
Chapter 8: miss na kita baby di ko na kaya
1234_qwerty
#3
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#4
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#5
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #6
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#7
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
539 streak #8
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
539 streak #9
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #10
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕