Chapter 7

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

 

 Chapter 7.

 

"What's your name?" Tanong niya, sinisipat ang mukha ko, napalunok naman ako nang magtama ang mata naming dalawa lalo na nung mapagtanto ko kung paano niya ako pinasadahan ng tingin.

 

"W—winter Tamayo," Napalunok pa ako, pangalan ko lang naman ang sinabi ko pero parang hirap ako, bakit kasi ganyan siya makatitig sa akin? "Bakit?"

 

"Sumasayaw ka?" Imbis na sagutin ako, iyon ang tinanong niya. Pumunta lang naman ako rito sa office ng mga student council dahil merong pinapabigay ang teacher ko sa president, bumungad naman agad sa akin 'tong si Karina. . .

 

"Paano mo nalaman?" Tiyak kong mababanaag ang pagtataka sa mukha ko, nakita ko namang napakibit balikat siya, may kaunting ngiti na sa labi niya.

 

"I saw your performance," She stated, her eyes not leaving my face. Alam kong naririnig kami ngayon ng mga kasamahan niya sa council pero para siyang walang pake. "You're great."

 

Akala ko, tapos na roon ang pagsasalita niya kaya magpapasalamat na sana ako, ngunit hindi ko naman inaasahan ang sumunod niyang sinabi na nagpaubo sa akin bigla.

 

"I wanna dance with you someday."

 

. . .

 

I shouldn't have gotten involved with Karina in the first place.

 

Yun ang iniisip ko ngayong mga oras na 'to, pero kinakapa ko ang dibdib ko at wala naman akong maramdaman na pagsisisi ngayong mga oras na 'to.

 

Oo, alam ko — at some point, regret washed through me because I made this to myself naman. Ako ang naglapit sa sarili ko, ako 'tong hindi umiwas, ako 'tong kinausap siya kahit na wala naman akong dapat kinalaman sa sitwasyon nila.

 

Pero at the same time, masaya rin ako. Napasaya rin ako nung pag-uusap namin, kahit na wala siyang ideya na ako yun, kahit na hindi niya alam na yung MJ na tinatawag niya, si Winter pala na kinamuhian niya dahil sa taong gusto niya. Iniisip ko, kung malaman niya kaya na ako yung kausap niya sa twitter, ako yung napagsasabihan niya minsan kung wala siyang mapagsabihan, gagaan kaya ang loob niya sa akin? Hahayaan niya na ba akong. . . mahalin siya?

 

I'm so pathetic.

 

Ako lang naman ang gumagawa nito sa sarili ko, okay naman ako noon bago ako tawagan ni Ryujin at nanghihingi ng tulong dahil kay Karina at Yeji — or so I thought.

 

Kasi nandito naman na talaga 'tong feelings na 'to dati pa, eh. Gaya nga ng sabi ni Giselle, mukhang denial lang ako, tinatago ko yung fact na matagal ko na siyang gusto by denying it and pointing out na nagagandahan lang ako sa kaniya. Humahanga lang ako kasi almost perfect na siya. Nothing more, nothing less. Slight crush lang ba talaga? Of course, hindi.

 

I was just stupid.

 

Natatahimik lang ako, kumakalma lang 'tong nararamdaman ko, pero sa tuwing nakikita ko siya, nandoon pa rin talaga, eh. Kaya nung malaman ko na nasaktan siya ng pinsan ko, pakiramdam ko kailangan may gawin ako. Kahit na wala naman talaga, kahit na hindi naman required. Kahit na hindi ko naman responsibilidad.

 

Bakit?

 

Because I care.

 

Kasi I like her.

 

Kahit na gaano pa man ako kasaya sa tuwing kausap ko siya, kahit na alam ko na sa sarili ko at tanggap ko na ngayon na gusto ko talaga siya noon pa — hindi non mababago ang katotohanan na si Ryujin pala ang gusto niya. All this time, pinagseselosan lang pala ako.

 

Walanghiyang 'yan.

 

"Winter." Chaewon called my name softly, napabaling ang tingin ko sa kaniya at nakita ko ang malamlam nitong mata. Agad akong pumunta sa bahay nila matapos kong umiyak kay Giselle kanina. Mabuti nalang at wala na siyang klase kaya nasa bahay na talaga siya dahil wala sa katinuan ako na nagdoorbell kanina sa gate nila. Hindi ko nga alam, basta rito ako dinala ng mga paa ko.

 

Kasi kung paano ako tawagan ni Ryujin sa tuwing malungkot at namomroblema siya, ganoon naman ako kay Chaewon. Kung paano dumepende sa akin si Ryujin sa tuwing ang gulo gulo na lahat sa paligid niya, ganoon din ako kay Chaewon.

 

"Are you okay?" She asked, setting a mug of milk in front of me. I stared at the white liquid, my cheek resting against the table top. Mahilig ako sa gatas, napapakalma ako nito sa tuwing umiinom ako. Mapa umaga, o mapa gabi, kapag meron talagang umiinom ako. Biniro pa nga nila ako na kapag broken daw ako, ibibili nalang daw ako ng gatas at solved na raw ang problema ko.

 

"No, let me change my question. What's the matter? I know you're not okay. You can open up to me once you're already comfortable talking about it." Mahina at kalmado lang ang boses niya pero sapat na para marinig ko, napabuntong hininga naman ako at umayos ng upo.

 

"Chae, ang bigat ng pakiramdam ko." Pag-amin ko naman sa kaniya, nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin ngunit hindi siya umimik. Hinihintay niya ako na magsalita pa.

 

Hindi ko alam kung aware ba siya sa nararamdaman ko para kay Karina kagaya ni Giselle. Kung napapansin ba niya kagaya ng pagkapansin ng kaibigan ko noon pa man. Pero hindi naman siya iba sa akin at komportable akong i-open sa kaniya iyon. Alam na alam niya lahat ng pinagdaanan ko, kasi support system ko rin siya. Gaya ng sabi ko, isa siya sa mga nilalapitan ko if it's already too much for me.

 

"Si Karina. . ." Huminga ako nang malalim, alam kong wala akong karapatan na sabihin kay Chaewon kung ano man ang nararamdaman ni Karina para kay Ryujin. Kaya naman nag-alangan ako at napakagat sa labi ko, "It's happening to me again, Chaewon."

 

Yun nalang ang nasabi ko, iniisip ko kung tama ba na pangunahan ko si Karina gayong wala naman akong karapatan na sabihin sa iba kung sino ang nagugustuhan niya. It's not my position anymore. Pero ewan ko, nilalamon lang ako ng nararamdaman ko ngayon.

 

"Naamin mo na ba sa sarili mo?" Tanong niya kaya naman gulat na napatingin ako sa kaniya, there's something on her expression that I cannot figure out. Diretso lang siyang nakatingin sa akin, hinihintay ang sagot ko.

 

"Huh?" Nagtatakang tanong ko kahit na alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin, pero hindi pa rin nagsisink in sa akin na alam niya rin ang nararamdaman ko para kay Karina, how come? Ganun ba ako kaobvious? Ako nalang ba ang hindi umaamin non sa sarili ko?

 

"You know what I'm talking about." She raised a brow, she pushed a loose strand of hair behind her ear before pushing the milk towards me. "Drink."

 

Dahil nanunuyo na rin ang lalamunan ko, agad kong kinuha ang tasa ng gatas na nilapag niya sa harapan ko, at mahinang nagpasalamat sa kaniya.

 

"So?" Mukhang naghihintay siya ng sagot ko pagkatapos kong lumagok sa gatas na hawak hawak ko ngayon, napalunok ulit ako bago ilapag ang tasa sa pwesto nito kanina.

 

"How did you know?" Instead of answering her question, I asked her that instead. "Paano mo. . . nahalata?"

 

"Nararamdaman ko lang, kung paano mo siya tignan, kung paano ka mamula sa tuwing tinitignan ka rin niya." Panimula niya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko, umayos siya ng upo and there's an amused smile already plastered on her face. "Kung gaano ka kainteresado sa mga kwento tungkol sa kaniya at kung gaano ka kaproud sa tuwing may napapanalunan na naman siyang medalya, o may natatanggap na naman siyang karangalan sa school."

 

"Kilalang kilala kita, Winter. It's not that hard to know you like her, kasi you looked at her the same way you looked at Yeji before." Dagdag pa niya, nakita kong meron din pala siyang iniinom na tsaa sa harapan niya. Hindi ako makasalita, dahil hindi ko naman iyon napapansin mismo sa sarili ko. "I just know that if you were a cartoon character, you'll probably have pink mini hearts flashing in your eyes."

 

Agad ko namang naramdaman ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa pagkakadescribe niya, tiyak kong namumula na ngayon pati ang tenga ko. Hindi ako nakapagsalita, alam ko namang hindi ko dapat minamaliit ang observation skills ni Chaewon lalo na pagdating sa akin, bata palang magkasama na kami, natural lang na kilalang kilala niya na ako kahit na hindi ako nagsasabi sa kaniya. Mas kilala pa nga ata niya ako kaysa sa pagkakakilala ko sa sarili ko, eh.

 

"So, what's with the it's happening again?" Tanong niya, mataman niya akong tinignan at alam kong nakita niya kung paano ako napalunok dahil sa tanong niya.

 

"One sided." Tanging nasagot ko nalang bago magpakawala ng isang mahinang tawa, "Because of the same person."

 

"Ryu?" Paninigurado naman niya kaya napabuntong hininga ako, it feels so illegal, to actually tell these things dahil hindi naman ako si Karina.

 

"Please, don't tell anyone." I begged before I heaved a sigh again, pakiramdam ko maagang puputi ang buhok ko. "I don't know sino ang nakakaalam non pero yeah, sa'yo ko lang sinabi. . . and kay Giselle. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, gusto ko sumabog, hindi niyo naman ako maiintindihan kung hindi ko sasabihin. . ."

 

"I understand." Nakakaintinding sabi naman niya at pinisil ang kamay ko na nakapatong ngayon sa mesa, "Pero paano mo nalaman? As far as I know, hindi kayo magkaibigan."

 

"Well. . . sinabi niya sa akin kung bakit ko raw hinahayaan si Ryujin na sumama kay Yeji, sinabi niya inakala niyang girlfriend ako ni Ryujin—" Halos masuka suka talaga ako sa tuwing naalala ko na all this time, pinagkamalan niya akong kaagaw niya. "Pinagselosan niya ako, kaya galit siya sa akin."

 

Kung hindi ko kilala si Chaewon, iisipin ko na nagulat lang siya sa narinig na impormasyon ngunit dahil alam na alam ko ang bawat galawan niya, hindi nakaligtas sa akin ang mahinang pag pfft niya at pagngisi niya, halatang gustong bumunghalit kakatawa pero pinipigilan ang sarili dahil gusto niya akong damayan ngayon. I just glared at her.

 

"Nakakainis ka," Singhal ko naman sa kaniya nung makita kong kagat kagat na niya ang ibabang labi, pero hindi naman niya mapigilan ang pagngiti niya. "Bakit ganyan ang itsura mo?"

 

"Sorry," Mahina siyang napatawa at nagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko, "Natatawa lang ako kasi kung alam niya lang kung sino ang gusto mo, tignan natin kung magselos pa siya. . ."

 

"Baka sapakin pa niya ako pag nalaman niya ang totoo," Nagkibit balikat ako bago sumandal sa inuupuan ko. "Hindi ko nga alam kung okay na ba kami dahil nalinaw naman sa kaniya na hindi kami magkasintahan ni Ryujin. Hindi na ba siya magagalit sa akin after knowing the truth? Or it was all useless. I don't know, sa totoo lang, ayoko nalang magkaroon ng pake, but we both know that's impossible. Affected ako palagi pagdating sa kanya."

 

"Because you like her," She said in a matter of fact tone. "Know what, you should take a break. Ayokong. . . ayokong maulit na naman yung noon. Kung kinakailangan, lumayo ka nalang muna."

 

Paano ako lalayo?

 

Hindi pa nga ako nakakaisang hakbang paabante, bumabalik agad ako sa umpisa.

 

I'm not really good at this.

 

"Marupok ako," Wala sa sariling nasabi ko nalang. Hindi makapaniwalang tinignan niya ako, alam kong alam naman niya, mukhang nagulat lang siya dahil inamin ko yun nang ganon ganon lang. "Hindi ko na alam. . ."

 

"I can't let someone hurt you again, Winter. Not with the same reason, not because of RJ again." Bulong niya pero sapat na para marinig ko, madiin ang bawat salita niya. "Please, choose yourself."

 

I can't do that, of course.

 

Kasi kung oo, edi sana hindi ako nakatitig ngayon sa cellphone ko habang paulit ulit na binabasa ang mensahe ni Karina, kabisado ko na nga dahil kanina pa ako nakatingin dito, para bang may magbabago kung tititig lang ako.

 

Nakahiga nalang ako ngayon sa kwarto ko, nakatulala sa kisame, sinisipat ang mga bituin na nakadikit dito, hinatid ako ni Chaewon gamit ang kotse ni tito, hindi ko nga naabutan si Wonyoung dahil mukhang mamaya pa uuwi iyon dahil may photoshoot siya ngayon.

 

"You're such a mess, MJ." I whispered to myself, kinapa ko ang dibdib ko bago ako huminga nang malalim. I owe myself an apology. "Pasensya na, nasasaktan ka na naman. . ."

 

rinabonifacio: MJ?

rinab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
352 streak #1
Chapter 8: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
bpandap #2
Chapter 8: miss na kita baby di ko na kaya
1234_qwerty
#3
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#4
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#5
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #6
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#7
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
543 streak #8
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
543 streak #9
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #10
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕