Chapter 5

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

 

Chapter 5.

 

"Uy, Win! Bakit ang tamlay mo?" Nag-aalalang bungad sa akin ni Hitomi, kakaupo ko lang sa tabi niya dahil kablockmate ko rin siya sa klase na 'to. Sinuri niya agad ang mukha ko at napansin niya rin na hindi maganda ang aura na bumabalot sa akin ngayon.

 

Sino ba naman kasi matutuwa diba? Offend na offend na ako, pota.

 

Ano? Makikita ko ba ulit yung box na binigay ko kanina sa basurahan bukas? Hindi na naman ba niya uubusin?

 

"Wala naman," Agad kong tanggi at umiling pa. Wala rin naman ako sa mood at kahit na nasa mood pa ako, hindi na para ipagkalat ko pa yun. "Masama lang gising ko."

 

Nakakaintinding tumango naman siya at hindi na nagtanong pa, marahil napansin niya rin na ayoko na pag-usapan pa. Tinapik nalang niya ako sa balikat at nakinig na ulit sa prof namin sa harapan, bumuntong hininga ako at umayos ulit ng upo. Hindi ako makapagfocus.

 

Hindi ko na nga pala nakamusta si Ryujin kung anong nangyari sa kanila ni Yeji at Karina. Nagsisisi na rin ako na idinawit ko pa ang sarili ko rito.

 

Tanga tanga, Winter.

 

"Tara, lunch na tayo." Aya naman ni Hitomi matapos ang klase namin, lunch break na namin ngayon at nag-aayos na ako ng bag dahil naglabas ako ng notes kanina. Although hindi naman super required dahil yung prof naman namin na 'to ay nagsesend ng file sa gc namin, tinatake down notes ko pa rin yung mga importanteng pinag-aaralan namin.

 

"Sama raw sa atin sila Hyewon." Dagdag pa niya kaya tumango nalang ako, si Hyewon — o mas prefer kong tawagin na Kwangbae, ang isa sa mga pinapatikim ko kapag gumagawa ako ng pastry, especially cake. Dahil kahit na ano ang mangyari, masasarapan talaga siya. Nakakatuwa ang reaction niya at mafefeel mo na masarap talaga yung ginawa mo lalo na at ang lakas niyang kumain, ubos talaga sa kaniya. Tsaka humihingi talaga siya kaya naman ayun, binibigyan ko rin. Kasama rin siya nila Minju at Karina ron sa musical theatre nila. Mukha lang talaga siyang snobbera — well, oo sige snobbera talaga minsan si Hyewon dahil tahimik lang siya at awkward sa mga hindi niya kakilala pero maingay siya at maloko sa aming mga kaibigan niya. At uulitin ko, natutuwa ako sa reaction niya sa mga binebake ko.

 

Buti pa nga siya naappreciate yung ginagawa ko, pwe.

 

A film student named Karina Bonifacio can't relate.

 

"Ano? Wala ka sa mood ah, baka mamaya naman manglait ka ulit ng mga tinda sa cafeteria." Natatawang patutsada ni Hitomi habang naglalakad kami palabas, napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Mahilig kasi ako mangcriticize ng mga pastry sa canteen, kung masyadong matamis, masyadong matabang, kung sobrang tigas, kung wala talagang lasa at all — masyado lang talagang mataas ang standards ko sa kahit anong uri ng desserts, tinapay, pastry, kaya naman ang sama rin ng tingin sa akin nung mga tindera ron kapag nagsasalita ako. Pero at the same time, goods din naman kami. Tropa ko sila, hehe.

 

"Depende," Nagkibit balikat naman ako habang nakangisi. "Last time, yung red velvet cake nila, hindi ganon kasarap, eh."

 

"Sira ka talaga," Umiiling na sabi naman niya. "Masarap kaya, laitera ka lang."

 

"Hindi, ah. Mataas lang standards ko 'no. Never settle for less." Taas noong saad ko naman kaya napaismid siya at pabirong inirapan ako.

 

"Oo na, oo na." Pagsuko naman niya kaya naman natatawang pinisil ko nalang ang pisngi niya dahil ang cute cute tapos ang lambot pa. Naaalala ko 'tong si Hitomi, pinagselosan pa ni Minju noon dahil nagkacrush 'to sa pinsan ko at close rin sila ni Chaewon kaya naman g na g si ate niyo Minju. Pero syempre, wala namang balak na masama 'tong si Tomi at hindi rin naman siya aware na may jowa na pala si Chaewon kung hindi lang eskaheradang pumunta si Minju sa klase ni Chaewon at hinalikan ito sa harap pa namin mismo dahil nandoon din kami that time. Oh diba, gumawa pa eksena si gaga. In my defense naman, hindi sinasabi ni Tomi sa akin na crush niya si Chaewon kaya hindi ko siya nabalaan about kay Minju. Etong si Chaewon napaka dense rin at hindi rin siya aware na crush pala siya ni Hitomi, akala niya friendly lang talaga sa kaniya. Talagang nahahalata lang ni Minju mag-isa dahil ang lakas ng pakiramdam niya sa mga nagkakagusto sa bebelabs niya. Kaya ayon, okay naman sila ngayon dahil wala naman na kay Hitomi yun.

 

"Ay si Giselle ba?" Tanong niya pa sa akin, napaisip naman ako, hindi ko nga pala natanong kung anong oras break ni Giselle ngayon kaya naman chinat ko nalang siya tutal hawak ko na naman yung cellphone ko.

 

Winter: Jijelly, punta ka sa cafeteria kung break mo na hanapin mo nalang kami mwa

 

"Chinat ko na, mababasa niya yun kung vacant na niya ngayon." Sambit ko naman na ikinatango ng katabi ko. Tinago ko na yung cellphone ko at hindi ko na rin muna nireplyan si Karina. Nakakasama siya ng loob, hmp. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kaniya personally pero mukhang ang laki talaga ng galit niya sa akin.

 

Hindi ko naman inaakala na aabot don ang pagkamuhi niya sa akin, talagang tinapon niya yung pinaghirapan ko.

 

"Tomi." Tawag ko sa kaniya pagkapasok namin sa cafeteria, naghahanap kami ng mauupuan dahil marami ring naglalunch ngayon. Napalingon naman siya agad sa akin.

 

"Why?" Nagtatakang tanong niya at ibinaling ulit ang tingin sa paghahanap ng pwesto.

 

"Panget ba ako?" Nagdadramang panimula ko, nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya at tinapunan ulit ako ng tingin na para bang iyon ang pinakaweird na itinanong sa kaniya.

 

"Huh?"

 

"Kapalit palit ba ako?" Dagdag ko pa, ginagaya ko lang naman yung linya sa pinanood kong movie. Nagfefeeling Liza ako rito 'no, 'di niyo kaya yorn!

 

"Naka-shabu ka ba?" Natatawang tanong niya sa akin habang umiiling pa ngunit hindi pa ako tapos sa my ex and whys agenda ko.

 

"Then why?!" Hindi ko namalayan na napalakas na pala ang pagsabi ko non dahil masyado akong nacarried away sa kadramahan ko kaya naman napatingin sa amin yung iilang tao rito na malapit sa amin.

 

Mukha namang nahiya si Hitomi habang tatawa tawa lang ako sa itsura niya kaya hinampas niya ako.

 

"Siraulo, hindi ko alam anong trip mo, pero umupo na nga tayo! Nagkakalat ka agad kakadating lang natin." Pangaral naman niya agad at hinatak ang manggas ng damit ko, napahalakhak ako lalo kahit na nahiya rin ako sa ginawa ko, okay lang yon, ang mahalaga nakapagdrama ako. Oh diba, pak, pwede na ako maging artista.

 

Kainis naman kasi, wala naman talaga akong ginagawa kay Karina. Mapapatanong ka nalang talaga ng bakit?! Dahil hindi ko naman natatandaan na may ginawa akong masama sa kaniya o ano, hindi rin naman ako nagkaamnesia para makalimutan kung ano man ang atraso ko sa kaniya. Pero parang ang sama sama talaga ng tingin niya sa akin.

 

At kung minamalas nga naman talaga ako, saktong pagkaupo namin ni Hitomi sa pwesto na nakita niya, agad na bumungad sa akin ang mukha ni Karina na kumakain ng tonkatsu habang nakatutok sa laptop niya — mukhang busy dahil nakasalamin ulit siya. Hindi niya ako nakita dahil nga masyado siyang occupied sa mga ginagawa niya kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin dahil halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayong kaharap ko siya.

 

Bakit naman sa dinami dami ng pwedeng maging vacant time niya, nakasabay pa namin siya? At bakit sa dinami dami ng pwesto na makikita ni Hitomi sa buong cafeteria, katapat pa ng mesa nila Karina. At bakit, bakit, sa dinami dami ng pwede kong maging pwesto, at pwede niya maging pwesto, nakaharap pa talaga kami sa isa't isa?!

 

May isang babae sa tabi niya, si Lia. Yung babae naman na kaharap nila at nakatalikod sa gawi namin, alam kong si Ningning — kahit na nakatalikod siya, alam kong si Luningning 'to.

 

"Saan ba sila Kwangbae?" Tanong ko nalang kay Hitomi, ayokong maglikot ang mata ko at matingin na naman ako sa gawi ni Karina dahil ayoko muna siyang makita. Please, wag kang matukso, self.

 

Labanan mo. Kayanin mo ang hamon ng buhay.

 

"Hindi ko alam, eh. Teka, chat ko." Kinuha niya yung phone niya na nakalagay sa bag niya upang contact-in si Hyewon at kung sino mang Poncio Pilato ang kasama niya dahil for sure kilala ko rin naman yun.

 

Nasa harapan ko si Hitomi, kaya naman habang tinitignan ko siya, hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na napatingin na naman sa pwesto nila Karina. Sa hindi ko malamang dahilan, para bang minamagnet ako talaga sa gawi niya kapag alam kong nandyan siya.

 

Ngunit agad din akong nagsisi na tumingin pa ako sa table nila dahil bumungad lang naman sa akin ang nakakaintimidate niyang tingin — at oo, nakatingin siya sa akin. Naalala ko na naman yung itsura niya kahapon dahil ganyan na ganyan din yung pagkakatingin niya sa akin, nakasalamin siya, diretsong nakatingin sa akin, at hindi ko mabasa kung ano ang pinapahiwatig ng titig niya.

 

Buti nalang talaga nandyan si Hitomi kaya naman nabalik ako sa ulirat ko at napaiwas na ng tingin kay Karina na mukhang nakikipagsukatan din ng tingin sa akin. Tangina, ano yun?

 

"Papunta na raw si Hye." Anunsyo nito at pinindot pa ang pisngi ko, napakurap naman ako. "Bakit nakatulala ka? Sino tinitignan mo?"

 

Lilingon pa sana siya sa likuran ngunit mabilis ko namang nahawakan ang balikat niya upang pigilan siya kaya naman natigilan talaga siya.

 

"Wala, huwag mo na pansinin." Alam kong nagtataka siya sa ikinikilos ko, pero hello, hindi niya magugustuhan kapag ang bumungad sa kaniya pagkalingon niya ay yung nagbabagang tingin ni Karina, at oo, nakita ko na ang sama na naman ng tingin niya sa akin for some reason kaya naman napalunok ako at hindi ko nalang pinansin.

 

"Weird mo." Naiiling ngunit tumatawang komento niya bago ibaling ulit ang atensyon sa cellphone niya, I pursed my lips at pasimpleng sumulyap ulit kay Karina, isa nalang talaga.

 

Pero nakatingin pa rin siya.

 

Napapitlag ako, at wala sa loob na napaiwas nalang ulit dahil hindi ko naman inaasahan na hanggang ngayon pala, nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi na naniningkit ang mata niya katulad kanina nung hawakan ko si Hitomi, pero meron pa ring kung ano ron na hindi ko mabasa.

 

Hayaan na.

 

Naalala ko na wala nga pala siyang pake sa mga binebake ko, pwe.

 

Pero sino bang niloloko ko? Apektado naman talaga ako kahit na anong tanggi pa ang gawin ko.

 

Napakurap ako, hindi na ako nagpaanod pa sa kung anong gustong gawin ng ulo ko — ang tumingin sa gawi ni Karina, nanahimik nalang ako rito habang nakayuko. Malamang, umiwas na rin siya ng tingin. Hindi ko nga alam kung bakit niya rin ako tinitignan in the first place.

 

Sakto namang dumating na rin sila Hyewon, kasama pala niya si Xiaoting na binati ako pagkaupo nito sa tabi ko. Habang si Hyewon naman umupo sa tabi ni Tomi na nasa harapan ko kaya naharangan niya ng bahagya ang view ko kay Karina.

 

"Oy, Win, ano musta? Bakit hindi pa kayo bumibili?" Hyewon asked, looping an arm around Hitomi's shoulder.

 

"Hinihintay namin kayo," Sagot ko naman sa kaniya, sa gilid ng mata ko nakikita ko si Xiaoting na kinuha yung camera niya. Mahilig sa photography ang bruha, ginagawa pa nga akong model. Kasama siya sa photography club at ayun, sila rin yung nagkukuha ng pictures pag may event at pinapublish nila sa newspaper. Kaya lang ang nakakatawa, hindi siya magaling kumuha ng selfies niya. "Order niyo nga ako, tinatamad ako tumayo."

 

"Sus, lagi ka namang tamad." Pang-iinis naman ni Hyewon sa akin, mukhang nakatuwaan na naman niya si Hitomi sa tabi niya dahil kanina pa niya pinipisil ang pisngi nito. "Ano bang sa'yo?"

 

"Mocha cake," Agad ko namang sabi. Pinatong ko ang chin ko sa palm ko dahil nakatukod ang siko ko sa mesa, nag-iisip ng kung anong drinks ang gusto ko. "Tsaka tomato juice."

 

Nangasim naman ang mukha ni Xiaoting sa tabi ko nang marinig ang pinapabili ko, "Parang hindi naman bagay yun!"

 

"Basher ka lang." Pairap na sabi ko naman sa kaniya, "Baka hindi ko gawin yung cake na ibibigay mo sa nililigawan mo, nako." Pananakot ko pa rito kaya naman napalunok siya at agad na nagpeace sign.

 

"Joke lang naman, Winter mah prend. Ang sarap sarap nga ng inorder mo, parang nagutom ako lalo." Pagbawi naman niya sa sinabi kanina kaya napatawa ako. Nagpapabake kasi siya sa akin ng maliit na cake para kay Yurina, architect student, nililigawan niya. Halata namang gusto rin siya ng dalaga, palibhasa matagal na rin silang magbestfriend. Naka couple necklace na nga. Ang dami nang magjojowa sa paligid ko, jusko.

 

"Ayan, good dog." Pinat ko pa ang ulo niya kaya naman pasimpleng sinamaan niya ako ng tingin pero hindi na nagsalita dahil alam niyang may laban ako sa kaniya, nangingiti nalang ako habang naririnig ko ang tawa ni Hyewon sa ha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
337 streak #1
Chapter 8: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
bpandap #2
Chapter 8: miss na kita baby di ko na kaya
1234_qwerty
#3
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#4
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#5
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #6
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#7
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
529 streak #8
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
529 streak #9
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #10
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕