Chapter 6

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

 

Chapter 6.

 

"No, it can't be. . ." Tinignan niya ako na para bang may tumubo na isa pang ulo sa balikat ko, ganon kagulat ang expression ng mukha niya. Kung hindi ko lang alam na talagang nagulat siya, maooffend na ako dahil kung makatingin siya sa akin para bang naging engkanto ako bigla sa paningin niya.

 

I shrugged my shoulders bago inayos ang buhok na humaharang sa mukha ko, "Well, we can't do anything about it, pinsan ko talaga siya, eh."

 

"P—paanong — akala ko, maggirlfriend kayo—"

 

"Please, pakitigil na yan, nasusuka ako." I cut her off, medyo umismid pa ako, hindi ba talaga siya naniniwala sa akin na hindi kami magkasintahan ni Ryujin? Hello, mukha bang talo kami ng bugok na yun? Nakakasuka ha. "At oo, akala mo."

 

"Hindi ba't si Chaewon lang ang pinsan mo?" Tanong pa niya, mukhang ginigisa pa ako ng tanong dahil ayaw niya talagang maniwala, hayop na combo.

 

"Hindi— oo, pinsan ko si Chaewon. Pero hindi lang siya ang pinsan ko, marami akong pinsan! Susumbong kita dahil binubura mo sila sa buhay ko! Teka nga, paano mo nalaman na magpinsan kami, ha?" Nakakunot ang noo na tanong ko, hindi naman kami close, paano niya nalaman na magpinsan kami ni Chaewon?

 

"Dahil kay Minju." Sagot naman niya agad, napapatango naman ako dahil it makes sense, magkasama sila sa musical play at baka nga nakwento ni Minguri sa kanya yun. "Pero akala ko, girlfriend ka ni Ryujin. . ."

 

I huffed out a frustrated sound, "Which is hindi ko matanggap, dahil hindi naman kami sweet ni RJ, lagi ko ngang binubugbog yun. Saang lupalop ng lupa mo naman nahugot na magjowa kami?"

 

"Hindi ko alam, basta ang akala ko lang kayong dalawa— I was too afraid to even ask, kaya nagulat ako na sinabi ni Ryujin na lalabas daw sila ni Yeji. . . and I thought as a girlfriend, you were okay with that."

 

I chuckled under my breath, "No, pero as her cousin, yes okay naman ako sa idea na yun."

 

Ikaw ba, Karina, okay ka?

 

Ngunit nagulat ako nang bigla niyang tinampal ang noo niya at napahilamos nalang siya sa palad niya na para bang frustrated talaga siya. "Agh, I'm so stupid, what the . . ."

 

"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko naman, nakatayo pa rin ako sa harapan niya at nagdadalawang isip kung hahawakan ko ba siya, pero hindi nalang ako gumawa ng kung ano pa mang desisyon dahil ayokong magkamali. Hindi naman kami magkaibigan, I shouldn't cross the line.

 

"I hated you for nothing!" The words emerged in a bitter little laugh. "May mas tatanga pa ba sa akin?"

 

I looked at her in disbelief. Ano raw? Anong sinasabi niya? "What do you mean?"

 

She hated me for nothing?

 

Bakit ba siya galit sa akin the first place?

 

Nakita ko namang namumula na ang pisngi niya, mukhang hindi niya dapat sabihin iyon pero nasabi na niya kaya naman hindi niya na ako matignan ng diretso.

 

"Wala. . ." Agad niyang bawi, nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya. "Wala akong sinabi."

 

"Karina," Pagtawag ko sa pangalan niya. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit siya galit sa akin. "Bakit ayaw mo sa akin? Bakit galit ka sa akin? Bakit ang sama palagi ng tingin mo gayong wala naman akong ginagawang masama sa'yo? Bakit ang bigat ng loob mo sa akin? Bakit lagi kang masungit pagdating sa akin? Bakit? Pwede bang— pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung bakit mabait ka sa iba pero kulang nalang patayin mo ako ng titig mo. . ."

 

There.

 

I finally asked it.

 

Mga tanong na gustong gusto kong malaman ang sagot noon pa man, pero wala akong lakas ng loob na bigkasin sa harap niya, wala akong nararamdamang tapang upang itanong sa kaniya. Nananahimik nalang ako, tahimik na nagtataka at naghahanap ng sagot kahit na alam kong impossible na malaman ko kung ano man yung dahilan sa likod ng mga pinapakita niya sa aking pagsusungit.

 

Ang gaan pala sa pakiramdam kapag natanong mo na yung mga bagay na gustong gusto mo itanong noon pa man. Ilang taon na, ilang taon ko rin kinimkim yun at tinago sa sarili ko.

 

She let out a heavy sigh, mukhang ineexpect na niya ang tanong na iyon pero hindi niya pa rin alam kung paano sasagutin ito nang maayos sa akin. She took a deep breath. "Winter, I'm sorry—"

 

"Bakit?" Agad kong tanong, hindi inaalis ang pagkakatitig ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagpress ng dalawang labi niya bago tumingin sa akin.

 

"I hated you because I thought you're Ryujin's girlfriend." Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya, kaya ba niya sinasabing stupid siya dahil ang akala niya girlfriend ako ng bestfriend niya — at nagalit siya sa akin because of that? Bakit?

 

"Bakit? Ano naman kung girlfriend niya nga talaga ako kung sakali?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko, meron nang sagot sa kaloob looban ko pero gusto ko pa rin itanong sa kaniya, gusto kong umasa — umasa na hindi totoo ang naiisip ko ngayong mga oras na 'to. Umasa na sana, mali ako ngayon sa kung ano mang sagot ang pumasok sa utak ko. Gusto kong itanggi, kahit na halata naman na ang dahilan.

 

Kahit sinasampal na sa akin ang katotohanan.

 

"W— wala." She looked away, she blinked twice while pursing her lips. Mukhang wala siyang plano sabihin, pero gusto kong malaman, kailangan kong malaman. Kahit alam kong ako lang ang masasaktan. Gusto ko lang ikumpirma kahit na may sagot naman na.

 

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko pa, pinipilit ang topic dahil alam kong hindi na kami makakapag usap ng ganito after nitong usapan na 'to. I know, mali 'tong ginagawa ko. I shouldn't do this, alam ko. Alam kong mali na ipasok ang sarili ko, alam kong mali na makeelam ako, alam kong mali na pilitin ko siyang umamin sa akin — pero siguro, I was desperate for an answer, right at this moment. My heart is beating so fast, nararamdaman ko na rin ang pawis sa noo ko.

 

Nakita ko ang hesitasyon sa mga mata niya, halatang hindi niya rin alam kung paano iyon sasabihin sa akin dahil unang una, pinsan ako ni Ryujin. Answering that kind of question from me probably made her feel uncomfortable. Pangalawa, hindi naman kami magkaibigan. Wala ako sa lugar para pagsabihan niya ng kung sino mang nilalang ang nagugustuhan niya ngayon pero nakita ko rin na kumalma siya. Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi niya, at ibinuka ang bibig niya.

 

Karina swallowed before reluctantly answering, "Yes."

 

I took a deep breath, straightening my shoulders a little. Tangina, tama nga ako. Bakit ang malas malas ko? Bakit umuulit na naman sa akin 'to? "M—may gusto ka ba kay Ryujin?"

 

Natigilan siya sa itinanong ko, mukhang hindi alam kung paano ito sasagutin sa paraang alam niya. Nakita ko rin kung paano siya lumunok bago huminga nang malalim.

 

"Matagal na. . ." I heard her say under her breath. That's it. Unfortunately, I was right.

 

I exhaled slowly, sadness coating me from head to toe. Ang lungkot bigla ng pakiramdam ko. Biglang bumigat, biglang sumikip. Hindi ko naman inaasahan na meron pala talaga siyang gusto kay Ryujin, pumasok na sa utak ko yun — pero hindi ko pinaniwalaan, ayaw kong paniwalaan.

 

Sakit pala talaga.

 

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, parang may bumara bigla sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin ngayong mga oras na 'to. Walang pumapasok sa utak ko na response sa pag-amin niya. Bakit nga ba ako magsasalita? Hindi naman ako si Ryujin. Wala naman akong ibang masasabi, dahil hindi naman ako yung gusto niya.

 

"Bakit mo ako binigyan ng munchkin kahapon, at brownies ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan, mukhang nahalata niya rin na hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong marami kaming tanong sa isa't isa, pero itinikom ko nalang ang bibig ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. Eto na naman ang nakakamatay na tanong na 'to.

 

"No reason." Mabilis na sabi ko naman at tumikhim, agad na dinidismiss ang topic, gusto ko na umalis dito. Hindi ko kinaya ang impormasyon na nalaman ko, amputa. Pwede bang magteleport nalang ako? Pwede bang pahiramin ako ng kapangyarihan kahit ilang segundo lang para makaalis ako in instant dito? "Alis na nga ako—"

 

Tumalikod na ako at maglalakad na sana paalis, bagay na kanina ko pa gustong gawin dahil nasasuffocate ako bigla nang magsalita siya at hawakan ako sa braso ko, pinipigilan ako.

 

"Hey, I'm talking to you," I felt her grip on my arm before she spun me around to face her. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, pwede bang huwag muna ngayon? Pwede bang tsaka nalang? Hindi ko pa nga alam ang mararamdaman ko nung malaman ko na gusto niya ang pinsan ko!

 

Bakit hindi nalang ako?

 

"Winter, galit ka ba? I'm sorry if — hindi maganda ang experience mo with me, hindi ko naman binalak na ipamukha sa'yong ayaw ko sa existence mo. Nagseselos lang talaga ako sa'yo, kaya naman nasusungitan kita kapag nagkikita tayo. I'm sorry."

 

Ano ba ang dapat kong maramdaman?

 

Yung crush ko, nagseselos sa akin dahil akala niya girlfriend ako ng nagugustuhan niya — which is yung pinsan ko.

 

I felt a familiar stinging from the back of my eye. God ing damn it, I'm not about to cry in front of her. No, never.

 

Alam ko namang wala akong pag-asa sa kaniya, alam ko namang hindi niya ako makikita kagaya ng pagtingin ko sa kaniya. Pero bakit sa dinami dami, bakit si Ryujin. . .  na naman?

 

"Okay lang ano ka ba, it's not a problem naman, ang mahalaga alam ko na kung bakit." Lies, anong okay lang? Hindi okay sa akin, hindi okay sa akin na gusto mo yung pinsan ko, tapos ako hindi.

 

Pero bakit ba ako nasasaktan? Wala naman akong karapatan. Kung titignan mo, mas may karapatan naman talaga si Ryujin dahil siya ang bestfriend. Ako? Hindi nga ako kaibigan, eh. Hindi ako kaclose. Nasungitan pa ako sa dahilan na hindi naman totoo at hindi ko kasalanan.

 

"Please, don't tell her—" Nagsusumamong pakiusap niya, mukhang narealize niya na talagang inamin niya sa akin na gusto niya ang pinsan ko na bestfriend niya at kahit anong oras pwede ko siya ibuko sa lihim niyang pagtingin dito, binigyan ko naman siya ng isang matipid na ngiti.

 

"I won't." Pagputol ko sa kung ano man ang sinasabi niya dahil alam ko naman kung ano ang pinapahiwatig niya. "Hindi kita papangunahan, don't worry."

 

A slow smile spread across her face, nakakainis man, pero apektado pa rin ako sa mga ngiti niya, nasisilaw pa rin ako. Bakit ang ganda? Putangina. Minsan na nga lang ako ngitian, ang bigat pa sa pakiramdam. "Thank you."

 

Minsan ko na nga lang makita yang mga ngiti na yan, nakakasakit pa. Bakit naman kailangang ngitian mo pa ako ng ganyan kung hindi naman pala ako ang gugustuhin mo? Pwe.

 

Tumango nalang ako, at nginitian siya pabalik. Gusto ko nang umalis, gusto ko na malayo sa kaniya. "Mauna na ako ah, hinihintay ako ni Giselle, eh."

 

Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin. Hindi man ako makatitig ng diretso sa kaniya, alam kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang naiisip niya ngayong mga oras na 'to, pero alam kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya alam kung papaano simulan.

 

I cleared my throat again, and the inner voice in my head started screaming to retreat immediately from the painfully awkward situation. Gusto ko nang tumakas sa nakakasakit — nakakasakal, nakakabigat ng pakiramdam na atmosphere na 'to. Pero bakit parang pinipigilan ako ng mga titig niya? Wala naman siyang sinasabi pero ayokong umalis dahil pakiramdam ko, may gusto pa siyang sabihin sa akin.

 

Why do I care?

 

Alam ko naman ang sagot kung bakit.

 

Alam na alam ko, pero ayokong tanggapin. Hindi ko gustong tanggapin. Todo tanggi pa ako, pero sino ba yung niloloko ko, diba? Sarili ko lang din naman.

 

"Winter." Pagtawag niya ulit sa pangalan ko, at naiinis ako, naiinis ako kasi ang ganda ganda ng pangalan ko sa pandinig ko kapag siya na ang bumibigkas non.

 

"Yes?" Kahit na labag sa loob ko, tinignan ko ulit siya. Ayoko namang maging bastos dahil tinawag niya ako, mukhang may sasabihin na siya.

 

Pero tinitigan niya lang ako pagtapos magtama ng mga mata naming dalawa. As her eyes met mine they narrowed slightly as if she were contemplating something.

 

Anong iniisip mo, Karina?

 

"W—wala. . ." Kagaya ng pagdismiss niya sa topic kanina, iyan na naman ang wala agenda niya matapos kong macurious sa kung ano man ang sasabihin niya. Pwedeng pasakal?

 

"Ano nga yun?" Tanong ko pa, pakiramdam ko nga nababaliw na ako, eh. Gusto kong umalis dito dahil ang bigat na ng pakiramdam ko, pero ayoko rin namang mawala ang presensya niya sa paligid ko. Gusto kong tumakbo papalayo, pero gusto ko rin manatili rito, kasi nandito siya.

 

Ang gulo gulo ko talaga. Palagi nalang.

 

"Wala, don't mind me." Hindi makapaniwalang tinignan ko naman siya, paano ko naman hindi maiisip ang sinabi niya eh siya lang naman ang laman ng isip ko lalo na ngayong mga oras na 'to?!

 

Pero mukhang mas magulo siya.

 

"Ewan ko sa'yo," Hindi ko na napigilan ang nasabi ko kaya naman napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya ngunit hindi naman siya nagsalita. "Mauuna na ako, huwag kang mag-alala, wala naman akong sama ng loob sa'yo, at hindi ko rin sasabihin kay Ryujin ang nararamdaman mo."

 

Kagaya ng hindi ko pagsabi ng nararamdaman ko para sa'yo.

 

"Thank you." She sent me a warm smile, hindi ko mawari kung ano ang pinapahiwatig ng itsura niya pero merong kakaibang kislap sa mga mata niya. "Bye."

 

Tipid pa rin talaga siya magsalita. Iniisip ko nalang kung magbabago na ba ang pakikitungo niya sa akin ngayong alam na niya na hindi ako girlfriend ng taong gusto niya. Gagaan na ba ang loob niya sa akin dahil nalaman naman na niya na hindi niya ako karibal kay Ryujin. Hindi na ba siya maiirita sa tuwing makikita niya ako dahil hindi na niya maiisip na ako yung pinagseselosan niya ngayong alam na niya ang totoo.

 

Pero kahit na ganun, hindi ako masaya. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil iyon lang pala ang dahilan kung bakit wala siyang amor sa akin, kung bakit mabigat ang dugo niya sa akin.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
352 streak #1
Chapter 8: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
bpandap #2
Chapter 8: miss na kita baby di ko na kaya
1234_qwerty
#3
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#4
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#5
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #6
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#7
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
543 streak #8
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
543 streak #9
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #10
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕