Chapter 2

Alibyareldolor
Please Subscribe to read the full chapter

 

Chapter 2.

 

rinabonifacio: no.

 

Nakatitig lang ako sa convo naming dalawa, at iyon ang sinagot niya sa akin nung tinanong ko kung okay lang ba siya.

 

Nakausap na ba siya ni Ryujin? Ano naman kaya ang sinabi ni Ryujin sa kaniya?

 

Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko, at hindi ko rin alam kung ano ang susunod kong sasabihin sa kaniya.

 

It shouldn't be this complicated.

 

Napatigil ako sa pag-iisip nung may kumatok sa pinto ng kwarto ko at sinundan ng boses ni Chaewon, "Win! Bumaba ka rito, nandito si Giselle."

 

Ano namang ginagawa ng bruhilda na yun dito?

 

"Sige, wait lang!" Sigaw ko naman pabalik, umupo ako mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili ko. Kinuha ko lang yung cellphone ko at agad na bumaba para puntahan ang bestfriend ko.

 

Pagkababa ko, bumungad sa akin yung dalawang magjowa syempre, si Chaewon at Minju, na magkayakap sa couch habang kasalukuyang nanonood ng Raya and the last dragon, I chuckled at the sight, tinanong ko kung nasaan yung bruhildang nagngangalang Giselle. Hindi na rin naman bago na nandito siya nakatambay sa bahay namin. Kulang na nga lang, dito siya tumira.

 

"Ah, nandoon sa may labas ng gate, pinapapasok ko nga kaya lang doon nalang daw muna siya. Mukhang natanaw crush niya." Natatawang sabi ni Chaewon, napangisi nalang ako bago lumabas. Kapitbahay ko kasi ang crush niya na si Ningning, nasa tapat lang ng bahay namin yung bahay nila. Kaya minsan— no, madalas si Giselle, gumagawa pa ng dahilan para makapunta at makatambay rito, para lang masulyapan yung iniirog niya. Kahit hanggang college, na hindi naman na kami pareho ng kurso na kinukuha, tumatambay pa rin dito at dinadahilan pa rin ang school works, mukhang ewan.

 

Nakita ko naman si Giselle na nakaupo pa rin sa bike niya, may tinatanaw, sinundan ko naman ng tingin yung tinititigan niya at tama nga ako, nakatingin siya ngayon kay Ningning na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman nila. Halaman ng ate niyang plantita ata.

 

"Hoy." Pagpukaw ko naman sa atensyon niya, napalingon siya sa akin at sumilay ang ngiti sa labi niya.

 

"Wintuh, mah fren!" Masayang pagbati niya sa akin nung makalapit na ako sa kaniya, hinatak niya ang kwelyo ko bago ako yakapin.

 

"Hoy, clingy mo, ha!" Natatawang sabi ko bago ipinulupot ang kamay ko sa balikat niya para yakapin siya pabalik. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap ni Ningning sa gawi naming dalawa. Napatikhim naman ako at agad na kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya. Ayoko ma-issue 'no!

 

"Namiss kaya kita!" Galing kasi siya probinsya kaya naman isang linggo rin siyang nawala. May kinailangan lang siyang asikasuhin don kaya naman ayun, kakauwi lang niya nung Sunday at hindi naman kami nagkita kahapon.

 

"Neknek mo," Natatawang pinisil ko nalang ang pisngi niya. "Namiss din kita, saan pasalubong?"

 

"Mukha kang pasalubong." She pouted her lips, mukhang nagpapaawa na ewan. "Nasa bahay! Bukas ko nalang idadaan. Nakalimutan ko, bumili lang naman talaga ako sa 7/11, naisipan ko lang puntahan ka."

 

"Baka naisipan mo lang sulyapan si Ningni—" Agad naman niya akong binatukan kaya napatigil ako sa sinasabi ko, aray ha! Naalog ata yung utak ko ron.

 

"Hoy, hindi, ah. Wag ka ngang mema riyan." Tumawa pa siya ngunit mahahalata mo ang kaba sa itsura niya, "Baka marinig ka." Mahina ngunit madiin na sabi na niya, hindi ko napigilan ang sarili ko at napatawa nalang ako.

 

"Ang layo layo, oh. Tsaka bakit ba ayaw mo kasi kausapin? Ang tagal tagal na ha. Lagi ka nalang ganyan, pasulyap sulyap." Patutyada ko naman sa kaniya, nagcrossed arms pa ako.

 

"Huwag mo nga ako angasan, Winter. Hindi mo nga rin malapitan si Karina." Kunot noong sabi naman niya, napairap agad ako dahil eto na naman siya.

 

"Hindi ko nga sabi gusto yun kagaya ng pagkagusto mo kay Ningning, iba yung pagkagusto mo sa kaniya sa aming dalawa ni Karina, okay." I raised a brow, "Isa pa, malaki ang chance mo kay Ningning. Ako kay Karina, baka negative 0 pa."

 

"May negative 0 ba? Alam kong ayaw mo na sa math pero hindi ko alam na to the extent na ganyan ha!" Natatawang pansin naman niya sa sinabi ko, siraulo 'to, ha.

 

"Bakit iyon ang pinansin mo? That's not the point okay." Singhal ko naman sa kaniya. Nakita ko naman na napabungisngis siya. One of these days, talagang ibubuking ko na siya kay Ningning pag ako nainis niya, charot.

 

"Sorry na, natawa lang." She chuckled slightly, "Pero ayun na nga, hindi naman tama yang pinaglalaban mo. Anong chance? Hindi nga ata ako kilala ni Ningning."

 

"Hoy, ang OA mo." I rolled my eyes, pasimple ko pang sinulyapan si Ningning, wala na ito sa kaninang pwesto niya, mukhang pumasok na sa bahay nila. "Kilala ka naman niya, ikaw yung takot na takot sa alaga niyang lizard, duh. Tinalunan ka pa nga nung pet niya. Mukha ngang favorite ka tapos natakot ka."

 

"Tangina mo," Para naman siyang namutla nung ipaalala ko sa kaniya yun. "Wag mo na ngang ipaalala, ang sama ng budhi mo! Natakot na nga ako, napahiya pa ako sa crush ko."

 

"Understandable naman yung takot mo." I laughed loudly, naalala ko kasi yung itsura niya non, bumibili kami sa tindahan nila Ningning non, eh nandoon siya sa may taas. Meron kasing parang tambayan sa taas ng tindahan nila tapos don siya nakatambay nung time na yun. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagulat nalang kami may bumagsak sa amin na lizard habang sumisigaw si Ningning ng baby ko yan!!!

 

Kaya lang nagpanic si Giselle non dahil sa kaniya bumagsak kaya naman nagsisigaw sigaw siya. Mukhang offended pa nga si Ningning sa ginawa niya at muntik pa niya matapakan yung alaga ni Ningning, hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit sa dinami rami ng pwede gawing pet, iyon pa talaga.

 

Tapos ayun, simula non hiyang hiya na si Giselle dahil pakiramdam niya nga napahiya siya sa crush niya. Mukha nga akong nanonood ng sitcom non eh sa sobrang funny, para bang scripted para sa isang comedy movie pero hindi naman. Talagang ang funny lang nung nangyari.

 

"Ewan ko sa'yo, pwede namang sabihin mo na kilala niya ako dahil schoolmate natin siya. Bakit iyon pa talaga?" Humalukipkip pa siya.

 

"Wala, para naman dama mo." Pang-aasar ko pa sa kaniya, "Pasok ka na rito. Bakit daw ayaw mo pumasok sabi ni Chaewon?"

 

"Eh kasi nga dumaan lang ako rito para kamustahin ka, hindi ako papasok kasi may binili lang ako riyan sa store. Bukas nalang ako pupunta ulit." Sabi naman niya, "After class siguro."

 

"O siya, bahala ka, lagi ka naman nandito. Chat mo nalang ako." Sabi ko naman bago tapikin ang balikat niya, "May kekwento nga pala ako."

 

"Ano yun?" Dahil likas ang pagiging chismosa niya, nakasagot agad siya sa sinabi ko. Energizer niya ata ang mga chika.

 

"Bukas nalang." Natatawang sambit ko naman kaya napanguso siya.

 

"Pabitin naman 'to!" Kumakamot ang ulo na usal niya, tinawanan ko nalang siya at ginulo ang buhok niya. Narinig ko naman agad ang pagrereklamo niya ngunit ang mata ko eh nakatingin lang ngayon sa direksyon ni Ningning, napatingin lang kasi ulit ako sa gawi niya kanina at medyo nagulat pa ako nung makita ko na nandoon ulit siya. Pero hindi na siya nagdidilig, nakatingin nalang siya sa amin. Not in a creepy way naman, iniwas din niya ang tingin nung makita niyang natingin din ako sa pwesto niya.

 

"Okay lang yan. . ." I let out a soft chuckle, bahagya akong lumapit sa kaniya para bumulong sa tenga niya. "Crush ka naman ng crush mo."

 

Pansin ko naman ang pagtataka sa mukha niya nung marinig ang sinabi ko, "Huh?"

 

Kung makatingin siya sa akin para bang tinubuan ako ng tite sa noo, o 'di kaya nama'y parang iniisip niyang nakashabu ako, ganon. Ayaw kasi maniwala, nararamdaman ko talaga na gusto rin siya ni Ningning! O kahit crush ganon, basta!

 

"Huhlamang gamot, umalis ka na nga." Pagtataboy ko nalang sa kaniya, alam ko naman na kahit ipamukha ko sa kaniya yun, hindi pa rin siya maniniwala sa akin. "Bye na, bumalik ka nalang bukas. Pasalubong ko, ha!"

 

Napakamot naman siya sa kilay niya dahil hindi pa rin niya naintindihan ang pinapahiwatig ko kanina, sanay naman na ako na mukha siyang eng eng most of the time. "Oo na, aalis na. Mukha kang pasalubong. Babush!"

 

Kumaway siya sa akin at ganoon din naman ako sa kaniya bago siya magpedal at tinignan ko nalang siya hanggang sa makalayo siya. Nang makitang hindi ko na siya matanaw, binaling ko na ulit ang atensyon ko kay Ningning at napansing nakatingin siya sa akin. Tinawanan ko siya and I mouthed the words, crush mo si Giselle?

 

Tanging irap lang ang sinagot niya sa akin, napatawa naman ako sa reaksyon niya dahil kahit naman itanggi niya, alam ko naman! Halata kaya na lagi siyang pasimpleng tumitingin, may isang beses pa nga na tinanong niya sa akin saang building si Giselle. Hay nako.

 

Kung pwede lang sabihin na crush siya ni Giselle dati pa man at siya na ang gumawa ng move dahil talagang torpe ang kaibigan ko, ginawa ko na. Pero syempre, hindi ko naman pwedeng pangunahan yung tao sa nararamdaman niya. Kaya shut off nalang ako.

 

"Winter!" Pumasok na ako sa loob nung marinig kong tinatawag na ako ng bugok kong pinsan.
 

 

"Oh, bakit?" Tanong ko naman at nakitingin sa pinapanood nila, nandoon na sila sa part na nagiging bato na yung mga tao kaya malapit na matapos. Ganon pa rin ang pwesto nilang dalawa, magkalingkis tapos kulang nalang sa hita na ni Chaewon umupo si Minju, hayop na yan.

 

"Pwede mo ba kami bili ng snacks, please? Mint choco ice cream sa akin tsaka oreo, vanilla ice cream naman kay Minju tsaka kitkat." Nakangusong nagpapaawa naman si Chaewon sa akin, may iuutos pala si gago.

 

Nag-isip naman ako kung susundin ko ba ang utos niya, pero syempre dahil sutil akong pinsan, gusto ko muna siya asarin.

 

"Ayoko nga." Natatawang sabi ko sa kaniya at umupo pa sa tabi nila, nagcrossed arms ako habang nakatitig sa TV.

 

"Ih, bilis na, Win! Bigyan din kita pambili ng gusto mo." Tignan mo 'to, nanuhol pa si gago. Pero kahit na namention na ang kahinaan ko, pera, hindi pa rin ako magpapatinag 'no. Konting tiis pa.

 

Alam ko naman na sa akin din ang bagsak niyan.

 

"Ayoko nga! Ikaw nalang." Pang-iinis ko pa at sinulyapan silang dalawa, natatawa ako sa itsura ni Chaewon dahil nakanguso na siya. Bagay na hindi mo makikitang ginagawa niya kung wala siyang pabor na hinihingi sayo, mukha kasi talaga siyang masungit — ay hindi, masungit pala talaga siya. Napalambot nga lang siya nitong si Minju na kulang nalang tubuan ng pakpak at magkaroon ng halo, eh. Minju angel.

 

"Hindi ko kayang iwan si Minju!" Dramatic na sabi niya at niyakap pa lalo ang girlfriend niya na natatawa nalang habang nakatutok pa rin sa TV.

 

"Ang arte mo talaga." Naiiling na sabi ko, disgusted na tumingin ako sa kanilang dalawa. Umay talaga ang sweetness nila. Pero aaminin ko naman, hinihiling ko palagi na sana sila talaga ang endgame hanggang pagtanda namin. Mahal naman nila ang isa't isa, eh. Hindi ko rin alam anong mararamdaman ko once na magbreak sila dahil saksi ako sa love story nila, magmula umpisa. "Clingy much, Chae?"

 

"Hindi mo ako maiintindihan!" Nagkunwari pa siyang umiiyak, "Maiintindihan mo ako once na magkajowa ka na, ayaw mo siyang iwan kahit saglit lang!"

 

I shrugged my shoulders while grinning, "It depends. Hindi naman ako kasi clingy ni coo coo Chaebanig."

 

"Wintot!" Hinampas niya ako sa balikat kaya naman natatawa nalang ako. Napipikon na siya, nice yan, Winter. You're doing well.

 

"Winter, pwede mo ba kami ibili?" Mahinahong tanong ni Minju sa akin, hindi siya nagpapacute kagaya nung jowa niya pero syempre, hindi ko siya matatanggihan. Tumayo na ako at nag unat, nilahad ko na rin ang kamay ko para kunin ang pera nila.

 

"Akin na pera, bibili ko na kayo." Nakangiting sabi ko naman pero kay Minju lang nakatingin, sinulyapan ko si Chaewon at hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Her face screams traitor by Olivia Rodrigo.

 

"Ang daya daya daya daya daya mo talaga, Winter!" Pagmamaktol niya kaya tinawanan ko nalang siya bago kunin ang pera na inabot sa akin ni Minju.

 

"Wag ka na ngang maarte riyan, bibili ko na nga kayo." Sabi ko naman sa kaniya ngunit ngumuso lang siya, ang drama talaga. Nang masiguro ko na ang mga pinapabili nila, lumabas na ako ngunit bago ako makalabas ng gate eh naalala ko na rereply-an ko pa nga pala si Karina. Nadala ko naman ang cellphone ko at nasa bulsa lang ng shorts na suot ko, kinuha ko ito at kagat kagat ang labi na nireply-an siya.

 

mjdump: You wanna talk abt it?

mjdump: I won't mind :)

mjdump: If you're comfortable lang

 

Tama ba 'tong p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello guys, it's been a while. Kindly read the rules before anything else, it's a [must] !!! Thank you sa mga readers ko na inaabangan ako, actually meron akong one shot sana pero hindi ko natuloy but I'll publish it once na malagyan ko na ng ending. Malapit naman na yun. Thank you, and keep safe.

Comments

You must be logged in to comment
Etoile__
344 streak #1
Chapter 8: 🥺🥺🥺🥺🥺🥺🥺
bpandap #2
Chapter 8: miss na kita baby di ko na kaya
1234_qwerty
#3
Chapter 1: kasi naman direk ano ba ginawa mu 😔
1234_qwerty
#4
namiss ko tong story huehue time to reread ulit 😎 now ko lang nalaman na nagrereply pala si author sa mga comments ko rito nun, lumipas ilang taon now ko lang nalaman 😭
mydearwenrene
#5
Chapter 8: tor balik ka na po please 🥹
hotpinkMIMI #6
sabi nila hindi raw makakatulog nang maayos yung mga hindi nagaupdate eh
potatomj
#7
Chapter 8: hi author, miss ko na works mo, i hope youre doing fine 🥹
howdoyouknowmee
535 streak #8
Chapter 8: Hayst RyeJi nakakasakit na kayo
howdoyouknowmee
535 streak #9
Chapter 7: Sakit naman nun 😔
bpandap #10
Chapter 8: bumalik na pala ito, sana author you're okay rn and will be able to update when you're fully ready, willing to wait po 💕