Chapter 7

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

"Apat na bento A po tapos limang bento C at saka po isang 2 liter coke."

Andito ako ngayon sa isang Japanese resto malapit sa condo nina Chaeryeong. Dito na rin ako nagdecide bumili ng dinner namin tutal on the way at malapit lang din.

"Thank you! Happy eating po!"

Nginitian ko nalang pabalik yung staff at tahimik na nagpasalamat bago ko kunin yung orders ko. Buti nalang pala Fortuner yung dinala ko kasi hindi ko 'to mabibitbit kung yung Vespa yung dinala ko.

Maingat ko namang inilagay sa passenger seat yung mga pagkain. Sineatbelt ko pa para secure na secure.

Sastart ko na sana yung sasakyan nang magring ang phone ko.

Ryeongie calling...

Agad ko namang sinagot pagkakita ko ng pangalan nong caller.

"Hello?" Hindi ko mapigilan ngumiti after ko marinig boses niya.

"Hi, pabalik na 'ko. Bakit ka tumawag?"

Narinig ko siyang nag hum bago nagsalita, "Wala, just checking on you."

Natawa ako, "Okay, I'll be there in 10, I think."

"Okay, ingat ka."

"Thank you."

Mabilis din naman akong nagdrive paalis after namin iend ang call. Wala masyadong sasakyan kaya agad akong nakarating sa condo nina Chaeryeong.

"Andito na yung pagkain!"

Si Winter ang sumalubong sakin, hindi pala, yung pagkain yung sinalubong niya. Kupal talaga.

"Thank you ha, thank you." Sarcastic kong sabi sa mga kaibigan ko na hindi ako pinansin.

Kinindatan lang naman ako ng mga kupal bago dinala sa kusina yung mga dala kong pagkain. Hinayaan ko nalang na sila na maghanda ng mga dala ko.

Dumiretso ako sa sala at nakita ko ang nag iisang matino kong kaibigan na si Ningning na nakikipagharutan sa girlfriend niya.

"Andito ka na pala, Yeji. Nasa kwarto si Ryeong kasama si Lia at Rina, puntahan mo nalang don."

Si Giselle unang nakapansin sakin kasi busy magpacute si Ning. Nagpasalamat lang ako sakanya saka ko inirapan si Ning bago ako naglakad papunta sa kwarto ni Chaeryeong.

Kumatok muna ako at hinintay na papasukin ako.

"Come in!" Boses ni Lia yung narinig ko. Dahan dahan ko namang binuksan yung pinto bago sumilip.

"Hey, Yeji." Ngumiti sakin si Lia na nakaupo sa may study table ni Chaeryeong.

Nginitian ko rin siya pabalik bago ko inikot ang paningin ko sa kwarto. Nakita ko si Karina na nakaupo sa kama katabi si Chaeryeong na nakapikit habang nakaupo.

Naguguluhang sumulyap ako kay Lia at tahimik na humingi ng explanation.

"Ah, kakatapos lang niya mag-nebulize."

"Inatake ulit siya?"

"Mild lang, medyo inubo pero all good na.

Tahimik akong pumasok habang pinapanood ang ginagawa ni Karina. Minamasahe kasi nito yung kamay ni Chaeryeong.

Lumingon ulit ako kay Lia para humingi ng explanation. Natawa pa ito saglit bago nagsalita.

"That's like a tradition? Every time na inaatake si Chaeryeong ay kailangan imassage yung kamay niya." Ngumiti ito sakin matapos lingunin ang mga kaibigan, "She gets really anxious after every attack kaya that's a way to calm her down."

Tumango tango ako bago ko nilapag yung bag ko sa gilid ng study table. Itatanong ko nalang mamaya saan pwede matulog, epal kasi si Chaeyeon. Napakadamot.

"Yeji, andito ko na pala."

Nilingon ko si Karina, "Kakarating ko lang." Sabi ko bago ako lumapit sa kanila ni Chaeryeong.

Napangiti ako nang magmulat ng mata si Chaeryeong at sinalubong ang tingin ko.

"Tinawagan mo pa 'ko kanina lang tapos ngayon aabutan kitang nagnenebulize?"

Tumawa ito saglit, "I called you after my attack."

"Dapat yata bed rest ka lang eh. Sunod sunod asthma attack mo ngayong araw." Kunot noo kong sabi, "Punta na kaya tayong hospital?"

Natatawa itong umiling, "It's because of the weather, Yeji. Palamig na rin kaya ganito ako."

"Ay ganon?"

Tumango ito bago tinap yung gilid niya, gesturing me to sit down. Teka, nakaupo si Karina don kanina.

Umikot ako at hinanap yung dalawa naming kasama sa kwarto pero hindi ko na sila nakita.

"Kanina pa sila lumabas. Hindi mo napansin?" Natatawang sabi ni Chaeryeong.

Umiling ako bago umupo sa side niya, "Ay sabi nga pala ng ate mo, dito ak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)