Chapter 5

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy, Yeji!"

Mabilis kong nilingon si Ryujin na tumatakbo papalapit sakin kasama si Winter.

"Nasaan si Ning?" Tanong ko nang makalapit sila.

Nag-aya kasi sila gumala ngayon kaya eto kami hinihintay ang aming intsik na friend. Mabagal pa naman kumilos yong bakla na yon.

"Tawagan niyo na si Ning, ang init na." Reklamo ko bago umupo sa malapit na bench sa pwesto namin. Dito kasi kami nagkita kita sa malapit na park sa university.

Tinawagan din naman agad ni Winter si Ning at pinagmadali. Usapan namin ay before lunch para sama-sama kami maglalunch.

"Malapit na raw siya. Yung nasakyan niya raw na jeep ay puro stop over." Natatawang sabi ni Winter.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago namin nakita si Ning na papalapit samin.

May dalang kotse si Ryujin kaya don kami sasakay for our gala today.

"Tatandaan ko yung jeep na yon, iiwasan ko na yon sakyan." Kunot-noong reklamo ni Ning.

Natawa nalang kami sa itsura niya. Kunot na kunot yung noo eh.

"Tara na, di ako nagbreakfast." Sabi ko at nagsimula na maglakad papunta sa sasakyan ni Ryujin.

"Saan tayo?" Tanong ni Ryujin nang makasakay kami.

Kami ni Ning sa backseat tapos si Winter naman sa passenger seat. Wala talaga kaming solid plan for today kaya impromptu lahat.

"May bagong bukas na cafè few blocks from here, gusto niyo itry?" Tanong ni Winter nang hindi inaalis ang tingin sa phone.

"Sige, don nalang." Sang ayon namin ni Ning.

Kinuha ko rin yung phone ko saka nagcompose ng message. Katext ko si Karina kasi hinabilin ko si Chaeryeong. Nasanay na rin kasi akong binabantayan siya kaya nong nalaman ko na may gala sila ay agad kong siyang hinabilin.

Wala ako don para maging guardian angel niya kaya proxy ko muna ang jowa ni Winter.

Alam kong nasa Tagaytay sila ngayon para gumala kaya siguro nag aya rin mag-gala tong mga kaibigan ko kasi ang mga jowa nila ay busy.

 

"Saan tayo after?" Tanong ni Ryujin pagkatapos namin umorder.

Maganda rin tong cafè na 'to. Relaxing yung ambiance saka cosy. Maganda mag-aral dito kasi tahimik tapos medyo malapit din sa uni.

Ayain ko nga si Chaeryeong minsan dito.

"Arcade? Or gusto niyo magstroll muna?"

"Ah! Samahan niyo muna ako bumili ng regalo. Malapit na birthday ni Gigi." Sabi ni Ning. Pumayag na rin kami.

Bilhan ko na rin ng regalo si Ryeong for...basta. Gusto ko lang siya regaluhan.

"Magkasunod lang birthday niyo ah."

"Yun nga, ang bongga nong gift niya nong birthday ko."

Natigil kami saglit nang dumating your orders namin.

"Ano ba gift niya sayo?" Curious na tanong ni Winter kaya napalingon din kami kay Ning at naghintay ng sagot.

Ngumiti naman ng malawak si Ning bago itinaas ang left hand niya, "Promise ring!"

"Taray, ano naman pinangako ni hapon sayo?"

"Na kami endgame."

 

"Ano ba kasi balak mo bilhin?"

Nag-iikot na kami ngayon sa mall para maghanap ng ireregalo ni Ning sa jowa niya. Actually, mag-iisang oras na yata kaming nag-iikot pero wala pa rin siyang mapili.

Ilang stalls na rin napasukan namin. Tumingin na kami sa mga damit pati bags pero wala pa rin siyang mapili.

"Gusto ko sana memorable rin or something meaningful."

"Kahit ano namang ibigay mo magugustuhan ni Gi for sure." Sabi ko saka ko siya tinapik sa ulo.

Lumingon siya sakin, "I know, pero syempre gusto ko rin paghandaan."

"Gawan mo nalang kaya ng kanta tapos haranahin mo." Suggestion ni Ryu kaya napatingin kami sakanya.

Nakita ko namang napangiti si Ning, "Ay bet ko yan! Pero samahan niyo muna ako bumili ng necklace. May tinitingnan siyang necklace last time, gusto ko bilhin para sakanya."

After namin mabili yung sinasabi niyang necklace ay dumiretso na kami sa arcade. Ito ang usual hang out place namin lalo na kapag sobrang stressed na kami sa acads.

"Ano pustahan natin ngayon?" Tanong ni Ryuji

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)