Chapter 11

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

"Nag-aaya magbeach sina Ning after midterms." Banggit ni Gigi as we eat our lunch. Kakatapos lang namin magtake ng exams sa dalawang subject namin.

Sina Yeji naman ay hindi pa tapos kaya nauna na rin kami maglunch.

Tumingin silang lahat sakin, "Ano?" Tanong ko bago ako sumubo ng pasta na libre sakin ni Yuna, "Ah, okay lang naman sakin." Sagot ko nang marealize ko kung bakit sila nakatingin.

"Are you sure?" Tanong ni Karina, brows burrowed in worry.

Tumango ako, "Oo naman."

After that nag-isip na sila saang beach kami pwede pumunta. Ngayong week lang naman yung midterms, so baka this weekend kami aalis.

"Saan ba maganda?"

"Somewhere in Batangas?"

"Subic?"

"Wag tayo sa malayo ngayon, two days one night lang ang kaya ng sched natin."

Natigil lang ang pag uusap namin nang magsulputan ang grupo nina Yeji na agad namang nagsiupuan.

"Ang sakit sa ulo magpaexam ni Sir D."  Reklamo ni Winter nang makaupo sila.

Nagkanya-kanyang puwesto na sila sa vacant chairs sa table namin. Nagpaalam naman si Ryujin at Ning na bibili muna sila ng pagkain nila.

"Ano pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Yeji sa gilid ko. Sinenyasan ko muna si Lia na siya na muna ang sumagot kasi may laman pa ang bibig ko.

Natatawa naman siyang sumagot, "Di ba nag-aya kayo magbeach after midterms? Pinag-uusapan namin saan pwede."

Tumango-tango naman si Yeji pero nagulat ako sa biglaang paglingon niya. Buti nalang nalunok ko na yung kinakain ko.

"Sasama ka?" Tanong nito sakin, nanlalaki pa yung mga singkit niyang mata.

"Sasama 'ko, syempre." Sagot ko bago ako sumubo ulit sa pinakamamahal kong pasta, "Saka minsan lang tayo nakakapagbeach."

"Sure ka talaga?

"Oo nga."

"Bakit, Yeji? Ayaw mo ba pasamahin si Chaeryeong?" Tanong ni Winter. Nakikinig na rin pala silang lahat samin.

"Damot mo ah!" Gatong naman ni Ryujin na nakabalik na pala kasama si Ning.

Magsasalita palang sana si Yeji nang sumabat si Ning, "Beach mo? Beach mo? Ha? Ha?"

Napairap nalang si Yeji sa mga kaibigan niya, "Mga gago. Nagtatanong lang eh."

"O baka gusto mo solohin si Chaeryeong!" Pang-aasar pa ni Ryujin. Nakahawak pa siya sa dibdib niya na parang gulat na gulat.

Inirapan nalang niya ang mga kaibigan bago sumandal sa balikat ko. Eto na naman ang latest habit, ang amuyin ang balikat ko.

"Anyways! So, saan tayo? May alam ba kayong beach na malapit lang." Tanong ni Yuna, eyeing each one of us.

"May beach resort yung tito ko sa Batangas." Sabi ni Karina, "If it's okay with you, I can ask him."

"Oo naman, g na yan." Ngiting ngiting sabi ni Ryujin.

After namin mapag-usapan kung saan pupunta at kung anu-ano ang mga dadalhin ay nag-aya yung iba na pumunta sa garden para tumambay. Wala na rin naman kaming class kasi tapos na yung exams namin for the day.

Doon nila napili sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng field. Mukhang kaming nagpipicnic pero walang blanket. Buti nalang hindi makati yung damo dito kaya ayos lang kahit pap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)