Chapter 3

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

Ang ingay.

Yan ang sumalubong sa amin paglabas namin ng room. Late na naman kami nadismiss kaya most of the students ay nagkalat na sa hallway.

"Parang ang daming tao bigla." Sabi ni Lia, eyes still scanning the crowd.

Napakapit naman ako bigla kay Yuna nang bigla may bumangga sa likod. Muntik na ako masubsob!

Nilingon naming lahat yung nakabangga sa akin na hindi nag-abala na tingnan yung nabangga niya at humingi man lang ng sorry. Dire-diretso lang 'tong naglakad palayo.

"Tandaan niyo mukha non ha, aabangan ko sa gate." Inis na sabi ni Giselle, "Di man lang nagsorry."

"Hayaan mo na."

"Ang bait mo talaga, Ryeong." Sabi ni Yuna saka ako inakbayan, "Kasi kung ako yon, na neckslice ko na yon."

"Gaga, tara na. Kailangan pa natin tapusin yung sa art app." Aya ko sa kanila.

"Saan tayo gagawa?"

"Karina bebe ko!!!"

Lahat kami napalingon sa walanghiyang sumigaw sa hallway pati mga bystanders napalingon. Minsan napapaisip nalang din ako bakit naging sila eh. Seryoso si Karina most of the time, on the other hand naman, medyo sabog si Winter.

Opposite attracts nga siguro.

"Dismissed na ba kayo?" Winter grins after nila makalapit. Nahihiya namang sumunod yung iba sa kanya dahil sa pag-sigaw niya kanina.

Si Karina, ewan ko. Mukhang kinikilig kasi namumula yung tenga eh.

"Yeah, kayo ba?" Sagot naman ni Karina.

Pinalibutan nila kami kaya para kaming mga langgam na nagkumpulan sa gilid ng masikip na hallway.

"Yep, gusto niyo ba sumama? Tatambay kami sa apartment ni Yeji."

"May gagawin pa kaming activities eh."

"Doon niyo nalang gawin. Tutulong kami!" Natawa ako sa biglaang pagsingit ni Ningning na ngayon ay parang linta na nakadikit kay Giselle.

Isa pa 'tong magjowa na 'to.

"Are you sure about that? Baka wala tayo magawa pag sumama tayo."

"Hindi ko rin dala laptop ko."

"You can use mine. Wala naman kaming activity." Sabi ni Yeji na hindi ko napansin na nasa likod ko pala.

"Ayon! Ryeong, sagot na ni Yeji laptop mo. Ano pa kailangan niyo?"  Sabi ni Ryujin.

"May printer ka ba?" Lingon ko kay Yeji.

Natawa naman siya sa tanong ko, "Meron."

"Seryoso ba? Doon talaga tayo gagawa?" Nilingon kami isa isa ni Yuna bago tumigil kay Yeji, "Okay lang sayo na magkalat kami don?"

"Kayo rin naman maglilinis eh."

Tumango tango kami. Tama naman siya, kalat namin eh.

"Tara na. Ayoko abutan ng rush hour."

Sumunod naman kami agad kay Karina na hila hila na yung jowa niya. Ang dami pa ring tao sa hallway. Bakit ba ayaw pa nila magsiuwi?

"Wala ka bang dalang car?" Tanong ko kay Yeji na kasabay ko maglakad.

"Hindi, kaya magcocommute tayo."

Napatango nalang ako. Alam ko naman kasi kung saan yung apartment niya kasi minsan nababanggit ni Ate. Ang set up kasi ni Yeji ay sa apartment niya siya nauwi pag weekdays then pag weekend naman ay doon siya sa family house nila.

"Nagpaalam ka na ba sa ate mo?"

Nanlaki naman yung mata ko. Buti nalang pinaalala niya! Baka magwala ate ko pag nakalimutan ko magpaalam.

"Thank you for reminding me."

Agad naman akong nagcompose ng message na hindi ako makakauwi agad at may tatapusin kaming school activity. OA pa naman yon pag hindi ako nacontact ng ilang oras.

"Hoy, mga bakla." Agad kaming napalingon kay Yuna, "Baka pwede niyo bilisan maglakad, aabutin tayo ng siyam siyam dito."

Natawa kami ni Yeji pareho bago namin binilisan lakad namin para makahabol sa iba. Medyo malaki na rin nga kasi yung distance namin sa mga kasama namin.

Pag dating namin sa terminal ng jeep ay sumakay na kami agad. Puno naming magkakaibigan yung isang side ng jeep, kaya mabilis din napuno.

"Wag ka na magbayad, ako na." Bulong ni Yeji pero narinig din naman nong iba kaya sunod sunod na reklamo ang narinig namin.

"Hoy! Ako 'tong best friend mo since diaper days pero never mo ako nilibre!" Reklamo ni Ryujin.

"Ako din! Sabay pa natin inaakyat yung puno ng bayabas sa bakuran ni Aling Tentay!" Habol naman ni Winter.

"Sinamahan pa kita sa clinic nong grade 3 kasi natae ka sa shorts mo!" Dagdag ni Ningning.

Natawa kaming lahat pati yung ibang pasahero dahil sa ingay nong tatlo. Nakakahiya.

Nilingon ko si Yeji na busy titigan ng masama yung mga kaibigan niya. Namumula rin siya. Hindi ko tuloy mapigilan matawa lalo.

Lumingon siya sakin, "Pati ba naman ikaw?"

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)