Chapter 4

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

Sabi ni Ate sa akin dati wag na wag daw ako sasama sa mga masasamang loob kahit ano pang pananakot ang gawin nila. Hangga't kaya ko raw ay lumaban ako.

Pero paano ako lalaban kung apat silang malalaking tao.

Okay, maliban kay Lia.

Pero, you get my point. Yuna palang wala na akong laban, dumagdag pa si Karina at Giselle. Tapos si Lia, nanonood lang kasi wala naman daw siya ma-aambag.

"Bilis! Maligo ka na! Gagala tayo!" Pinalo palo pa ni Giselle yung pwet ko habang papasok ako ng CR, "Pinagpaalam ka na rin namin sa Ate mo, kaya don't worry."

Gustuhin ko man magreklamo, alam kong wala akong laban lalo na ng tiningnan ako ni Karina ng nakataas ang kilay.

"Eto na, liligo na po."

Labag sa loob ko na pumasok sa CR at naligo. Sabado ngayon kaya dapat hanggang tanghali or hapon pa ang tulog ko pero etong mga kaibigan ko naisipan bigla mag-shopping.

Okay lang naman sana pero sino ba nagshoshopping ng alas otso ng umaga? Pwede naman kasi mamayang hapon.

Pero wala na akong magagawa kasi sinugod na nila ako sa condo namin tapos yung magaling kong kapatid binigay pala yung passcode namin kay Yuna kaya madali silang nakapasok.

Nagising nalang ako ng may tumalon sa kama ko at hinila ang kumot ko.

"Hoy, bilisan mo daw. Naiinip na si Gigi." Rinig kong sabi ni Yuna sa labas ng CR.

Napairap nalang ako saka ko binilisan. Ang aga aga pa naman kasi bakit ba sila nagmamadali?

After ko maligo ay mabilis din akong nagbihis. Buti nalang naka-connect na yung CR sa walk-in closet namin ni ate kasi kung hindi, rarampa ako sa harap nila na mukhang basang sisiw.

Nakasimangot akong lumabas ng kwarto bitbit ang hairdryer ko.

Tiningnan nila akong apat, "You're still a baby, c'mere."

"Technically, ako yung baby pero sige, tutal cute ka naman, ikaw nalang." Sabi ni Yuna.

Lumapit naman ako kay Karina saka ko inabot sa kanya yung hairdryer ko na sinaksak niya sa outlet sa gilid ng couch saka ako umupo sa baba niya.

"Bakit ba kasi ang aga niyo gusto mag shopping?" Tanong ko nang simulan ni Karina iblow dry yung buhok ko, "Di naman kayo mauubusan ng damit."

"Magtatagaytay kasi tayo, tutal kakatapos lang ng hell week natin." Sagot naman ni Lia na pinapanood yung ginagawa ni Karina sa buhok ko.

"Taray, may dala kayong car?"

"Si Gigi ang ating driver for today."

Nilingon ko siya saglit, "Wala kayong date ni Ning?"

Umiling naman siya bago kumaagat sa cookie na hindi ko alam kung saan niya napulot, "Wala, may gala rin yata sila nina Ryu."

Tumango nalang ako at tahimik na hinintay matapos si Karina sa pagpapatuyo ng buhok ko. Medyo makapal kasi buhok ko kaya medyo matagal patuyuin.

"Done." Tinapik ni Karina balikat ko, "Go, get your stuff na and we'll go." Inabot niya sa akin yung hairdryer.

"Bilisan mo, ayoko abutin ng traffic."

Kinuha ko lang yung maliit na tote bag ko saka ko sinalpak ang phone, keys, and wallet ko dito.

"Okay, tara na." Mabilis kaming lumabas ng condo namin.

"Pwede bang magdrive thru muna tayo?" Tanong ko nang makaupo kami sa kotse ni Giselle. Hindi pa kasi ako nag-bibreakfast, "Gutom na ako. Hind niyo ako binigyan ng time para kumain."

Inirapan ako ni Giselle pero nagpout lang ako kaya pumayag na rin. Konting pacute lang naman kailangan ng mga kaibigan ko eh.

Dumaan kami sa isang fastfood chain na nadaanan namin. Buti nalang walang pila sa drive thru kaya mabilis kami nakaorder.

Katabi ko si Karina at Yuna sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)