Chapter 6

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

Naghintay pa kami ng ilang oras bago namin nakita ang papalapit na sasakyan ni Giselle. Unang bumaba si Lia mula sa passenger seat kasunod si Giselle galing sa driver side.

Mabilis naman kaming lumapit. Si Ning ay agad yumakap sa jowa.

"She's sleeping, don't worry." Lia smiled pero kita ko pa rin yung kaba dito.

Dahan dahan kong binuksan yung backseat. Nakita ko siyang nakahiga sa balikat ni Karina.

Nakapikit.

Tulog nga.

Ngumiti sa akin si Karina nang magkatinginan kami, "She's okay."

I sighed bago ako lumingon sa babaeng natutulog pa rin. Medyo maputla pa siya.

Napansin kong dahan-dahang lumalayo si Karina habang inaalalayan ang ulo ni Chaeryeong. Hindi pa rin siya nagigising.

"Can you please carry her for us, Yeji?" Nakangiting tanong ni Karina habang nakaalalay sa ulo ng tulog na Chaeryeong.

Tumango ako bago ako lumapit. Inalalayan ko muna yung ulo ni Chaeryeong para sumandal sa balikat ko bago ko nilagay yung braso ko sa likod niya at ang kabila sa binti niya.

Dahan-dahan ko siyang inangat sa upuan saka nilabas sa kotse. Nakaalalay pa rin yung friends niya samin.

"Let's go."

"Una na kayo, ayusin ko lang park ng sasakyan." Tumango kami kay Giselle saka namin sila iniwan na magjowa. Ayaw iwan ni Ning bebe niya eh.

Hanggang sa makarating kami sa unit nina Chaeryeong ay tulog pa rin siya.

Hindi naman ito yung unang beses na nakapunta ako dito kasi minsan dito kami nagmemeeting ng mga dance crew pero di ko pa rin maiwasan lingunin ang paligid.

Para talagang clean freak yung magkapatid sa sobrang linis ng unit nila.

"Ihiga mo muna siya sa room niya."

Sumunod ako kay Karina na binuksan yung pinto ng kwarto ni Chaeryeong.

Maingat ko naman siyang ibinaba sa kama niya pero patayo palang ako ay naramdaman ko yung yakap ni Chaeryeong sa leeg ko.

"Dito ka muna."

Napakurap ako bago lumingon sa nakangiting Karina.

Nahawa na yata sa kabaliwan ng jowa niya to.

Tinaasan ko ng kilay si Karina pero tinawanan niya lang ako. Kami lang kasi yung andito kasi yung iba naiwan sa sala.

"Just do what she says, Yeji." Tumawa ito, "We'll just prepare some snacks." Sabi pa nito bago tuluyang lumabas.

Naiwan naman ako sa awkward na position. Nakatuon yung mga kamay ko sa magkabilang side ng ulo ni Chaeryeong tapos nakayakap yung mga braso niya sa leeg ko.

Medyo nakakangalay kaya tinapik ko nang dahan dahan yung braso niya.

"Wait lang." I mumbled, "Hindi ako aalis."

Narinig ko siyang bumuntong hininga bago inalis yung yakap sa leeg ko kaya umayos na ako agad ng upo sa gilid niya.

"Gising ka na ba?" Tanong ko bago ko hinawi yung ilang buhok na nakaharang sa mukha niya.

Dahan dahan itong nagmulat ng mata, "Thank you."

Napataas ang kilay ko, "Para saan? Sa pagbuhat sayo paakyat?"

Natawa siya saglit, "Yeah, saka sa hindi pag alis ngayon."

"Niyakap mo 'ko eh, paano ako aalis?" Natawa kami pareho.

"Are you feeling better na ba?"

Tumango siya, "Wag mo nalang banggitin kay Ate. Alam mo naman na madalas OA yon."

"Nag-aalala lang yon."

"I know, pero ayoko siyang mag-alala."

I sighed, "Okay, di ko sasabihin pero bakit ka muna inatake?"

She jutted her lower lip then shrugged, "Hindi ko rin alam eh, basta as soon as we got down from the rollercoaster nahirapan nalang ako bigla huminga."

"You got me worried." I told her and I felt her looking my way.

Napalingon ako sa kanya saglit at nakita ko ang maliit na ngiti niya, "I'm sorry."

Umiling ako, "Hindi mo naman kasalanan. Sana lang hindi na maulit tapos wala ako."

Narinig ko siyang natawa ng mahina bago ko naramdaman ang hawak niya sa kamay ko.

Habit niya yatang paglaruan ang kamay ng mga kaibigan niya g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)