Chapter 10

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

"Ryeong! Bilisan mo malelate na tayo!"

Halos mapamura ako sa pagmamadali dahil sa sigaw ni Ate. Nalate kasi kami pareho ng gising kaya nagmamadali kami ngayon.

Palabas na 'ko ng kwarto nang makita ko yung airpods ni Yeji sa study table kaya mabilis ko itong kinuha bago tuluyang lumabas.

Nakatayo na si Ate sa may pintuan ng unit namin kaya mabilis kong sinuot yung sapatos ko bago kami umalis.

Buti nalang may sasakyan si Ate kundi di ko na alam saan kami pupulutin.

"Ate! Hindi nga tayo malelate pero mamamatay naman tayo!"

"Si Sir Ping prof ko! Strict pa yon sa general!" Sagot ni Ate pabalik after niya magovertake for the nth time.

. Dito pa yata ako mamamatay.

Halos masuka ako nang makarating kami sa uni. Tangina tagilid pa yung pagkakapark niya.

Muntik na ako humimlay pagkababa ko ng sasakyan nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"Hoy, you okay?" Napaangat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Yeji.

Tumango ako, "Hilo lang. Ang bilis ni Ate magdrive."

Tinulungan niya ako tumayo nang ayos pero nakahawak pa rin siya sa balikat ko.

"Nasaan na si Capt?"

Lumingon ako sa paligid namin at nakita ang kapatid kong nag-ala Flash sa pagtakbo. Muntik pa siya matalisod.

"Nauna na." Sagot ko bago ko naalala na malelate na rin ako, ", Ji! Late na 'ko!"

Hinila ko siya para tumakbo kahit di naman kami magkaklase. Adrenaline rush! Di ako pwedeng malate kay Ma'am Leah! Naglalock yun ng pinto eh.

"Wait, Ryeong!"

Hindi ko pinansin yung pagtawag niya. Mas binilisan ko pa yung pagtakbo namin. Sana makahabol pa 'ko! Ayoko malock sa labas, ang init!

"Chaeryeong! Teka lang!"

"Hindi pwede! Bawal ako malate!"

"Wala kayong klase!"

"Di nga ako pwede mala—ha?"

Mabilis ang paghinto ko after ko marinig na wala kaming class. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakangiti lang sakin.

"Wala kayong class sabi ni Gi kaya hinihintay kita sa parking."

Napabuntong hininga ako, "Thank God."

"Tara na." Siya naman ngayon ang humila sakin.

"Saan tayo pupunta? Ay dala ko na nga pala ang airpods mo."

"Sa caf, andon silang lahat. Mamaya ko nalang kukunin." Dahan dahan kaming naglalakad ngayon sa hallway. Wala masyadong estudyante dahil lahat except samin ay walang pasok.

"Wala rin kayong class?"

Ngumiti siya bago sumagot, "Mamayang 10 pa class namin."

"10 pa? Mage-eight palang ah."

"Edi goods. More time to spend with you."

Ay hala, pota.

Naramdaman kong namula ang tenga ko. Buti nalang nakalugay ako at natatakpan ang tenga ko.

Hay, Hwang Yeji! Di mo pa nga sinasagot tanong ko last weekend!

"Ang tagal niyo naman!"

Napairap kami ni Yeji nang salabungin kami ni Winter ng sigaw. Parang kami lang yung tao sa cafeteria eh. Nakakahiya.

"Ang ingay mo, babe." Sita ni Karina sa jowa niya bago niya ito hilahin paupo sa tabi niya, "Sit still, you puppy."

Natawa nalang kami kay Winter. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa jowa niya eh.

"Anyways, kailan kayo magrereview? Start na ng midterms next week." Tanong ni Lia nang makaupo kami ni Yeji.

Oo nga pala, exam week na. Usually during exam week ay nag-gu group study kaming siyam. Ganon ang set up namin madalas lalo na kapag finals.

"Group study ulit?" Tumango nalang kaming lahat kay Giselle. "Okay, so kaninong place tayo?"

Lahat kami sabay-sabay na napatingin sa katabi ko. Siya lang naman kasi ang naka-apartment saming siyam eh.

"Okay, fine. Basta hindi ko sagot pagkain ha."

Nagplano na agad yung mga kasama namin kung ano gagawin sa study group namin.

"Overnight! This Saturday na agad!"

"Hoy, g! Onight tayo!"

"Game ako diyan!"

Natawa ako nang batukan ni Yeji yung mga kaibigan niya, "Desisyon kayo? Bah

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)