Chapter 1

Heartstrings
Please Subscribe to read the full chapter

"Gago tabi!!!"

Huli na ang lahat ng maintindihan ko ang nangyayari dahil ang sunod kong naramdaman ay ang pagbagsak ko sa matigas na semento. Medyo nahilo pa ako dahil sa biglang pagbagsak ko.

"Gagi, Ryeong." Naramdaman kong may humawak sa braso at bewang ko bago ako inalalayan tumayo, "Sorry, nasaktan ka ba?"

Pinagpapagan ko muna yung pants ko bago sumagot, "Okay lang, Ji." Nilingon ko din siya, "Ikaw? Bakit ka ba kasi nagmamadali?"

"May training kasi kami ayoko malate." Napakamot naman 'to ng batok, "Pero sure ka bang okay ka lang?"

"Oo nga."

Tinitigan niya ako bago pinaikot sa harap niya, "Anong okay? Gaga, may sugat ka." Sabi nito bago itinuro yung siko ko.

"Gagi, bakit mo sinabi sakin? Sasakit na yan!"

Napamaang naman siya sakin na parang ang tanga nong sinabi ko, "Weirdo mo. Halika sa clinic."

Napasimangot naman ako habang hila hila niya ko sa kabilang kamay niya at ang bike naman niya sa kabila. Hindi nalang ako umangal kasi nahapdi na din talaga yung sugat ko. Pinaalam ba naman kasi sakin yung sugat ko.

Pagdating namin sa clinic ng university namin, binato niya lang yung bike niya sa gilid at sinamahan ako sa loob. Kawawa naman yung bike.

"Oh Yeji, ano na naman nangyari sayo?" Agad na tanong ng nurse pag pasok namin.

Natawa naman si Yeji, "Hindi po ako, Nurse Lei." Hinila niya ako sa tabi niya, "Etong bruhang 'to po."

"Ano ginawa mo dito, Yeji? Bakit ganyan kalaki sugat niya?"

"Nabangga ko po ng bike."

"Medyo tanga ka pa rin pala." Sabi ni Nurse Lei bago lumingon sakin, "Halika, gamutin natin yang sugat mo."

Ngumiti naman ako saka tumango bago sumunod sa kanya. Pinanood lang naman kami ni Yeji habang nilalagyan ni Nurse Lei yung sugat ko ng kung anong gamot.

"Wala na ba?"

Umiling naman ako, "Wala na po. Thank you po."

Ngumiti din muna ito sakin bago nagpaalam. Lumapit din naman ako agad kay Yeji na tahimik lang na nakatayo sa harap ng table ni Nurse Lei.

"Sure ka bang wala ng masakit sayo? Medyo malakas yung bangga ko sayo kanina eh."

Tumango ako, "Sure na sure. Eh ikaw? Kasama mo kaya natumba yung bike."

"Okay lang. Mabilis kaya reflex ko."

"Sige, sabi mo eh. Tara na kasi late na late ka na sa practice mo."

Agad naman nanglaki mata niya, ", lagot na naman ako nito sa kapatid mo."

"Samahan kita. Ako na lang mag-eexplain kay Ate."

Pagpasok namin sa practice room nila, agad napalingon samin yung mga members at kasama na don ang kapatid ko na nakataas ang isang kilay.

"Hwang, akala ko nakalimutan mo na yung practice natin eh." Nakangiti yung kapatid ko pero hindi siya nakakatuwa tingnan, "15 minutes late ka na at dahil diyan 15 laps sa field."

Nakita ko namang napakamot ng kilay si Yeji bago lumingon sakin asking for help kaya lumapit ako sa kapatid ko.

"Ate, spare her the punishment. Sinamahan niya lang ako sa clinic."

Kunot-noo naman akong tiningnan ng kapatid ko, "Bakit? Ano nangyari sayo?"

I thought for a moment kasi alam ko mas mapaparusahan si Yeji if sinabing kong nabangga ako nito ng bike.

"Nadapa lang."

Tumaas ang kilay nito bago tumingin kay Yeji na tahimik lang na nakatayo a few steps behind us, "Alright. Go start warming up, Hwang."

"Salamat, boss Chaeyeon." Tawa nito bago nilagay ang bag sa bench saka nagstart magwarming up.

Napailing nalang kapatid ko bago tumingin sakin, "Bakit ka naman nadapa?"

"Untied shoelace." Maikling sagot ko.

Tinitigan ako nito bago ko nakitang ngumisi ang Ate ko, "Ryeong, you should really practice lying first, okay? Halatang halata ka." Sabi nito bago ako tinapik sa balikat at bumalik sa mga kagrupo niya pero lumingon siya ulit, "And you better have a good explanation later."

That means we will talk later.

Napakamot nalang ako sa batok ko bago ako nagpaalam na aalis na. Wala na rin naman akong klase kaya uuwi na ako. Pauwi na rin naman kasi talaga ako noong nabangga ako ni Yeji.

Palabas na 'ko sa practice room nang tawagin ako ni Yeji kaya hinintay ko siya makalapit.

"Oh, tinakas ko sa clinic kanina. Ilagay mo mamayang gabi hanggang sa matuyo para hindi magpeklat." Inabot niya sakin yung ointment, "Sorry ulit saka thank you sa pagligtas sakin sa ate mo."

I chuckled, "Okay lang, sige na. Uwi na ko. Thank

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
noclass
you guys can follow me here:
https://twitter.com/claynoclass

Comments

You must be logged in to comment
munpyeoli
#1
Chapter 12: Welcome backkkkk!!! Omg thank u lord
munpyeoli
#2
Chapter 11: Ngayon ko lang nabasa 'to pero ang cute cute huhu thanks po sa update 💖
loveann24 #3
Chapter 3: Ang cute!!! hahaha looking forward sa new chapters :)