Jersey Road

Kalachuchi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sa dami ng bukang-liwayway na sabay nilang sinilayan, lagi pa ring nanghihinayang si Akira tuwing hindi niya katabi si Kali upang mapanood ang paglubog ng araw.

 

Lagi namang sinusubukan ng arkitetkto na maagang puntahan ang kasintahan ngunit sa oras na ito kasi pinakatuso ang mabigat na lagay ng trapiko sa siyudad.

 

Kaya heto si Akira, nagluluto ng paborito nilang balanseng asim at anghang ng Sinigang na hipon. Natutuwa siya dahil ala-singko pa lang ng hapon, at malapit na raw sa condo si Kali.

 

Ngayong araw ay naimbitahan siyang magsalita ng UST CFAD, at tumanggap rin siya ng gawad parangal sa CCP kung saan nakita niyang sumaglit si Kali.

 

Gusto nga ng arkitekto na lumiban muna sa trabaho ngunit pinagalitan lang siya ni Akira. Bago ito magmaneho pabalik sa site ay inayos muna ni Akira ang nakapatong na jacket sa paboritong itim na shirt ni Kali. "Uwi ka nang maaga, okay?" agad na tumango si Kali.

 

Nginitan naman siya ni Akira bago hilahin upang mahalikan ang kasintahan sa noo, "Sige na, shoo." Sumimangot naman si Kali, at pabirong umirap, “Sobrang proud ako sa ‘yo, Akira,” halik niya sa likod ng palad ng pintor bago maglakad paalis.

 

 

 

Dinig niya mula sa kusina ang pagbukas ng pinto, at mahinang pagyabag ni Kali. Dumiretso ang arkitekto sa kinaroroonan ni Akira upang hilahin papunta sa balkonahe, "Kali, kumalma ka nga," natatawang komento pa nito.

 

“Congratulations po, Miss Akira,” sandal ni Kali sa kanyang braso sa railings ng balkonahe. Sakto ang pagtama ng masiglang kulay kahel sa mukha ng nakangiting Akira.

 

Mga matang nagtatago sa talukap habang masayang tumatawa ang pintor.

 

Pagdilat niya’y nakalahad na ang palad ni Kali, hawak ang isang kahon.

 

Napatakip ng bibig ang pintor. Nginitian lamang siya ni Kali bago buksan ang nasabing kahon. Laman nito ay isang manipis na gintong pulseras. Nakaukit dito ang araw ng kapanganakan ng arkitekto.

 

Iniangat ni Kali ang kaliwa niyang kamay upang ipakita kay Akira ang kanya na birthday ng pintor ang nakaukit.

 

Hi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
Hi! Medyo late na pero thank you sa comments. Kinikilig ako, wag kayong ganyan! Salamat rin sa subscriptions hihi, parang mga gago naman, nangingiti tuloy ako. Hindi ito na seryoso na so may Director's Cut nga ako sa notes. If ever lang na gusto n'yong basahin, where would you guys like to read it?

Comments

You must be logged in to comment
longgadog 0 points #1
happy may 1st 🥹
unonea #2
Chapter 23: hindi ko talaga ni-expect 'yong angst part, napaiyak tuloy ako nang wala sa oras T^T totoo nga 'yong sinabi nung nakita ko sa twt na nag-recommend nito, ang ganda nga siguro kung magiging film ito tapos sila winter at rina rin ang bida. grabe, uulit-ulitin ko 'tong basahin, i enjoyed reading this fanfic so much. maraming salamat sa pag-gawa nito, tor, see you sa iba mo pang likha ^^
mjkin_ #3
Chapter 23: This is honestly one of my favorite winrina angst fanfic I've ever read. The way it's narrated perfectly and the way the angst just angst in a heart shattering gut wrenching way 🥹. Thank you for writing a masterpiece. Babalikan ko talaga tong fic na to kapag trip kong saktan sarili ko. HAHAHAHA
tententen10
#4
balik ako rito kasi may bagong kanta si toneejay (dating vocalist ng munimuni) yung 7/11.

parang gusto ko na lang ibigay yung buhay ko kay Aki para mabuhay siya ulit. ang sakit pa rin kasi HAHHAHAA
tententen10
#5
Chapter 23: reading this reminded me of my stay in baguio. that place is really magical 'no? there's just something about the place that makes you want to come back.

dumagdag pa yung sabi ni Kidlat tahimik, yung duwende. i remember hearing those directly from him tapos we're having lunch sa bahay nila hahaha ang kapal lang ng mukha namin ng friend ko noon.

thanks for the story otor! tuloy mo lang, hayaan mo ang duwende mo ang mag-guide sa'yo. sa susunod na istorya ulit!
carrotmsav #6
Chapter 22: kali, dadamayan kita alalahanin si akira araw-araw TT
jheycelpelobello #7
Chapter 23: sakit naman parang kagat ng dinosaur :((
xcvryl_
#8
mapanakit po, pero nabawasan ng kaunti dahil sa dulo
Gungdaengie
51 streak #9
Chapter 23: Finally had the courage to read this after ilang times ko iniwasan hahaha .. ang sakit sakit hayss pero medyo nabawasan kasi sa dulo :)
Gungdaengie
51 streak #10
Chapter 19: Ang sakit sakit