Ilocos Sur St.
Kalachuchi
Pagdikit ng kanilang mga noo’y rinig nila ang sigawan ng mga tao. Bakunawa na ang tinutugtog ng banda sa entablado. Saglit pa siyang tinitigan ni Akira bago dampian ng halik ang kanyang noo.
Pagkalas sa tila tanikalang titigan ay nasilayan naman nila ang makahulugang tingin ng tatlong kasamahan. “Nakutoban ko na ‘to kanina eh,” akbay ni Lui kay Kali.
“Kaya pala ang dami mong tanong kanina ha,” kurot ni Rianne sa kanyang tagiliran. Tiningnan niya si Akira na humahalakhak lang sa mga ibinubulong sa kanya ni Luke.
Hindi na nabura pa ang mga ngiti sa labi ng lima.
Kumakain na silang muli ngayon kasabay ang tatlong kaibigan. Naglatag ng banig ang dalawang binata, may sapat na distansya mula sa mga nagtatalunang mga tao. Dapat nga’y sa coffee shop na nila kakainin ang hinandang hapunan ni Kali ngunit gusto raw ni Rianne na magtagal pa sa Sunken.
“Gusto mo ng copy?” ang tinutukoy ni Rianne ay ang kuha niyang litrato nang magtapat ang dalawa.
“Syempre naman!” masiglang pag-oo ni Kali. “May kuha rin ako nung dinner date n’yo kanina sa Kalachuchi lane,” pang-iinggit pa ni Rianne.
“Nagdate sila sa Pisay?” tanong ni Luke bago isubo ang kutsara.
“Parang ‘di nga nila alintana ‘yung paligid kanina!” binuksan ni Rianne ang kanyang phone upang ipakita sa dalawang binata ang nakita niya kanina.
“Ang hiwa-hiwaga nung place kanina, kung ‘di lang ako estudyante ro’n before- iisipin kong sinet up ni Kali ‘yon eh!”
“Plinano mo ‘to ‘no?!” pang-aakusa pa ng litratista sa pintor.
“Boto ka naman sa ‘kin diba? May record ako sa phone, ‘di mo pwedeng itanggi,” inangat niya rin ang kanyang telepono para ipakita ang kunwaring recording ng usapan nil ani Rianne sa supermarket kanina.
“Joke lang! Pero hindi ko ‘to plinano,” lingon niya kay Akira na nakikinig lang sa bangayan ng apat. “Nagconfess lang ako pero si Akira ‘yung nag-initiate ng kiss.”
“Mang-iinggit ka pa!” sabay-sabay na sabi nung tatlo kaya naman napabungisngis na rin ang magkasintahan.
<
Comments