Gilmore Avenue

Kalachuchi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ipinilit talaga nila kay Genesis na ngayong araw rin sila bi-biyahe kahit na dapit-hapon na sila nakaalis sa Trancoville. Dalawa naman daw kasi silang sanay magmaneho kaya walang kaso kung gabihin man sila sa daan.

 

“Anong gabihin?! Gabi na talaga, uumagahin na kayo n’yan.” Sasang-ayon na nga sana si Kali ngunit ayaw siyang pasingitin ni Akira; kaya ito sila ngayon, nakaparada sa gilid ng talampas. Katatapos lang nilang maghapunan sa kalapit na kainang lutong-bahay.

 

Sabi kasi ni Kali, ganito ang tamang paraan para maramdaman ang essence ng lugar. Kumbaga, makihalubilo ka sa mga taga-rito, tikman mo ang mga putahe nila, at sakyan mo ang trip nila sa buhay.

 

Nakaupo sila sa trunk ng sasakyan, humihigop ng mainit na kapeng barako habang tinatanaw ang inahunang siyudad. Kanina pa nila pinag-uusapan ang kanya-kanyang lakad noong nakaraang tatlong araw. Kanina pa rin nila hinihimas ang mga namumulang braso mula sa hampas.

 

Buti na nga lang at hindi katabi ni Akira ang bagong tattoo niyang braso.

 

Natigil lamang ang mga ito nang may tumawag sa phone ni Akira. Pinabayaan niya muna si Akira sa kavideo-call nito habang abala naman si Kali sa pagkuha ng litrato.

 

“Tita Aki, who are you with?”

 

Itinapat ni Akira kay Kali ang camera ng phone, “Kali!”

 

“Hmm?” binaba nito ang film camera bago lumingon.

 

Tila nabigla pa nga siya nang umakbay sa kanya si Akira, “This is ate Kali Lopez, Aj. She’s a new friend!”

 

“Hi ate Kali! You look astig po!” natawa naman si Kali sa sinabi ng bata.

 

“Hi Aj! Your speaking voice sounds so good, baby.”

 

Narinig ng dalawang binibini ang mahinhing pagtawa ng bata, “Tita Aki!”

 

“Yes, Aj?”

 

“Will ate Kali be your pasalubong for me also?” tuloy-tuloy ang pagkurap nito na tila ba ay nagpapaamo.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
Hi! Medyo late na pero thank you sa comments. Kinikilig ako, wag kayong ganyan! Salamat rin sa subscriptions hihi, parang mga gago naman, nangingiti tuloy ako. Hindi ito na seryoso na so may Director's Cut nga ako sa notes. If ever lang na gusto n'yong basahin, where would you guys like to read it?

Comments

You must be logged in to comment
unonea #1
Chapter 23: hindi ko talaga ni-expect 'yong angst part, napaiyak tuloy ako nang wala sa oras T^T totoo nga 'yong sinabi nung nakita ko sa twt na nag-recommend nito, ang ganda nga siguro kung magiging film ito tapos sila winter at rina rin ang bida. grabe, uulit-ulitin ko 'tong basahin, i enjoyed reading this fanfic so much. maraming salamat sa pag-gawa nito, tor, see you sa iba mo pang likha ^^
mjkin_ #2
Chapter 23: This is honestly one of my favorite winrina angst fanfic I've ever read. The way it's narrated perfectly and the way the angst just angst in a heart shattering gut wrenching way 🥹. Thank you for writing a masterpiece. Babalikan ko talaga tong fic na to kapag trip kong saktan sarili ko. HAHAHAHA
tententen10
#3
balik ako rito kasi may bagong kanta si toneejay (dating vocalist ng munimuni) yung 7/11.

parang gusto ko na lang ibigay yung buhay ko kay Aki para mabuhay siya ulit. ang sakit pa rin kasi HAHHAHAA
tententen10
#4
Chapter 23: reading this reminded me of my stay in baguio. that place is really magical 'no? there's just something about the place that makes you want to come back.

dumagdag pa yung sabi ni Kidlat tahimik, yung duwende. i remember hearing those directly from him tapos we're having lunch sa bahay nila hahaha ang kapal lang ng mukha namin ng friend ko noon.

thanks for the story otor! tuloy mo lang, hayaan mo ang duwende mo ang mag-guide sa'yo. sa susunod na istorya ulit!
carrotmsav #5
Chapter 22: kali, dadamayan kita alalahanin si akira araw-araw TT
jheycelpelobello #6
Chapter 23: sakit naman parang kagat ng dinosaur :((
xcvryl_
#7
mapanakit po, pero nabawasan ng kaunti dahil sa dulo
Gungdaengie
44 streak #8
Chapter 23: Finally had the courage to read this after ilang times ko iniwasan hahaha .. ang sakit sakit hayss pero medyo nabawasan kasi sa dulo :)
Gungdaengie
44 streak #9
Chapter 19: Ang sakit sakit
Jaeeeeee_
189 streak #10
Balikan ko to kapag di na ako allergy sa angst 🤣