To my dearly departed
Kalachuchi
11/7/2021
Limang araw matapos ang araw ng mga yumao ay saka pa lamang dumalaw sa puntod ni Akira si Kali upang payapa niyang mabisita ito. Pagtapak niya pa lang sa tarangkahan ng sementeryo ay agad na siyang bumuntong-hininga.
Iniwan niya ang kanyang bisikleta sa itinalagang paradahan nito. Isinukbit niya ang rattan bag na kanyang binili noong napunta siya sa Baguio kung saan niya aksidenteng muling nakita si Akira. Ang mga kamay naman niya’y maingat na hawak ang palumpong ng kalimbahing Camellia habang naglalakad.
Walang pagmamadali sa bawat bagsak ng kanyang mga paa. Marahil ang araw na ito ay sadya niyang inilaan para makasama ang yumaong pintor.
Nang matapatan niya ang museleo ng pamilya Francisco na siya ang nag-disenyo ay sinuri muna ni Kali ang kanyang sarili. Pinatag ng isang kamay ang mga gusot sa damit na kanyang suot.
Hindi na siguro mawawala sa pang-araw-araw niyang kasuotan ang isang piraso ng gamit ni Akira na para bang tanging pinanghahawakan niya, paalalang minsa’y isinuot din ito ng kasintahan. Baka sa paraang ito niya inaalo ang sarili.
“Hi, love,” ngiti ni Kali nang makapasok siya sa museleo. Hindi lang urna ni Akira ang nasa loob nito, maging ang mga puntod ng kanyang mga magulang.
Ibinaba na ng arkitekto ang bulaklak sa tapat ng selyadong urna. Napadalhan naman na niya ang mga magulang ni Akira noong ikalawang araw ng Nobyembre, nasa loob pa rin ito ng museleo kasama ng mga bulaklak na iniwan nina Lolo Kiko.
Naupo si Kali sa lapag, pum’westo sa mismong tapat ng kasintahan. Hindi na nag-abalang magdala ng banig dahil sinigurado niyang araw-araw ay may naglilinis ng museleong ito.
Sinadya niyang gazebo ang gamiting istilo dahil alam niyang dito mahilig si Akira. Sa sariwang simoy ng hangin at magandang tanawin.
Mula sa rattan bag ay inilabas niya ang lalagyan ng mga pagkaing kanyang dala. “Dito na ako mag-aagahan ha?” pero bago pa man niya buksan ang mga ito ay pinagsindi niya muna ng kandila ang kasintahan.
Hindi madasaling tao si Kali pero mabuting tao naman siya. Magkaiba ‘yon, hindi ba? Ang mabuti sa mabait?
Ang agahan niya ay pandesal na may palamang mantikilya, at kape mula sa termos na kanya ring bitbit. Tumayo siya habang kagat ang isang tinapay, at nagtungo sa may baranda para sumandal.
Tuwing nandirito siya para dumalaw buwan-buwan, hindi nawawala ang malamig na simoy ng hangin. S’werte na rin siguro na mabundok ang Rizal.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments