Doña Magdalena Hemady Street

Kalachuchi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Tinulungan na ni Kali si Akira sa pagliligpit. “Maglagay kaya tayo ng sign para walang magtangkang patungan ‘to?” pagmumungkahi ni Kali. Agad namang nagsulat si Akira at ipinakita ito sa bagong kaibigan. “Ang pangit mo magsulat,” hindi naman dinamdam ng dalaga ang sinabi ni Kali, bagkus ay natawa pa nga siya dahil sa pagkunot ng noo nito.

 

Kinuha ng arkitekto ang paint marker upang siya na ang magsulat. “Okay. Ikaw na ang maganda ang penmanship.”

 

“Hangang-hanga ka na naman, Akira.”

 

Sabay na rin silang naglakad palabas ng village. Sa parehong lugar kung saan niya iniwan ang kanyang bisikleta rin naman kasi paparada ang pinsan ni Akira.

 

“Babalik ka ba ulit dito bukas?” hawak ni Kali ang ilan sa mga pinturang ginamit ng dalaga. “Nope. Aalis kasi ako mamaya eh. Sayang nga kasi ‘di ko matatapos ‘yung mural,” naintriga naman si Kali. “Ano ‘yan, Christmas vacation?”

 

“I wish. Kung ganoon nga hindi sana ako kinakabahan,” nilingon ni Kali si Akira. “New experience?” Tumango naman si Akira, “’Di takot ‘yang kaba mo. Excitement ‘yan.” Agad naman siyang hinampas ni Akira, “Ang dami mong alam.”

 

“Compliment ba ‘yan?”

 

“Oo? Kasi may sense kang kausap?”

 

“Bakit patanong ‘yang tono mo?” Inilingan na lamang siya ni Akira na nagpipigil ng kanyang ngiti. “Medyo masakit ‘yon. Parang ‘di ka sure,” arte pa ni Kali na kunwari’y nadaplisan ng bala sa balikat na ikinatawa ni Akira.

 

Sumilong sila sa ilalim ng puno ng mangga, sa tabi nito nakahilera ang mga bike racks. Ibinaba nila pareho ang bitbit nilang mga gamit. “’Di ka pa ba aalis? Traffic na mamaya, sakop na naman ang lane n’yo.”

 

“Okay lang, hintayin ko muna kayo makaalis.” Nagkibit-balikat na lang si Akira. Hindi siya ang tipo ng taong mapilit, lalo namang ayaw niya ang pakikipagtalo. “Ano nga pala ‘yung pagkakaabalahan mo?”

 

Natuwa naman si Akira sa tanong ni Kali, “Mag-aaral ako ng bagong art medium!” Tanaw ni Kali sa mga mata ng dilag ang dagitab, dahilan para siya ay mapangiti. Ganitong mga uri ng tao ang nais niyang makasalamuha.

 

Kaya siguro siya tumatakbo ay para makatagpo ng ganitong mga nilalang. May matamis na ngiti sa labi, mga matang giliw ang ipinahahayag. Free soul, kung tawagin ng iba. Ngunit para kay Kali, si Akira ang depinisyon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
Hi! Medyo late na pero thank you sa comments. Kinikilig ako, wag kayong ganyan! Salamat rin sa subscriptions hihi, parang mga gago naman, nangingiti tuloy ako. Hindi ito na seryoso na so may Director's Cut nga ako sa notes. If ever lang na gusto n'yong basahin, where would you guys like to read it?

Comments

You must be logged in to comment
unonea #1
Chapter 23: hindi ko talaga ni-expect 'yong angst part, napaiyak tuloy ako nang wala sa oras T^T totoo nga 'yong sinabi nung nakita ko sa twt na nag-recommend nito, ang ganda nga siguro kung magiging film ito tapos sila winter at rina rin ang bida. grabe, uulit-ulitin ko 'tong basahin, i enjoyed reading this fanfic so much. maraming salamat sa pag-gawa nito, tor, see you sa iba mo pang likha ^^
mjkin_ #2
Chapter 23: This is honestly one of my favorite winrina angst fanfic I've ever read. The way it's narrated perfectly and the way the angst just angst in a heart shattering gut wrenching way 🥹. Thank you for writing a masterpiece. Babalikan ko talaga tong fic na to kapag trip kong saktan sarili ko. HAHAHAHA
tententen10
#3
balik ako rito kasi may bagong kanta si toneejay (dating vocalist ng munimuni) yung 7/11.

parang gusto ko na lang ibigay yung buhay ko kay Aki para mabuhay siya ulit. ang sakit pa rin kasi HAHHAHAA
tententen10
#4
Chapter 23: reading this reminded me of my stay in baguio. that place is really magical 'no? there's just something about the place that makes you want to come back.

dumagdag pa yung sabi ni Kidlat tahimik, yung duwende. i remember hearing those directly from him tapos we're having lunch sa bahay nila hahaha ang kapal lang ng mukha namin ng friend ko noon.

thanks for the story otor! tuloy mo lang, hayaan mo ang duwende mo ang mag-guide sa'yo. sa susunod na istorya ulit!
carrotmsav #5
Chapter 22: kali, dadamayan kita alalahanin si akira araw-araw TT
jheycelpelobello #6
Chapter 23: sakit naman parang kagat ng dinosaur :((
xcvryl_
#7
mapanakit po, pero nabawasan ng kaunti dahil sa dulo
Gungdaengie
41 streak #8
Chapter 23: Finally had the courage to read this after ilang times ko iniwasan hahaha .. ang sakit sakit hayss pero medyo nabawasan kasi sa dulo :)
Gungdaengie
41 streak #9
Chapter 19: Ang sakit sakit
Jaeeeeee_
184 streak #10
Balikan ko to kapag di na ako allergy sa angst 🤣