Betty Go-Belmonte Street
Kalachuchi
Bantog ang mga Francisco sa larangan ng sining sa Pilipinas kaya hindi na nakapagtataka pa kung maging ang pinakabatang miyembro ng pamilya ay kumasa sa hamon ng malikhaing pag-iisip.
Alas tres ng umaga nang simulan ng binibini ang ikalimang commissioned mural niya sa Sikatuna Village. Walang tema- ‘yan ang hamon sa kanya. Ang hindi nila alam, sa kawalan ng paksa pinakamahusay si Akira.
Kaya nga ipinagmamalaki siya ng mga nakatatandang Francisco dahil kahit na malawak ang imahinasyon ng dalaga ay nananatili pa rin itong mapagkumbaba. Mahiyain ang batang pintor; madalas pa nga ay ngingitian ka lamang nito bago yumuko at haplusin ang kanyang leeg.
Hindi siya marunong tumanggap ng papuri.
Ang mural na kasalukuyan niyang ginagawa ay nagsasalarawan ng isang lagusan. Napaliligiran kasi ang lugar ng mga coffee shops na laging puno ng mga estudyante at young professionals.
Noong nasa UPD pa si Akira bilang Fine Arts student, dito siya madalas tumambay. Nagunita niya habang nag-iisip ng tema kanina kung gaano siya kadalas nakapangalumbaba habang binibilang ang mga taong nagdaraan sa labas ng coffee shops.
Na tila ba ay nag-aabang na dumapo sa kanya ang creativity na paminsan ay wala man lang paalam kung magbakasyon. Kaya nandito siya ngayon, nagpipinta ng lagusan para sa mga malalim ang iniisip at sa mga wala ng maisip.
Maging para sa mga taong g
Comments