Maginhawa St.

Kalachuchi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Dulo

 

Sabay sa pagsakop ng dilim sa siyudad ay ang pagkalat ng balita sa bansa.

 

Nagtataka na nga si Kali kung bakit tila ba ang kalmado ng paligid. Nakangiti niyang sinulyapan ang Lego set na binili niya para kay Akira; kolektor kasi ang pintor. Tanging luho nga kung tawagin ng mga nakatatandang Francisco.

 

Papunta na rin daw si Rianne sa Sikatuna para kunan ng litrato ang huling kumpas ng kamay ni Akira sa mural na ito, at ang pagsulat ni Kali sa pangalan ng kasintahan.

 

“Ano ‘yon, magic?”

 

“Alam mo, isang sabi ko lang kay Akira mamaya na ayaw ko sa ‘yo-“

 

“Sus, gustong-gusto mo nga ako for your bestie eh.”

 

“Yabang mo uy! Magkape ka nga nang kabahan ka naman!”

 

“Purgang-purga na ako sa kape, Rianne,” natatawa pang sagot ni Kali bago ibaba ang tawag matapos niyang magmessage kay Aj at Akira kaninang umaga.

 

Pagparada niya ng sasakyan ay tanaw na niya ang kumpol ng mga taong nanonood sa kanyang kasintahan. Lagi naman niyang ipinagmamalaki si Akira dahil kahit na ang tayog na ng narating nito ay nananatili pa rin siyang kasama ng mga tao, mga obra’y nananatiling para sa mga maralita; para sa mga nasa dulo ng ika nga’y priority list.

 

Ayaw ni Akira na tinitingala lamang siya. Gusto niya ay naabot siya, nararamdaman ang kanyang mga likha.

 

Nakangiting lumabas ng sasakyan si Kali, tinungo ang kinaroroonan ni Akira. Isiniksik ang katawan sa nagbubulungang mga tao.

 

Ngunit nalagas ang ngiti ni Kalayaan; ang kasabikan ay napalitan ng pag-aalala nang matanaw ang katawan ni Akira.

 

Nang makita ang nakapalibot na nagmamadaling mga espesyalista sa kanyang kasintahan ay agad siyang nabalot ng takot.

 

Hindi niya na nga napansin ang tatlong kaibigang nag-aalalang nakahawak sa kanilang mga ulo, hindi rin alam kung anong dapat gawin.

 

Bumagsak ang kanyang mga balikat at nagmamadaling tumakbo sa gilid ni Akira. Napangiti ang pintor nang maramdaman ang pamilyar na init ni Kali; sa wakas ay kalong na ng kasintahan ang kanyang katawan.

 

"Kali," mahinang tawag nito. Inangat ni Akira ang kanang kamay niya upang punasin ang agos ng luha mula sa mga mata ni Kali.

 

"'Yung name ko, write it ha?" Dali-dali ang pagtango ng arkitekto.

 

Hawak ng kaliwa niyang kamay ang kanan ni Akira, "Shh, baby. Relax ka lang."

 

"Pagod na po ako. Tigil na," ngiti ni Akira sa mga doktor. Hirap na siyang dumilat. "Love, Akira, ano bang sinasabi mo?" namamaos na ang boses ni Kali.

 

"Tuloy lang kayo, ano ba?!" bulyaw niya. "Aki, Aki, dito ka lang," hindi niya alintana ang dugo ng kasintahang lumalapat sa kanyang balat. Tuloy lamang ang kanyang mga luha sa pag-agos na siya namang pilit pinapahid ni Akira.

 

"Kali," nakangiting tawag sa kanya ng kasintahan. "May binili pa akong Lego, love, nasa sasakyan. Bubuoin pa natin 'yon pag-uwi," halik ni Kali sa likod ng palad ni Akira. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ng pintor, “Kaya pa love, diba?”

 

Nakangiti lang si Akira, sinusubukang dumilat nang maigi. At nang magawa niya ay tinitigan niya saglit ang mukha ni Kali. Hinaplos ang bawat detalye habang akay ng kaliwang kamay ng arkitekto ang nanghihina niyang kanang kamay.

 

"Mahal kita, Kali. Mahal na mahal..."

 

Marahil ay hinihintay nga lang ni Akira ang pagdating ng kasintahan bago siya tuluyang pumikit. Nanginginig ang mga labi ni Kali, "Love? Akira naman... Baby..." marahang yugyog nito sa katawan ni Akira.

 

"Akira," hikbi nito pagdikit ng labi sa noo ng dalaga, "'wag namang ganito oh," haplos niya sa pisngi ng kasintahan.

 

"Maghahapunan pa tayo diba?" Kalmado niyang niyakap ang katawan ni Akira, “Hindi, okay lang. Kakain muna ulit ako mag-isa mamaya basta bukas sabay na ulit tayo ha? Lulutuan pa natin si Aj, baby.” Malambing ang bulong niya kay Akira.

 

“Pag-uwi mo, promise, ituturo ko na sa ‘yo ‘yung nakita kong outline ng kabayo sa tiles ng CR.” Nilapatan niya ng madiin na halik ang magkabilang talukap ng mga mata ni Akira.

 

Marahan niyang hinaplos ang mukha ng pintor; minamasdan, tila ba’y kinakabisado ang itsura nito. Nanginginig ang kanyang mga kamay. “Uuwi ka ha? Maghihintay ako,” sa huli ay inilapat ni Kali ang kanyang labi sa paborito niyang titigan na malambot na labi ni Akira.

 

Nang maramdaman ni Kali ang tapik ng mga kaibigan sa kanyang balikat ay humagulgol na ito. “Mag-aagahan pa kami sa kanila bukas, Luke eh!”

 

Kinuha na si Akira mula sa kanyang bisig. Nanginginig man ang buong katawan ay pinilit niyang tumayo habang tuloy pa rin ang agos ng luha sa kanyang mga mata. Panaghoy niya ang musikang humehele kay Akira.

 

Naramdaman niya ang pagsuporta nina Lui at Luke sa kanyang pagtayo. Si Rianne na ang sumama sa ambulansya. Iniabot ni Luke sa kanya ang paint marker na hawak ni Akira sa kaliwang kamay nito kanina. Mapait siyang ngumiti bago alisin ang takip nito.

 

"Sa Kawalan ang Tagpuan," basa niya. Kagat ang kanyang labi upang pigilin ang hikbi, "Positive dapat meaning nito, love diba?" iyak-tawa niyang tanong. Agad na hinagod ni Lui ang kanyang likod.

 

Sinimulan niya nang magsulat.

 

Gabriel Akira Francisco
Mula bukang-liwayway hanggang takipsilim

 

Umihip ang malakas na hangin. Kaluskos ng mga puno ang tanging

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
Hi! Medyo late na pero thank you sa comments. Kinikilig ako, wag kayong ganyan! Salamat rin sa subscriptions hihi, parang mga gago naman, nangingiti tuloy ako. Hindi ito na seryoso na so may Director's Cut nga ako sa notes. If ever lang na gusto n'yong basahin, where would you guys like to read it?

Comments

You must be logged in to comment
unonea #1
Chapter 23: hindi ko talaga ni-expect 'yong angst part, napaiyak tuloy ako nang wala sa oras T^T totoo nga 'yong sinabi nung nakita ko sa twt na nag-recommend nito, ang ganda nga siguro kung magiging film ito tapos sila winter at rina rin ang bida. grabe, uulit-ulitin ko 'tong basahin, i enjoyed reading this fanfic so much. maraming salamat sa pag-gawa nito, tor, see you sa iba mo pang likha ^^
mjkin_ #2
Chapter 23: This is honestly one of my favorite winrina angst fanfic I've ever read. The way it's narrated perfectly and the way the angst just angst in a heart shattering gut wrenching way 🥹. Thank you for writing a masterpiece. Babalikan ko talaga tong fic na to kapag trip kong saktan sarili ko. HAHAHAHA
tententen10
#3
balik ako rito kasi may bagong kanta si toneejay (dating vocalist ng munimuni) yung 7/11.

parang gusto ko na lang ibigay yung buhay ko kay Aki para mabuhay siya ulit. ang sakit pa rin kasi HAHHAHAA
tententen10
#4
Chapter 23: reading this reminded me of my stay in baguio. that place is really magical 'no? there's just something about the place that makes you want to come back.

dumagdag pa yung sabi ni Kidlat tahimik, yung duwende. i remember hearing those directly from him tapos we're having lunch sa bahay nila hahaha ang kapal lang ng mukha namin ng friend ko noon.

thanks for the story otor! tuloy mo lang, hayaan mo ang duwende mo ang mag-guide sa'yo. sa susunod na istorya ulit!
carrotmsav #5
Chapter 22: kali, dadamayan kita alalahanin si akira araw-araw TT
jheycelpelobello #6
Chapter 23: sakit naman parang kagat ng dinosaur :((
xcvryl_
#7
mapanakit po, pero nabawasan ng kaunti dahil sa dulo
Gungdaengie
44 streak #8
Chapter 23: Finally had the courage to read this after ilang times ko iniwasan hahaha .. ang sakit sakit hayss pero medyo nabawasan kasi sa dulo :)
Gungdaengie
44 streak #9
Chapter 19: Ang sakit sakit
Jaeeeeee_
189 streak #10
Balikan ko to kapag di na ako allergy sa angst 🤣