Sunken Garden | Solomon

Kalachuchi
Please Subscribe to read the full chapter

Ngayong umaga ang board exam ni Kali. Sa unit niya pa nga natulog sina Lui at Luke para tulungan siyang magrefresh ng memory. Si Lui na rin ang nagluto ng hapunan nila.

 

Gumising naman nang maaga si Luke para ipagluto siya ng agahan at ipagtimpla ng kape. Bago siya makasakay sa sasakyan ay ginulo muna ng dalawang binata ang kanyang buhok, “’Di mo naman kailangan ng pep talk eh so ito na lang,” pagdadahilan pa ni Lui.

 

“Ingat, Kali! Kitakits sa Sunken mamaya!” pahabol na sigaw ni Luke habang nagrereverse ang dalaga.

 

Kasalukuyan niyang binabagtas ang kalsada pa-Sampaloc, doon kasi ang testing center ng ALE sa Manila. Natigil naman ang pagsa-soundtrip niya sa sasakyan nang tumawag si Akira.

 

Agad niya itong sinagot.

 

Nangiti pa nga si Kali nang ang bumungad sa kanyang pandinig ay ang mahihinang kaluskos mula sa kabilang linya.

 

Mukhang hindi pa nakababangon sa higaan si Akira.

 

“Bago ‘to ah, late ka nagising.” Kung tutuusin, maaga pa naman talaga ngunit hindi kasi ito ang nakasanayang gising ni Akira lalo na’t marami siyang kailangang tapusing obra.

 

“Mmm,” wala sa sariling pakawala ni Akira. Mas malalim ang kanyang boses sa umaga; pansin ni Kali. “Kali?”

 

“Yes po, Miss Gabriel Akira Francisco?” napaismid si Akira. Palagay niya’y may ngiting unti-unting sumisibol sa kanyang mga labi. Masarap pakinggan sa umaga ang pangalan niyang binibigkas ni Kali.

 

“You’ll ace it,” nakangiting bigkas ni Akira. Ang mga kamay niya’y ‘di mapakaling kinukurot ang kanyang kumot.

 

“I will,” kagat-labing sagot ni Kali. Napawi na ang kabang namumuo sa kanyang dibdib. “See you mamaya?”

 

“See you mamaya.”

 

Pareho silang bumaling sa bintana, sabay na tinanaw ang muling pagsikat ng araw. “Good morning,” bati nila sa isa’t isa. Hindi na siguro kailangan pa ng kape o ng taho para masabi nilang maganda ang simula ng araw na ito.

 

 


 

Pagkatapos niyang magtake ng licensure exam ay umuwi muna siya sa Eastwood. Nakasalubong pa nga niya si Rianne sa supermarket kaya sabay na silang namili ng mga pagkain at gamit para sa condo.

 

Pag-akyat niya sa unit ay sinimulan niya nang magluto; sinigang na hipon. Ayon pa nga kay Rianne, paborito raw ito ni Akira lalo na kung swabe ang balance ng pagkaasim at nanghahalina ng kasunod na subo ang anghang nito.

 

Naligo muna siyang muli bago magsalin ng sinigang at kanin sa baunan. Tumapat saglit sa salamin upang tingnan kung maayos ba ang kanyang suot. Wala naming bago, simple lang naman palagi ang damitan ni Kali; black shirt, pantalon at biker jacket.

 

Habang hinihintay niyang uminit ang makina ng sasakyan ay nagmessage siya kay Lui.



 

Agad niya rin namang tinawagan si Akira bago siya magmaneho palabas ng Eastwood.

 

“Kali?”

 

“Nasa Pisay ka raw?”

 

“Yes, may inasikaso lang na papers si Rianne. Why?”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
snackmachine
Hi! Medyo late na pero thank you sa comments. Kinikilig ako, wag kayong ganyan! Salamat rin sa subscriptions hihi, parang mga gago naman, nangingiti tuloy ako. Hindi ito na seryoso na so may Director's Cut nga ako sa notes. If ever lang na gusto n'yong basahin, where would you guys like to read it?

Comments

You must be logged in to comment
longgadog #1
happy may 1st 🥹
unonea #2
Chapter 23: hindi ko talaga ni-expect 'yong angst part, napaiyak tuloy ako nang wala sa oras T^T totoo nga 'yong sinabi nung nakita ko sa twt na nag-recommend nito, ang ganda nga siguro kung magiging film ito tapos sila winter at rina rin ang bida. grabe, uulit-ulitin ko 'tong basahin, i enjoyed reading this fanfic so much. maraming salamat sa pag-gawa nito, tor, see you sa iba mo pang likha ^^
mjkin_ #3
Chapter 23: This is honestly one of my favorite winrina angst fanfic I've ever read. The way it's narrated perfectly and the way the angst just angst in a heart shattering gut wrenching way 🥹. Thank you for writing a masterpiece. Babalikan ko talaga tong fic na to kapag trip kong saktan sarili ko. HAHAHAHA
tententen10
#4
balik ako rito kasi may bagong kanta si toneejay (dating vocalist ng munimuni) yung 7/11.

parang gusto ko na lang ibigay yung buhay ko kay Aki para mabuhay siya ulit. ang sakit pa rin kasi HAHHAHAA
tententen10
#5
Chapter 23: reading this reminded me of my stay in baguio. that place is really magical 'no? there's just something about the place that makes you want to come back.

dumagdag pa yung sabi ni Kidlat tahimik, yung duwende. i remember hearing those directly from him tapos we're having lunch sa bahay nila hahaha ang kapal lang ng mukha namin ng friend ko noon.

thanks for the story otor! tuloy mo lang, hayaan mo ang duwende mo ang mag-guide sa'yo. sa susunod na istorya ulit!
carrotmsav #6
Chapter 22: kali, dadamayan kita alalahanin si akira araw-araw TT
jheycelpelobello #7
Chapter 23: sakit naman parang kagat ng dinosaur :((
xcvryl_
#8
mapanakit po, pero nabawasan ng kaunti dahil sa dulo
Gungdaengie
51 streak #9
Chapter 23: Finally had the courage to read this after ilang times ko iniwasan hahaha .. ang sakit sakit hayss pero medyo nabawasan kasi sa dulo :)
Gungdaengie
51 streak #10
Chapter 19: Ang sakit sakit