MPBI 03
Meron Pa Bang Ikaw?Minjeong's been bored as the Sunday comes,she should be enjoying the day kasi nga rest day(?)Natapos naman na niya yung mga activities nila para sa school,iniisip niya na mag-hang out sa labas pero tinamad siya bigla,isa pa umuulan din nang medyo may kalakasan. Kaya heto siya ngayon sa salas ng bahay nila nakahiga sa couch,ayaw niya manatili sa kwarto niya kasi nga nauumay siya doon kapag nag-tatagal,kaya naisipan niya laging sa sala nila tumambay.
"Seryoso,'di nakaka-tulong."
Naisipan niyang mag-timpla ng kape,kapeng barako. Pagkatapos niyang mag-timpla,naisipan niyang umakyat sa second floor,habang paakyat na siya "Aaaaahhhhh-" banggit niya ng may kalakasan,bigla namang nag-echo ang boses niya sa buong bahay despite its raining outside. Napa-chuckle na lang siya habang napakamot sa batok niya gamit isa niyang kamay. Who is she kidding to? She's all alone in their house right after pina-leave niya yung yaya nila na nagsisilbi na sa family nila for the whole 5 years,kaya naman na niya ang sarili niya,'di na siya bata. Her parents been to Los Angeles since she was 15 years old,bibihira niyang nakaka-usap using video call simula nung tumungtong siya ng college,minsan nga once or twice a month lang,'di pa inaabot ng oras yung vc,and she's all fine with it tho. Nga pala,muntik niya pang matapon yung kape na hawak niya.
Nandito na siya sa sa balkonahe sa second floor,wala siyang pake kung umaanggi,nilapag niya sa lamesa yung kape,uupo na sana siya nang biglang lumakas yung ihip ng hangin at ayun,nadamay yung kapeng 'di niya pa nahihigupan.
Okay lang 'yan,kapeng barako ala anggi ng ulan. Umupo siya at humigop na sa kape. Sarap ng inom niya kasabay nung ulan,feel na feel niya talaga kahit nababasa na siya,ibang klase trip niya ngayon.
"Ayos." Binalingan naman niya ang cellphone niya at dumirekta sa Instagram,sakto pagka-open niya bumungad ang new post ng boyfriend ni Jimin,sa picture kung saan naka-back hug ito kay Jimin,'di lang 'yon,may caption pang 'I miss you so bad,babe',nakita din niya ang comment ng ex niya sa post 'I miss you too,comeback so