interlude 1: pangpito

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Kung ipapa-describe kay Seulgi kung paano niya malalaman na in love siya sa tao, ang isasagot niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya kapag nakikita, kasama, at nakakausap niya si Wheein. 

 

 

Nakatitig siya rito habang nagsasalita. Hindi na niya naririnig ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Wheein dahil nagmistula siyang bingi habang nakatingin sa babae. 

 

 

Marami silang kasama sa restaurant na kinakainan nila, pero tila si Wheein lang ang kasama niya ro’n. Si Wheein lang ang nakikita niya. Si Wheein lang. 

 

 

Gumagalaw ang labi ni Wheein, alam ni Seulgi ‘yun. Tila naka-slow motion ang paligid. Parang baliw si Seulgi na nakangiti habang pinagmamasdan si Wheein. 

 

 

Sa totoong takbo ng oras, naiinis na si Wheein dahil hindi ginagalaw ni Seulgi ang pagkain niyang nakalapag lang sa kaniyang harapan. Nakapangalumbabang nakatingin sa kaniya ang kaniyang girlfriend at naaasiwa siya rito. 

 

 

“‘Di ka aayos?” tanong ni Wheein. 

 

 

Wala pa ring kibo si Seulgi.

 

 

“Umayos ka nga! ‘Yung pagkain mo lumalamig na,” pilit ni Wheein. Wala pa ring kibo si Seulgi dahil busy ito sa pagtingin sa kaniya. 

 

 

Hindi na muling binuka ni Wheein ang kaniyang bibig at tinignan na lang si Seulgi nang walang kabuhay-buhay. May maliit pa ring ngiti sa mukha ni Seulgi.

 

 

Hanggang sa nawala ito habang kumukurap nang mabilis ang kaniyang mga mata. Umayos siya ng kaniyang pagkakaupo at tumikhim nang mapansin niya kung anong ginagawa niya. 

 

 

Wheein found it cute. 

 

 

Everything’s cute when it comes to Seulgi. 

 

 

Nakangiwing ngumiti si Seulgi kay Wheein, sabay sabing, “Hehehe.” 

 

 

Umirap ang huli bago sumubo. 

 

 

“Kanina pa ako salita nang salita rito,” pagmamaktol ni Wheein. Ngumuso ito habang tinitinidor ang pagkain sa harap niya. 

 

 

Nakanguso ring tumingin si Seulgi sa kaniya, nilalambing nito si Wheein dahil for sure, warla na naman ang ending nila kung hindi niya ito susuyuin. 

 

 

“Sorry na, na-distract ako sa ganda mo, eh,” seryosong sabi ni Seulgi tapos ngumiti sa paraang alam niyang mahuhulog ulit si Wheein sa kaniya. 

 

 

Hindi naman siya nabigo. 

 

 

Ang hindi niya alam, kahit anong gawin niya, kahit wala siyang ginagawa, hulog na hulog pa rin si Wheein sa kaniya. 

 

 

Hindi nga lang niya alam. 

 

 

“May kasalanan ka ba?” tanong ni Wheein. 

 

 

Kumunot ang noo ni Seulgi. “Pinagsasabi mo?” 

 

 

“May ipapaalam ka ba? Sa’n kayo mag-iinuman nila Byul this time?” patuloy pa rin sa pang-aasar si Wheein. 

 

 

Sumama ang mukha ni Seulgi. “Grabe ka, nagpapakatotoo ako rito tapos ganyan ka pa.” 

 

 

Pilit na nilalabanan ni Wheein ang matawa nang malakas. Tinakpan niya ang kaniyang bibig dahil may laman pa ito. 

 

 

“Parang tanga, Whee! Wala nga akong kailangan. Nagsasabi ako ng totoo.” 

 

 

Napatigil si Wheein sa pagtawa. 

 

 

“Weh? Totoo ‘yan?” 

 

 

“Hehe.”

 

 

“Anong hehe?”

 

 

“Birthday ni Yeri mamaya, magpapainom daw siya. Sama ako, ha? Kasama ko naman si Byul, eh.”

 

 

S

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1150 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1150 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1150 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena