Coffee
OofDi alam ni Seulgi kung anong gagawin o sasabihin. Ang daming first time na naranasan niya after six months ng paglalayas. Siguro nga masyado siyang nagmamadali pagdating kay Irene. Doon na kasi siya nasanay. Every time na may gusto siyang makuha, agad-agad napupunta sa kanya, bagay man o chix. Perks of being a conglomerate ika nga nila.
Pero narealize niya na hindi ganun kadali ang lahat lalo nang lumayas siya sa kanila. From rags to riches pero the other way around ang scenario niya. Nag-iba rin ang perspective niya when it comes to life in general. Ang hirap maging mahirap. At sobrang thankful siya kay Wendy dahil halos lahat sa bahay, eh sagot nito. Namimiss niya yung amoy ng sarili niyang kwarto. Yung masasarap na pagkain. Yung feeling na nabibili niya lahat ng gusto niya. Pero ngayon, lahat kailangan niyang paghirapan.
Buti na lang at dumating yung pizza delivery, nawala na yung train of thoughts niyang nakakatakot mang aminin, pero woke kung woke. Maraming realizations pero di niya rin alam kung anong sasabihin niya kay Irene. Maybe this time, is the time she’s figuring out things slowly.
“Kay ma’am Ruby Jane Kim po?” Tanong ng driver sa kanilang dalawa.
Kinuha lang ni Irene yung pizza at pinabuhat lahat ng Seulgi yung dalawang box.
“Ruby Jane?” Tanong ni Seulgi. “Pasosyal ng pangalan ni Jennie.” Sabay tawa sa nalamang bago.
“Nako, wag mo siyang tatawagin niyan. Ayaw niyang tinatawag siya sa full name.” Warning ni Irene.
—
“Gago, ang tagal niyo. Nagdate ba kayo?” Pang-asar na bungad ni Jennie pagdating ni Irene at Seulgi.
“Hoy, Ruby Jane! Sana ikaw kumuha.” Asar ni Seulgi.
“Anong sinabi mo?” Tumaas yung kilay ni Jennie.
“Bingi ka ba, Ruby Jane?” Angas ni Seulgi.
“Anong Ruby Jane?” Inosenteng tanong ni Lisa.
“Full first name ni Jennie.” Sagot ni Seulgi. Napansin niya ring tinitignan siya ng masama ni Irene.
“Ang ganda pala ng pangalan mo Ruby Jane.” Sabi ni Lisa kay Jennie.
Biglang ngumiti si Jennie. “Ah, oo. Ruby Jane talaga pangalan ko.” Nawala bigla inis niya kay Seulgi.
“Simula ngayon, I’ll call you Ruby Jane.” Ngiting sabi ni Lisa.
“Ah, sige. Kung tatawagan mo ko dapat kanina mo pa tinanong number ko.” Sabay hingi ng phone ni Lisa.
“Hoy Jennie! Mahiya ka naman sa bagong salta!” Pag-saway ni Joy na mukhang lasing na. Inubos kasi niya yung tirang JD galing sa drinking game nila kanina. Sa totoo lang, kaya siya yung nagbibigay kanina kasi mabilis talaga siyang tamaan. Kaya talagang plano niya na magkeep track lang ng inuman ng tropa at di siya iinom.
“Ba’t ba ang tagal niyo?” Tanong ni Wendy habang inaayos yung dalang pizza nila Seulgi.
“Naligaw daw yung kuya.” Sagot ni Irene na inaayos din yung paper plates.
Napansin din ni Seulgi na tapos na yung laro. Nanonood sila ng horror movie sa Netflix. Pasimple pa si Jennie na natatakot para dumikit-linta kay Lisa. Ang galing umacting.
Sa isip niya, sayang kasi natapos na yung drinking game eh di pa natatapatan si Irene. Feeling sober din naman siya, after ng sinabi ni Irene sa paghihintay nila sa pizza.
Tumabi na siya kay Irene sa couch. Mukhang nag-eenjoy sila sa carpeted floor nila ni Wendy. Lakas makamayaman.
Di rin makapaniwala si Seulgi dahil for six months, si Wendy talaga yung gumagastos. Very thankful siya kay Wendy na hindi talaga siya pinabayaan. Well, since grade two naman sila, nung bumalik si Wendy from Canada, talagang bff na sila. Bukod sa magbabarkada talaga yung parents nila, sobrang bait din talaga ni Wendy. Parang napalitan yung nanay niya sa sobrang maalaga at thoughtful nito. Kahit nung mga bata pa sila, napansin niya na very sociable at empathic ni Wendy. Humble at lowkey na sobrang kabaliktaran niya. Despite the differences, di niya rin alam kung bat sila jive the jive. Kung di lang sila tropa, siguro si Wendy talaga yung ideal girlfriend para sa kanya.
Pabalik-balik lang sa Canada at Pilipinas yung parents ni Wendy. At dahil nag-iisang anak si Wendy, parating damay at kasama ni Seulgi ito. Dakilang ampon na nga ng mga Kang si Wendy. Mas lab pa nga ata ng mama ni Seulgi si Wendy kesa sa kanya. Nagkakasundo kasi sila sa baking, samantalang si Seulgi, taga-kain lang talaga.
Si Joy na naman ang humirit. “Asan na yung isang JD? Parang walang thrill yung drinking game kanina.” Medyo magaslaw na siya sa nainom habang hinahanap yung isa pang bote.
“Kapatid, ayos ka pa?” Tanong ni Yeri sa tropa. Alam niyang mababa ang alcohol tolerance nito kaya binabantayan niya.
“Oo, dito na lang ako matutulog para di ka magworry.” Sagogt naman ni Joy habang tumatango na slight head bang.
“Ayy, sleepover pala ‘to? Di ako informed.” Sabi ni Rose.
“Hahatid ko na lang yung di matutulog dito.” Pagvolunteer ni Seulgi. Di niya rin talaga plano na iinvite yung mga bagong salta. Napasubo lang din siguro siya dahil gusto niyang bida-bida kay Irene.
Kumakain na lahat habang tumutungga mag-isa si Joy malapit na rin matapos yung pinapanood nila. Pero iba talaga kilos ni Joy ngayon, parang may pinagdadaanan. Napansin din ni Wendy at Seulgi kaya nagkatinginan na lang sila.
“Di ka ba lasing, Seul? Gg tayo pag nabangga mo kotse mo. Pinaghirapan mo tubusin yun.” Nakataas-kilay na tanong ni Wendy. Inaassess niya kung anong klaseng sa
Comments