Cup Noodles
Oofoof
/exclamation/
1 expressing discomfort, as from sudden exertion or a blow to one's body.
Heto na naman si Kang Seulgi sa daily routine niya. Late na naman siya sa klase ng paborito niyang professor. Sa sobrang respeto niya dito, hindi na siya pumasok dahil ayaw niyang madistract ang klase sa grand entrance niya. Nagdesisyon na lang siya na kumain ng agahan sa convenience store malapit sa school. As usual, cup noodles na naman.
“Oof,” napahapyaw si Seulgi ng matabig siya habang naglalagay ng mainit na tubig sa cup noodles galing sa dispenser.
“Sorry.” Di magkamayaw na pag-apologize ng nakasagi.
“Di mo ba alam na nag-iiba yung lasa ng cup noodles pag lumagpas sa linya yung tubig?” Saad ni Seulgi habang tinatakpan yung cup noodles.
Napatingin lang sa kanya yung babae, “Sorry.”
Di na pinansin ni Seulgi dahil wala siya sa mood at umupo na lang siya doon sa pinakadulong seat na medyo makalat. Tinapos pa kasi niya yung side project niya para kumita ng extra cash. Actually, project ng iba yun. On top of her thesis, nakuha niya pa talagang rumaket.
Bigla na lang may kumalabit sa kanya. Yung ateng nakasagi sa kanya kanina. Tinignan niya lang ito. Sa isip-isip niya: this is my personal space.
“Uhm, sorry kanina.” Sabi ni ate girl habang inaabot yung kariman na hawak niya. “Di ko naman sinasadya.” Nilagay lang niya sa gilid ng cup noodles yung dala niya, sabay alis.
Cute naman pala si ateng cup noodles. Di agad napansin ni Seulgi kanina nung nasagi siya. Pero syempre, pacool lang kahit medyo kinilig siya sa pa-kariman ni mayora. Quiet type lang with matching hoodie and emo style bangs, eh talagang death punk ang pormahan ni Seulgi.
---
Second week na ng klase pero ganito pa rin ang scenario. Kulang pa rin ang mga professors. Puro sit in lang. Napakaingay ng room. Understaffed talaga ang MIT department. Kaya yung ibang Engineering students, trip na trip kumuha ng free elective dito.
Lagi sa harap umuupo si Seulgi. Di naman sa pagka-grade conscious, pero grade conscio
Comments