Coke

Oof
Please Subscribe to read the full chapter

One week na after midterms. Ang daming ganap. Nakauwi na si Seulgi sa kanila. At syempre Monday na naman.

Namiss niya itong kama niya. Di naman siya namahay sa condo ni Wendy pero somehow, nung naglayas siya, she was feeling free. Whereas, sa bahay, sobrang nakakasakal. Galit pa rin tatay niya. Haneul Kang ba naman eh. May-ari ng SM mall, university at bank. May-ari din ng village nila. Minsan talaga napapaisip na lang siya, you cannot have it all. Despite na sobrang yaman ng tatay niya, ito rin namang kina-strict nito. Buti na lang at walang nagmana sa kanila ng kuya niya dito.

Mas excited pa siya pumasok kesa mag-stay sa bahay. At least at ease siya sa labas.

Mandatory ang breakfast nila sa bahay lalo pag sinabi ng dad nila. Unbroken rule yan kaya early riser si Seulgi. Tapos matutulog lang siya uli. Pero talagang strict ang CEO pati sa bahay. Iniisip pa lang ni Seulgi, parang di na naman siya matutunawan.

“Anak, we’re having breakfast na.” Katok ng mommy ni Seulgi sa pinto.

Lumabas si Seulgi ng kwarto at nakita ng mommy niya. Kitang-kita niya na sobrang saya ng itsura nito. “Good morning.”

“Mamaya, dalhin mo yung mga binili kong pang bake. Ibigay mo kay Wendy.” Utos ng nanay niya with matching lambing.

“Ah, sige po.” Sagot naman ni Seulgi na sobrang galang akala mo ganun talaga siya. “Pero mommy, mas mahal mo ba si Wendy sakin?”

“Lamang lang siya ng konti,” biro ng mommy niya. “Di kasi siya naglalayas katulad mo.”

“Harsh.”

After ng kumustahan at small talk pagbaba nila sa dining room, nakaupo na yung daddy niya, mukhang may meeting na naman. As usual, nagbabasa ito ng newspaper.

Ilang na ilang pa rin si Seulgi. Kaya tumatahimik lang siya sa every day scenario na ito.

Medyo nalate yung kuya niya, bihis na bihis. “Hey, dad! I got the reports from the new venture we are experimenting on.”

“And?” Sagot naman ng tatay nilang may pag-eexpect.

“Yields are good. I think it’s feasible enough.” Sagot ni Minhyuk with confidence.

“Teka, tama na yan. Ang aga-aga business na naman usapan.” Inabutan ng mommy nila si Minhyuk ng bread and butter.”

Tahimik lang si Seulgi sa hakdog at kanin niya. Hakdog from Germany kaya happy siya. Halos kalahati na yung kanin niya ng biglang..

“Seulgi. I’m giving you that. Bahala ka mag-manage. If you gain enough profit, then I’ll invest more to it.”

Nga-nga lang si Seulgi. Tinignan niya yung kuya niya na parang nagmamakaawa. Gulat na gulat siya.

“Dad, Seulgi is just second year in college. She shifted pa. I don’t think she’s ready to handle this.” Deflect ng kuya niya. It is a big project kaya nag-aalangan din siya na ibigay ito kay Seulgi. It would be hard to balance studies and business at the same time. He knows from experience.

Tango-tango lang si Seulgi. Napansin niyang tahimik lang yung mommy nila at aligaga naman ang kuya niya.

“That’s nonsense. I’ll call the school’s president and ask him to shift it back. Grades lang naman yan, we can surely adjust and give Seulgi some slack. Ano pa ba at nagtayo tayo ng sariling school?” Rebut ng tatay nila.

That’s when it hit her. Eto na naman tayo sa pagmamaliit sa kanya. Tanggap niya naman na hindi siya favorite. Black sheep pa nga. Sa eight-year gap nila ng kuya niya, talagang makikita na overprotective talaga si Minhyuk sa kanya. But this time, she doesn’t need anyone to defend her. Not kuya and not even her mom.

“Kuya, I think I can handle it.” Tahimik na sagot ni Seulgi.

“That’s good to hear, anak.” Seulgi’s father didn’t say a word after that. All smiles lang na parang walang nangyaring commotion.

Pagkatapos ng breakfast, nag-prep na si Seulgi para pumasok. Pagkalabas niya ng main door nila, nakita niya yung kuya niya. Nagtataka siya bat andito pa ‘to. He should’ve gone early for work like he always does.

“Seul, sigurado ka ba?” Tanong ng kuya niya. Halata sa mukha nito na concerned talaga.

“Don’t worry, kuya. I’ll ask for your help pag di ko na kaya.”

“Okay, at least promise me that.”

“Opo.”

“Wow, did you get that sa paglalayas mo? Ang galang mo, it creeps me out.”

“Quit it, kuya.” Diss lang ni Seulgi bago siya pumunta sa kotse niya.

“Oo nga pala. Okay lang ba kung may kasabay kayo sa club house? Isang group lang naman sila. They’d probably stay sa pool area.”

“Saks lang, kuya. Sabi mo nga, mahirap talaga magpabook dun. I’ll take it.” Pagstart ni Seulgi sa kotse.

Actually, malapit na siya malate, she’s ten minutes late from her supposed time na aalis. From 8:30, 8:40 na. So much for talking with her kuya. At di rin talaga pa siya sana

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
j4mmybear
For the last two chapters pala, I've been attaching a song. You can check it out on twitter. My twitter handle is @j4mmybear.

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 1: sanaol prof pumapasok, tangina lang dun sa mga prof na patapos na ang sem dun pa magtatambak ng gawain
gomtokki_23
#2
Chapter 21: huy Seulgi, anong selos selos ka dyan? ayos tayo a. tsk
assej7IM #3
Chapter 21: Ayan tayo sa mga pang gulo e hahahaha hayop ka seul ayus ayusin mo naman. Parang awa nyo na wag nyo na sila saktan hahaha
iana013
#4
Chapter 21: Omg authornim , no.. just please dont touch joy qnd seulgi.. i cant... Dont make joy hurt please... And irene is so precious to be in that idea.. may magiging issue p kay bogum.. wag please
maomaoo
#5
Chapter 21: Omg she likes joy too?
gazwashere
#6
Chapter 21: from Parallel Lines aq and now ko lang nabinge tong Oof 😋

mukhang magkaka trouble in paradise ang seulrene dahil sa kaguluhang joygi 🤔
PineappleSeulgi
#7
Chapter 21: nanii :0 i need to reread
forgotme #8
Chapter 21: waiting😁
gomtokki_23
#9
Chapter 21: please update hey kiddo too :(
jsyj0418 #10
Chapter 3: boss seulgi may pag bakod kagad