CHAPTER 5 - I Can Only See You

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

tentay's note: Sorry po sa super late update... medyo nagkaroon lang ng maraming priorities sa work and bahay. Hehe.

So here it is!

This Chapie is inspired from the song "I Can Only See You' by Red Velvet Seulgi & Wendy, and our tribute for March 14 a.k.a White Day (One month after Valentine's Day). Dapat kahapon ko siya ipopost but ngayon ko lang kasi natapos yung proofing nito ehehehe.

jhayne06, sorry medyo nadelay ako sa deadline natin at umabot ng five days bago mapost, bawi ako next time, mga ten days delay naman AHAHAHA! Charot!

Enjoy reading HAHAHA!

******

Confessions that I can't tell you keep building up...

Should I carefully have courage and confess?

- - - - -

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Weekend at Peach Residence...

MINHYUN'S POV

Napalingon ako sa paligid ko saka napangiti. Nice! Malinis na ang buong living room. Hay Heaven!

"Hyung, I'll throw the garbage." volunteer ni Kuanlin na kakaayos lang ng huling throw pillow sa couch at kanina ko pa katulong sa paglilinis.

"Ok! Thanks, Lin-ah!" sabi ko sabay pat sa ulo niya.

He shows his gummy innocent smile saka naglakad papunta sa gawi ng backdoor bitbit yung garbage bag. Haha! Cute ng maknae namin!

Naglakad naman ako papunta sa kusina at nakita ang dalawa pang maknae namin na magkatulong sa paghuhugas ng plato.

Huminto ako sa paglapit sa dalawa at pinanood sila saglit.

-----

"Jinyoungie, maghugas na ng mga plato." utos ko sa kanya na nakaupo sa couch at naglalaro sa cellphone niya.

"Ah, Hyung~" reklamo niya.

"Sige na, tutulungan ka naman daw ni Hwi-ah"

Natigilan siya sa pagdutdot sa cellphone niya at napakamot ng ulo saka tumayo at naglakad papunta sa gawi ng kusina.

-----

"Daehwi-ah." tawag ko sa kanya na kakababa lang ng hagdan. Nakikinig siya ng music sa phone niya kaya tinuro ko yung isang earpiece sa kaliwang tenga niya para tanggalin na sinunod naman niya agad. "Maghugas na ng mga plato." utos ko.

"Ah, Hyung~" reklamo niya.

"Sige na, tutulungan ka naman daw ni Jinyoungie."

Tinitigan niya lang ako habang naka-pout pero naglakad din naman agad papunta sa gawi ng kusina.

-----

Nasa kanang tenga ni Jinyoungie yung isang earphone habang yung isa nasa kaliwang tenga ni Hwi-ah. Nasa bulsa naman ng short ni Jinyoungie nakaconnect yung earphone, mukhang phone ni Hwi-ah, wala kasing bulsa yung damit nung isa. Kumakanta din yung dalawa habang nagsasabon ng mga plato.

Mukhang enjoy naman yung dalawa sa ginagawa nila. Kala ko tatanggi yung dalawa, buti sinabi kong tutulungan sila ng bawat isa. Magamit nga yung technique na yun para mautusan ulit 'tong dalawa 'to. HAHAHA!

"Mukha kang psycho, Hyung."

Natigil naman ako sa pag-iisip at napatingin sa nagsalita. Napangiti ako kay Woojinie na may dalang laundry basket. Kasunod naman niya si Jihoonie na poker-face at Nielie na bumubungisngis habang dala din ang mga laundry basket nila.

"Mukha kang may binabalak habang nakatingin sa dalawa." sabi ni Jihoonie.

"HAHAHA! Psycho. May binabalak. HAHAHA!" tawa lang ni Daniel.

Napatingin ako sa gawi ulit ng dalawa at natawa na nakatingin na pala sila sa akin habang nakasimangot. HAHAHA!

"Malamang iniisip niya gawin ulit next time yung pangloloko niya sa amin para mautusan lang kami." sabi ni Daehwi na nakabusangot. Tumango naman si Jinyoungie bilang pagsang-ayon. Haha ang cute talaga nitong dalawang 'to.

"Hindi, ah!" depensa ko pero napapangiti talaga ako. Ang inosente kasi ng dalawa.

"Uto-uto kasi kayo" pang-aasar ni Woojinie saka naglakad papunta sa backdoor.

"YAH!" sigaw ni Daehwi-ah.

Natatawa naman yung dalawang alipores ni Woojinie na sumunod sa paglabas niya.

Napatitig lang si Hwi-ah sa gawi ng iniwang bukas na pinto saka nabaling yung tingin sa akin na poker-face. Natawa naman ako saka naglakad palapit sa dalawa at hinawakan pareho ang ulo nila.

"Thanks for the help" pang-aasar na sabi ko.

"Psh! Scammer!" reklamo ni Jinyoungie.

HAHAHA!

"Aye Wazzup!"

Napalingon naman kami sa mga kakarating lang na sila Jisung-hyung.

"Daebak!" sigaw ni Sungwoon-hyung na natigil sa paglalakad at tumitig sa gawi namin habang may bitbit na paper bag.

"Totoo ba 'to?" tulalang nakatitig naman si Jaehwanie.

"Totoo palang may himala." sabi ni Jisung-hyung na kakalapag lang ng isa pang paper bag sa marble island.

"Mage-end of the world na." dagdag ni Seongwuie na nakatitig lang din sa gawi namin.

"Pag nangyari yun kasalanan ni Daehwi-ah." pang-aasar ni Jisung-hyung.

"YAH!" sigaw ni Daehwi.

AHAHAHA! Natawa kaming lahat dahil doon. Bihira lang kasi talaga mautusan si Hwi-ah. Madalas ang nakakapagpakilos sa kanya kung hindi si Jinyoungie, si Sungwoon-hyung na pinanandakan pa nga na mas matanda siya sa kanya kaya kailangan niya sumunod.

"Ganyan ba katamad tingin nyo sa akin, Hyung!" reklamo ni Hwi-ah na pumihit na paharap sa amin habang nanlalaki ang singkit na mata.

"Oo" sagot naming lahat pati ni Jinyoungie. Hahaha!

Nagpout naman siya habang nakatingin sa amin ng masama saka tumalikod para maghugas ulit. Tumingin din siya ng masama sa katabing si Jinyoungie na for sure kahit nakatalikod sa amin nagpipigil ng tawa. Siniko niya ito at automatic na tumawa ng malakas si Jinyoungie at saka siya binigyan ng back hug.

"Nag-umpisa na naman sila." bulong ni Sungwoon-hyung na tinutukoy yung normal na PDA nang dalawa. Napailing na lang din kaming lahat doon. Minsan kasi talaga mapapa-isip ka kung ano bang meron sa dalawang 'to, at kung ano man yun, silang dalawa lang din ang nakakaalam.

Naglakad na ako palapit sa apat saka tiningnan yung mga pinamili nila. Good for one month na food stock... kung normal ang mga kasama mo pero dahil hindi namin alam ang salitang diet, good for one week lang 'to baka less than a week pa nga.

"Good for three days." bulong ni Jisung-hyung na parang nabasa ang nasa isip ko.

"HAHAHA! Three days lang?" sabi ko.

"Oo, three days lang. HAHAHA!" biro niya na natatawa pa.

Aware talaga ang bawat isa kung gaano kami kalakas kumain. Hahaha!

Tinulungan ko na sila sa pag-aayos ng mga pinamili nila. Naglakad na kami ni Jaehwanie papunta sa refrigerator para ilagay yung ibang food stock pero bago pa kami makalapit ay nagulat kami sa biglang pagsulpot nung iba na galing sa likod bahay.

"WAAAAAHHH!" sigaw ni Niel na tumakbo papunta kay Jisung-hyung at niyakap siya na parang takot na takot na bata, pero nakangiti pa din.

"HYUUUNNGGG!!!" sigaw naman ng Pink Sausage na yumakap pa sa akin pareho. Nabitawan ko tuloy yung mga hawak ko.

"WAE-WAE-WAE-WAE!" gulat na tanong ni Jaehwanie sa tabi ko.

"YAH! Yung mga pagkain! Aish~" reklamo ko habang tinitingnan yung mga gumulong na gulay sa paanan namin. Di naman ako makagalaw dahil sa higpit ng yakap ng dalawa.

"Anong nangyare sa inyo?" tanong ni Sungwoon-hyung na kalmado lang ang reaction. Halatang immune na sa kaweirduhan ng mga 'to.

Lumayo ng onti yung dalawa sa akin tapos parang mga batang takot na takot na tumuro sa gawi ng back door. "Hyung~" sabi ng dalawa.

"Bakit?" tanong ko. Malamang kaweirduhan na naman nga 'to.

"Kasi..." biglang natigilan yung dalawa at tumitig sa isang direksyon. "Anong ginagawa nyo?" - Jihoonie / "What the?" - Woojinie.

Napalingon naman kami sa tinitingnan ng dalawa. Nakatingin lang pala sila sa magbestfriend na nasa gawing lababo. Ngumiti lang yung dalawa sa kanila na halatang kakalayo lang sa isa't-isa.

"Teka, anong ganap?" tanong ni Hwi-ah na halatang pinilit ipaalala yung problema ng dalawa .

Nanlaki naman yung mata ng dalawa na parang nag-back to reality after commercial. "HYYUUNGGG~" sabay turo ulit sa pinto.

Napatingin naman kaming lahat sa backdoor kung saan saktong biglang pumasok si Kuanlin.

"Ay Goliath!" pagkagulat ni Daehwi.

Tumingin naman sa kanya si Kuanlin. "Yo, David!" sabi nito while poker-face.

David and Goliath. Haha!

"Teka, ano bang problema talaga?" tanong ni Seongwuie na nakatitig kay Niel na ang higpit pa din ng yakap kay Jisung-hyung.

"May nakita kami!" sabi ni Nielie.

"Bugs?" tanong ni Jisung-hyung.

Umiling yung tatlo.

Napatingin naman kami sa dalawang tuko na nakakapit pa din sa akin.

"Multo?" tanong ni Jaehwanie.

"Aye~ umaga pa lang." banat naman ni Sungwoon-hyung.

"May lumalabas namang multo pag umaga, ah" sagot ni Jaehwanie.

Napatingin kaming lahat kay Kuanlinie na nakatinging nagtataka sa amin.

"Kung sino ka mang maputlang nilalang na nagpapanggap na si Kuanlin umalis ka sa katawan niya, ngayon din!" seryosong sabi ni Seongwuie habang nakatingin kay Kuanlin.

"Aye~ matagal nang maputla si Lin-ah." sabi ni Jinyoungie na napailing lang.

"Not funny." banat naman ni Hwi-ah.

Biglang nagulat si Seongwuie saka dahan-dahang napaupo at yumuko na akala mo naiiyak. Naku nadepressed na naman 'to.

"You said the forbidden word, Daehwi." sabi ni Kuanlin kay Daehwi na tinawanan naman ng isa.

"Teka! Napapalayo na tayo sa topic. ano ba talagang nangyare?" tanong ko.

"Hyung! May nakita kami sa laundry area!" sagot ni Niel.

"Ano?" tanong ni Jisung-hyung.

"Correction, sa loob ng washing machine." sabi naman ni Kuanlin na napangiti.

"Anong meron sa Washing Machine?" tanong ni Sungwoon-hyung.

Imbis na sagutin yung tanong namin, hinatak na lang ako ng dalawa na nakakapit na sa magkabilang braso ko. Ganon din si Niel kay Jisung-hyung. Sumunod naman yung iba sa amin at pumunta kami lahat sa laundry area.

 

SUNGWOON'S POV

Pustahan, kaweirduhan na naman 'to.

Sinundan namin sila Minhyunie palabas ng likod bahay. Di pa man kami nakakalapit sa laundry area ay kitang-kita na namin ang mga nagkalat na labahan sa paligid ng Washing Machine. Mukhang damit ni Niel. Siguro nahagis niya yung labahan niya sa takot kung ano man ang nasa loob non.

"Wait!" tawag ni Jaehwanie sa lahat.

Natigilan naman kami lahat sa paglapit sa Washing Machine at napatingin sa kanya.

"Laro tayo ng Jack 'en Poy. Kung sino matalo-"

"-siyang unggoy?" singit ni Seongwuie na nasa pinaka-likuran naming lahat.

"Pwede rin... pero siya din yung titingin sa kung ano mang nasa loob." suggest niya.

"Suddenly?" tanong ni Daehwi na natatawa pa.

"Good suggestion!" sabi ko. Minsan talaga ang taba ng utak nitong isa 'to sa kalokohan.

"Okay! Hahaha!" natawa lang si Minhyunie.

"Kayo na lang" sabi ng Pink Sausage at ni Niel.

"HINDI!" sabi namin kasabay ng paghatak nila Minhyunie at Jisung-hyung sa tatlo.

Nagtabi-tabi kami sabay stretch ng kamay namin.

JACK 'EN POY!

Jisung-hyung, Ako, Jinyoungie, Daehwi - SCISSOR

the rest, PAPER.

"AHAHAHAHA! OKAY!" pagsigaw naming apat.

JACK 'EN POY!

Kuanlin - SCISSOR

the rest, PAPER.

Natawa lang si Kuanlin sabay turo sa tatlo, sa Pink Sausage at kay Niel. Halatang alam niya din kung anong nasa loob ng Washing Machine kaya inaasar niya yung tatlo.

JACK 'EN POY!

Minhyunie, Jihoonie, Woojinie - ROCK

the rest, SCISSOR.

"WOOOOHHH!" sigaw ng Pink Sausage kasabay ng pagyakap ulit kay Minhyunie na natatawa lang.

"Okay! OngNielHwan!" sabi naman ni Jisung-hyung na natatawa pa.

"WAAAHH SAVE ME!" sigaw ni Niel habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya, yung parang bata sa Home Alone. HAHAHA!

"WAHAHAHA!" wagas na tawa ni Jaehwanie.

"AAAAHHHH! DI AKO MAGALING SA GANTO!" kabadong sabi naman ni Ong habang ginagaya yung pose ni Niel.

"Pwede na natin itigil 'to basta magvo-volunteer ka." banat ko. AHAHHA!

"Okay, Hyung, ganto na lang!" singit ni Woojin. "Kung sino mananalo, titingin lang sa loob tapos yung matatalo siya naman ang kukuha non."

"DEAL!" sabi naming lahat except sa OngNielHwan.

"Teka, ba't kayo ang nagdedecide para sa amin?" tanong ni Seongwu. HAHAHA!

"HAHAHA! Bilisan nyo na, Hyung!" pag-aapura ni Jinyoungie. HAHA!

"Sure ako, isa kila Hyung ang matatalo. Kulelat sila sa ganto, eh!" bulong ni Niel.

JACK 'EN POY!

Seongwu at Jaehwanie - ROCK

Niel - SCISSOR

"WAAAAAAAHHHHH!!!" pagsigaw ni Niel.

"WOOH!!" pagsigaw nila Jaehwan at Seongwu sabay sayaw ng remarkable dance step ni Minhyunie.

HAHAHAHA!

"Wooh! Go, Hyung!" cheer ng mga maknae line.

"Sorry, Daniel. Di na kita matutulungan diyan." banat naman ni Jisung-hyung na nagpipigil ng tawa.

"Bilis na!" pag-aapura ko sabay ng pag-pat sa likod nila Seongwu at Jaehwan.

Naglakad naman yung dalawa sa tapat ng washing machine. Hawak na ni Jaehwanie yung takip ng magkatinginan yung dalawa.

"Teka! Alam kong nanalo tayo pero bakit feeling ko natalo din tayo?" bulong niya.

"Feeling ko na-scam tayo." sagot naman ni Seongwuie.

HAHAHA!

"Aye~ Bilis na!" pag-aapura namin.

At dahil no choice sila, dahan-dahan nilang binuksan yung takip at takot na sumilip sa loob. Nanlaki yung mata nung dalawa sabay tahimik na tinakpan ulit yung machine. Napatingin sila sa aming lahat sabay lakad palayo sa Machine.

"Wae?" tanong ni Jisung-hyung.

"Buti na lang nanalo kami." bulong ng dalawa.

"Huh?" tanong ko.

"Oh, Niel, Ikaw na!" pagtawag ng dalawa sa nakaluhod na palang si Niel.

"Waaahhh! Di ko kaya!" sabi ni Niel na parang batang naiiling pa.

"Bilis na! Para matapos na!" pag-aapura ko.

"Eh-wag-na-muna-natin-tapusin!" banat niya habang nanlalaki ang singkit na mata. Lumabas na naman yung accent niya dahil sa nerbyos.

Aish~

Tinitigan ko siya ng masama at mukhang natinag naman siya kaya tumayo na at naglakad palapit sa machine habang parang batang nagkakamot ng ulo. Haha!

"Okay! Magiging matapang ako! Wooh! Matapang ako!" bulong niya.

Hinawakan na niya yung takip at binuksan ito. Nagbuntong-hininga siya saka pinasok yung kamay niya sa loob nito. Ang weird lang namumula kasi siya. Hmm?

"WAAAAAHHH!" sigaw niya na mukhang nahawakan na niya yung nasa loob. "HYUUUUUNNGGGG~" ngawa niya habang nangingiti.

"Kaya mo yan, Go!" cheer naman ni Jisung-hyung.

Dahan-dahang inilabas ni Niel yung nakuha niya sa loob.

Grabe! Suspense!

Nang mailabas niya, pinakita niya ito sa aming lahat.

 

...

 

...

 

...

 

Pustahan, lahat kami namumula na ngayon.

Hawak lang naman ng naestatwa nang si Niel ay isang undergarment ng babae.

Tahimik lang kaming lahat at nakikiramdam kung may magrereact man lang.

"Di ko akalain..." pagbasag ni Seongwu ng katahimikan ng lahat. "...na yan ang makakapagpatakot sa Pink Sausage." banat niya.

HAHAHA! Natawa naman kaming lahat doon.

"Hindi naman sa ganon!" depensa ni Jihoonie.

"Nakakatakot lang na isipin na isa sa atin ang gumagamit niyan." dagdag ni Woojinie.

"WAAAAHHH AHAHAAHA!" Iyak-tawa ni Niel na nabitawan na yung hawak niya.

"YYYAAAAHHHH WAG KANG GANYAN!" sigaw naming lahat.

Wooh! Tumindig yung balahibo ko doon, ah.

 

♀♂

Cherry Residence...

NAYOUNG'S POV

Naglalakad na ako papunta sa likod bahay. Tumawag kasi si Minhyun-oppa tinatanong kung pwede ako makita saglit. Bakit kaya?

Paglabas ko ng back door, natanaw ko na agad siyang nag-aantay sa kabilang bakod. Ngumiti siya agad habang palapit ako sa gawi niya. Nagtitigan muna kami saglit saka siya may inabot sa akin. Isang paper bag.

"Sa tingin ko, isa sa inyo ang may-ari niyan." sabi niya.

Sinilip ko kung ano yung nasa loob, at nang ilalabas ko na sana.

"Wait! Wag mo ilabas. HAHA!" dagdag niya. Teka? ba't namumula 'to?

Sinilip ko ulit ito at kinalkal sa loob.

What the!

Tumingin agad ako sa kanya. Ngumiti naman siya habang wine-wave yung dalawang kamay niya sa harap ko.

"Mali yang iniisip mo. Diba nanghiram ng Washing Machine sila Pinky-ah at Chaeyeon-ah nung isang linggo. Palagay ko di nila napansing may naiwan sila sa machine." paliwanag niya.

Tinitigan ko lang siya at mukha namang nagsasabi siya ng totoo.

"Akala ko sinungkit nyo sa sampayan namin." poker-face na sabi ko.

"HAHAHA! Takot lang naming gawin yun. AHAHAHA!" sabi niya.

Tinitigan ko siya ulit at napansin naman niya yun. Nagbuntong-hininga siya saka ako tiningnan ng seryoso.

"Wag ka masyadong strict sa kanila." pag-uumpisa niya.

"Kaya ba pinapagamit mo sila ng WiFi hanggang alas singko ng hapon?" banat ko. Akala niya di ko malalaman modus niya ah!

"Alam mo!" pagkagulat niya. Gotcha!

Poker-face ko lang siyang tinitigan. Tahimik niya lang ako tinitigan din and at the end, napakamot na lang siya ng ulo.

"Sorry." sabi niya.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya.

"Medyo over na kasi. Bawasan mo na ang paghihigpit mo. Kahit naman carefree sila marunong naman sumunod yung mga bata."

"Pero, Oppa-"

Natigilan ako ng i-pat at haplusin niya ang ulo ko.

"Oh, Nayoungie~" sabi niya. "Don't worry, nagu-guide mo sila ng maayos. Trust them. Okay?" dagdag niya habang nakangiti sa akin.

Sa lahat ng taga-Fruity, si Minhyun-oppa lang ang nakakaintindi sa akin. Laging sinasabi ng iba na mahirap basahin ang nasa isip ko. Yung girls medyo nababasa naman daw ako kaso bihira lang.

Pero si Minhyun-oppa, di man ako magsalita o magreact, alam na niya agad ang gusto kong sabihin kaya sa lahat ng malapit sa akin, siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko.

"Thanks!" sabi niya.

"For what?" tanong ko.

"For the compliment." sabi niya.

Kaso minsan nakakatakot talaga siya kasi nababasa niya kung ano talaga nasa isip ko. May telepathic powers kaya 'to?

"HAHAHA!" natawa na naman siya. "Wala akong telepathic powers. HAHAHA!" dagdag niya.

May telepathic power nga 'to.

"HAHAHA!" mas lumakas pa ang tawa niya lalo ng mapaurong ako palayo sa bakod. Buti na lang may namamagitan sa aming bushes and fences, baka mamaya kung ano pang gawin nito sa akin. "Weird ko ba?" biro niya.

"Nah. It's Eerie." sagot ko. Totoo naman eh. "Tell me, ano tinira mo?" tanong ko sa kanya.

As expected, tinawanan na naman niya ako. Aist!

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

JISUNG'S POV

Palihim lang kaming lahat na nakadungaw dito sa bintana ng kusina. Pinapanood namin kung paano maglandian yung dalawa sa labas. Hmmm...

"Ang harot ni Hyung." bulong ni Jaehwanie sa tabi ko na tinawanan ng lahat.

"HAHAHA! Tomoh!" sabi ko. Parehas lang pala kami ng iniisip.

"Pero, ang galing ni Minhyun-hyung. Napre-predict niya kung anong gustong sabihin ni Nayoung-noona kahit di siya magsalita." bulong ni Daehwi-ah habang nakaabre-siete kay Jinyoungie na tahimik lang na nakatingin sa labas.

"Palagay ko may telepathic ability si Hyung." dagdag ni Dumb Jihoonie habang kumakain ng popcorn na hindi ko napansin kung kailan niya niluto.

"Nilalait ko pa man din siya minsan sa isip ko. Nababasa niya kaya?" banat naman ni Dumb Woojin na nakikikain sa popcorn nung isa.

"Ano naman mga panglalait mo?" tanong ni Sungwoonie na nakaluhod sa pinakaharapan ng bintana.

"Visual nga, may Over Clean Disorder naman." sagot niya.

"Don't worry. Di mo man isipin o sabihin yan, aware naman siya diyan. HAHAHA!" banat ko sa kanya.

"Pero, ano ba talaga sila?" tanong ni Dumb Jaehwan habang mapanuring nakatingin sa dalawa.

"Tao." plain na sagot naman ni Dumb Ong.

"HAHAHA! TAO! HAHAHA!" tawa naman ni Dumb Niel.

Automatic tuloy na nagplay ang DUMB DUMB DUMB ng Red Velvet sa utak ko dahil sa mga 'to. Aish~

"Hyung, you've been together since childhood, right?" out of the blue na tanong ni Kuanlin kay Jinyoungie.

"Ah tama!" excited na sigaw ni Daehwi-ah sabay tingin sa katabi. "You might know something, right?" tanong niya dito. 'Tong mga maknae talaga namin, naging Alien na naman. Kung maka-english eh.

Ah tama, magkakakilala na nga pala silang tatlo eversince.

Tumingin kaming lahat kay Jinyoungie na nakatitig lang din kay Daehwi-ah na nag-aantay ng sagot niya. Pero, dahil ang deep na si Jinyoungie ang kausap namin, expect mo nang delay ang sagot nito.

"Pwede magreact." banat ni Seongwu.

HAHAHA!

Binaling ni Jinyoungie ang tingin niya sa labas at tahimik na tumitig sa dalawa.

"Pwede ngang magreact." banat na naman ulit ni Seongwu.

Natawa na si Jinyoungie after non. Wala, desperado na si Ong eh. Nagreact tuloy siya.

"Thanks. Pwede ding magsalita." dagdag pa ni Dumb Ong. HAHAHA!

"Hmmm..." bulong ni Jinyoungie na halatang iniisip kung kailangan niya bang sabihin ang alam niya or hindi.

"Yun lang masasabi mo?" gatong ni Jaehwan.

Natawa na kaming lahat doon. Loko talaga 'tong mga 'to, pinagtritripan yung bata. Natawa din si Jinyoungie na may kasama pang pagpalakpak na habit niya pag tumatawa.

"Sila na lang tanungin niyo." sagot niya ng makamove-on sa pagtawa.

"Tatanungin namin si Minhyunie mamaya. Ikaw ang tinatanong namin ngayon." banat ko. Ang daming paligoy kasi.

Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Baka kasi di kayo maniwala." sabi niya na nakangiti.

"Sumagot ka na!" banta ng Pink Sausage kung saan pumihit paharap sa kanya si Jihoonie na nakakuyom yung kanang kamao na parang nagpipigil lang na manapak habang yung isang kamay niya hawak yung carton na may popcorn. Si Woojinie naman umakbay na sa kanya. Oh bullies!

Tumawa lang si Jinyoungie ng tinabig ni Daehwi yung nakaakbay na braso ni Woojin sa kanya. Tinitigan naman ni Woojinie ng masama si Hwi-ah saka 'to biglang binatukan. Siniko naman ni Jinyoung yung tagiliran ni Woojinie dahil doon. Hinampas naman ni Kuanlin sa likod si Jihoon habang natatawa sa kanya dahil mukha siyang angry bird ngayon.

May mga times talagang ang dami nang nangyayari sa mga maknae sa loob lang ng ilang segundo. Dagdag mo pa si Nielie na natatawa sa gilid ni Hwi-ah.

"Okay!" sabi ni Jinyoungie na mukhang sumuko na din sa wakas. "Actually..."

 

...

 

...

 

...

 

"Actually?" tanong ko. Pasuspense naman 'to masyado.

 

...

 

...

 

...

 

"Nakatingin na sila dito." sabi niya.

 

Huh?

 

Napatingin kami ulit sa labas at nakita nga naming nakatingin na yung dalawa sa amin. Dahil akward na masyado, kumaway na lang ako sa kanila while showing my beautiful smile. Natawa naman si Minhyunie habang poker-face lang na nakatitig si Nayoung-ah. Nag-usap lang saglit yung dalawa saka na naglakad si Nayoung-ah pabalik sa loob ng Cherry. Naglakad na din papasok yung isa.

"HAHAHA!" tawa ni Sungwoonie na nakaupo na sa sahig. Mukhang nakapagtago agad 'tong isa, di man lang nagsabi.

"No choice nakita na tayo. Tara na." yaya ko para umalis na sa bandang bintana. Mukhang-tanga na kasi kami dito. "Tumayo ka na diyan." sabi ko kay Sungwoonie.

Tumayo naman siya pero dahil topakin ako.

"Sungwoon-ssi. Sabi ko tumayo ka na diyan. Uy!" biro ko sa kanya. Alam nyo naman medyo katangkaran 'tong isang 'to.

"Oo nga! Tumayo ka nga diyan!" gatong ni Niel na natatawa.

"Ayaw tumayo nito, oh!" pang-aasar pa ni Jaehwan.

"Naliliitan ka ba kay Kuanlin?" non-sense na dagdag ni Seongwu.

Boom!

Tahimik lang na nakatingin si Sungwoon. Lagot. Sensitive pa man din yan kapag usapang height na.

"I think he's not that tall." pang-finale na banat ni Hwi-ah.

"YAH!" pagka-asar ni Sungwoonie. "AAAAYYYEEE!" sigaw niya saka pumusisyon na mukhang mangttaekwondo.

"WAAAAAAHHHH!!!" sigaw namin saka kami nagtakbuhan.

Pagsumigaw na kasi siya ng ganyan, automatic na mambubugbog na yan kaya naglayuan kaming lahat sa kanya by instinct na din. Mahirap nang mamatay sa pangangarate niya no! Di pa nga nasasagot yung tanong namin sa kung anong relasyon ng dalawa. HAHAHA!

Pumasok naman ng back door si Minhyunie pero di na namin siya naintriga dahil tumakbo na kami papuntang living room para iligtas ang mga sarili namin. Ang alam ko lang, confused yung itsura niya na parang gusto niya sabihing 'Nanyare?' Hehe.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Cherry Residence...

SEJEONG'S POV

Nakatayo kami ngayon dito sa bintana at natatanaw namin yung boys doon sa bintana ng kusina nila. Mukhang pinag-uusapan din nila yung dalawa sa labas. Ilang saglit lang, tumingin yung dalawa sa kanila kaya kumaway si Jisung-oppa. Nag-usap ulit sila saka naglakad na palayo si Nayoung-unnie habang nakangiti naman si Minhyun-oppa bago ito umalis. Nag-uusap din yung boys sa kabila tapos mamaya bigla sila nagtakbuhan palayo kay Sungwoon-oppa. Mukhang nag-aasaran na naman sila at ang biktima si Oppa.

"Unnie!" tawag ni Pinky saka umalis sa tabi ko.

Paglingon ko, di ko napansing nakapasok na pala sa back door si Nayoung-unnie. Busy kasi ako sa panonood sa comic act ng mga taga-Peach. Hehe.

"Ano yan?" tanong ni Chungha na nakatayo din sa tabi ko ng mapansin niya yung bitbit ni Unnie.

Bumalik si Nayoung-unnie sa pagkaka-upo sa marble island ng kitchen and dining area at pinagpatuloy yung pagkain niya ng sliced apple. Nilapag din niya yung paper bag sa island na nilapitan at kinalkal naman agad nila Pinky at Chaeyeon yung nasa loob.

"AAAAAHHHH!" pagkagulat ng dalawa saka nilabas yung nasa loob.

COUGH! COUGH! COUGH!

Grabe! Nasamid tuloy ako sa iniinom kong juice.

"Bakit ka niya binigyan ng !" pagkagulat na tanong ni Yoojung-ah na nanlalaki na yung singkit na mata habang natigil sa pag-nguya ng apple sa bibig niya. Nakaumbok kasi yung pisngi niya. Hehe.

"I know you guys are comfortable to each other, but I didn't expect that too much." banat naman ni Somi na natigil na sa pagsubo ng junk food at nakaupo sa tabi ni Nayoung-unnie.

Nilingon siya ni Unnie saka siya hinatak palapit sa kanya para ihead-lock. "Anong point mo?" poker face na tanong niya.

"HAHAHA!" tawa lang ni Somi-ah.

"Ano na ba ang level ng relationship nyo, Unnie?" pang-iintriga naman ni Doyeon-ah na nakikikain sa apple ni Nayoung-unnie. "Home base na ba?" dagdag lang ng baliw na babaeng 'to. Teka! bakit alam niya yun? Minor pa lang 'to ah!

"Shut the f*** up!" sabi lang ni Nayoung-unnie.

Natawa naman si Doyeon-ah "Unnie, kung nasa T.V. show tayo, nilagyan na nila ng Beeeeep Sound yung sinabi mo. Hahaha!" banat lang niya.

"Medyo censored din kasi." dagdag ko.

Tahimik na tao lang si Nayoung-unnie pero wag ka, pag napikon kasi yan nagiging siga din. Ehehe.

"Pero, Unnie-" tawag naman ng katabi ko lang kaninang si Yeunjung na lumapit kay Unnie at niyakap ito sa likod. "Pag nakikita naming magkasama kayo ni Minhyun-oppa parang may sariling mundo kayo. Ano ba talaga meron sa inyo?" pabebe na tanong niya.

"Oo nga, Unnie." gatong naman ni Chaeyeon-ah na lumapit din at niyakap si Unnie.

"Ano bang problema niyo?" pagkapikon ni Unnie. "Hindi kami katulad ng iniisip nyo." sagot niya habang nakakunot ng onti yung noo niya. Nahihiya talaga yung mukha niya sa big reactions kung minsan noh. HAHAHA!

"Eh bakit ka niya binigyan ng ?" tanong ulit ni Somi-ah na yumakap na din kay Unnie.

"Basehan talaga ang sa level ng relationship namin!" pagkagulat ni Unnie.

"Oo!" sagot ko. AHAHAHA!

"Ay nako! Di niya binigay yan. Isa sa atin ang may-ari niyan, binalik niya lang. Nakita nila yan sa loob ng Washing Machine na hiniram niyo Pinky-ah, Chaeyon-ah." sagot niya.

"Ah talaga?" tanong ko.

Tiningnan namin yung underwear.

"Ang malas naman ng may-ari nyan. For sure, nakita ng mga boys yung undies niya." comment ni Yoojung-ah na obvious na kampanteng hindi sa kanya yun.

"Teka!" kinuha ko yung fuschia pink underwear saka tiningnan. "Parang kay Mina-ah ata 'to." sabi ko.

"HUH!" pagkagulat ni Pinky-ah at Chaeyeon-ah.

"So, we will expect na mabubugbog kayo mamaya ni Mina-ah." pang-aasar ni Chungha-unnie.

Nagkatinginan yung dalawa "Hindi naman niya malalaman, right?" tanong ni Chaeyeonie.

"As long as Mina has no idea on it." sagot ni Pinky.

"Anong wala akong idea?"

Napalingon kaming lahat sa kakarating lang na si Mina. Poker face niya lang kaming tiningnan lahat.

"Oh Mina! Teka, ba't ngayon ka lang bumaba? Si Sohye asan?" tanong ko agad sa kanya. Napansin ko kasing nanigas bigla yung dalawa sa pagdating niya, dagdag mo pang mabilis na tinago bigla ng dalawa yung undies sa paper bag na inihulog nila sa sahig. Sinipa pa ni Chaeyeon yung paper bag para maitago sa gilid ng marble island. Haha.

"Ah, nasa taas si Unnie. Bumaba lang ako para kumuha ng makakain pa namin." sabi niya saka naglakad papunta sa rack ng mga junk food.

"Ano bang ginagawa nyo?" tanong ni Somi-ah na akala mo walang nangyayari kanina. Haha!

"Nagddrama marathon kami. Episode 8 na kami ng Revolutionary Love. Hehe" sagot niya habang kumukuha ng maraming pagkain. "So, bakit nyo ko pinag-uusapan?" tanong niya habang papunta naman sa refrigerator.

"Ah! sabi namin wala ka atang idea na kinain namin yung chocolate ice cream mo dyan sa ref." banat ni Yoojung-ah.

"Ah, nagsabi naman si Sejeong-unnie kaya pumayag ako." sagot niya saka kumuha ng maraming soda sa refrigerator.

"Sabi ko sa inyo no need to worry kasi pumayag siya." sagot ko. Haha pwede na talaga kaming maging actress. Lupit ng acting namin. Hehe

Humarap na si Mina sa amin pero poker face pa din. "So, tingin nyo bebenta sa akin yan? Anong talagang pinag-uusapan nyo?" tanong nya.

Joke lang pala. Di pa kami pwede maging artista. Lakas talaga ng radar nitong babaeng 'to.

"Pinag-uusapan kasi namin kung may idea ka kung ano bang relasyon nila Nayoung-unnie at Minhyun-oppa." banat ni Doyeon.

"Di talaga makamove-on, girls?" tanong ni Nayoung-unnie.

Naging confused yung mukha ni Mina at tumingin sa amin lahat na parang ang laking Joke ng sinabi niya. "Hindi nyo ba alam?" tanong niya.

WHAT!

"MAY ALAM KA!" pasigaw na taong namin.

"Hindi ba mag-pinsan kayo, Unnie?" tanong niya kay Nayoung-unnie.

"HUH!" react namin saka napatingin kay Unnie.

"Ewan ko nga sa mga 'to. Ginagawang big deal yung pagiging close ko kay Oppa." sagot ni Unnie. Infairness, yun yung pinakamahabang dialogue niya ngayong araw.

"BAKIT DI NAMIN ALAM!" tanong ko. Lagi kaming magkakasama pero wala akong idea doon.

Tumingin lang sa akin na parang ewan si Nayoung-unnie. Napatingin naman ako kay Mina-ah na nagtatakang nakatitig din sa akin.

"Ah! Sinabi niya dati nung bagong lipat ako dito." sagot niya na parang nabasa naman niya yung gusto kong sabihin.

"Ah talaga!" react ni Chungha.

"Nacurious kasi ako kung may Dating Ban ang tenant sa tenant ng kabilang bahay. You know, possible naman kasi na di maiiwasang ma-attract ang ilan sa atin sa mga taga-Peach. Sabi ni Unnie, walang problema pero much better kung magfofocus ang mga tenant sa studies. Tapos tinanong ko kung may relasyon sila ni Minhyun-oppa kasi close nga sila. Magpinsan daw sila." kwento ni Mina. "Nagconfirm din naman si Minhyun-oppa nung tinanong ko siya dati." dagdag niya.

"UNNIE, BAKIT DI MO SINABI SA AMIN!" tanong ko. Mas matagal kaming magkakilala pero wala talaga akong idea doon. Unfair!

"Di naman kayo nagtatanong." plain na sagot niya sa amin.

Nga naman. HAHAHA!

"Pero sana shinare mo man lang sa amin na mag-pinsan pala kayo. Ang unfair, Unnie" pagddrama ni Yeunjung-ah na nakayakap pa din sa kanya.

No reaction lang si Unnie na nakatingin sa amin habang ngumunguya ng apple.

"Aye~ I don't believe na mag-pinsan kayo, Unnie."

Napatingin kaming lahat kay Somi-ah na nakayakap pa din kay Nayoung-unnie pero nakangiti na sa kanya. Nilingon din siya ni Unnie.

"What do you mean?" tanong ni Pinky na nakasimangot na din. Mas close kasi siya kay Nayoung-unnie pero obvious na wala din siyang alam.

"Kung magpinsan kayo, bakit kailangan niyong gamitin ang birthday ng bawat isa as password ng wifi ng bawat bahay." sagot ni Somi na may nakakalokong ngiti. "Ang password ng wifi ng Peach eh birthday mo, tapos dito sa atin birthday ni Minhyun-oppa. Bakit kaya?" pang-uusisa niya.

Nagulat naman bigla yung iba at dali-daling chineck yung phone nila. Mayamaya, naging gulat yung expression nila saka napatingin kay Unnie.

"So, nakikiconnect nga kayo sa kabilang bahay." poker face na sagot lang ni Unnie.

Natahimik bigla yung iba at nagkatinginan. Napabitaw pa nga yung tatlo sa pagkakayakap kay Unnie sabay tinginan ng masama kay Somi-ah.

"So, habang kami sumusunod sa rules ni Unnie kayo naman sumusuway. Huh?" tanong ko. Aba!

"Yah! Unfair nyo!" pagkagulat ni Chungha.

So ang lagay kaming Unnies ang wala lang alam. Loko 'tong mga 'to ah.

"So, Unnie, ano plano?" tanong ko. "Kukuyugin na ba natin 'tong mga 'to?" pagbabanta ko.

No reaction lang na tumingin sa amin si Unnie. "Aalisin ko na sana yung Wifi Ban ngayon pero tingin ko need ko siyang iextend." sabi nito.

"AISH!" pagkapikon ko. "KAYO TALAGA!" sigaw ko sa kanila.

Tahimik lang na nagkatinginan sa isa't-isa 'tong mga pasaway na 'to. Betrayers! Aist!

 

♂♀♂       ♀♀♀♀♀♂♂♂          ♀♀

Monday at Spring Building's Pantry

DAEHWI'S POV

"Ahmmm... Can someone explain to me what happened?" tanong ko habang nakatingin sa mga girls na kasama ko dito sa table. "You're not on yourselves." dagdag ko. Paano ba naman mukhang nalugi itsura nitong mga 'to.

Nagbuntong-hininga lang si Yoojung-noona saka tumingin sa akin. "Nawalan kami ng buhay." sagot niya.

"Condolence." singit naman ni Woojin-hyung na tinawanan lang nila Jihoon-hyung at Jinyoung-hyung.

"So, kelan libing ninyo?" pagbibiro ko. Nawalan daw sila ng buhay eh. Niliteral? HAHAHA!

"Pagnalibing na namin kayo ng buhay, saka kami magpapalibing." sagot naman ni Doyeon-noona habang naka-irap. HAHA!

"Corny nyo." pang-aasar pa ni Woojin-hyung.

"EH IKAW KAYA NAG-UMPISA!" sigaw ni Doyeon-noona. Ay High Blood si ateng.

"SI PANDAK KAYA NAG-UMPISA! Diba sabi nya nawalan kayo ng buhay!" banat pa ni Woojin-hyung.

"SI DAEHWI KAYA! Siya una nagtanong!" sagot ni Yoojung-noona.

"Ow! I'm sorry! MALI NA PALA MAGTANONG NG MATINO NGAYON!" banat ko. Aba!

"OO! LALO NA PAG NAGTANONG NG ENGLISH!" sigaw ni Yoojung-noona.

Napahampas ako bigla sa table. "O.A. HA! Di nyo nga ako sinagot ng English. Makasisi akala mo pinahirapan ko buhay niyo eh!" dagdag ko. Nabitawan ko tuloy yung chopsticks ko. Nahulog pa sa sahig. Tsk!

"Yah! Itigil nyo na nga yan! Pare-pareho lang kayong corny eh!" awat ni Pinky-noona habang kumakain ng damo. Damo kasi puro gulay yung nasa plato niya ngayon. Mabubusog ba siya niyan?

"Wait nga!" singit naman ni Sohye-unnie. "Bago tayo magkalimutan, paano na pala yung Party for Somi-ah at Jisung-oppa. This week na yun!" paalala niya.

Speaking. Napatingin ako sa counter at nakitang nakapila pa din sila Lin-ah at Somi-ah. Mukhang ang daming gutom na estudyante dahil sa block buster na pila, ah! Hehe.

Nasense naman ata niyang may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya bigla sa gawi ko, same din si Lin-lin. Ngumiti ako saka wagas na nagwave ng kamay sa kanya. She mouthed 'betrayer' tapos inangasan ako ng tingin bago siya bumusangot ng tumawa lang ako. Napatingin siya sa likuran niya, kay Kuanlin, saka umarte na naiiyak, umiling lang yung isa saka siya tinapik sa likod para umusad sa pila. Sorry naman kung may pagkain na agad ako. Maghanap muna sila ng Jinyoung-hyung ng buhay nila. Hahaha!

"Kaya pala ang tahimik nyo sa chat." comment ni Jinyoung-hyung. "Eh ba't di kayo makiconnect ulit sa amin?" suggest niya.

"Nagagalit na si Unnie. Alam na nya kasi yung modus namin, dagdag pa na nambubugbog si Sejeong-unnie pag nagaattempt kami makiconnect. Di kasi namin sila nainform sa password ng wifi. Ayun tampururot ang peg nila. Ehehe." sagot ni Doyeon-noona.

"Wait, how did Nayoung-noona found out about the WiFi thing?" tanong ko.

"Well, asked your bestfriend and her talkative mouth." mataray na sagot ni Sohye-noona. Oh sorry! Fyi, englishera din yan si Noona.

"Oh! a slipped of the tongue then!" pagkarealized ko.

"Yup!" sagot ulit ni Noona. "Mana sayo" dagdag niya habang nangingiti.

"Ay grabe! Hindi naman ako maingay ah! Diba hyung?" pacute na tanong ko sa katabing kong si Jinyoung-hyung.

Napatingin lang siya sa akin sabay bungisngis. Aye~

"Kailangan ko ng reaction na 'second the motion' hindi 'objection your honor'!" banat ko pero tinawanan niya lang ako, partida hinampas pa ako sa balikat ng Loko. Minsan talaga ang sarap itakwil nito ni Jinyoung-hyung eh.

"Lalo na pag magkasama kayo ni Woojin-ah, maingay." comment ni Sohye-noona.

Tumigil sa pagkain si Woojin-hyung saka tinitigan na parang ewan si Noona. Tumatawa naman nang wagas yung WinkDeep dahil doon. Hinahampas pa nga ni Jinyoung-hyung si Jihoon-hyung. Problema nitong mga 'to... AH! Ok, get's ko na!

"Guys, nalalayo na naman tayo sa topic?" paalala ni Chaeyeon-noona habang kumakain din ng damo. Kambing mode este Vegetarian mode ulit sila ni Pinky-noona.

"Hindi tayo makakapag-usap ngayon dahil mamaya andito na sila Somi-ah at Linlin. So paano tayo makakapagcommunicate secretly?" tanong ko sa kanila.

"Edi magtext, problema ba yun." banat ni Woojin-hyung. "G.M." dagdag pa niya.

"Ang effort naman masyado." side comment ni Yoojung-noona.

"Edi wag ka magtext sa amin para effortless sayo. Para out of place ka din, Bansot!" pang-aasar niya.

"YAH!" - Yoojung-noona.

"YAH KA DIN!" - Woojin-hyung.

"So, ano na ngang gagawin natin?" tanong ni Yeunjung-noona na ngayon lang nakapagreact simula pa kanina.

"Kung kanina pa kayo tumigil ng barahan, may naumpisahan na tayo sa pagpaplano bago pa dumating yung dalawa." singit ni Mina-noona na ngayon lang din nagparamdam dahil kanina pa busy sa pagkain ng paubos na batch two meal niya. Di pa nga ubos yung pagkain namin, paubos na agad yung MGA pagkain niya. Takaw...

"Hmmm... It will be a one celebration for both then let's based the theme on their age." suggest ko.

"Hwi-ah, kung based on age ang layo na ng difference nila. Jisung-oppa as the oldest and Somi-ah as one of the youngest in Fruity. Seriously?" comment ni Sohye-noona. Sabi ko sa inyo, Englishera talaga yan si Noona, eh.

"Hmmm... let's see..." bulong ko. Infairness, may point siya doon.

"Hoy! kayo ngang dalawa, tigil-tigilan nyo pageenglish nyo, na-alien na kayo. Magsilayas nga kayo dito. Kaloka!" saway ni Doyeon-noona habang dinuduro kami ng chopstick niya.

"Hehe, so ano na nga?" tanong ko ulit.

"After many decades!"

Napatingin kami sa nagsalita at nakita ang kakalapit pa lang na sila Somi-ah at Kuanlin. Tumingin lang si Lin-ah sa akin na parang sinasabi na 'Did you already have a plan?'. Nagshrug lang ako bilang sagot na 'There's no plan yet'. Ngumiti lang siya sa akin.

"Hey, Somi!" tawag ko sa kanya.

Pa-upo pa lang siya sa tabi ni Chaeyeon-noona ng mapatingin siya sa akin. "What?" takang tanong niya.

"I dropped my chopsticks. Can you get me one, please~" pacute na utos ko habang nakadikit yung palad ko na parang nagppray.

"I know you can walk. Get your own." sagot niya lang sa akin saka naupo. "Why don't you ask your boyfriend to get it for you anyway?" dagdag niya.

"Huh?" Ok loading~ Di ko siya na-gets.

"Wala! Sabi ko pakuha ka sa Jinyoung-hyung mo!" sagot niya sabay subo ng pagkain niya.

Ah! Ok!

"But, I want you to get it. I want to eat now!" pangungulit ko.

"Then, want to die?" tanong niya. Haha!

Natigilan naman ako ng hawakan ako sa kaliwang balikat at saka binulungan ni Jinyoung-hyung bigla.

"Masyado kang obvious." sabi niya.

"HAHAHA!" natawa naman ako. Obvious ba masyado yung plano ko. AHAHAHA!

"Oh!" inabot niya sa akin yung chopstick na gamit niya. "Kumain ka na. Kukuha na lang ako ulit." sabi niya sabay tayo at lakad papunta sa counter area. Partida, nakapamulsa pa siya habang papunta doon. Cool~

Pero, Hyung naman, joke lang naman yun, ako na sana ang kumuha, or pwede mo naman ako kuhaan ng bago. Hehe.

"Ang tamis!" parinig ni Yoojung-noona.

"Hahaha!" tawa ko lang. Sabi ko nga kanina, maghanap muna sila ng Jinyoung-hyung ng buhay nila.

Sa huli, natapos na lang ang break time na wala kaming nagawang plano. Hay nakow!

 

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

Weekend at Peach's Residence...

     

 

SOMI'S POV

Currently, nag-aantay kami ni Jisung-oppa dito sa labas ng gate ng Fruity. Ngayon kasi yung celebration ng birthdays namin ni Oppa. It's PARTEH time!

"Ang tagal naman. Kailangang ba talaga dito tayo sa labas mag-antay?" reklamo ni Oppa na nakangusong nakatingin sa gawi ng dorm.

"Maybe nagkulang sila sa time ng preparation" comment ko. "Wala kasi kaming internet connection kaya malamang di sila nakapagchat for the plans."

"Buti pa yung mga pagkaing inorder nila nakapasok na sa bahay. Tayo nganga pa din dito." bulong niya saka naupo sa step ng gate.

"Yah, right!" umupo din ako sa tabi niya. "But let them be. They're doing their best for us." dagdag ko.

"Ano naman kayang pakulo nila?" tanong niya.

"Well, for sure it's a weird idea came from weird people. HAHAHA!" sagot ko sa kanya.

"Hmmm... You have a point! HAHAHA!"

Natigil kami sa pagtawa ng biglang magbukas yung gate ng dorm. Paglingon namin, bumungad si Woojin-oppa sa amin.

"Oh! Andyan pala kayo!" sabi niya na obviously na nagprepretend lang siyang di niya alam.

"Remind ko lang na pwersahan niyo ako tinaboy palabas kanina ni Jihoonie, ah!" banat ni Jisung-oppa na halatang naaasar. HAHAHA!

"Wala akong maalalang nangyari yun." sagot lang ni Woojin-oppa. "Ouch!" daing niya ng hampasin siya sa balikat ni Oppa. HAHAHA!

"So, we can come in na?" tanong ko.

"Gusto mo pa magstay dito?" pambabara niya. "Ouch!" daing ulit niya ng hampasin ko naman siya sa kabilang balikat pa niya. Ang tino kasing kausap, eh!

"Le'z Go!" sabi ko sabay tulak sa kanya para makadaan ako. Nakaharang kasi eh, HAHAHA! Nakakaexcite!

Naglakad na ako kaagad ng mabilis kasi super naeexcited na talaga ako. Ano kaya pakulo nila AHAHAH!

As I reach the dorm, I quickly opens the door and enters the house.

POP! POP! POP!

"HAPPY BIRTHDAAAAAAYYYY!!!" sigaw nilang lahat.

Medyo nagloading yung utak ko dahil sa biglang pagpapaputok nila ng party poppers at pagbati. When I came back in reality, I smiled to all of them.

"Wow! Thanks guys!" drama ni Jisung-hyung.

Well, as I looked around, makikita mo na agad ang most important and never been absent na prop ng party - the videoke! Makikita mo din ang isang malaking banner na may 'Happy Birthday Our beloved Jisung-ssi and Somi-ssi' na message. May colorful balloons din sa paligid at mga banderitas made of wacky pics namin ni Oppa sa ceiling. Of course, hindi mawawala ang bountiful na feast sa table at ang two layer mocha flavored cake na may mga figurines namin ni Oppa. Wow!

But what caught my interest was the big colorful banner with our names and birthdays that was posted beside the greeting banner.

Lumapit kami ni Jisung-oppa at tiningnan ito.

01. Kuanlin: 9/23/2001

02. Somi: 3/9/2001

03. Daehwi: 1/29/2001

04. Jinyoung: 5/10/2000

05. Mina: 12/4/1999

06. Doyeon: 12/4/1999

07. Yoojung: 11/12/1999

08. Woojin: 11/2/1999

09. Yeonjung: 8/3/1999

10.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU