CHAPTER 4 - Once Upon A Time... It's a Valentine! (Part 2)

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

continuation.....

 

CONFESSION BOOTH

Nagising si Sejeong na naka-posas ang mga kamay at nasa isang kuwarto kasama ni Jihoon.

"Nasaan tayo?" tanong nito. "Bakit tayo naka-posas?".

"Hindi ko alam, Noona" sagot ni Jihoon.

Maya't maya pa... bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang estudyanteng babae na pawang nasa middle high.

"Nandito po kayo sa loob ng confession booth, Unnie at Oppa" salita nang batang babae.

"Para makalabas po kayo dito. Kailangan ninyo mag-confess" naka-ngiting sagot naman nang ikalawang bata.

"Ano naman ang iko-confess namin?" tanong ni Jihoon.

"Kahit ano Oppa" - girl student #2. "Ready na ba kayo?".

"Paano kung wala kaming i-confess?" tanong ni Sejeong.

"Hindi po kayo makakalabas dito" nakangiting sagot nang girl student #1.

"Mag-coconfess na po ba kayo?" tanong ulit nito.

Nagkatinginan sila Sejeong at Jihoon sa isa't isa tsaka muling humarap sa dalawang bata at tumango.

"Okay, Oppa ikaw po ang mauuna" at pinalabas nito ng booth si Jihoon habang naiwan sa loob si Sejeong.

Umupo sila sa upuan na malapit sa booth. "Maari ka na po mag-confess" - girl student #2.

Jihoon confession: May crush akong babae. Kaso mukhang iba ata ang crush niya.

Pagkatapos nun... tinanggal na nila ang posas sa kamay ni Jihoon at pina-alis na ito. Sunod naman na lumabas ng booth si Sejeong at pina-upo sa inupuan ni Jihoon kanina.

"Maari ka na po mag-confess, Unnie" - girl student #1.

Yumuko si Sejeong at bumuntong hininga tsaka nagsalita.

Sejeong confession: May gusto ako sa bestfriend ko.

Nag-angat siya nang kaniyang mukha at tinanggal na din ang posas sa kaniyang kamay tsaka pina-alis.

Sa di kalayuan... nag-aantay sa kaniya si Jihoon.

"Okay ka lang, Noona?" tanong ni Jihoon kay Sejeong.

Tumango lang siya bilang sagot. "Tara na, baka hinahanap na nila tayo" at naglakad na sila papunta sa back stage.

 

KISS BOOTH

MINA's POV

"Teka, bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa batang nagsama sa akin dito.

"Pasensiya po pero request po nila" sagot nito sa akin.

"Request nila?" tanong ko.

Tumango siya sa akin bilang sagot. Tinanggal na din niya ang posas sa kamay ko tsaka pinapasok sa isang maliit na kuwarto at pina-upo ako sa isang stool bago niya sinarado ang pinto.

Ilang sandali pa... dumating ang mga estudyanteng puro lalaki at umupo sa mga upuan nakalagay sa harap. 'Teka, bakit ang daming lalaki' tanong ko sa isip. Nang ma-occupy na lahat ng mga upuan biglang nagsalita yung batang babae na nagdala sa akin dito.

"Hello, gentlemen. Narito po tayo sa kiss booth" salita nito. 'Kiss booth?' sa isip ko. 'Hindi ko gusto ang mga mangyayari'.

Tumayo ako sa pagkaka-upo at lumapit sa may pinto. "Bata ilabas mo ako dito" sigaw ko pero hindi niya ata ako narinig.

"Nakikita niyo naman sa booth ang isang cute and chubby girl na tenant sa Fruity Residence" salita nito.

"Hoy! Ilabas mo ako dito!" sigaw ko ulit. Sa puntong iyon kinatok ko na yung salamin ng pinto.

"Simple lang ang mechanics, magpapataasan lang kayo sa pag-bid para maka-kiss sa kaniya" pagtatapos niya. 'Okay, sabi na nga ba hindi maganda ito' kinakabahan na ako.

"WOOOOHH!!!" hiyaw nang mga boy students.

"Magsisimula tayo sa price na piso" salita nito. "Sino gustong mag-bid?".

Tumigil na sa pag-hiyaw ang mga ito at nagtaas agad ng mga kamay. Isang lalaki ang tinawag ng batang babae at nag-bid ito ng five pesos. Natinaasan naman nang isa at ginawang ten pesos. Na naging twenty... fifty... one hundred... and so on.

 

DANIEL's POV

Nabagot ako sa back stage kaya naisipan ko na mag-ikot ikot sa buong campus. Hanggang sa napadaan ako sa kiss booth kung saan madaming estudyante na puro lalaki ang naka-upo sa mga upuan na nasa harap nito. Pinanood ko sila. 'Ah, nagpapataasan sila sa pag-bid' sa isip ko. 'Sino kaya ang naka-auction?' tanong ko sa isip tsaka tumingin sa may booth kung saan isang babae ang nandoon na kinakatok ang salamin ng pinto. 'Si Mina iyon ah' agad akong sumali sa bidding.

 

MINA's POV

Sumuko na ako sa pagkatok ng salamin sa pinto at muling umupo tsaka umiyak. 'Sana dumating na sila' sa isip ko.

"Any bid higher than five hundred pesos?" narinig kong salita nung bata.

"One thousand!" narinig kong sigaw nang isang lalaki.

Tumahimik bigla ang paligid. 'Ang yaman naman nung taong nag-bid ng one thousand' sa isip ko habang umiiyak. 'Madami na akong pagkain na mabibili nun eh' dagdag ko pa.

"Okay! One thousand pesos" salita nung bata. "May mas tataas pa ba sa one thousand pesos?" tanong nung bata.

Wala na kong narinig na nagsalita. Kaya na-curious ako at tumingin ulit sa may pinto.

"Going once... going twice... going thrice..." pagbibilang nung bata. "Okay! Mina's kiss sold for one thousand pesos!" announce niya.

Isang lalaki mula sa dulo ang unti-unting lumalapit sa batang babae.

"OMG! Ang guwapo ni Oppa" kinikilig na salita nung batang babae. 'Teka, siya?' reaksyon ko. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa batang babae at ini-abot ang one thousand pesos.

"Oppa, ako nalang ang magkikiss sa iyo" pa-cute pa ito. 'Hmmm! Pa-cute ka pa diyan' busangot ko. Ngumiti lang sa kaniya si Daniel-oppa. Pagkatapos lumapit siya sa booth at binuksan niya ang pinto.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin matapos mabuksan ang pinto.

Hindi ako sumagot bagkos yumakap lang ako sa kaniya at umiyak.

"Sshh... tahan na" at hinaplos ang ulo ko.

"Oppa, kailangan po kayong i-kiss ni Unnie" salita nung batang babae.

Bum

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU