EPILOGUE - Love Stood Still

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

I had my reason for letting you go

But holding you again, I know

- Love Stood Still (MYMP)

 

******

Mahal na Mahal kita...

 

 

 

Panaginip.

 

 

 

 

Isa na namang panaginip.

 

 

 

Muli na naman akong nagising dahil sa paulit-ulit na panaginip na ito. Isang masaya at malungkot na panaginip kung saan nakakaramdam ako palagi ng pangungulila sa taong hindi ko makilala o mamukhaan man lang.

Mahigit Two years ko na siyang paulit-ulit na napapanaginipan, pero sino ba talaga siya? Bakit di ako mapanatag kapag naririnig ko sa aking isipan ang nagmamaka-awang boses niya na punong-puno ng kalungkutan.
 

Nagising ako sa pag-iisip ng marinig ko bigla ang pagtawag ni Eomma mula sa labas ng aking kwarto.

"Anak! Gising na! Bumaba ka na diyan at kakain na!", sigaw niya mula sa unang palapag.

Hindi na ako sumagot at agad ding bumangon mula sa pagkakahiga. Bumaba ako sa aking kama at naglakad papunta sa pintuan habang umiinat.

Pagkalabas ng kwarto at pagbaba ko ng hagdanan ay nakita ko si Mama sa may kusina na busy sa pagluluto. Nilapitan ko siya at agad na niyakap mula sa likod nito na siyang ikinagulat niya.

"Eomma, saranghae", paglalambing ko habang nakayakap sa kanya.

"Ikaw talaga, nagulat naman ako sayo. Mahal din kita", natatawang sagot niya sa akin. "Sige na. Umupo ka na doon. Tatapusin ko lang ito saglit para makakain ka na at baka malate ka pa sa school", salita niya.

"Sige po", sabay halik ko sa pisngi niya bago ako pumunta sa dining area.

Pagkatapos ko kumain ay nag-ayos na ako ng aking sarili para pumasok. Medyo malayo pa man din ang University na pinapasukan ko at maaga ang first subject ko ngayong araw kaya kailangang hindi ako malate. Lagot ako sa Prof ko kung magkataon.

"Ma, alis na ako!", sigaw ko habang palabas na ng pinto.

"Ingat ka, anak!", sagot niya.

"Okay!", tsaka ako naglakad palabas na ng bahay.

 

Tahimik kong binabaybay ang daanan papunta sa bus stop at nasa kalagitnaan na din ako nang aking paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko. Huminto ako saglit at kinuha ito mula sa bulsa ng bag ko para basahin ang text message.

 

 

From: Jiroongie :D
Malapit na birthday ni Kualinie :). May kunting handaan dito sa Peach Residence. Punta ka, ha! :P

 

 

 

Napangiti ako at agad na nag-reply.

 

 

Arasso! Pupunta ako :).

 

 

Itatago ko na sana ang cellphone ng mapansin ko ang aking wallpaper. Kuha ito two years ago at sa image ay masaya at kumpleto pa kaming lahat. Muli akong napangiti sa mga masasayang moments ng barkada. 

 

 

 

 

'Mahal na Mahal kita...'

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU