CHAPTER 8 - A Little Bit

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

jhayne06: Finally!!!! After 1 month nakapag-update din ng chapter. Mianheyo.

  ******  

CHUNGHA's POV

"Sejeongie", salita ko habang nakatingin sa kamay ko na may dugo. Tumingin din siya sa kamay ko tsaka tumingin sa kamay niya. Agad siyang tumayo at akmang aalis na ng hawakan ko siya sa braso para pigilan. Tiningnan niya lang ako at ngumiti ng bahagya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at lungkot na nararamdaman. Kaya tumango nalang ako sa kaniya at inalis ang pagkakahawak sa kaniya. Sa puntong iyon, tuluyan na siyang umalis. Habang nakatingin ako sa papalayong imahe niya biglang nagsalita si Nayoung-unnie sa tabi ko.

"Saan pupunta si Sejeong?", tanong niya.

Humarap ako kay Unnie. "Sa comfort room lang raw", salita ko tsaka ngumiti.

Tumango naman siya bilang sagot tsaka tumingin sa harap. Ibinaling ko na din ang attensyon ko sa harap kung saan nakita ko na masayang nag-uusap at nagtatawanan ang iba pa.

"Girls, hindi pa dito natatapos ang supresa namin para sa inyo ngayong Rose Day ", salita ni Jisung-oppa.

"Talaga?", hindi makapaniwalang turan ni Somi.

"Dahil meron pa kaming isang supresa para sa inyo", - Sungwoon-oppa.

"Bukod pa dito sa mga hawak naming roses?", tanong naman ni Mina.

Tumingin ako kay Mina. 'Mukhang nakabawi na siya sa pagkagulat sa nangyaring confession nang dalawa sa kaniya thru roses', salita ko sa isip.

"Oo", sagot naman ni Minhyun-oppa.

"At sigurado kaming magugustuhan ninyo ito", dagdag naman ni Seongwu-oppa.

"Paniguradong kalokohan lang iyan", sagot naman ni Unnie.

"Hahahahaha. Mukha ba kaming gagawa nang kalokohan Nayoungie?", natatawang sagot ni Minhyun-oppa sabay flying kiss pa.

Pa-simple kong tiningnan si Unnie sa gilid ko. 'May something sa dalawang ito', salita ko sa isip matapos kong makita na ngumiti si Unnie kay Minhyun-oppa.

Muli kong ibinaling ang attensyon ko sa iba ng magsalita ulit si Jisung-oppa. "Hindi ito kalokohan. At sigurado kami na magugustuhan ninyo ito".

"Talaga lang ah", - Yeunjung

"Hindi ba kayo naniniwala sa amin?", natatawang tanong naman ni Daehwi.

"Hindi!!!", sabay-sabay na sagot nang mga Cherry's maknae.

"Hahahaha", tawa naman ni Seongwu-oppa.

"Grabe naman kayo sa amin", salita ni Jinyoung na kunwari nagtatampo pero natatawa naman.

Nabaling ang attensyon naming lahat kay Sohye na nakataas ang kanang-kamay na akala mo mag-rerecite.

'Cute~', sa isip ko.

"Yes, Sohye", tawag sa kaniya ni Jisung-oppa.

Agad na tumayo si Sohye. "Alam ko na ang supresa ninyo", salita nito.

"Alam mo na ang sopresa namin?", nagtatakang tanong ni Sungwoon-oppa.

Tumango naman ito bilang sagot tsaka nagsalita. "Meron kayong inihandang mini picknic sa may park".

Tumahimik bigla ang mga taga-Peach.

"Huli kayo", salita ni Doyeon nang hindi makasagot ang mga ito.

"Hahahaha", mahinang tawa naman ni Chaeyeon.

"Hindi kayo maka-imik diyan?", natatawang tanong ni Yoojung.

"Paano mo nalaman?", - Jisung-oppa.

Itinuro ni Sohye si Woojin. Nabaling naman ang attensyon nilang lahat kay Woojin na todo-ngiti habang naka-peace sign.

"Park Woojin!!!!!", sigaw nilang lahat.

Akmang tatakbo na sana si Woojin ng hawakan siya ni Kuanlin sa damit nito. Dahil doon na-corner siya nang mga ito tsaka tinorture. Natawa nalang kaming mga girls sa kanila.

"Hindi mo ba tutulungan ang boyfriend mo?", natatawang tanong ni Yoojung kay Sohye.

"Kaya na niya iyan. Malaki na siya", sagot naman ni Sohye tsaka muling umupo habang nanonood sa mga boys.

Patuloy pa rin sila sa pag-torture kay Woojin.

 

 

JIHOON's POV

"WAAAHHHH!!!!", sigaw ko habang tumatakbo palayo. Narinig ko na tina-tawag nila ako pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. 'Naibigay ko. Na-confess ko', salita ko sa isip habang tumatabok. Ang bilis ng tibok ng puso ko... hindi lang dahil sa tumatakbo ako kundi dahil na rin sa nangyari kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nag-confess na ako kay Mina. Hindi man verbally. Pero atleast nasabi ko na rin sa kaniya ang feelings ko... sa pamamagitan nga lang blue rose. Blue roses means I can't have you... but I can't stop thinking about you. Huminto ako sa pagtakbo nang sa tingin ko ay malayo na ako sa kanila. Tumingin ako sa daan na tinakbuhan ko.

"Grabe, ang layo din pala ng tinakbo ko", salita ko habang nakatingin sa daan.

Naka-rinig ako ng isang busina kaya napalingon ako sa harapan na aking ikinagulat at napa-upo sa lupa.

"Aray!", sabay na pagkakasabi namin ng babaeng nasa harapan ko at naka-bangga sa akin.

'Ang sakit ng puwetan ko', salita ko sa isip habang hinihimas ko ito.

Katulad ko naka-upo din siya sa lupa at sa gilid nito nakatumba ang isang biseklita. Hinihimas naman niya ang kaniyang binti. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at lumapit sa kaniya.

Inilahad ko din ang aking kanang-kamay para sana alalayan siya. "Miss, sa susunod mag-iingat ka para hindi ka bumangga at maka-bangga", salita ko.

Tumingala siya sa akin at tiningnan ako ng masama pagkatapos tumingin naman siya sa kamay ko na nakalahad sa kaniya. Tinapik niya iyon tsaka tumayo at pinagpagan ang suot na palda. Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ng hindi niya tinanggap ang nakalahad kong kamay.

Bigla ulit siyang tumingin sa akin. "Hoy, lalaki ilang beses kitang sinigawan na tumabi ka pero bingi ka ata at hindi mo narinig", inis na salita niya tsaka muling umupo para kunin ang kaniyang biseklita. Isinandal niya ito sa may puno.

"Pasensiya na", sagot ko sa kaniya. "Okay ka lang ba?", muli kong tanong sa kaniya. "Baka gusto mo na dalhin kita sa hospital", dagdag ko pa. Mahirap na... baka nabalian pa siya ng buto. Maganda na ang sigurado.

Umiling siya bilang sagot. 'Aray', salita ko isip ng biglang kumirot ang tagiliran ko. 'Ako ata ang nabalian ng buto', dagdag ko pa habang hinihimas ang tadyang ko.

"Okay ka lang ba?", tanong naman niya sa akin. "Mukhang ikaw ata ang kailangan madala sa hospital", nag-aalala niyang turan. "Nabalian ka ata ng buto sa tadyang", dagdag pa niya.

Umiling ako bilang sagot. "Hindi na kailangan ayos lang ako", salita ko tsaka ngumiti para hindi na siya mag-alala pa.

"Wait you look familiar?", bigla niyang sinabi.

"Talaga?", nasabi ko nalang. Nakatitig lang siya sa akin at tila nag-iisip. 'Nakakailang tuloy', salita ko sa isip.

Nagtaka ako ng bigla siyang ngumiti. "Kilala na kita", sabi niya tsaka niya ako niyakap na hindi ko inaasahan. Ako naman biglang naging bato sa biglaan niyang pagkakayakap. "Kumusta kana Park Jihoon?", narinig kong sabi niya tsaka kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Natulala ako sa kaniya. 'Kilala niya ako?', tanong ko sa isip. Nang makabawi sa pagkagulat tinanong ko siya. "Kilala mo ako?", tanong ko sa kaniya.

Tumango siya bilang sagot. "Hindi mo na ba ako makilala o matandaan?", malungkot niyang tanong sa akin. Umiling ako bilang sagot. Lalo siyang nalungkot. "Ako ito, si Min-Min", salita niya.

"Min-Min?", tanong ko sa kaniya. Tumango siya bilang sagot. Hindi ata na process nang utak ko ang sinabi niya kaya nakatulala lang ako sa kaniya. Maya't maya pa... naalala ko na ang lahat. "Ikaw si Min-Min?", tanong ko sa kaniya.

Muli siyang tumango tsaka ngumiti. Nakatingin pa rin ako sa kaniya at hindi makapaniwala. Bigla naman kumunot ang noo niya. "Hindi mo pa rin ba ako makilala o hindi ka makapaniwala na ako si Min-Min?", malungkot niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi lang ako makapaniwala na kaharap na ulit kita ngayon", sabi ko sabay yakap sa kaniya. Yumakap naman ulit siya sa akin. Ilang segundo lang kami nagkayakap bago humiwalay sa isa't isa. "Kumusta ka?", tanong ko.

Hindi siya sumagot bagkos nagsalita siya ng Meow at umarte na parang pusa.

     

'Cute~', sa isip ko habang nakatingin sa kaniya. 'Siya nga si Min-Min', naka-ngiti kong salita sa isip.

Matapos niyang umarte na parang pusa bigla siyang yumuko na tila nahiya sa ginawa niya. Natawa ako dahil doon at ganoon din siya.

 

 

 

Then memories back...

******

At the park...

"Hoy! Batang baboy. Umalis ka diyan sa swing ako ang uupo diyan", salita nang batang payat na matangkad sa akin ng kunti. Classmate ko siya at leader nang limang mga bata na kasama niya at classmate ko din... laging silang naka-buntot sa kaniya. Hindi ko alam mga pangalan nila. Basta sila yung mga bata na laging umaaway sa akin.

Umalis nalang ako sa swing para wala ng gulo at naglakad papunta sa bench tsaka umupo doon. Napatingin ako sa kanila na masayang nagduduyan sa swing. Nang biglang tumingin sa akin ang alipores niya at bumulong sa leader nila. Nag-iwas na ako ng tingin at tumingin sa ibang mga batang naglalaro. Habang nakatingin sa ibang mga bata... nagulat ako ng bigla akong hatakin at itulak nung bata matangkad na payat yung leader. Nasubsob tuloy ako sa lupa.

"Hoy, ano yung sinabi nang kaibigan ko na may balak kang kalabanin ako?", narinig kong sabi niya.

"Nakita ko siya na nakatingin sa atin tapos bigla niyang itinaas ang kamao niya na gusto kang suntukin", salita naman nang batang alipores niya.

"Tumayo ka diyan at kalabanin mo ako", salita ulit nung batang payat tsaka niya ako tinadyakan.

Tumingin ako sa kaniya.

"Gusto ka talagang kalabanin. Ang sama makatingin sa iyo", sulsol naman nang isa pang bata.

Lalo naman nainis yung batang payat. "Aba't lalaban kana sa akin ah", salita niya ulit. Pagkatapos bigla niya ako hinatak patayo. Itinaas niya ang kamao at itinutok sa mukha ko. Sa puntong iyon pumikit nalang ako. Ayaw ko silang gantihan o patulan. Hindi sa duwag ako o takot sa kanila. Ayaw ko lang ng gulo kaya hinahayaan ko nalang sila na asarin ako at awayin. Habang nakapikit at inaantay na masuntok ako nakarinig ako ng isang sigaw.

"Hoy! Bitiwan niyo siya!".

Naramdaman ko na binitawan ako nang batang payat kaya unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Una kong nakita ang batang payat na nasa harapan ko... nakatulala at nakatingin sa kaliwa niya. Tiningnan ko din ang tinitingnan niya. Nakita ko sa di kalayuan ang isang batang babae na medyo chubby pero cute. May kalong itong pusa at naglalakad papalapit sa amin.

"Hoy! Kayo!", salita nang batang babae... nasa harapan na din namin siya. "Bakit ninyo inaaway ang kaibigan ko?", tanong niya sa mga batang umaway sa akin. Hindi sila naka-imik. Lahat sila nakatingin at nakatulala lang sa batang babae. "Bakit hindi kayo magsalita?", muli niyang tanong tsaka isa-isang tiningnan ang mga batang umaway sa akin. "Sa susunod na aawayin ninyo ang kaibigan ko, lagot kayong lahat sa akin", salita niya tsaka itinaas ang kanang kamao. Sa puntong iyon tumakbo yung mga batang umaaway sa akin.

"Salamat", salita ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin. Bilugan ang kaniyang mukha dahil nga sa chubby din siya. Singkit ang mga mata. Mamulala ang mga pisngi na naka-umbok. Naka-bun ang tali niya sa buhok. 'Kumukha niya yung isang cartoon character na napanood ko sa t.v', salita ko sa isip.

"Ouch!", salita ko habang nakahawak sa ulo ko. "Bakit mo ako binatukan?", tanong ko sa kaniya.

"Bagay lang iyan sa iyo para matauhan ka", salita niya.

"Bakit naman?".

"Inaaway kana hindi ka man lang lumaban", sagot niya. "Sa susunod matutong kang lumaban para hindi ka inaaway", dagdag pa niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya kaya tumahimik nalang ako habang nakatingin sa kaniya. Ibinaba niya ang hawak niyang pusa na agad din umalis tsaka umupo sa bench. Mula sa bulsa ng kaniyang short inilabas niya ang isang maliit na pack ng pagkain. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang marshmallow tsaka kinain. Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay kumakain. Napansin niya ata na nakatingin lang ako sa kaniya kaya tumingin din siya sa akin. Tapos sa hawak niyang pagkain. Tapos muli siyang tumingin sa akin.

"Gusto mo?", tanong niya sabay abot sa akin ng pagkain niya.

Umiling lang ako. Bigla naman siyang sumimangot. At nagulat nalang ako nang bigla niya akong hatakin paupo sa bench at nilagay sa kamay ko ang pagkain niya.

"Kainin mo iyan", salita niya. "Kapag hindi mo kinain iyan magagalit ako sa iyo", dagdag pa niya na naka-simangot pa din.

'Ang cute niyang tingnan', salita ko sa isip. Dahil doon ngumiti ako sa kaniya tsaka kumuha ng isa at kinain ito. Sa puntong iyon, ngumiti na siya.

"Ako nga pala si Sakura", masayang pagpapakilala niya. "Ikaw? Anong pangalan mo?", tanong niya sa akin sabay kuha ng marshmallow sa hawak kong pack at kinain ito.

"Ako si Park Jihoon", sagot ko. "Salamat nga pala ulit sa pagtatanggol mo sa akin kanina Takura", dagdag ko pa.

"Ptffffff", naka-takip ang kamay niya sa bibig. Halatang nagpipigil ng tawa dahil gumagalaw ang balikat niya.

"Bakit parang nagpipigil ka ng tawa mo, Takura?", nagtatakang tanong ko.

"Ptffff".

"May problema ba?", tanong ko ulit.

"Hahahahaha", tawa niya. "Sorry pero hindi ko na kayang pigilan pa. Hahahahaha", paliwanag niya.

"Anong nakakatawa, Takura?", takang tanong ko.

"Hahahahaha. Bulol ka pala. Hahahahaha".

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. 'Pinagtatawanan niya ako kasi bulol ako', sa isip ko.

Huminto siya sa pagtawa nang makita niya na malungkot ako.

"Sorry, Jihoon", sabi niya. "Hindi dapat kita pinagtatawanan dahil lang sa bulol ka", dagdag pa niya.

"Nakakatawa ba ang taong bulol?", tanong ko sa kaniya.

"Hindi", sagot niya.

"Eh, bakit mo ako pinagtatawanan?".

"Natuwa lang ako sa pagsambit mo sa pangalan ko".

"Takura?".

Akmang tatawa ulit siya pero pinigilan niya. "Alam ko na", salita niya. "Dahil nahihirapan ka na banggitin ang name ko tawagin mo nalang ako sa paraang gusto mo", sabay ngiti.

"Ganoon?".

Tumango siya.

"Ano ba nickname mo?", tanong ko.

"Wala akong nickname eh", sagot niya. Kumuha ulit siya ng marshmallow at kinain ito.

Kumuha din ako ng isa at kinain din ito habang nag-iisip. Tahimik lang kami habang kumakain ng marshmallow nang bumalik yung pusang hawak niya.

"Ming-Ming", tawag ni Takura sa pusa. Lumapit naman sa kaniya yung pusa. Binuhat niya ito at inilapag sa kaniyang hita tsaka hinimas-himas ang balahibo nito.

"Mahilig ka sa pusa?".

"Oo, ang cute kasi nila eh", sagot niya habang nilalaro yung pusa.

Kumuha ako ng marshmallow at kinain ito nang may bigla akong na isip.

"Alam ko na!".

Tumingin siya sa akin. "Ano yung alam mo na?", nagtatakang tanong niya.

"Diba hirap ako na bigkasin ang name mo?", salita ko.

Tumango siya. "Oo".

"Edi tatawagin nalang kitang Min-Min".

"Bakit naman Min-Min?".

"Kasi mahilig ka sa Muning", sabay turo ko sa pusa.

Tiningnan niya yung pusa. At muli siyang tumingin sa akin tsaka ngumiti.

Inilahad ko ang kanang-kamay ko sa kaniya. "Hi Min-Min. Ako nga pala si Park Jihoon. Boo-Boo nalang ang itawag mo sa akin dahil mahilig ako mag-beat box", pakilala ko.

Inabot naman niya ang kamay ko. "Hi Boo-Boo. Ako naman si Miyawaki Sakura. Tawagin mo nalang akong Min-Min dahil mahilig ako sa pusa. Meow~", tsaka umarte na parang pusa.

Natawa siya sa ginawa niya. Kaya natawa na din ako.

******

"Pasensiya nga pala kanina kung nasungitan kita", salita niya.

"Okay lang", sagot ko. "Kasalan ko din naman kasi hindi kita narinig".

Magsasalita pa sana siya nang may tumawag sa kaniya.

"Sakura!", sigaw nang tumakbong babae papalapit sa amin.

"Ka-eun!", tawag niya sa babae habang kumakaway.

Nang makalapit sa amin si Ka-eun may binulong ito kay Sakura na ikina-tango naman nito. Pagkatapos nilang mag-usap humarap siya sa akin.

"Kailangan na namin bumalik sa dorm", salita niya. "Masaya akong makita ka ulit Boo-Boo este Park Jihoon", tsaka yumakap sa akin.

Yumakap din ako sa kaniya. "Masaya din akong makita ka Min-Min esti Miyawaki Sakura", sagot ko.

Narinig ko na bahagya siyang tumawa bago inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Next time nalang tayo mag-kuwentuhan", salita niya.

Tumango naman ako sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang bike na nakasandal sa may puno at naglakad na kasama ni Ka-eun. Hindi pa man sila nakakalayo... huminto siya at muli humarap sa akin tsaka kumaway. Kumaway din ako sa kaniya. Muli siyang naglakad hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

'Buong akala ko si Mina ay si Min-Min', sa isip ko. 'Hindi pala', dagdag ko pa tsaka bumuntong hininga. "Bakit ba kasi nakalimutan ko ang totoong pangalan niya", salita ko sa sarili. "Iyan tuloy kung sinu-sino na pagkakamalan ko", tsaka ko kinaltukan ang sarili. Natawa nalang ako sa ginawa ko.

Note: Si Miyawaki Sakura (HKT48) and Lee Ka-eun (After School also PLEDIS trainee) are both trainees in Produce 48 (season 3 ng Produce 101). Produce 48 has 96 female trainees. 39 trainees are Japanese like Sakura and 57 trainees are Korean like Ka-eun.

     

Sakura and Ka-eun ay parehong center sa PICK ME - NEKKOYA (meron itong Korean lyrics sa 1st verse at Japanese lyrics sa 2nd verse. Nakaka-LSS din ito kapag napakinggan). Pero si Sakura ang main center katulad nila Choi Yoojung (PICK ME) sa Produce 101 at Lee Daehwi (PICK ME - NAYANA) sa Produce 101 season 2.

   

******

DANIEL's POV

"WAAHHHHH!!!", sigaw ko habang tumatakbo. 'Teka? Bakit nga ba ako tumaktabo at sumisigaw?', takang tanong ko din sa sarili. Huminto ako sa pagtakbo at umupo sa bench na malapit sa may puno. "Mukha pala akong tanga na sumisigaw habang tumatakbo", sambit ko sa sarili ng ma-realize ko ang ginawa ko. "At the first place... bakit nga ba ako tumakbo? Inabot ko lang naman kay Mina yung mga roses?", natatawang turan ko habang napapakamot sa batok ko. Different colors of roses means I don't know what my feelings are yet... but I sure do like you enough to send you roses. Iyan yung meaning ng mga roses na binigay ko kay Mina. Hindi ako sure pero aminado ako na gusto ko siya. Bakit? Kasi ang cute niya. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay mahal ko na siya. Gusto ko siya, oo. Pero hindi ko siya mahal. I mean I like and I love her as a friend. Not the other way or more than friends. Nasa ganito akong pag-iisip nang makita ko si Sejeong na umupo sa may bench sa Summer wing. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kaniya.

 

 

SEJEONG's POV

Bakit ganoon?

 

 

 

 

Nasasaktan ako.

 

 

 

 

Sobrang sakit.

 

 

 

 

Tanggap ko naman na hanggang mag-best friend lang kami ni Daniel.

 

 

 

 

Pero bakit nasasaktan ako?

 

 

 

 

Dahil ba sa may iba siyang gusto?

 

 

 

 

Na sana ako nalang?

 

 

 

 

Kasi ako...

 

 

 

 

...mahal ko na siya.

 

 

 

 

Matapos kung umalis at iwan sila... napadpad ako dito sa Summer or Northern wing. Kung saan mga Nursery, Kinder at Primary ang mga nag-aaral dito. Umupo ako sa bench sa may play ground nila. Tahimik ang paligid, hindi pa naman kasi naglalabasan yung mga estudyante dito. Habang tahimik na naka-upo muli kong naalala ang lahat sa amin ni Daniel. Dahil dito sa lugar kung nasaan ako ngayon... dito kami madalas tumambay noon after class noong mga kinder palang kami. Napa-buntong hininga nalang ako. Tiningnan ko ang mga hawak kong bulaklak tsaka ko ito inilapag sa gilid ko. Tiningnan ko din ang kamay ko na may bahid ng dugo.

'Buti hindi na siya nag-dudugo', sa isip ko. Nakatitig lang ako sa kamay ko kaya hindi ko napansin na may taong dumating at lumapit sa akin.

"Sejeong", salita niya.

Nag-angat ako nang tingin sa kaniya... pero sana hindi ko nalang ginawa. Dahil ang taong nasa harapan ko ngayon ay ang taong dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Si Daniel.

Nakatingin siya sa akin tapos tumingin siya sa kamay ko. Kinuha niya iyon. "Bakit may dugo itong kamay mo?", nag-aalalang tanong niya sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa mga roses. "Na tinik kasi ako sa roses na binigay ninyo", sagot ko.

Binitiwan niya ang kamay ko at kinuha ang mga roses. Hindi ko alam kung anong ginawa niya dahil hindi ako nakatingin sa kaniya.

"Meron ngang tinik ang isa sa mga roses", narinig kong sabi niya at muling inilapag sa gilid ang mga ito. Nagulat ako ng muli niyang kunin ang kamay ko at pisilin ito kaya tumingin ako sa kaniya. "Masakit ba?", tanong niya. Umiling ako bilang sagot. "Kailangan pa-duguin ulit natin ito. Para hindi ka ma-impeksyon", salita niya. Pagkatapos kinuha niya ang panyo sa kaniyang bulsa at itinali sa kamay ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon. "Okay na", salita niya tsaka ngumiti.

Ngumiti din ako nang bahagya sa kaniya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa harap niya.

Umupo siya sa harapan ko para magpantay kami at hinawakan ang pisngi ko. "Bakit ka umiiyak?", nag-aalalang tanong niya sabay pahid ng luha ko gamit ang thumb finger niya.

"May gusto ka ba kay Mina?", diretsong tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya.

Inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko tsaka tumayo at umupo sa kabilang side ko. Sa kaliwa ko. Nakatingin ako sa kaniya. Siya sa harap nakatingin. "Aaminin ko na may gusto ako sa kaniya", salita niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya tsaka yumuko.

"Mahal mo na ba siya?", mahinang tanong ko... sapat lang na maririnig niya.

"Hindi naman porket gusto mo ang isang tao eh mahal mo na din siya", salita niya. "Magkaiba ang mahal sa gusto. Kapag gusto mo kasi ang isang tao madami kang dahilan kung bakit mo siya gusto. Gusto mo siya kasi mabait siya. Gusto mo siya kasi matalino siya. Gusto mo siya kasi ganito... ganiyan. Kapag sinabi mo naman na mahal mo ang isang tao mahirap hanapan ng dahilan. Hindi mo maipaliwanag kung bakit mo siya mahal. Basta ang alam mo mahal mo siya kasi iyon yung nararamdaman mo", mahabang paliwanag niya.

'So... mahal na nga kita? Kasi hindi ko maipaliwanag kung bakit. Basta ang alam ko mahal kita kasi ito ang nararamdaman ko', salita ko sa isip habang naka-yuko. "Bakit mo nagustuhan si Mina?", tanong ko. Bahala na kung anong isipin niya sa mga tanong ko. Bestfriend naman kami eh. Siguro naman may right ako na magtanong sa kaniya.

"Bakit ko siya gusto?", salita niya. Tapos bigla siyang tumahimik kaya tumingin ako sa kaniya. Nakatingala siya na tila nag-iisip. Ilang sandali pa... humarap siya sa akin. "Gusto ko siya kasi ang cute niya", sagot niya tsaka ngumiti.

"Ako? Hindi ba ako cute?", na sambit ko na dapat sa isip ko lang sasabihin. Napansin ko na medyo nagulat siya sa sinabi ko. Kaya agad akong nag-iwas nang tingin sa kaniya. "Huwag mo na lang pansin ang tanong ko", salita ko.

"Hindi ka cute", narinig kong sagot niya.

Nagulat ako sa narinig ko at hindi ko maiwasan na hindi ako masaktan. 'Grabe, ganito pala talaga kapag sa kaniya mo mismo narinig na rejected ka. Mas masakit', sa isip ko.

Bago pa ako tuluyang humagulgol nang iyak tumayo na ako at akmang aalis nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko para pigilan. Tiningnan ko ang kamay niya na naka-hawak sa kamay ko tsaka ako unti-unting tumingin sa kaniya.

"Hindi ka cute", salita niya ulit tsaka tumayo.

'Talagang inulit pa', sa isip ko.

"Hindi ka cute... kasi maganda ka Sejeong", salita niya tsaka ngumiti sa akin.

Natulala ako sa sinabi niya. Hindi din agad nag-process ang utak ko kaya wala akong maisip. Na putol din ata ang dila ko kasi hindi ako makapagsalita. Basta nakatingin lang ako sa kaniya. At sobrang bilis ng tibok nang puso ko. Daig ko pa ang sumali sa isang marathon. Muli kong naramdaman ang kamay niya na nasa pisngi ko at pinahid ang luha na muli na namang tumulo sa mga mata ko.

"Napaka-iyakin mo talaga", salita niya tsaka tumawa ng bahagya.

Doon na ako natauhan at ngumiti sa kaniya.

'Hindi ka cute... kasi maganda ka Sejeong', replay ng utak ko sa sinabi niya tsaka ngumiti.

     

 

DANIEL's POV

"Hindi ka cute... kasi maganda ka Sejeong", salita ko sa kaniya. Which is true. Dahil pangalawa si Sejeong sa pinaka-magandang babae na nakilala ko. Siyempre number 1 ang Mama ko. Magagalit kasi iyon kapag hindi siya ang number 1. Hahahahaha. Anyway, maganda si Sejeong at special siya sa akin. Bakit? Isang factor na doon ang pagiging mag-bestfriend naming dalawa. Bagay na ayaw kong mawala o masira.

Nakatulala lang siya sa akin at bigla na lang umiyak. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinahid yung luha na tumutulo sa mata niya.

"Napaka-iyakin mo talaga", salita ko at bahagyang tumawa.

Ngumiti siya sa akin. Kaya ngumiti din ako sa kaniya.

"Tara na?", pag-anyaya ko sa kaniya para bumalik na kami sa mga kaibigan namin na paniguradong hinahanap na kami at nagtataka na sa amin kung bakit kami nawala. Tumango siya bilang sagot. Kaya naglakad na kami pabalik sa kanila. Habang naglalakad... naalala ko ang pink roses na dapat ibibigay ko din sa kaniya. Kinuha ko iyon sa bulsa ng aking pants at binigay sa kaniya. "Happy Rose's Day", salita ko na naka-ngiti.

Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko pero kinuha din naman niya yung rose.

"Maraming salamat", salita niya habang naka-ngiti.

Note: Pink rose means gratitude, appreciation or admiration.

 

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

JISUNG's POV

"Hindi pa ba dumadating sina Jihoon at Daniel?", tanong ko kay Jaehwan. Siya lang kasi ang sa tingin ko sasagot sa akin ng matino. Dahil yung iba... busy. Busy sa kani-kanilang agenda.

"Hindi pa, Hyung", sagot niya.

Kasalukuyan kaming nandito sa may park sa may Winter wing, pabilog na naka-upo at sinisimulan ang mini picknic namin. Hep! Hep! Hep! Hindi kami nag-cutting classes dahil tapos na ang mga classes namin. At may permiso kami sa Administration regarding dito. Kaya don't judge us. At hindi din porket "famous" kami dito sa buong Maxford eh kami lang ang may right at previledge para gawin ito. In fact, hindi lang kami ang mga estudyanteng nandito para mag-picnic.

"Ang tagal naman ni Sejeong", salita ni Nayoung.

"Bakit Unnie? Na saan ba si Sejeong-unnie?", tanong naman ni Pinky.

"Nagpunta raw sa comfort room sabi ni Chungha", kibit-balikat na sagot niya.

'Ano bang meron at nag-didisappear ang mga tao?', takang tanong ko sa sarili.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang dumating si Jihoon. Todo ngiti pa ito.

"Anong meron?", takang tanong ko nang makalapit siya sa amin.

"Wala Hyung", sagot niya. "Masaya lang ako", dagdag pa niya sabay tingin sa kung saan.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. At nakita ko na kay Mina siya nakatingin. Nakatingin din sa kaniya si Mina na biglang nabilaukan kaya agad na nag-iwas nang tingin tsaka uminom ng tubig.

"Ayos ka lang?", tanong sa kaniya ni Sohye habang hinihimas ang likod nito.

Tumango naman si Mina sa kaniya. Muli kong tiningnan si Jihoon. Nakatingin pa rin siya kay Mina pero hindi na naka-ngiti bagkos nagtataka?

'Ano kayang iniisip nito ngayon?', pati tuloy ako nagtataka at napapaisip sa kanila. 'Mga kabataan nga naman talaga', dagdag ko saka napailing. Umupo ito sa tabi ni Minhyun.

Ilang minuto pa... dumating naman sina Daniel at Sejeong.

'Ito pang dalawang ito', sa isip ko.

Tiningnan ko yung dalawa. Umupo si Sejeong sa tabi ni Chungha.

"Okay kana?", narinig kong tanong niya kay Sejeong.

Tumango naman ito sa kaniya tsaka ngumiti. Tiningnan ko naman si Daniel na naka-ngiti at nakatingin din kay Mina?

'Grabe, ang haba ng hair ni Mina', sa isip ko.

Tiningnan ko ulit si Mina. Nakatingin din siya kay Daniel. At ang ikinagulat ko biglang namula ang kaniyang mga pisngi tsaka nag-iwas ulit nang tingin. Pa-simpleng tumingin naman ako kay Jihoon. Tumingin siya kay Daniel tapos kay Mina tsaka lumungkot ang itsura nito. Titingin na sana ulit ako kay Daniel nang mahagip nang mga mata ko si Sejeong na nakatingin ng malungkot kay Daniel na naka-upo sa tabi ni Jaehwan.

"Hmmmmp, something fishy", na sabi ko.

"Hindi naman ako malansa ah", narinig kong salita ni Jaehwan sa tabi ko.

Tumingin ako kay Jaehwan at natawa dahil inaamoy niya ang sarili. Tinapik ko siya sa balikat.

"Hahahahaha. Oo ang baho mo", salita ko at tinakpan kunwari ang ilong.

Sumimangot siya kaya lalo akong natawa.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Cherry's Residence...

CHAEYEON and YEUNJUNG's POV

"Nagulat ba kayo kung bakit dalawa kami dito sa POV na ito?", - Chaeyeon

"Bihira lang kasi kami bigyan ng POV nang mga authors sa story na ito. Kaya pinagsabay na kami dito", - Yeunjung

"Tama! Isa din naman kami sa mga characters dito pero wala kaming POV masyado", - Chaeyeon

"Kaya akala nang mga readers tahimik kami at hindi nag-eexist", - Yeunjung

"Well, need din namin i-voice ang saloobin namin", - Chaeyeon

"Tama! Kaya ito na nga. Unnie ikaw na maunang mag-kuwento", - Yeunjung

"Okay. Ito na nga. Akala ninyong lahat tahimik lang kami. Pero hindi. Wala kasi kami masyado POV kaya hindi namin masabi ang mga gusto namin sabihin. Kaya salamat sa author ng chapter na ito kasi binigyan niya kami nang pagkakataon na-", - Chaeyeon (hindi natapos ang sasabihin dahil sa pag-interupt sa kaniya ni Yeunjung)

"Yah! Ano ba, Unnie. Mag-kukuwento kaba o hindi?", - Yeunjung

"Hahaha ito na Yeunjungie~", - Chaeyeon (naka-pout trying to kiss Yeunjung)

"Ewwww~, Unnie", - Yeunjung (nilalayo ang mukha ni Chaeyeon)

"Ano ba? Maghaharutan nalang ba kayo o mag-kukuwento?", - jhayne06 (ginagalit niyo si Ako)

"Mag-kukuwento na~", - sabay na sagot nang dalawa habang nakayuko.

"Good. Okay, Chaeyeon magsalita kana", - jhayne06

"So, ito na nga. Akala nilang lahat hindi namin sila napapansin? Akala nila tahimik lang kami... ako at walang pakialam? Puwes mali sila. Dahil ino-obserbahan kaya namin sila. Tulad kanina habang nag-pipicnic kami. May kaniya-kaniya kaming mga agenda kaya hindi kapansin-pansin ang mga nangyari. Nang dumating si Jihoon nakita ko na nakatingin si Mina sa kaniya. Nang tumingin sa kaniya si Jihoon bigla siyang nabilaukan kaya nag-iwas siya ng tingin at uminom ng tubig. Somehow... ang weird nang tinginan nila sa isa't isa. Si Mina nahihiya na nailalang... I guess dahil sa blue rose confession ni Jihoon sa kaniya. Pero nang tingnan ko si Jihoon ay tila nag-iisip ito na nagtataka. Ang weird diba?", Chaeyeon's explanations.

"Yeah, ang weird nila", Yeunjung say. "At ito pa ang mas weird sa lahat...", dagdag pa nito.

"Go ahead, Yeunjungie", - Chaeyeon

"After ni Jihoon, dumating naman sina Sejeong-unnie at Daniel-oppa. Naka-ngiti pa si Unnie. At si Oppa? Nakatingin kay Mina habang naka-ngiti. The weird thing is nakatingin din si Mina kay Oppa ang biglang namula ang mga pisngi", Yeunjung said.

"Hindi kaya iyan ang "weird thing" sa story", singit ni Chaeyeon.

"I know, Unnie", Yeunjung answered. "Dahil mas weird na malungkot na nakatingin din sina Jihoon at Sejeong-unnie kina Mina at Daniel-oppa", dagdag pa nito. "That's what called a Quadrangle Love? I don't know", sabay kibit balikat.

 

 

DOYEON's POV

'Anong binubulong-bulong nitong dalawa at nakaharap pa sa salamin', takang tanong ko sa sarili habang naka-silip sa may pinto na bahagyang nakabukas.

"Hindi kaya iyan ang "weird thing" sa story", singit ni Chaeyeon.

"I know, Unnie", Yeunjung answered. "Dahil mas weird na malungkot na nakatingin din sina Jihoon at Sejeong-unnie kina Mina at Daniel-oppa", dagdag pa nito. "That's what called a Quadrangle Love? I don't know", sabay kibit balikat.

'Ah, now I know', sa isip ko. Dito ko na naisipang sumingit sa kanila. "Hoy! Kayong dalawa diyan!", salita ko kasabay ng pagbukas ko ng pinto. Nakita ko ang pagka-gulat nila sa ginawa ko.

"Nakakagulat ka naman, Doyeon", salita ni Unnie habang nakahawak sa dibdib nito.

"Oo nga", segunda naman ni Yeunjung. "Bakit ka ba nandito?", tanong niya.

"Kasi kuwarto ko din ito at dito ako natutulog?", salita ko na tipong patanong at namimilosopo.

"Tsk!", - Yeunjung

Habang natatawa naman si Unnie na katabi niya.

"Ano ba pinag-uusapan ninyo at mukha kayong tanga diyan na nakaharap sa salimin?", tanong ko.

"Wala", sagot ni Yeunjung.

"Anong wala? Eh narinig kitang sinabi mo dahil mas weird na malungkot na nakatingin din sina Jihoon at Sejeong-unnie kina Mina at Daniel-oppa. That's what called a Quadrangle Love? I don't know", ulit ko sa sinabi niya. Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya tsaka tumayo at hinatak ako pa-upo sa kama habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.

"Huwag ka maingay baka marinig nila tayo", salita niya nang maka-upo na kami sa kama. Inalis na din niya ang kaniyang kamay na nakatakip sa bibig ko.

"Kadiri ah", salita ko ng wala na yung kamay niya. "Naghugas ka ba ng kamay mo?", tanong ko habang pinupusan ang bibig ko.

"Oo naman", sagot niya. "Naghugas ako pagkatapos ko mag-CR kanila".

"Yuck!", lalo ko pang pinunasan ang bibig ko. Tawa naman nang tawa sila sa akin.

"O.A mo naman. Hahahahaha", salita ni Yeunjung.

"Tsk!", matapos ko kuno punasan ang bibig ko bigla kong naalala yung narinig kong pinag-uusapan nila. "Teka nga, ano nga ulit yung tungkol sa narinig ko?", tanong ko.

Nagkatinginan sila dalawa. By the way, nasa gitna nila akong dalawa. Para akong baliw na palipat-lipat nang tingin sa kanilang dalawa. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa ang ginawa ko bago tumango si Yeunjung at tumayo naman si Unnie para isarado ang pinto tsaka muling umupo sa kaliwa ko.

"Baka gusto niyo i-share", salita ko.

Muli silang nagtinginan sa isa't isa. Tinanguan naman ni Unnie si Yeunjung habang bumuntong hininga naman ito.

"Okey, ganito kasi iyon...", at kinuwento nila sa akin lahat.

After five minutes...

"...at doon na papasok yung narinig mo", pagtatapos ni Yeunjung sa kuwento. Sandali kaming tumahimik. 'Okay, now I know', sa isip ko.

Tok! Tok! Tok!

Napatingin kami sa naka-saradong pinto na may kumatok. Tumayo naman si Yeunjung at binuksan ang pinto. Pagbukas niya ng pinto nakita namin si Pinky-unnie na nakatayo doon. Tumingin siya kay Yeunjung tapos bahagya siyang sumilip sa kuwarto at nakita kami ni Chaeyeon-unnie.

"Dinner time na", salita niya na nakatingin sa amin ni Unnie. Tapos muli niya ibinalik ang tingin kay Yeunjung. "Bumaba na kayo para makakain sabi ni Nayoung-unnie", dagdag pa nito.

Tinanguan siya ni Yeunjung at muling tumingin sa amin ni Chaeyeon-unnie. Nginitian siya ni Unnie kay ngumiti din si Pinky-unnie tsaka tumalikod at bumaba ng hagdan. Humarap sa amin si Yeunjung.

"Basta, what you see and what you hear. If you leave... leave it here", salita nito sa amin.

"Eh?", sabay naming salita ni Unnie. Hindi kasi namin na-process agad ang sinabi niya.

Nakita ko na nagsalubong ang dalawang kilay niya. "Secret is secret. Walang puwedeng makaalam nang mga napag-usapan natin", salita niya.

Tumango nalang kami ni Unnie.

"Tara na, baka magalit pa sa atin si Nayoung-unnie", tsaka ito lumabas ng pinto. Tumayo na din kami ni Chaeyeon-unnie at lumabas na din sa kuwarto.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Peach's Residence...

SUNGWOON's POV

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Pero napansin ko na parang may kakaiba sa kanilang lahat kaya tiningnan ko sila isa-isa.

Una kong tiningnan si Jisung-hyung na tahimik na kumakain pero maya't maya ang palihim na tingin kina Daniel at Jihoon. 'May something talaga', sa isip ko. Tumingin naman ako kay Minhyun. Weird na ngumi-ngiti ito mag-isa. 'Wala na, nahawaan na ata ito', sa isip ko. Sunod na tiningnan ko si Seongwu na kinukulit si Jaehwan habang kumakain.

"Jaehwanie, say ahh", salita ni Seongwu na may hawak na kutsarang may lamang kanin at pilit pinapakain kay Jaehwan.

"Hyung!", saway naman ni Jaehwan dito.

'Umiral na naman ang kabaliwan ni Ong', sa isip ko.

Tumingin ako kay Daniel na katabi naman ni Jaehwan. Tawa ito ng tawa. Somehow... hindi ito katulad ng dati sa tuwing tumatawa siya na pati ang mga mata tumatawa kahit sobrang korny o babaw ng tinatawanan niya.

'Hmmmmp', sa isip ko.

Aabutin ko sana ang pitsel nang mapansin ko si Jihoon na tahimik na nakatingin kay Daniel?

'Weird?', salita ko sa isip habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Sa kanan niya... tahimik na nakaupo si Woojin na tila nag-iisip.

'Ano kayang iniisip nang isa itong at sobrang lalim pa ata dahil hindi man lang kinakain ang pagkain niya. Panay pa ang buntong hininga', sa isip ko.

Last ko tiningnan ang tatlong maknae na nag-aagawan sa pagkain.

"Hyung! Akin iyan!", salita ni Kuanlin.

"Gusto ito ni Daehwi kaya akin na ito", salita ni Jinyoung matapos makuha ang ribs meat at binigay ito kay Daehwi.

"Thank you, Hyung~", pa-cute na salita nito at kinain yung ribs na binigay ni Jinyoung habang inaasar si Kuanlin.

Naka-simangot naman ang mukha ni Kuanlin habang kumukuha ng clams at kinain ito.

See?

Ang weird nilang lahat.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain habang tahimik na pinagmamasdan silang lahat.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

MINA's POV

Tulog na tulog na ang lahat... pero ako dilat na dilat pa. Until now, hindi pa rin ma-process nang utak ko ang nangyari kanina. Dalawang lalaki ba naman ang mag-confess ng feelings nila sa iyo magagawa mo ba ang hindi mag-isip? Hindi man nila verbally sinabi but still it is a confession right? Kahit na dinaan lang sa meaning ng mga roses.

"Haay?!", buntong-hininga ko.

Kinuha ko ang cellphone na nasa gilid ng unan ko at tiningnan kung anong oras na.

"10pm na pala", salita ko sabay tingin sa mga kasama ko dito sa kuwarto. Lahat sila ay mahimbing na ang pagkakatulog. Muli kong tiningnan ang cellphone at pinindot ang Wattpad apps. Nang mag-appear ang name ni Mr. Pink Potter sa newsfeed ko bigla kong naalala si Jihoon. At doon ko lang napansin na buhat ng makilala ko siya in person hindi na kami nakakapag-usap dito sa Wattpad. 'Kilala na din kaya niya ako?', tanong ko sa isip. At dahil nag-appear siya sa newsfeed ko ibig sabihin naka-online siya ngayon. Ilang minuto palang ang lumilipas mula ng mag-update siya ng story. Agad kong pinindot ang inbox. Naka-save pa din doon ang conversation naming dalawa. Pinindot ko iyon at nag-type ng message.

cutepucca: Hi.

Tsaka ko ito sinend. Pagkatapos pinindot ko naman ang Facebook apps para mag-browse. Habang tumitingin ako ng mga update sa newsfeed ko biglang nag-vibrate ang cellphone. Senyales na may notification ako. Pinindot ko ito at bumungad sa akin ang reply message niya.

mr_pink_potter: Hello :).

Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang reply niya. Hindi ko alam kung bakit? Pero siguro dahil sa alam ko... mali dahil kilala ko na kung sino siya. Matagal akong nakatitig sa cellphone na hawak ko. Nakatingin lang ako sa message niya. Ilang minuto pa naisipan ko na din na mag-reply sa kaniya.

cutepucca: Long time no conversation :).

Sagot ko sabay send. Wala pang 30 seconds nag-vibrate ulit ang cellphone ko.

mr_pink_potter: Oo nga no? Kumusta?

cutepucca: Okay lang :). Ikaw?

mr_pink_potter: Okay lang din :). Teka, bakit gising ka pa? May pasok pa bukas ah.

Nang mabasa ko itong message niya bigla ulit akong kinabahan.

"Kilala na niya kaya ako?", kinakabahang tanong ko sa sarili.

Biglang umeksena naman ang dakilang konsensiya ko.

'Natural, nagkita na kayo nang personal diba?', side comment niya.

Napa-buntong hininga nalang ako bago muling nag-type sa cellphone.

cutepucca: Kilala mo na ako? Teka? Bakit ko nga ba ito tinatanong pa. Alam ko naman na kilala mo na ako. Remember? Kang Mina at nagkita na tayo in person sa may beach sa Ilsan, Park Jihoon.

Actually, kinompose ko palang ito at hindi ko pa sini-send. Pinag-iisipan ko pa kung isi-send ko o hindi. Sa pag-iisip ko... dinalaw na ako ng antok. Kaya pupungay-pungay na ang mata ko habang nakatingin sa cellphone. Pinagmamasdan ang kinompose kung message at pinag-iisapan kung pipindutin ko ba ang send. Humikab ako at inilipag sa gilid ng unan ko ang cellphone tsaka natulog.

******

Kinabukasan...

SOHYE's POV

"WAAAAAHHHH!!!".

Nagising ako sa sigaw nang kung sino. Iminulat ko ang mga mata at padabog na umupo ng kama. Tumingin ako sa paligid at nakita si Mina na naka-upo sa higaan niya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa hawak niyang cellphone.

"Yah!", sita ko kay Mina.

Tumingin siya sa akin at tila takot na takot ang itsura.

"Ang aga-aga bakit ka sumisigaw!", bulyaw ko sa kaniya.

Iniharap niya sa akin ang kaniyang cellphone na hindi ko naman makita kung anong meron doon dahil nasa ibaba ako at nasa itaas na higaan naman siya. Tiningnan ko siya sa naniningkit na mga mata. Doon ko lang napansin na nanginginig pala ang kaniyang kamay. Nag-alala ako sa kaniya kaya agad akong tumayo sa kama at nilapitan siya. Kinuha ko din ang cellphone na hawak niya at tiningnan kung ano ang nandoon.

Naningkit ulit ang mga mata ko na humarap sa kaniya matapos makita... rather say mabasa ang nandoon sa cellphone.

cutepucca: Kilala mo na ako? Teka? Bakit ko nga ba ito tinatanong pa. Alam ko naman na kilala mo na ako. Remember? Kang Mina at nagkita na tayo in person sa may beach sa Ilsan, Park Jihoon.

mr_pink_potter: :)

"So-Sohye", nanginginig na banggit niya sa pangalan ko.

Tiningnan ko lang siya sa naniningkit na mata.

"Ouch!", daing niya sabay tingin sa akin ng masama. "Yah! Bakit mo ako binatukan?", tanong niya habang hinihimas ang kaniyang ulo na binatukan ko.

"Sumisigaw ka ng dahil lang dito?", tanong ko sa kaniya at inilapit sa mukha niya ang kaniyang cellphone.

Kinuha niya iyon. "Anong dahil lang dito? Hindi mo ba nakikita?", tanong niya at ipinakita ulit ang cellphone niya sa akin.

"Nakikita ko at nababasa ko", sagot ko. "So?", dagdag ko pa. "Anong hinihimutok mo diyan at takot na takot pa ang peg mo?", tanong ko sa kaniya.

Bumuntong hininga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU