CHAPTER 6 - Perfect Strangers

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

tentay14's notes: Annyeong Yeorobun! sorry po sa late update! Medyo busy lang po sa reality ehehehe. We're back! Please see notes of my friend below.

Saranghae! Enjoy~ ♥

 

jhayne06's notes:

Sorry for the late update... masyado lang din po naging busy sa work. Buhay young adult po kasi... focus on family, lovelife kaso wala naman kaming ganiyan kaya sa career nalang po nag-focus (^___^). Meron po pala kaming lovelife ni tentay14, ang Wanna One... specially Lee Daehwi (sa kaniya) and Kang Daniel (sa akin). At inulit ko din po kasi sa simula ang chapter na ito kaya na late po. Regarding po sa chapter na ito ay naka-focus lang po kay Mina. Point-of-view o POV niya lang po ito lahat. Sa paglalapit ng character ni Jihoon at ni Mina sa chapter 5 magiging confuse at complicated na ng very light ang story at feelings ni Mina. Kaya naisip ko na sa chapter 6 ay puro POV niya lang. Meron po palang Sungwoon POV dahil sa birthday niya (March 22). Kaya sana magustuhan niyo po ang chapter na ito kahit mukhang magulo at hindi maintindihan. Anyway, may ginawa din po pala akong "Special Chapter", kung saan may POV na po ang ibang characters na mag-susuporta at mag-jujustify sa chapter na ito. Enjoy reading (^___^).

Reminder: Kapag nakita niyo po ito "------" means meron po siyang karugtong pero nasa SPECIAL CHAPTER po nakalagay. Maraming salamat po (^___^).

 

Belated Happy Birthday to my beloved BFF tentay14 (April 14 and it is also a Black Day in Korea).  

******

MINA's POV

What is LOVE?

'Love is...?', I was on my deep thought, asking the question that I have written on my pink notebook habang nakadapa ako sa aking higaan. Narinig ko na bumukas ang pinto at may mga taong pumasok sa loob ng kuwarto. Naririnig ko din silang nag-uusap pero hindi ko ito pinansin. Nanatili lang akong naka-tingin sa notebook at pilit sinasagot ang tanong na ako din mismo ang nagsulat.

Everytime I tried to answer that question... weird image appear to my mind. 'Bakit siya lagi ang naiisip ko?' tanong ko sa sarili. I shook my head and sigh.

"Ang lalim ah" - Doyeon

Napalingon ako sa kanila dahil doon. Poker face na nakatingin naman silang lahat sa akin.

"Bakit?", nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Kanina pa kami salita ng salita dito" - Yoojung

 

...

 

"Ilang beses ka din naming tinanong" - Yeunjung

 

???

 

"Pero wala naman pala kaming kausap" - Somi

Naguluhan tuloy ako sa mga sinasabi nila. "Teka, ano ba pinag-uusapan ninyo at ano yung mga tinatanong ninyo?", salita ko.

"Regarding sa birthday ni Sungwoon-oppa", sagot ni Yoojung.

"Tinatanong ka namin kung ano ang suggestion mo" - Somi

'Ah, iyon pala ang pinag-uusapan nila', sa isip ko. Tinitigan ko sila at sandaling nag-isip. "Since, Oppa loves beer... edi mag-beer party tayo", salita ko.

"Maganda ang idea mo... kaso hindi naman tayo puwede uminom ng beer", sagot ni Doyeon.

"Hindi naman natin kailangan uminom din ng beer. Natural para sa mga elders lang iyon. What I mean is parang nasa bar tayo. Videoke while eating and drinking", paliwanag ko.

"Hmmmm... puwede", sagot naman ni Somi.

"So, paano? I-tetext ko na ba si Woojin para alam na din nila ang plano?", tanong naman ni Sohye.

Lahat kami napatingin sa kaniya.

 

!!!

 

"Bakit?", nagtatakang tanong niya sa amin.

"SOOOOHYEEEEE!!!!", sigaw nila sabay torture kay Sohye.

"Anong relasyon ninyo ni Woojin?", tanong ni Doyeon sabay hatak ng buhok ni Sohye.

"Oo nga" - Yeunjung na hinahatak naman ang kanang kamay ni Sohye.

"Wala", sagot ni Sohye. "Aray ko!!!".

"Anong wala... hindi kami naniniwala" - Somi na naka-headlack naman kay Sohye.

"Wala nga!"

"Hindi kami naniniwala!" - Yoojung na kinukurot naman si Sohye.

'I smell something fishy', sa isip ko habang nakatingin sa kanila.

"Aray!!! Masakit!!!", sigaw ni Sohye.

Natatawa na naiiling nalang ako sa kanila habang pinapanood ko sila. Siya nga pala... na-explain ko na din sa kanila ang tungkol sa "kiss thing" namin ni Daniel-oppa.

******

Three days ago, White day...

"Totoo ba iyong narinig namin kanina?", tanong nang intrigerang si Yoojung.

"Tungkol saan naman?", pa-inosenteng tanong ko pa kahit alam ko ang tinutukoy nila.

"Huwag ka na nga magkaila pa", mataray na sagot ni Doyeon.

"Hindi kami bingi, kaya rinig na rinig namin ang lahat", salita naman ni Somi na naka-pamaywang pa.

Kasalukuyan kaming nasa sala, naka-upo ako katabi ni Sohye na tahimik lang dahil alam na niya ang buong kuwento habang sila Doyeon, Yoojung, Somi, Yeunjung, Pinky-unnie at Chaeyeon-unnie naman ay mga nakatayo sa harapan namin ni Sohye at ini-interogate nila ako.

"Rinig na rinig namin na nag-kiss kayo ni Daniel-oppa", - Yeunjung

"Aksidente lang iyon", sagot ko.

"So, totoo pala yung balitang natanggap namin kanina", - Chaeyeon-unnie

"Na nag-kiss talaga kayo ni Daniel-oppa sa lips", salita ni Pinky-unnie.

"Sino nakipaghalikan kay Daniel?".

Nagulat kaming lahat sa taong nagsalita kaya napalingon kami sa may pintuan. Nakita namin si Nayoung-unnie na kararating lang. Napatayo ako mula sa pagkaka-upo ng makita ko ang seryosong mukha nito.

"Bakit hindi ninyo sinasagot ang tanong ko", salita ni Nayoung-unnie.

Wala ni isa pa rin sa amin ang nagsalita. Kaya lumapit sa amin si Nayoung-unnie. Napansin ko rin sila Sejeong-unnie at Chungha-unnie na pababa ng hagdan tsaka umupo sa sofa.

"Kasi Unnie...", salita ko.

Tiningnan niya kaming lahat hanggang sa mapadako ang tingin niya akin.

"May sasabihin ka?", seryosong tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim tsaka nagsalita.

"A-aksidente lang ang la-lahat...", nauutal kong sagot.

"Anong aksidente?", naguguluhang tanong ni Chungha-unnie.

"Na-nahalikan ko si Daniel-oppa sa la-labi", salita ko ulit.

Napatayo mula sa pagkaka-upo niya si Sejeong-unnie dahil sa sinabi ko.

"Nag-halikan kayo ni Daniel?!", hindi makapaniwang tanong ni Sejeong-unnie sa akin. Tumango ako bilang sagot.

At nakita ko na nalungkot ang mukha niya kaya muli akong nagsalita.

"Pero aksidente lang talaga ang nangyari", salita ko. "Hindi ko intensiyon na sa labi ko siya mahalikan", dagdag ko pa. "Aksidente lang iyon", tsaka ko pinaliwanag ang nangyari.

******

Aksidente lang din naman kasi ang nangyari at hindi ko intensyon iyon. At naintindihan naman nila ako pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko na nakita kong lungkot sa mga mata si Sejeong-unnie. Akala ko galit siya... pero hindi naman raw kasi naiintidahan naman raw niya. Kaya hindi na din nila ako kinukulit about the kiss.

Nasa kalagitnaan ako nang pagtawa ng biglang mag-beep ang phone ko. Tiningnan ko iyon at nag-appear ang 1 notification sa phone ko. Chineck ko iyon at nakitang nag-update na ng new chapter si Mr. Pink Potter sa Wattpad. Napa-ngiti ako dahil doon. 'Buti nalang wala ng WiFi ban dito sa dorm', sa isip ko. 'Thanks to Somi', tsaka ako lumingon kay Somi na busy pa rin sa pag-headlack kay Sohye.

 

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

1 week ago...

"Since si Jisung-hyung ang pinakabata sa atin ngayon... siya ang unang iihip ng candle sa cake", salita ni Minhyun-oppa.

"Hala, ang daya naman", reklamo ni Somi sabay pout.

"Unnie ka diba. Bilang nakakatanda laging pinagbibigyan ang mga bata", salita naman ni Chungha-unnie.

"Baby Jisung blow your candle na" pang-aasar naman ni Seongwu-oppa.

"Make a wish", naka-ngiting salita naman ni Sejeong-unnie.

Ipinikit naman ni Jisung-oppa ang kaniyang mga mata at pinagdikit ang dalawang kamay. "I wish na sana maging matino na lahat ng maknae", tsaka muling idinilat ang mga mata at inihipan ang candle. Kaso hindi namatay ang apoy sa dulo nito. Muli niya itong inihipan ngunit hindi parin ito namamatay.

"Paano ba iyan, Hyung. Hindi matutupad ang wish mo", natatawang sagot ni Jihoon.

"Hindi na kami magtitino", - Woojin with evil smile.

"HAHAHAHAHA", - All maknae.

"Hindi ako papayag!", nakasimangot na sagot ni Jisung-oppa sa kanila. Kaya tinanggal niya ang candle sa cake tsaka pumunta sa lababo at binuksan ang faucet para basain ang kandila at ito ay namatay.

"Buwahahahahaha... matutupad na ang wish ko", salita nito sabay harap sa amin.

Lahat kami nagulat sa ginawa niya.

"Sa ayaw o sa gusto ninyo, boys", dagdag pa nito tsaka tiningnan kami ng masama... este yung mga taga-Peach maknae lang pala. Hindi kami belong so no worries... hehehe.

Agad naman nag-iwas ng tingin ang lahat nang taga-Peach.

"Wow, I like the balloons", - Daehwi na tinuturo pa yung mga lobo na nasa ceiling.

"Me, too", - Jinyoung

"Tara, kain ulit tayo", - Jihoon na niyaya pa si Woojin at Kuanlin.

"Bigla akong nagutom", - Woojin na hinihimas pa ang tiyan.

"Let's go", - Kuanlin

Akmang aalis na ang tatlo nang lapitan at akbayan sila ni Jisung-oppa.

"Saan kayo pupunta?", tanong nito sa nanlalaki at nanlilisik na mga mata.

"Ah... eh...", sagot nang tatlo.

Dahil doon nagtawanan kaming lahat.

"Tama na iyan", natatawang saway naman ni Chaeyeon-unnie. "Mag-wiwish pa si Somi-unnie".

"Tama, ako naman ang mag-wiwish", masayang sagot ni Somi.

Agad naman umayos ang lahat tsaka kinuha ni Nayoung-unnie ang cake niya at sinindihan ang candle na naka-tusok dito. "Make a wish".

"Hmmmm...", tsaka kami tiningnan isa-isa. Kinindatan lang namin siya bilang senyales o go signal. Nang ma-gets niya ang gusto naming ipabatid... ngumiti muna siya tsaka pumikit at pinagdikit din ang dalawang kamay. "I wish... na sana... alisin na ni Nayoung-unnie ang WiFi ban dito sa bahay... forever", sabay ihip ng kandila na agad ding namatay.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa aming lahat. Lahat kami kinakabahan at nakikiramdam sa isa't isa bago nagsalita si Unnie.

"Wish granted".

Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.

"Talaga, Unnie?", - Somi

Tumango lang si Nayoung-unnie bilang sagot. Dahil sa sobrang tuwa naming lahat... niyakap namin siya.

"Thank you, Unnie~", sagot naming lahat.

"Your the best Unnie ever!", - Pinky-unnie

******

Dahil sa birthday wish ni Somi... nakakapag-surf na ulit kami. Matapos nilang i-torture si Sohye bigla nalang sila lumabas ng kuwarto at iniwan ako mag-isa. Kaya ito ako ngayon... kasalukuyang nakahiga sa aking higaan at binabasa ang bagong update sa story ni Mr. Pink Potter.

The Doppelganger White Lady story by F. Elizabeth

Hi, ako nga pala si Flor Elizabeth. I am 17 years of age and I want to share my experience about paranormal activities.

I admit, karamihan sa mga teenager ngayon don't believe in such thing. Kasi di nila nakikita eh. But believe it or not, I saw one. But not just one. Ilang beses na nga eh.

Since nung bata pa ako, nakakakita na ako ng ghost, white lady or something na di mo alam na nag-e-exist pala. Ewan ko ba? Di ko alam kung may third eye ako o ano. Basta naalala ko that was the first time na natakot ako.

Seven years old ako nang una akong makakita. I was just a child at that time kaya anong ine-expect ko? Kalilipat lang nang mga magulang ko nun dito sa bahay na tinutuluyan namin. Inaayos palang nun ang bahay ng pumasok ako sa loob. Nagulat ako sa nakita ko. Or shall I say natakot.

I saw a white lady hanging on our ceiling. She's wearing a white dress. Di ko makita ang mukha niya noon dahil natatakpan iyon ng mahaba niyang buhok. Bukod roon may mga manika pang nakalutang doon. Itunuro ko iyon sa Papa ko at tinapik niya lang ako sa pisngi, sinabi niya na baka inaantok lang ako. Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa takot.

A/N: If you want to read the whole story... just search jhayne06. View my account at makikita niyo po ang TRUE HORROR STORIES (based on your experiences) kung saan mababasa ang kabuuan ng kuwento at lahat ng works ko kasama itong story na ito na kasalukuyang ginagawa namin nang BFF kong si tentay14. I-view niyo rin po ang account niya para mabasa ang ibang story din niya. Hehehe nag-plug pa ako ng story.

'Grabe, nakakatakot' sa isip ko matapos mabasa ang bagong updated story niya. 'Sino kaya itong si Mr. Pink Potter?' bigla kong naitanong sa aking sarili. Dahil doon, naisipan ko i-view ang account niya.

     

'Ang dami na palang reads ng story niya', sa isip ko habang nakatingin sa account nito. Naisipan ko na mag-message sa kaniya kaya pinindot ko ang send a message at nag-type.

 

 

cutepucca: Hi, isa ako sa mga readers ng horror story mo. At sa totoo lang gustong-gusto ko ang story mo (^___^).

 

 

Pagkatapos ko mai-send ang message ko para sa kaniya muli kong tiningnan ang account niya. Nasa kalagitnaan ako ng pagtingin sa kaniyang account ng biglang may kumatok sa pinto. Napalingon ako dito at bumukas ito. Dumungaw naman si Chaeyeon-unnie mula dito.

"Lunch na, hindi ka pa ba bababa?", naka-ngiting tanong nito.

"Susunod nalang ako, Unnie", naka-ngiting sagot ko naman.

"Okay", tsaka muling sinarado ang pinto.

Tinitigan ko muli ang hawak na cellphone kung saan naka-appear ang account ni Mr. Pink Potter. Ini-off ko na muna ito tsaka ako bumaba ng higaan at lumabas ng pinto para bumaba at kumain. Siyempre hindi ko ipagpapalit ang pagkain no! Never!

------

 

Katatapos lang namin mag-hapunan at muli naming pinag-usapan ang plano para sa birthday ni Sungwoon-oppa sa darating na Thursday. Medyo nabago ang plano... pero okay lang. Dahil for sure, magiging masaya pa din ang araw na iyon. Kaya ito kami ngayon at kasalukuyan nasa sala.

Yoojung, Doyeon at Yeunjung - nakadapa sa sahig.

Pinky-unnie, Somi, Chaeyeon-unnie at Ako - naka-upo sa sahig.

Lahat kami ay may mga hawak na libro. Nakalat din sa sahig ang mga notebook namin.

 

 

 

Bakit?

 

 

 

Nag-rereview kasi kami para sa exam namin sa Lunes.

"OMG! Sumasakit na ulo ko", reklamo ni Pinky-unnie. Huminto muna siya sa pagbabasa at isinandal ang ulo sa sofa.

"Ako din", salita naman ni Somi. Isinandal din nito ang ulo sa upuan.

"Sumasakit ang leeg ko", salita naman ni Yoojung tsaka umayos ng posisyon.

Mula sa pagkakadapa sa sahig ay umupo ito at nag-stretching. Umayos din ng posisyon nila sina Doyeon at Yeunjung dahil tulad ni Yoojung kanina, naka-dapa din sila sa sahig.

"Nagugutom na ako", reklamo ko naman. Nakakagutom pala talaga ang mag-aral.

"Ako din", - Sohye

"Tara, mag-midnight snack na muna tayo bago matulog", naka-ngiting salita naman ni Chaeyeon-unnie na agad din namin sinangayunan.

Kaya tumayo na kami at iniwan sa sala ang mga hawak naming libro tsaka kami nagtungo sa kusina para kumain. Agad silang nagluto ng ramen. Pa-upo na sana ako sa upuan ng mapansin ko ang isang paper bag na nasa sahig. Kinuha ko ito at binuksan. Nanlaki ang mata ko ng makita ang nasa loob nito. Kinuha ko ito at nilabas. 'Bakit nandito ang ko', tanong ko sa isip.

"Sino naglagay ng ko dito?", tanong ko sa kanila.

Hawak ko pa din yung kaya paglingon nila nakita nila ito.

"HAHAHAHAHA~", tawa nilang lahat.

Nainis ako sa kanila kaya tiningnan ko sila ng masama. Tumigil naman sila sa pagtawa at nagsalita si Yeunjung.

"Ibinigay ni Minhyun-oppa kay Nayoung-unnie iyan noong nakaraan", salita nito.

"Naiwan raw iyan sa loob ng washing machine", dagdag naman ni Doyeon.

"Bakit naiwan ito sa loob ng washing machine?", tanong ko ulit.

"Ewan namin", sagot naman ni Yoojung.

Narinig namin na may kumatok sa pinto tsaka ito bumukas at doon nakita namin na pumasok si Minhyun-oppa.

"Magandang gabi", naka-ngiti nitong pagbati sa amin tsaka sinarado ang pinto.

"Magandang gabi din sayo, Oppa", naka-ngiting pagbati din namin sa kaniya.

"Ah, siya nga pala may dala akong pagkain", sabi nito.

Akamang hahakbang na siya papunta sa amin ng bilang itong huminto at natulala na medyo namutla pa habang nakatingin sa amin.

"Oppa, okay ka lang?", tanong ni Somi.

Hindi ito sumagot bagkos itinaas lang nito ang kaniyang kanang kamay at tinuro sa akin.

"Ba-bakit ha-hawak mo i-iyan?", nauutal na tanong niya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko ang hawak ko. Doon ko na-realize ang tinutukoy niya kaya agad ko itong binalik sa loob ng paper bag. 'Gosh, nakakahiya', sa isip ko. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko.

Napuno ng tawanan ang buong bahay dahil sa nangyari.

"Anong nangyayari dito?", tanong ni Nayoung-unnie.

Nagulat kami sa pagsulpot niya kaya biglang tumigil sa pagtawa ang mga kasama ko. Tumingin naman ito kay Minhyun-oppa na ngayon ay okay na.

"At ano namang ginagawa mo dito?", tanong niya kay Oppa.

Ngumiti sa kaniya si Oppa tsaka iniabot ang hawak na tapperware. "Dinalhan ko kayo ng ulam", sagot nito.

Kinuha naman ito ni Unnie at nagpasalamat tsaka ito pumunta sa kusina at inilagay sa loob ng refrigerator ang binigay na pagkain ni Oppa.

"Sige, uwi na ako", paalam niya sa amin tsaka tumalikod. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng pigilan ko siya.

"Minhyun-oppa!", tawag ko sa kaniya tsaka ko siya nilapitan.

Humarap naman siya sa akin. "Bakit?", tanong niya.

"Ah... eh...", salita ko.

"May gusto ka bang sabihin?", tanong ulit nito tsaka ngumiti.

"Gusto ko lang sana itanong kung ikaw ba ang nakakita ng hawak ko kanina sa loob ng washing machine niyo?", nahihiyang tanong ko sa kaniya.

Mas lalo pa siyang ngumiti kaya mas lalo din akong nahiya na kaharap siya ngayon.

"Hindi ako ang nakakita", sagot niya. "Sila Daniel at siya na din ang kumuha nito sa loob ng washine machine", paliwanag niya.

Kung kanina pakiramdam ko sobrang init ko... ngayon naman sobrang lamig ko. Nanlamig ako matapos ko marinig ang sinabi ni Minhyun-oppa. 'OMG!, nahawakan niya ang ko?', tanong ko sa isip. 'Waaaaah!, nakakahiya', dagdag ko pa. 'Una... yung kiss. Ngayon naman itong ko. I'm doomed! (T ^ T)', panlulumo ko.

------

 

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

Monday at Maxford University

Pagpasok namin sa gate ng University, bumungad sa amin ang napakarami at magkakahalong year level ng mga estudyante. Halos lahat kasi ng estudyante ay maagang pumasok dahil ayaw ma-late kabilang na kami dito. Ito kasi ang araw nang aming pagsusulit.

"OMG!", salita ni Pinky-unnie. "Ang daming tao".

Kasalukuyan kaming naglalakad sa open field.

"Tsk!", - Doyeon

"Sana makapasa tayo", - Somi

"Kinakabahan ako sa exam natin ngayon", - Yeunjung

"Bakit naman kayo kakabahan kung nag-aral naman kayo", salita naman ni Chungha-unnie.

"Hindi kayo dapat ang kinakabahan", singit naman ni Seongwu-oppa.

"Tama!", salita ni Jisung-oppa. "Ang dapat na kabahan ay ang mga ito", sabay turo sa mga maknae boys na nanlulumo. "Hindi kasi sila nag-review", dagdag pa nito.

"Kaya panigurado babagsak sila", - Minhyun-oppa

"Inuna kasi ang paglalaro", - Sungwoon-oppa

"Si Niel-hyung kasi~", - Jihoon

"Hahahaha~", - Daniel-oppa

"Gusto niyo din naman", - Jaehwan-oppa

Sabay-sabay silang napa-buntong hininga. At natawa kaming lahat dahil doon. Matapos ang tawanan... nagkaniya-kaniya na kami para pumasok sa mga classroom.

 

♀♀♀♀♀♂♂♂             ♀♀

Matapos ang tatlong oras...

Krrrrrrriiiiiiiinnnggg...

"Stop writing and pass your test paper", salita ni Mr. Kho matapos tumunog ang bell na hudyat na lunch break na. Isa-isa namin pinasa sa harap ang mga test paper namin. "Class dismiss, puwede na kayo mag-lunch", dagdag pa nito tsaka tumayo sa upuan at lumabas ng classroom.

Isa-isa na ding naglabasan ang mga classmate namin.

"Finally, tapos na ang exam", salita ni Yoojung sabay unat ng kaniyang dalawang kamay.

"Tara, lunch na tayo", naka-ngiting turan naman ni Yeunjung.

"Game ako diyan!", sagot ko naman.

"Ako din!", salita naman ni Sohye. "Kanina pa ako nagugutom", dagdag pa nito.

"Tara na, para hindi pa ganoon kahaba ang pila sa canteen", salita naman ni Doyeon tsaka tumayo sa kaniyang upuan.

Nagsitayuan na rin kami at lumabas na ng classroom para pumunta sa canteen. Sa may hagdan nasalubong namin sina Pinky-unnie at Chaeyeon-unnie

"Kumusta exam ninyo?", naka-ngiting turan ni Chaeyeon-unnie.

"Okay naman, Unnie", sagot ni Sohye.

"Buti nalang nag-review kami kaya may naisagot kami", salita naman ni Yoojung. "Hindi tulad nila", sabay tingin sa tatlong lalaki. "Kaya walang na isagot at nangopya nalang", dagdag pa nito.

Nginitian lang siya ng tatlo. Tsaka nauna sa paglalakad. Katabi ko si Jihoon at Woojin kaya pinakopya ko sila. Ayaw ko man kaso kinukulit nila ako kaya napilitan nalang ako.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad papunta sa canteen ng magsalita si Yeunjung.

"Nasaan na sila Sohye at Woojin?", tanong nito.

Napahinto kami sa paglalakad dahil doon.

"Oo nga, nasaan na sila?", tanong naman ni Pinky-unnie.

"Tara, hanapin nalang natin sila", sabi naman ni Jihoon.

At hinanap namin sila. Nakita naman sila ni Chaeyeon-unnie na nasa harap ng laboratory room

"Ayon sila!", sabi ni Unnie sabay turo kina Sohye at Woojin.

Napatingin kami sa direksyon tinuro ni Unnie at nakita namin yung dalawa na nag-uusap. Lalapitan na sana sila ni Doyeon... pero pinigilan ko siya.

"Bakit?", nagtatakang tanong niya sa akin.

"Mukhang importante ang pinag-uusapan nila", salita ko. "Hayaan na muna natin sila. Tara na, mauna nalang tayo sa canteen", dagdag ko tsaka umalis.

Sumunod naman sila sa akin. Habang naglalakad kami muli ko silang sinulyapan. Napapa-isip tuloy ako ngayon sa dalawang iyon. 'May relasyon na kaya sila?', tanong ko sa isip.

------

 

Ilang minuto pa... nakarating na din kam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU