SPECIAL CHAPTER - Thump... Thump...

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

tentay14's note: Karog po ng Chapter 6... Enjoooooyyyy!!!! ^_____^v

******

Peach Residence

Kasalukuyang nasa sala ang mga maknae kasama ni Jisung at Jaehwan para pag-usapan at pag-planuhan ang celebrasyon na gagawin nila para sa darating na kaarawan ni Ha Sungwoon.



 

Nasaan ang iba?



 

Si Minhyun, Seongwu, Daniel at Sungwoon naman ay pumunta sa grocery para bumili ng mga pagkain nila.

"So, ano ng plano?", tanong ni Jisung na prenting naka-upo sa single sofa.

"Ano nga ba?", tanong ni Jaehwan na naka-upo sa pahabang sofa na busy naman sa pag-strum sa kaniyang gitara.

 

...

 

...

 

...

 

"Wala naman pala tayong mga kausap", salita ni Jisung kay Jaehwan sabay tingin sa mga maknae. Napatingin din si Jaehwan sa mga ito.

Una nilang nakita ang dalawang lovers... este mag-bestfriend kuno na si Daehwi at Jinyoung na naka-upo sa sahig at magkaharap habang busy sa The Musician na laro.

"Yah!"

"Hahahahaha", tawa ni Jinyoung.

"Madaya ka Hyung!", naka-busangot na salita ni Daehwi.

"Hindi kaya~. Hahahahaha".

Sunod na tiningnan nang dalawa si Woojin na ilang dangkal lang ang layo mula kay Jaehwan. Naka-upo din kasi ito sa pahabang sofa habang busy sa pag-tatype sa kaniyang cellphone at halata sa mukha nito na kinikilig.

"I smell something fishy", salita ni Jisung kay Jaehwan.

Huling tiningnan nila Jisung at Jaehwan sina Kuanlin at Jihoon na naka-upo sa sahig at nakaharap sa center table dahil busy sila sa pagkain ng ramen.

"Hyung, patikim ako ng ramen mo", salita ni Kuanlin sabay kuha ng ramen ni Jihoon at tinikman ito.

"Yah!", sita ni Jihoon. "Huwag mo ubusin", dagdag pa nito.

Napabuntong hininga nalang tuloy ang dalawa dahil sa mga ito.

 

Lumipas ang ilang oras...

"GUYS!!!", sigaw ni Woojin kaya agad silang napalingon dito.

"Bakit?", nagtatakang tanong ni Jisung.

"Sabi kasi ni Sohye may plano na raw sila para sa birthday celebration ni Sungwoon-hyung".

"Talaga?", - Jaehwan

"Ano raw ang plano nila?", - Daehwi

"Baka naman kalokohan iyan", - Jinyoung

"Hindi naman sila magpa-plano ng kalokohan", - Kuanlin

"Baka kayo pa ang gumawa ng kalokohan", - Jisung

"Basta maraming pagkain... walang problema sa akin kung ano man ang plano nila", - Jihoon

"So, anong plano nila?", tanong ulit ni Jisung.

"Ganito raw...", at sinabi ni Woojin ang plano ng mga taga-Cherry.

 

Kinagabihan...

Tahimik na kumakain ang mga taga-Peach. Ni isa walang nagsasalita or rather say walang gustong magsalita sa kanila para mag-kuwento or what. Napansin naman ito ni Sungwoon na siya na rin ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanilang lahat.

"Kung may mga kalokohan kayong gagawin... huwag niyo ng gawin", banta nito.

Natawa naman si Minhyun sa sinabi ni Sungwoon sa kanila. "Bakit Hyung?", tanong nito. "Mukha ba kaming may gagawing kalokohan?".

"Oo", prangka at diretsong sagot naman ni Sungwoon kay Minhyun.

"Hahahahaha".

Natapos nalang ang hapunan na walang ni isa pa ang muling nagsalita sa kanilang lahat.

******

MINHYUN's POV

The usual thing na ginagawa ko bago matulog ay i-check ang buong bahay. Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay umakyat na ako at pumasok sa pang-limahang kuwarto. Nakita ko doon ang mga maknae na gising pa. Habang si Jaehwan ay mahimbing ng natutulog.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?", tanong ko.

"Naglalaro pa kami Hyung", sagot ni Kuanlin na padapang nakahiga sa kama niya hawak ang kaniyang cellphone.

"Sabado naman ngayon Hyung, walang pasok bukas kaya okay lang na mag-puyat", dagdag naman ni Daehwi na naka-upo naman sa sahig at kaharap si Jihoon. Kasalukuyan silang naglalaro ng The Musician kasama si Jinyoung na katabi naman ni Daehwi at nanonood lang sa dalawa.

Tumingin naman ako kay Woojin na tahimik na naka-higa sa higaan nito at busy sa pag-tatype sa kaniyang cellphone. Mukha itong tanga tingnan na naka-ngiti at kinikilig-kilig pa. 'Something fishy eh', sa isip ko.

"Nag-review na ba kayo para sa exam ninyo sa Lunes?", tanong ko ulit.

"Bukas nalang Hyung", sagot ni Jinyoung.

"Matatalino naman ang mga taga-Cherry eh, kokopya nalang kami sa kanila", naka-ngiting sagot naman ni Daehwi.

"Yeah!", sigaw ni Jihoon. "Natalo kita Daehwi", masayang turan nito.

Naka-busangot naman ngayon si Daehwi dahil sa pagkatalo at agad naman siyang inakbayan ni Jinyoung.

Napabuntong hininga at nailing nalang ako sa kanila. "Yah!", sigaw ko. Tumingin naman silang lahat sa akin. "Magsitulog na kayo!", salita ko. "Kayong dalawa!", sabay turo ko kina Daehwi at Jinyoung. "Lumabas na kayo dito at pumunta sa kuwarto ninyo!", dagdag ko pa.

"Hyung!", reklamo ng dalawa.

Nilapitan ko sila at sapilitan pinatayo at hinatak palabas ng pinto.

"Hyung naman eh~", reklamo ni Daehwi.

"Chu!", pagtataboy ko sa dalawa, nang nakalabas na sila ng pinto at agad ko itong sinarado. Hinarap ko naman ang tatlo na busy pa rin sa kanilang mga cellphone. "Kayong tatlo!", sigaw ko. Dali-dali silang umayos ng posisyon.

Kuanlin - nagtalukbong ng kumot. "Good night, Hyung", natatawang turan nito.

Jihoon - agad na humiga sa kaniyang higaan. "Good night".

Woojin - inilalim ang cellphone sa kaniyang unan. "Night".

"Good night, Kids", naka-ngiting sagot ko tsaka ako humiga sa aking higaan at natulog.

 

♂♀♂♀ ♂♀♂ ♂ ♂

Monday at Maxford University

Winter Wing... Pantry...

CHUNGHA's POV

Katatapos lang namin mag-exam at ngayon ay nandito kami sa canteen para kumain. Pagkatapos naming makakuha ng pagkain ay umupo na kami sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain. Napansin ko na hindi kinakain ni Sejeong ang pagkain niya at maya't maya ang pagtingin nito sa may pintuan ng canteen.

"Okay ka lang?", tanong ko sa kaniya.

Humarap naman siya sa akin at ngumiti tsaka tumango.

"Bakit hindi mo kinakain ang pagkain mo?", tango ko ulit.

"Oo, nga", salita naman ni Jisung-oppa. "Kanina ka pa tingin ng tingin sa may pintuan", dagdag pa nito.

"May sakit ka ba?", nag-aalalang tanong naman ni Nayoung-unnie.

Umiling muna siya bago sumagot. "Wala kasi akong gana", sagot niya.

"Kung gusto mo sa akin nalang iyang pagkain mo", salita ng isang lalaki na nasa likuran namin.

Humarap kami sa kaniya at nakita namin ang naka-ngiting mukha ni Daniel.

"Grabe, hindi niyo man lang talaga ako inantay", salita nito.

"Nagugutom na kami", prangkang sagot ni Sungwoon-oppa.

Muli naman siyang ngumiti tsaka umupo sa katabing upuan ni Seongwu-oppa.

"Nasaan ang pagkain mo?" tanong ni Minhyun-oppa.

"Hindi na ako pumila para kumuha", sagot niya.

"Bakit?", tanong naman ni Jaehwan-ah.

"Tinatamad ako pumila. Hahahahaha".

"Ano naman ang kakainin mo?", tanong ni Seongwu-oppa.

Tinapik siya ni Sungwoon-oppa sa balikat. Kaya lumingon ito sa kaniya. "Mali ka ng tanong", sabi nito.

"Eh?", nagtatakang turan naman ni Seongwu-oppa.

"Hindi ano, kundi kanino", salita naman ni Jisung-oppa.

 

???

 

Humirap naman si Sungwoon-oppa kay Daniel. "Kaninong pagkain naman ang kakainin mo?", poker face na tanong nito.

"Kay Seongwu-hyung", sagot naman ni Daniel sabay ngiti at nagsimula ng kainin ang pagkain ni Oppa.



 

"NOOOOO!!!!!"



 

At nagtawanan kaming lahat dahil sa reaksyon nito. Napatingin ulit ako kay Sejeong na ngayon ay naka-ngiti habang nakatingin kay... sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.









 

Daniel?

 

♀♂

SOHYE's POV

After exam, naisipan naming pumunta sa canteen para kumain. At kasalukuyan kaming naglalakad papunta doon. Habang naglalakad... palihim akong tumitingin kay Woojin. Kanina pa kasi siya tahimik at walang kibo. Hindi ko siya mapa-kopya kanina sa exam dahil hindi naman kami magkatabi. Binago kasi ni Mr. Kho ang sitting arrangement namin para maghiwa-hiwalay raw kami. At ang nakatabi niya si Yeunjung. 'May problema kaya siya?', tanong ko sa isip. 'Okay naman kami kagabi', dagdag ko pa. Sa pag-iisip ko, nabangga ako sa taong nasa harapan ko.

"Aray!", salita ko na nakayuko. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo", dagdag ko pa habang hinihimas ang noo ko na na-untog sa kaniya.

"Tulala ka kasi kaya ka nabangga", salita nito.

Nagulat ako dahil familiar ang boses niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Woojin", salita ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Paanong-", hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sa sobrang gulat at pagtataka.

Sa pagkakatanda ko kasi, nasa harapan siya at katabi niya si Jinyoung. Kaya paano nangyari na nasa harap ko na siya ngayon?. 'Ganoon ba talaga kalalim ang iniisip ko kaya hindi ko siya napansin?', tanong ko sa isip.

"Bakit malalim ang iniisip mo. May problema ba?", malamya nitong tanong.

"Wa-wala. Ikaw, may problema ka ba?", tanong ko naman.

Ngumiti siya ng malamya. "Wala akong problema", sagot niya.

Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. Hindi kasi ako naniniwala na wala siyang problema. Halata kasi sa mukha niya na may problema siya at ayaw niyang sabihin sa akin. Naka-tingin ako sa mukha niya ng mapansin ko... teka. Inilagay ko ang kanang-kamay ko sa kaniyang noo. 'Mainit ang kaniyang noo', sa isip ko. Inilipat ko naman ang aking kamay sa kaniyang leeg. 'Mainit din'.

"Nilalagnat ka", sabi ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa akin nang malamyam. "Okay lang ako", sabi niya.

"Hindi ka okay", sagot ko. "Tara, pupunta tayo sa clinic", dagdag ko pa sabay hatak sa kamay niya. Pero pinigilan niya ako. Muli akong tumingin sa kaniyang mga mata.

"Okay lang ako", sagot niya tsaka ngumiti.

Ngiting may buhay at nangungusap. Ngiting sinasabing okay lang talaga siya. Wala na akong nagawa kaya hindi ko na siya pinilit pa.

 

♂♀♂

1st year, Section A...

DAEHWI's POV

Nakakainis si Somi, hindi niya kami pina-pakopya ni Kuanlin. Napansin ko na palihim na kinakalabit ni Kuanlin sa braso si Somi. Pero hindi siya pinapansin nito.

"Somi, anong sagot sa number 6?", pangunglit na tanong ni Kuanlin.

Pero deadma lang si Somi habang seryosong sinasagutan ang kaniyang test paper. Napansin din ata ito ni Kuanlin kaya tumahimik na lang siya at tinitigan ang test paper na nasa ibabaw ng kaniyang desk. Muli kong binalik ang attensyon ko sa test paper na nasa ibabaw din ng desk ko tsaka binasa. Pero wala pa din. Kahit ilang beses kong titigan at basahin ang test paper. Wala pa din akong ma-i-sagot. Napabuntong hininga nalang ako.

Daehwi's 5 things that he will do if there is an exam again.







 

1. Mag-aral muna bago maglaro.







 

2. Mag-aral muna bago maglaro.







 

3. Mag-aral muna bago maglaro.







 

4. Mag-aral muna bago maglaro.







 

5. Mag-aral muna bago maglaro.



 

'Promise... mag-aaral na muna ako bago maglaro', salita ko sa isip at muling napabuntong hininga habang sinasagutan ko ang aking test paper.

     

 

♂♀♂♀ ♂♀♂ ♂ ♂

Kinabukasan sa Maxford University

After Sungwoon's birthday... Winter o South wing pantry...

"Panigurado na matutuwa si Lolo kapag nakita niya tayong lahat", masayang turan ni Sungwoon. "Maraming salamat talaga sa inyong lahat".

"Walang anuman, Oppa", sagot ni Sejeong at Chungha.

"Nag-text ang mga maknae", salita naman ni Jisung.

"May problema?", - Jaehwan

"Wala naman. Ang sabi lang nila na dinagdag nila sa listahan ang beach", salita nito. "Total naman raw may malapit na dagat kina Sungwoon".

"Oo, meron. Kaya puwede tayong mag-beach", sagot ni Sungwoon.

Natuwa naman ang lahat sa kinalabasan ng kanilang mga plano.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Friday evening at Peach Residence

Kasalukuyang sinisermunan ni Jisung sa sala ang mga maknae dahil sa mga D o pasang-awa na result nang kanilang mga exams.

"Mula sa araw na ito bawal ang gumamit ng cellphone sa loob ng bahay", salita nito. Nakatayo siya sa harapan ng mga ito at naka-pamaywang pa.

Hindi maka-imik ang mga maknae dahil alam nila ang kasalanan nila. Tahimik lang ang mga ito na naka-upo sa pahabang sofa habang naka-tungo ang kanilang mga ulo.

"Bawal na din ang mag-laro", salita ulit nito.

Hindi pa rin sila umiimik.

"At para masunod ang patakaran na iyan... tinago ko muna pang-samantala ang mga cellphone ninyo", dagdag pa nito.

"Hyung!!!!", sabay-sabay nilang sigaw.

"No games at cellphone sa loob ng bahay", pag-ulit nito sa rules tsaka umakyat ng hagdan.

Napabuntong hininga nalang sila dahil sa nangyari.

******

Kinabukasan... Araw ng Sabado...

MINHYUN's POV

I miss you so much~
Ijeseoya neukkyeo uri gonggan~
I miss you so much

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU