CHAPTER 10 - Last Chance

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

I.

This is my last dance with you
This is my only chance to do
All I can do
To let you know that what I feel for you is real, so real

This is the last chance for us
This is the moment that I just
Cannot let end
Before I know that there's a chance we're more than friends

So don't let go
Make it last all night
This is my last chance to make you mine, mine

II.

I kept my feelings so deep
I kept my dreams of you and me
Somewhere inside
Although I prayed that you would see it in my eyes

But this is my last chance to say
What's in my heart before you fade
Out of my life

And never understand the way I feel inside

So hold me close
'Cause it feels so right

This is my last chance to make you mine

III.

To make it real
Make this dream reality
So close and yet so far
Gotta find a way into your heart
Gotta speak my mind

Gotta open up to you this time
I can't let you slip away tonight

This is my last dance with you
This is my only chance to do
All I can do
To let you know that what I feel for you is so real

So don't let go
Just make it last all night long
This is my last chance to make you mine
To make you mine

******

SEJEONG's POV

'Ang sakit-sakit! Bakit lagi na lang niya ako sinasaktan? Ano bang nagawa ko sa kaniya para saktan niya ako ng ganito?', salita ko sa isip habang patuloy sa paglalakad ng mabilis at sa pagpatak ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang mahalaga ay makalayo ako sa kanila ngayon.

 

 

Ang makalayo sa kaniya.

 

 

 

 

"SEJEONG!!!"

 

 

 

Sandali akong huminto sa paglalakad para lingunin yung taong tumawag sa akin...

 

 

 

...Pero hindi ko na nagawa.

 

 

 

 

 

BAAAAG!

 

 

 

 

 

Teka?

 

 

 

Anong nangyari? Bakit ang sakit ng katawan ko? Bakit biglang nanlalabo yung paningin ko? Bakit humihina yung ingay sa paligid ko?

 

 

Nakakatakot. Sobrang natatakot ako sa nangyayari ngayon!

 

 

Pilit kong iminulat ang aking mga mata para makaalis sa kadilimang unti-unting bumabalot sa akin at naluha nang makita ang liwanag at imahe na hindi ko inaasahan.

 

 

"Daniel", huling salita na nasabi ko at tuluyan ng dumilim ang paligid ko.

 

 

CHUNGHA's POV

 

 

 

Why?

 

 

Until now hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kay Sejeong.

 

******

'Na saan na kaya yung babae na iyon?', nag-aalalang tanong ko sa isip habang mabilis na naglalakad para lang makita siya o maabutan. 'Sejeong, nasaan ka na?', dagdag ko.

Sinusubukan ko na ding tawagan ang mobile niya pero cannot be reached pa rin at sa paglalakad-takbong ginawa ko ay nakarating na ako sa kabilang kanto. Sandali akong huminto at tumingin sa paligid at saktong nakita ko si Sejeong na patawid sa kalsada.

 

 

"SEJEONG!!!", tawag ko sa kaniya.

 

 

Huminto siya sa paglalakad at akmang haharap sa akin. Muli akong naglakad para lapitan siya pero nahuli na ako dahil bago pa ako makapunta sa kaniya ay nabangga na siya ng isang kotseng mabilis na tumatakbo. Sa lakas ng impact, tumilapon ang katawan niya at dalawang beses na gumulong sa kalsada. Sa bilis ng pangyayari ay natulala na lang ako at nabato sa kinatatayuan ko. Hindi ko na magawang ihakbang ang mga paa ko para lapitan ang katawan niya na nakahandusay sa kalsada at naliligo sa sarili niyang dugo. Nagsimula na siyang dumugin ng mga tao at may ilan nang humihingi ng tulong, pero ito ako at nakatayo lang habang tulalang nakatingin sa kaniya.

Natauhan na lang ako nang may biglang bumangga sa kaliwang balikat ko na naging dahilan ng pagkaka-upo ko sa kalsada, at nakita na lang si Daniel na mabilis na tumatakbo papalapit kay Sejeong. Agad itong lumuhod sa tabi niya at paulit-ulit na tinawag ang pangalan habang hawak ang magkabilang pisngi niya.

Nang maingat na binuhat na ni Daniel ang katawan ni Sejeong ay saka lang nag-sink-in sa akin ang nangyari at nag-umpisa nang mag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha.

"Oh my! Sejeongie! I'm sorry! Sejeongie! I'm sorry! Sejeongie!" paulit-ulit na bulong ko.

Nasa ganoong posisyon ako nang maabutan ni Nayoung-Unnie, na agad akong niyakap, at nila Jisung-Oppa at Sungwoon-Oppa na nagmamadaling tumakbo palapit sa dalawa.

 

******

 

Nandito kami ngayon sa labas ng emergency room habang naka-upo sa mga benches at inaantay na lumabas ang Doctor. Katabi ko sa gawing kanan si Nayoung-Unnie na nakayakap pa din sa akin at sa kaliwa naman sila Oppa. Si Daniel naman ay nakatayo sa harap ng pinto ng emergency room na may maliit na glass window at pilit na sinisilip ang nasa loob.

Tumayo si Jisung-Oppa at nilapitan ito. "Niel, umupo ka muna", salita niya tsaka tinapik ang balikat nito.

"Dito lang ako, Hyung. Gusto ko makita si Sejeong", sagot nito nang hindi inaalis ang tingin sa loob.

Tumingin si Oppa sa glass window at saka binalik ang atensyon kay Daniel. Hindi ko alam kung anong nakikita nila mula sa loob basta narinig ko na lang mag-umpisa muling umiyak si Daniel.

"Kasalanan ko ito, Hyung", salita niya.

Umayos ako sa pagkaka-upo. "No! Kasalanan ko kung bakit siya nasagasaan! I'm sorry!" saad ko kung saan unti-unting naglalawa muli ang mga mata ko.

"Aksidente ang nangyari kaya walang may kasalanan." salita ni Jisung-Oppa.

"Tama si Hyung kaya huwag niyong sisihin ang mga sarili niyo" dagdag naman ni Sungwoon-Oppa na kalmadong naka-upo sa tabi ko.

Sa puntong iyon, napukaw ang atensyon namin sa biglaang pagdating ng mga maknae na nagmamadaling lumapit sa amin.

"Unnie, Oppa, Anong nangyari?" panimulang tanong ni Sohye na palipat-lipat ang tingin sa aming lahat.

"Kalma lang, kids" paalala ni Sungwoon-oppa.

"Chungha-unnie, didn't you followed her? How did that happened?" dagdag na tanong ni Somi.

Bigla akong napipi at hindi makasagot sa tanong nila. Tanging si Nayoung-unnie ang nagpaliwanag sa kanila. Maya-maya ay may biglang mga yumayakap sa akin.

"Magiging okay din ang lahat, Unnie" bulong nila sa akin.

May ilan na nag-umpisang sumilip sa loob at nagtanong kung may update na. May ilan namang tahimik na umupo sa mga katabi naming benches at nakikinig lang sa usapan ng iba. Tumayo naman si Sungwoon-oppa para lumapit sa ibang nasa kabilang benches at pumalit naman sa pwesto niya si Seongwu-oppa na kinabig ako pahilig sa kaliwang balikat niya sabay pat sa ulo ko.

"Sorry if mag-isa mo lang nakita yung nangyari" bulong niya. "Don't worry, andito na kami" dagdag nito at saka maingat na hinaplos ang buhok ko na naging dahilan para muling tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha.

Sa huli, walang imik na lang akong pinakiramdaman sila dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

 

 

MINA POV's

Feeling ko ako ang may kasalanan kung bakit naaksidente si Unnie. Dapat kasi sa simula pa lang hindi ko na nagustuhan si Niel-oppa dahil alam kong matagal na siyang gusto ni Unnie.

Nandito ako sa tapat ng pinto ng emergency room at nakatanaw mula sa glass window nito. Two hours na ang nakakalipas pero hindi parin lumalabas ang Doctor para magbigay ng update. Hindi ko rin makita ng maayos ang mga nangyayari sa loob dahil may nakaharang na kurtina at may konting awang lang kung saan kami tumitingin. Basta ang nakikita ko lang ay ang pabalik-balik na Doctor at mga Nurse sa loob. Pansamantalang pumunta din ang iba sa canteen, bawal raw kasi ang madaming tao sa labas ng emergency room.

Tumingin ako sa mga naiwang kasama ko na naka-upo sa benches. Naka-akbay si Seongwu-oppa kay Chungha-unnie na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita.

'In shocked pa rin siguro si Chungha-Unnie', saad ko sa isip.

Dumako naman ang tingin ko sa lalaking naka-upo sa gawing kaliwa ni Unnie malapit sa pinto. Nakayuko at nakapatong ang kaniyang mukha sa dalawang palad at hindi alintana ang mga natuyong dugo sa damit nito.

Habang nakatingin ako sa kaniya ay bigla na lang tumulo ang luha sa aking mga mata.

'Bakit kasi ikaw pa ang nagustuhan ko kahit alam ko naman na mahal na mahal ka ni Unnie?', salita ko sa isip.

 

******

 

Nang natapos na ang mga klase namin, nagtungo na kaming lahat sa Open Field para sa Ending Ceremony ng Popularity Ranking. Pagkatapos ng mahabang speech ni Ms. Emcee ay pinakita na nila sa big flatscreen ang mga list ng participants. Siyempre nandoon ang pangalan ko katabi ng pangalan ni Jihoon na siyang partner ko.

Tumingin ako sa kaniya at kasalukuyan siyang nakatingin sa screen.

"Last year, yung mag-jowa ang nanalo. Sino kaya this year?", narinig kong tanong ni Pinky-Unnie kaya lumingon ako sa kaniya.

Napapagitnaan siya nina Jinyoungie at Chaeyeon-unnie. Oo nga pala, sila Sohye at Woojinie kasi ang nag-rank 1 last year.

'Sino nga kayang mananalo this year?', tanong ko sa sarili.

"Edi, ibig sabihin kung sinong mananalo may chance na magkatuluyan as per the myth na din?" tanong naman ni Somi.

"Paano mo naman nalaman na may Myth sa Popularity Ranking?" tanong ni Pinky-unnie.

"Talk of the town." sagot ng katabi niyang si Daehwi.

"After nito, Pagpag tayo, guys!" pagyaya ni Seongwu-oppa.

"Sige, kakastress 'tong araw na 'to eh." sagot ni Sungwoon-oppa.

"Paanong di tayo ma-i-stress eh tatlo tayong magkakakabit buong araw." sagot naman ni Jisung-oppa na natatawa pa.

"Mas inaalala ko kung tayong tatlo ang mananalo, Oppa." kalmadong sagot ni Nayoung-unnie. Infairness, medyo natawa din ako sa set-up nilang tatlo.

"Bakit ka natatawa diyan?", narinig kong tanong ng katabi ko.

Humarap ako sa kaniya. "Ah, wala lang" nakangiting sagot ko.

"Okay, sabi mo eh" salita niya na ngumiti din.

Natulala ako sa pag-ngiti niya. Until now kasi hindi pa rin ako makapaniwala na siya si Mr. Pink Potter. Ibang-iba kasi siya kapag nakaka-chat ko.

"Ah~ may mga ganitong event pala talaga sa Maxford", narinig kong comment naman ni Eunwoo-sunbaenim.

At dahil doon natauhan ako. Ngumiti na lang ako kay Jihoon para mawala yung awkwardness sa pagkakatulala ko sa kaniya.

"Isa lang 'to sa maraming weird na celebration ng Maxford", sagot naman ni Doyeon.

Muli akong humarap sa barkada. Masaya silang nagkukuwentuhan at mga hindi man lang kinakabahan.

"Baka manalo sila. Ang lakas ng chemistry ng dalawa", bulong ni Minhyun-oppa.

Oh diba! Ang lakas ng pandinig ko at naririnig ko ang mga bulungan nila. Hahaha!

"Thank you, Oppa", salita ni Chaeyeon-unnie.

"Huh? Para saan?"

"Kasi inalagaan mo ako buong araw. Thank you."

"HAHAHA! You're welcome!"

'Wow! How sweet', kinikilig na salita ko sa isip.

Muli akong humarap sa katabi kong si Jihoon. Palipat-lipat lang siya ng tingin sa screen at sa mga tao pero halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Kung bakit, hindi ko alam.

Dumako naman ang tingin ko sa magkatabing kamay namin na nakaposas at bigla ko na lang itong hinawakan, Holding hands. Naramdaman ko na medyo nagulat siya sa ginawa ko at saktong pagtingin ko ay nakaharap na siya sa akin at halatang nagtataka kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Thank you" salita ko.

"Para saan?" nagtatakang tanong niya.

Umiling lang ako. "Basta salamat", tsaka muling ngumiti.

Nagtataka man, tumango nalang din siya at ngumiti.

"OMO!", sigaw ni Jisung-oppa kaya nagpatingin kami sa kaniya pero nakatingin siya sa screen kaya tiningnan din namin 'to.

 

 

 

 

10. Yoon Jisung x Kim Nayoung x Ha Sungwoon.

 

 

 

 

"Okay! Congrats!" sigaw nila Oppa habang napangiti lang si Nayoung-unnie. Safe na sila sa attention.

 

 

 

 

9. Kim Jaehwan x Yu Yeunjung

 

 

 

 

"OKAY! OKAY!" sigaw nung dalawa.

 

 

 

 

8. Lee Daehwi x Jeon Somi

 

 

 

 

 

"WOOOOOOHHHH!!!" masayang sigaw ng dalawa habang nakataas ang mga kamay at winawagayway.

 

 

 

 

7. Ong Seongwu x Kim Chungha

 

 

 

 

"Aahhh~" pabirong panghihinayang ni Seongwoo-oppa.

"Hahaha! Baliw!" tawa naman ni Chungha-unnie.

 

 

 

 

6. Lai Kuanlin x Choi Yoojung

 

 

 

 

 

"Akala ko buong taon na akong tatawaging anak mo, Lin-ah."

"HAHAHA!" tawa lang ni Kuanlin.

 

 

 

 

5. Cha Eunwoo x Kim Doyeon

 

 

 

 

"Okay, tahimik ang buong taon natin!" pagcelebrate ni Doyeonie.

"Ganon ba talaga kalala pag nag 1st Place?" tanong ni Sunbaenim.

"Mas malala pa sa pagtawag ng Cha Eunwoo sayo." sagot niya.

 

 

 

 

4. Bae Jinyoung x Zhou Pinky

 

 

 

Tahimik na napatango lang yung dalawa.

 

 

 

3. Hwang Minhyun x Jung Chaeyeon

 

 

 

"Haaay~" buntong-hininga ni Oppa na parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

Nakakatawa pagmasdan ang mga reaksyon nila.

"OMO! Kayo-kayo na ang maglalaban sa 1st place!" comment ni Yoojung-ah.

Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Yoojung habang nakatingin sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.

"Bruha, apat na lang kayong natitira para sa 1st place" sagot ni Yeunjung.

"Apat?"

"Oo, apat. Ikaw, si Jihoon-ah, Daniel-oppa at Sejeong-unnie" sagot ni Doyeon.

Tumingin ako sa katabi ko at kung kanina ay mukha siyang kinakabahan, ngayon ang seryoso na ng mukha niya. Ibinaling ko naman ang tingin kina Daniel-oppa at Sejeong-unnie na sana hindi ko na lang ginawa. Ang tahimik nila kung saan nakatingin si Unnie sa mga tao at mukhang malalim ang iniisip. Ganoon din si Oppa pero nagulat ako ng bigla itong tumingin sa akin.

 

 

DUG DUG! DUG DUG!

 

 

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at yumuko. 'Bakit bigla akong kinabahan?' tanong ko sa isip.

"Can we asked the two teams to come forward?" tawag ni Ms. Emcee.

Hindi ako makagalaw kahit na sinabi na ni Ms. Emcee na mag-come forward kami. Nabato na ata ako sa kinatatayuan ko. Nakayuko lang ako at nanlalamig habang ang bilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko na lang na may kumabig sa kamay ko at hinatak ako papunta sa harapan kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya matapos namin huminto. Ang seryoso ng mukha ni Jihoon habang nakatingin sa kung saan. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU