CHAPTER 1 - Beginning of Everything

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

tentay14's note: Another chapter of CHS ♥ Medyo mahaba daw sabi ni jhayne06. Please take note yung Male (♂) and Female(♀)signs sa mga list of routines hehe :D

Enjoy ~ ♥

******

Nag-umpisa na ang lahat sa paghahanda para sa pagpasok sa kanilang school, at sa Peach Residence...

"YAH! GAANO KA PA BA KATAGAL DYAN!" sigaw ni Ha Sungwoon habang nakahiga sa kanyang kama, ang single bed sa silid, at nagsscroll sa kanyang cellphone. Tumingin ito sa gawi ng banyo at tinitigan ng masama ang grey na pintuan na animo'y iyon ang kausap.

"SAGLIT NA LANG, HYUNG!" sigaw ng tao na nasa loob.

"ANONG SAGLIT! KANINA KA PA DYAN!" reklamo pa nito pero binawi din ang tingin sa pintuan at pinagpatuloy na lang ang pagcheck sa kanyang Facebook account.

Ngumiti lang ang kasama nya, si Jinyoung, habang nagbobotones ng uniform niya. "Wala ka naman pasok, Hyung. Hayaan mo na siya." sabi niya.

"Wag mo nga ispoil yang bestfriend mo." sabi niya nang di lumilingon sa kausap pero sa malumanay na boses. Alam naman niya na ganon talaga katagal maligo ang isang yun. Wala naman siya magagawa.

Biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto at sumilip si Jisung sa loob. Nagtatakang tiningnan ang dalawa. "Sungwoon, rinig ko sa hallway yung boses mo." sabi nito.

Umupo si Sungwoon mula sa pagkakahiga. "Tagal kasi ni Daehwi eh, baka malate." sabi nito na mahahalata ang pag-aalala.

Pumasok si Jisung sa kwarto at ngumiti "Never namang nalate yung bata." at lumapit sa gawi ng pinto ng banyo. Bumuntong hininga ito saka kinuyom ang kamay at BAG! BAG! BAG! marahang kinatok ang pinto. "YAH! PRINCESS DAEHWI, BUHAY KA PA BA DIYAN!" pabirong sabi nito habang natatawa.

"OH! HYUNG NAMAN EH! PATAPOS NA!" sigaw ni Daehwi na halatang nagulat sa biglang pagkatok ng matanda.

"PAG AFTER 5 SECONDS DI KA PA LUMABAS, BUBUKSAN NA NAMIN 'TO!" banta nya. "ONETWOTHREEFOUR-" mabilis na bilang niya at saka bumukas ang pinto habang nakasimangot na lumabas ang isang binata na nakablack boxer short at natatakpan ang payat na pangangatawan ng tuwalyang nakasabit sa magkabilang balikat nito. "YAH! Sa tagal mo sa loob di mo man lang naalis yang sabon sa tenga mo?" puna niya ng mapansin ang puting bula sa gilid ng tenga nito.

Nagpout lang si Daehwi at saka bumalik sa loob ng banyo para banlawan ang tenga. Pagkalabas, he just flashes a sweet apologetic smile. "Hehe!" sagot nito.

Tinitigan niya lang ito with poker face. "Di mo ba alam na natatae na ang Sungwoon Hyung mo kaya ka niya minamadali. Nagtitiis lang siya!" pabirong sabi niya dito habang nagpipigil ng tawa.

"YAH! DI AKO NATATAE!" Pasigaw na sagot ng nagulat na si Sungwoon na tinawanan lang ng tatlo.

(♂Daily Routine # 3 - Do your personal hygiene.)

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Kasalukyang kumakain na ng breakfast ang mga taga-Cherry at tulad ng nakasanayan, maiingay pa din ang mga ito.

"Kayo talaga, alam nyo nang bawal kayo sa kabila pero pumunta pa din kayo." panenermon ng isang babaeng may golden brown na kulay ng buhok at palipat-lipat ang tingin sa mga kasama sa mesa. - KIM CHUNGHA, isa sa matatanda sa Cherry Residence. Sa unang tingin, alam mong may swag na siya at minsa'y mag-aalangan ka pang kausapin ito dahil sa mature na aura nito, pero sa kabila ng pagiging mukhang mataray nito, isa siya sa pinakamabait at caring na Unnie sa lahat.

"Sorry, Unnie. Nainggit kasi kami nung makita namin sa Insta yung pics nyo habang nag-iinuman kayo. Bakit kayo lang ang nagpparty-party? Paano naman kami?" sagot ng nakapout na si Yoojung habang ngumunguya.

"Bakit? Makikipaginuman din ba kayo?" sagot ng isang babae na may hawak na yellow cartooned designed mug habang umiinom ng mainit na black coffee. Kapansin-pansin ang nakataas na binti nito na nakatuntong sa inuupuan niya na parang mother-in-law kung umupo. - KIM SEJEONG, pangatlo sa mga matatanda sa Cherry. Boyish ang aura at ang pananalita nito na akala mo'y parang matanda pero isa sa mga popular na tenant dahil sa smiley eyes and rare beauty nito. Isa sa mga caring, reliable at sinusunod na Unnie at siya yung tipo ng taong kahit galit nakangiti pa din.

"Isa pa nagpuyat kayo kagabi eh may pasok kayo ngayon." saad ni Chungha habang kumukuha ng isang loaf ng bread sa tapat ni Chae Yeon. "Teka, wala kang hang-over?" tanong niya ng mabaling ang atensyon sa katabi.

Ngumiti at umiling lang ng mahinhin ang dalaga bilang sagot.

"Alam nyo namang tomador yang isang yan." comment lang ni Sejeong habang nakangiti.

Alam ng lahat na hobby ng dalaga ang pag-inom at kinaiingitan ng lahat ng matatanda ang malakas na alcohol resistance nito. Wala silang magawa, eversince na makilala nila ito ay... ganto na talaga ito.

"Sinong pasimuno ng lahat kagabi?" tanong ng isang babaeng nakaupo sa pinakagitna ng mahabang glass table na akala mo'y chairperson sa isang meeting de abanse. Seryoso itong tumingin sa mga maknae, at walang emosyong sinabi na "magsasabi kayo, o papalayasin ko kayo?" banta niya. - LIM NAYOUNG, ang pinaka-matanda sa lahat. Isang matangkad at magandang morenang babae kung saan kilala bilang Stone Nayoung dahil sa walang emosyong mukha nito. Kung ikaw ay di malapit sa kanya, di mo malalaman kung masaya o malungkot ito pero dahil kilala na siya ng mga taga-Cherry, madali lang nila mabasa ang emosyon nito at alam din nila na galit ito ngayon.

Tinaas ng mga bata ang hintuturo at nag-umpisang ituro ang salarin.

Tiningnan nila ang nanlalaking mata ng pinakabatang myembro kung saan tiningnan nito ang lahat saka nilunok ang pagkaing nasa loob bibig nito. "Hehehe... PARTEH!" sigaw nito na sinabayan ng pagtaas ng kamay at pagwagayway sa ere. Nang mapansing tahimik ang lahat, binaba na nya ang kamay... akward. "Nabored kasi kami eh nalaman naming walang magawa din sila Daehwi sa kabila kaya sabi namin videoke na lang kami eheheheh..." at inayos nito ang pag-upo at nilagay sa hita ang dalawang kamay. "Sorry, naingit lang kami kasi parang ang saya niyo sa bar. May kasama pa kayong gwapo doon sa picture... curious lang kung madadatnan naming kasama niyo and have a chance to meet and hang out with him for continuation na din ng Party..." dagdag nito.

Tinitigan lang siya ng walang emosyong si Nayoung. Natahimik lahat pero narelax din ng mapailing na lang ito sa kanila. "Basta di na mauulit next time kung hindi papalayasin ko na kayo dito seriously" banta nito.

"Sorry na Unnie" paglalambing naman ni Pinky at inabot pa ang braso ng dalaga at niyakap ito. "Nakikanta din naman kayo nila Chungha, Sejeong at Chae Yeon Unnie eh." banat nito habang pacute na nakangiti dito.

Binantaan lang na hahampasin niya ito pero di na lang tinuloy at nagpatuloy sa pagkain ng cereals kahit may tuko na nakakapit sa braso niya.

"Maiintindihan naman namin kung maiingit kayo kasi di namin kayo sinama" panimula ni Sejeong "...pero alam nyo naman na bawal kayo sa bar diba, sana tinext nyo kami na gusto nyo din mameet yung isang yun. Bakit naman sila Mina at Sohye, di natempt pumunta sa kabila?" tanong nito sa iba.

"Inaantok na kami..." sabat ni Sohye. "...kakatapos lang kasi namin ng drama marathon ng Goblin kaya nakatulog din kami agad." dagdag nito sabay inom ng gatas.

"Ganda nun mga besh!" sabi ni Mina habang kumakain ng rice at bacon strip. Nagthumbs up pa ito at saka tinuloy ang pagkain.

"Mga KJ" bulong ni Doyeon habang pasimpleng nakikikain sa cereals ni Sohye.

"Sorry naman, teh..." sagot ni Sohye habang pinapanood ang namumuraot na dalaga sa tabi niya. "... pero may bagong tenant si Minhyun Oppa?" takang tanong nito.

"LOOK! KUNG SUMAMA KAYO EDI SANA ALAM NYO!" sigaw ni Yoo Jung na nakaupo sa tapat ni Sohye habang tumatalsik pa ang ilang butil ng kanin mula sa bibig nito.

"Baboy mo!" reklamo ni Somi na pilit lumalayo sa katabi.

"HAHAHA! I almost forgot" singit ni Sejeong habang tumatawa at may clap effect pa. "May makikita tayong peach at talong mamaya-AHAHAHAHHA!" sabi nito.

Nagtawanan ang mga matatanda habang tinitingnan sila ng mga mas bata, nagtataka sa sinasabi ng mga ito. Napansin naman ito ni Chungha.

"Ah! Nakipagpustahan kasi sila Sejeongie at Chae Yeongie ng patagalan sa inuman kila Daniel at Jaehwan. Tawa ako kay Jaehwan, tumatawa pa lang biglang nakatulog out of the blue - AHAHAHAHAH" pagtawa nito.

"Pero di ko inaasahang magkikita kayo sa finals ni Daniel. Ang tatag niyo!" comment ni Sejeong. "Akala ko si Jaehwan ang kalaban mo eh. May nakabeat na ng record ni Tsong AHAHAHAHAHA!" tawa nito.

"Ahahahaha! Kulit ni Jaehwan. Binatukan lang ni Minhyun Oppa ng mahina dahil tawa-tawa tapos biglang nakatulog." Kwento ni Chae Yeon.

"At natakot si Minhyun Oppa kasi kala niya napatay niya si Jaehwanie HAHAHAHA!" dagdag ni Chungha.

Pinapanood lang ng Maknae line ang Unnie line, at wala sila naiintindihan sa nangyayari kaya nakinig na lang ang mga ito.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Mina habang inaabot ang bacon strips sa harap niya, unaware sa topic ng lahat.

"Wala, sabi namin patay-gutom ka, Porky!" sagot ni Doyeon "Sige ituloy mo lang yang pagkain mo, nakakahiya naman at naabala ka namin." dagdag nito. Di na lang siya pinansin ni Mina at nagpatuloy sa pagkain nito.

"Anyway, girls, don't forget your rental fees mamaya, okay!" paalala ng may-ari ng bahay, si Nayoung.

... and in a nick of time, naalala nilang bigla na papasok, may hang-over, at may bayarin pala sila sa renta...

(♀Daily Routine # 2 - Breakfast Bonding with dorm-mates.)

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

"HYUNG~" daing ng mga maknae line habang nakaupong magkakatabi sa dining area, kaharap ang linya ng mga Hyung na kasalukuyang pinapanood ang mga ito.

Tumingin si Minhyun sa mga bata at ngumiti ng matamis. "I love you, too!" sabi niya at saka nagpout kiss sa mga ito.

"Waaahhh~ Hyung! Seriously?" tanong ni Daehwi habang hawak ang isang maliit, brown na tasa na walang hawakan. "Macha tea in the morning? Pinupurga mo ba kami?" reklamo niya.

"Aish! Ang Pait!" dagdag na reklamo ni Jihoon nang mapangiwi pagkainom ng berdeng likido.

"Ang tapang masyado. Sobrang pait" dugtong ulit ni Daehwi at nag-umpisa mangiwi din.

"Di yan Macha tea..." sabat ni Seongwu habang hawak ang isang maliit na brown teapot na yari sa ceramics. "... it's Penal-tea yeah!" pangaasar nito.

"AHAHAHAHA!" Tawang malakas ni Daniel. "Penal tea... HAHAHAHA! Penal-tea" sabi nito habang napapahawak sa balikat ng katabing si Jaehwan.

"Puro kayo reklamo, inumin nyo na lang yan para makapasok na kayo." Saad ni Sungwoon ng mapatingin sa mga nakauniform na maknae habang nangingiti at halatang nag-eenjoy sa nangyayari ngayon.

"Naiingit kayo nung nagPARTTYYY~ kami kagabi, then ipapatikim namin yung lasa ng ininom namin kagabi para makarelate kayo." dagdag pa ni Jaehwan.

"Hoy! Bae Jinyoung, ano yan?" Biglang agaw atensyon ni Jisung at ng mabangit ang pangalan ng taong tinawag, napatingin lahat sa gawi nito.

Inaabot nito ang hawak na tasa ni Daehwi pero binalik din ang kamay sa pagkakahawak sa walang lamang tasa niya ng mapatingin ang lahat. Ngumiti lang ito na tila nahihiyang nahuli siya sa isang kalokohan.

"Bawal Call-a-friend dito. Nang-iispoil ka nanaman." comment ni Jisung na nangingiti. "Ong, bigyan mo pa nga yang isang yan." utos nito.

"KHIKHIKHIK! TAGAY~" pang-aasar ni Seongwu at sinalinan ang tasa niya.

"HAHAHAHA! Penal-tea.... Call a friend... HAHAHAHA Tagay! HAHAHA!" tawa ni Daniel habang hinahampas ang braso ni Jaehwan. Hinampas lang siya nito pabalik.

Napasimangot lang si Jinyoung, wala na din naman siyang magagawa. Pabulong na nagsorry lang si Daehwi dahil alam niyang gusto lang siya tulungan nito.

No choice, nilagok na ni Jihoon at Woojin ang tsaa din nila. Nakita ito ni Seongwu at napangiti. "Dahil sa nagustuhan ng Pink Sausage, tatagayan ko ulit sila!" at sapilitang sinalinan ang tasa ng dalawa.

"Hyung!" - Jihoon habang kumukunot ang noo.

"We're doomed..." tulalang bulong ni Woojin ng marealize na naghihiganti ang matanda sa pagbugbog nila kuno at sa pagsipa ng literal kanina dito. Wala na silang nagawa.

Natawa naman si Jaehwan at Jisung dahil alam nilang gumaganti lang si Seongwu.

"Di naman ganto kapait ang beer" bulong ni Kuanlin.

 

! ! !

 

Napalingon ang lahat sa gawi niya na tila nagulat. Seryoso namang pinaglalaruan ng pinakabata ang tasang walang laman, na tila normal lang sa kanya ang sinabi niya.

"Bakit alam mo?" tanong ni Jihoon habang nanglalaki ang maamong mata nito at nakabuka ang bibig nito.

Kuanlin only shows his gummy smile.

(♂Daily Routine # 4 - Breakfast Bonding with dorm-mates.)

 

♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

Maxford University, ang nag-iisang school located malapit sa Garden-Variety Village. A type of educational institution in which already have all the levels from Nursery up to Tertiary. Isang University na kung saan divided into four parts named after the four seasons, Summer, Autumn, Winter, and Spring.

The Summer or Northern Wing, is a six storey building for Nursery, Kinder, and Primary levels. The whole building is painted in sky blue and light blue lining. May mga plant boxes sa bawat corridor at metal railings mula 2nd to 6th floor for safety measures since mga bata ang mga estudyante dito. Sa bawat corridors ay may nakasabit na white seashells, colorful origami swans, at mga plastic elesis sa bawat plant boxes. Sa bawat pintuan ng silid ay may variety of childish designs mostly malalaking colored paper flowers at may ilan ding cartoon characters kung saan nakasulat ang mga grade at sections ng bawat room. Sa ground floor located ang rooms ng mga Nursery and Kinder, habang sa second floor and ilang laboratory rooms, then the rest of the floors ay para sa mga Elementary students and Faculty rooms ng bawat grade levels nito. Obviously, the building is a child friendly dahil sa labas, bandang gilid ng building, ay may mini play ground din na madalas mapuno ng bata lalo na paglunch time or uwian.

     

The Autumn or East Wing, is a six storey building for Middle High School. The building is painted in light and dark orange lining. May mga plant boxes din ang bawat corridor pero unlike sa Summer Wing na may railings, isang harang na ang lower part ay sementado at above the waist ang taas, and the upper part is made of glass sliding window na madalas nakabukas para maging mahanging sa corridor. May mga plant boxes din ang nasabing corridor mostly daisies ang tanim. May mga paper mapple leaf na nakasabit sa bandang kisame ng bawat pathway na sumusunod sa concept ng Autumn theme din nito. Wala naman kung ano-anong abubot ang bawat pinto ng classrooms di tulad sa naunang building. Sa ground floor nito matatagpuan ang pantry at ilang laboratories na madalas gamitin ng mga estudyante sa Middle High. Sa 6th floor naman located ang ilang club rooms at rest of the floors ay classrooms na din. Ang pinagkaiba lang sa building na ito sa Summer Wing ay may rooftop ito na nahaharangan ng fences pero napapaligiran ng mga halaman. Marami ding halaman at mga puno sa paligid, at may ilang benches na nakapaligid para sa mga estudyanteng nais tumambay sa labas ng building.

Senior High School occupies the Spring or West Wing, in which the whole building is painted in beige with mint green lining. Halos parehas ito ng feature ng Autumn mula sa rooftop, plant boxes, doors, harang, benches, ang pinagkaiba lang ay wala itong mga nakasabit na kung ano sa kisame ng pathway, isang plain lang na corridor ang bawat floor. Sa ground floor din matatagpuan ang pantry at ilang laboratories, at sa 5th and 6th floors ang mga club rooms. Ang 2nd to 4th floor ay mga classrooms na per year level. Mas mature ang theme nito compare sa Autumn.

     

Lastly, the Winter or South Wing for Tertiary levels, mostly mga College, Master, and Doctorate students ang nag-ooccupy. Ang pinakamalaki, malawak, at malayo from other buildings dahil sa most populated number of students nito. Ang Winter ay nahahati rin sa maraming building depende sa Major and Courses ng mga estudyante. Iba ang structure ng mga buildings sa Winter dahil mostly made of cement and wall glass ang bawat corridors. Mas hi-tech dahil sa mga elevators and escalators sa ilang building. Plain White and Grey ang color theme nito na kung saan obvious na mga mature na ang mga estudyante dito. May malawak na pantry sa isa sa mga building dito kung saan mostly dito kumakain ang lahat ng estudyante sa Winter.

Each wings have their own entrance gate, but inside the whole place can be accessible to everyone in each levels. In the middle of each Wings ay may nakahiwalay na isang four storey building kung saan matatagpuan ang Clinic and Admission Office sa ground floor, ilang Faculty Rooms ng mga Professor ng Winter sa 2nd floor, library sa 3rd at 4th floor ang Administrative office ng University. Sa back part ng building, facing the Winter Wing, is the covered gymnasium at ilang open courts for volley ball and tennis club, at ang malawak na track and soccer field.

A very peaceful small community kung saan alam mong aware at connected ang bawat isa. A lively place in which you can learn, have fun, and experience everything.

Everything... including running for you life habang papasok ang mga students to avoid tardiness, named Yeunjung, Sohye, Mina, and Somi.

"AAAAAHHHHHH!" sigaw ng apat habang paakyat sa tahimik na staircase ng Spring building.

"Bwisit talaga!" sigaw ni Somi. "Sabi ko sa inyo wag nyo papaunahin sa pagligo si Pinky Unnie eh!" dagdag niya habang pilit umaakyat sa huling part ng hagdan papuntang 2nd floor.

"Tagal din kasi nito ni Mina kumain kaya mas nalate tayo, naunahan tuloy tayo sa pagligo!" reklamo ni Yeunjung habang nakakunot ang noo sa pagod.

"Di nyo na dapat ako hinantay, idiots!" sagot na pasigaw ni Mina habang patungo na sa next batch ng hagdan.

"Pasalamat ka nga inantay ka pa namin eh!" singit ni Sohye habang inaadjust ang strap ng red nap sack sa balikat nito.

"Wag na kayong magmadali! Kung malalate tayo tanggapin na natin ahahaha!" sigaw ng isang chill na dalaga habang paakyat pa lang ng unang step habang nakatingala pataas ng hagdan.

"Ewan ko sayo Zhou Jieqiong!" sagot ni Somi na tinawanan lang ng kausap. "Sige girls, dito na ako! See yah later! Muah! I love yah!" at lumiko na si Somi sa 2nd floor.

"Byeie! Muah!" sagot ng iba bago ipinagpatuloy ang journey nila sa pag-akyat ng hagdan.

 

♂♀♂

2nd floor, 1st year, Section A...

Binuksan ni Somi ng malakas ang pinto kung saan napatingin ang lahat ng mga classmates niya. Ngumiti siya sa lahat at napatakbo patungo sa upuan niya sa bandang likod at umupo na halatang pagod na pagod.

"Kala ko malalate ako.... buti na lang... HAAAAAAYYYY~" saad nito ng makitang wala pa ang teacher nito.

"Yah! Somi! You almost got late, what happened?" tanong ng isang lalaking humampas sa braso niya na nakaupo sa tabi nito.

Napatingin siya dito at napangiti. "Eh kasi naman, Dae!..." sabay hampas niya sa payat na braso ng katabi na nagpangiwi sa isa. "... Nauna kasing naligo si Pinky-Unnie eh nakalimutan naming nakamamatay ang orasyon nun pagnaliligo." sagot niya habang sinasabit na ang bag niya sa maliit na hook sa gilid ng study table nito.

"What do you mean 'orasyon?'" tanong naman ng isang matangkad na lalaki na nasa kabilang side ni Daehwi na kanina pa pala nakikinig habang nakasalung-baba at nakatingin sa dalawa.

"You know, Lin-lin, Personal hygenes" sagot nito kay Kuanlin na napangiti na lang sa reaksyon niya dahil halos tumirik ang mata niya habang nagkkwento.

"AHHAHAHAHA! What do you expect to Ms. Popular #1" Tawa ni Daehwi "Eh ikaw nga di makalabas ng bahay na walang make-up na over pa nga minsan AHAHAHHA!" asar pa nito habang napapaliyad pa sa pagtawa.

"No, I'm not!" sigaw niya sabay hampas ng malakas ulit sa braso ng isa. "How dare you!" dagdag nito.

 

♀♀♀♀♀♂♂♂

3rd floor, 2nd year, Section B...

Umupo na sa mga upuan nila sila Sohye, Yeunjung, at Mina at hingal na hingal na lumingon sa paligid, at napangiti ng marealize na di pa sila late.

"Muntik na, Oh my!" sabi ni Yeunjung ng mapatingin sa orasan ng room at nagumpisa nang alisin ang violet back pack nito.

"Ayaw nyong maniwalang di pa tayo late eh" sabi ni Mina ng maisabit na din ang pink bag pack nito.

"Kala ko talaga late na tayo" sabi ni Sohye ng mapatingin sa relo nito. "Oh! Sira pala watch ko!" sabi nito ng mapagtantong di na gumagalaw ang kamay ng relo nito. "OUCH!" reklamo niya ng may humatak sa buhok niya at napatingin sa gawing kaliwa, sa katabi na si Yeunjung na masama ang tingin sa kanya.

"Pinagod mo lang kami, Kim Sohye" bulong ni Mina na nakaupo sa harap naman nito.

"Uy! Nakaabot kayo?"

Napalingon ang tatlo at nakitang papalapit si Yoojung at Doyeon at saka umupo sa mga upuan nila.

"Kala ko di kayo aabot." sabi ni Yoojung pagkaupo sa kabilang side ni Yeunjung.

"Buti nakatapos pa si Pinky-Unnie?" sabi naman ni Doyeon na natatawa pa habang nakaupo sa likod ni Yoojung.

"Di nyo man lang kami inantay... iniwan nyo kami..." reklamo ni Yeunjung nang mapalingon sa dalawa. "Di nyo na kami love..." simangot nito.

"Gaga! Ayaw lang namin malate noh!" sagot ni Yoojung kasabay ng pagbatok niya dito. "Drama mo ah!" sabay tawa.

"At least di kayo late..." dagdag ni Doyeon habang nakangiting pang-asar. "Oh! They're here!" sabi nito ng mapatingin sa tatlong lalaking chill na pumasok ng room na umiinat-inat at humihikab pa.

"Uy! Nakaabot kayo?" tanong ulit ni Yoojung na pigil ang tawa. "Or NAABUTAN kayo? AHAHAHAHAHA!" asar nito.

Ngumiti lang ang mga ito at naglakad papunta sa upuan nila malapit sa gawi nila.

"Shut up, Petite!" bati naman ni Woojin saka gulo sa buhok ni Yoojung ng mapadaan siya. Sinipa naman siya sa binti ng dalaga bilang ganti.

"Girls, Wazzup!" ngiting bati ni Jihoon saka umupo sa tabi ni Doyeon, sa bandang likod ni Yeunjung.

"Naks! Ganyan dapat girls, chill lang kahit malapit na malate..." react ni Doyeon sabay ngiti.

"Maaga pa naman, no worries" sagot ni Jinyoung ng makaupo sa tabi ni Mina, sa harap ni Yoojung.

"Ok lang kayo?" tanong ni Yoojung ng tapikin ang nasa harap na si Jinyoung na ningitian lang ng isa. "Balita namin tinorture kayo kanina nila Oppa... so musta naman ang mga tsan natin mga besh?" dagdag na tanong ni Yoojung na nagpipigil ng tawa.

"Ano nangyari?" tanong nila Yeunjung, Sohye at Mina na halatang walang idea sa nanyari.

"Pinainom sila ng Macha Tea kanina dahil dun sa nangyari kagabi...AHAHHAA! Napurga... AHAHAHA... na ba kayo... or di... pa AHAHAHAHA!?" asar pa ni Yoojung na halos di na makahinga kakatawa.

"AHAHAHAHA! PAG MAY NANGAMOY ALAM NA AHAHAHAHA!" asar pa ni Doyeon na nakipagappear pa kay Yoojung habang tumatawa ng malakas.

Napailing na lang ang tatlong lalaki at di na pinansin ang mga katabing baliw. Natatawa naman ang tatlong babae hindi dahil sa kinuwento ng dalawa kundi sa tawa ng mga ito.

 

♀♀  

4th floor, 3rd year, Section C...

Nag-uumpisa na ang roll call for attendance dahil maagang pumasok ang teacher nila ng bumukas ang pinto na nagpangiti sa lahat ng lalaki.

"We believe we're not late yet, right?" bulong na most likely parinig na rin ni Chaeyeon habang nakatingin sa white wrist watch niya.

"Good morning Sir! Aga naman ng attendance nyo" bati naman ni Pinky habang nakangiti sa lahat.

"Of course, you're not late. Please come in" sagot ng teacher nila na nakangiti.

"Thanks, Sir" sagot ng dalawa saka pumasok para maupo sa mga upuan nila.

Kumpleto nanaman ang araw ng mga male fans nila, at kibit balikat lang ang mga classmates nilang babae na halatang sanay na sa ganitong scenario.

(♀Daily Routine # 3 - Daily Prayers na sana wala pa or nakaleave ang teacher mo dahil late ka nanaman papasok ng school dahil sa nakamamatay na personal hygene mo; and

♀Daily Routine # 4 - Chitchat with classmates/friends.)

(♂Daily Routine # 5 - Humikab or uminat pagpasok ng classroom dahil maaga pa. Kung late ka, do the same thing.)

 

♂♀♂      ♀♀♀♀♀♂♂♂       ♀♀

Nagpatuloy ang klase ng bawat isa kung saan busy ang lahat sa mga sumusunod na gawain nila:

1st year

Daehwi, Somi, and Kuanlin - listening on the discussion kahit konti na lang makakatulog na si Kuanlin.

2nd year

Jihoon and Woojin aka Pink Sausage - sleeping
Sohye and Mina - listening on the discussion
Yeunjung, Doyeon - doodling habang nakikinig kuno sa teacher
Yoojung, Jinyoung - dilat ang mata, tulog ang diwa - zone-out

3rd year

Chaeyeon and Pinky - listening on the discussion while ignoring those guys na mas trip silang panoorin kaysa sa mukha ng teacher nila.

(♀Daily Routine # 5 - Listening on the class discussion... yung kailangan mong kumapit dahil anytime lilipad na utak mo.)

(♂Daily Routine # 6 - Makinig sa lesson, magdoodle, matulog sa klase bago maglunch.)

 

♂♀♂      ♀♀♀♀♀♂♂♂       ♀♀

Dumating ang lunch break at nag-umpisa nang dumami ang mga estudyante sa hallway habang naglalakad patungo sa pantry. Kasama sa mga ito ang mga 1st year na sila Daehwi, Somi at Kuanlin na talagang mapapalingon ka dahil sa 'Swag Conversations' ng mga ito.

"Y' know? I really tried so hard just to listen a while ago, but I can't stop myself to feel sleepy." sabi ni Kuanlin habang naglalakad na nakapamulsa at humihikab pa.

"Oh! That's hang-over on the last night's Partyeh!" sagot naman ni Somi na nasa gitna ng dalawa at nakakapit sa magkabilang braso ng mga ito.

"HAHAHA! Last night has so much fun!" singit ni Daehwi "Let's do that again but let's try with something else, y' know, next time-together-eating" dagdag nito with action na inangat ang kamay na kunwari'y sumusubo ng pagkain.

"HAHAHAHA! WHAT'S NEXT TIME TOGETHER EATING?" asar ng dalawa dahil sa Swag na Engli

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU