CHAPTER 4 - Once Upon A Time... It's a Valentine! (Part 1)

♀♂♀Colorful Heart Strings♀♂♀
Please Subscribe to read the full chapter

tentay14's notes: Annyeong!

Well, we started na patamisin na ang chapter na ito as our tribute for the previous Valentine's Day!

Enjoy~

P.S:

Please read my bff's notes below... nyaw~

 

jhayne06's notes:

1. Italic font of paragrahps will be The Flashback.
2. Italic font of paragraphs with the quottation ( ' ) will be the thoughts o inner thoughts of a character. A random thoughts.

I don't know how to be sweet so please don't bash on me. I tried my best, but my best wasn't good enough. But still, thank you for reading our collaboration story with my BFF tentay14. This story is also on her account. You may also read other story of her, titled - HEY, JP! Just search the title below if you want to view her account (^___^).

Again, thank you and enjoy reading (^___^).

P.S.

FEBRUARY 09 - Chungha's Birthday
FEBRUARY 13 - First monthsary po ng "Colorful Heart Strings". Happy 1st monthsary (^___^).
FEBRUARY 14 - Valentine's Day (^___^). Happy HEART's day (^___^).

#HartHart<3

******

YOOJUNG's POV

After Daehwi's birthday celebration kahapon, Sunday. Back to normal ulit kami... at dahil hindi naman kami mga normal walang din nangyari. Kasalukuyan kaming nandito nila Somi, Kuanlin, Sohye, Yeunjung, Jinyoung, Doyeon, Mina at ako sa labas ng Guidance's Office. Habang yung tatlo - Woojin, Jihoon and Daehwi nasa loob at binabasahan ng school policies. Nasaan ang iba? Nasa mga klase na nila. Iniwan kami dito at hindi sinuportahan.

"Kawawa naman si Daehwi, birthday pa naman niya ngayon" Somi said while looking at the door of Guidance's Office.

"Tsk, kasalanan ito nila Hyung" reklamo ni Jinyoung.

Tinutukoy niya sila Jaehwan-Oppa at Daniel-Oppa na pasimuno at nagpataw nang parusa sa tatlo. Nakakatawa siya tingnan kasi hindi siya mapakali. Para siyang asawa na nag-aantay sa labas ng delivery room dahil manganganak na ang asawa niya sa loob. Pabalik-balik siya sa paglalakad. Grabe, nahihilo na ako sa kaniya.

Ilang minuto pa at bumukas ang pinto ng Guidance's Office at lumabas ang tatlo. Agad naman kami lumapit sa kanila.

"Ano na?" tanong in Doyeon.

Hindi umimik ang tatlo, naka-tungo lang sila. Lalo tuloy kami kinabahan sa kanila.

"Bakit ganiyan mga itsura ninyo?" Mina asked.

"Para kayong pinagsakluban ng lupa ah" Yeunjung commented.

Hindi pa din sila umimik. Nakakaloka na sila. Ano ba sinabi ng Guidance's Counselor sa kanila.

"Lagot talaga sa akin mamaya sila Hyung" - Jinyoung

"Expel na ba kayo? Detention? O one week suspension? Ano?" - Somi

Hindi na ako makatiis, kung ayaw nila magsalita ako na mismo ang papasok sa loob at tatanungin ang Counselor regarding dito. Akma na sana akong papasok sa loob nang nagsalita si Daehwi.

"Hindi naman kami na-expel" Daehwi said.

"Detention?" Sohye asked.

"Hindi din" - Woojin

"One week suspension?" I asked.

"Nope" sagot ni Jihoon na umiling pa.

"E, ANO?" we said in unison. Nakalimutan namin na nasa harap pa pala kami ng Guidance's office kaya nagulat kami nang lumabas ang Counselor.

"Additional two weeks for Community Service!" sabi nito sabay sarado ng pinto. Sa lakas ng pagkakasara niya sa pinto lumikha ito ng ingay na ikinagulat naming lahat.

"Patay~" sagot nang tatlo na napabuntong hininga pa.

"Ano yung two weeks ng alin nga iyon?" nagtatakang tanong ni Somi.

"Community Service ang naging parusa ninyo?" tanong naman ni Mina.

Tumango naman ang tatlo bilang sagot.

Lumapit naman si Jinyoung kay Daehwi at inakbayan ito. "Okay lang iyan, tutulungan kita".

"Talagang tutulungan mo kami" Woojin said. "Mali pala, hindi pala MO kundi NINYO" pinagdiinan pa ang salitang MO at NINYO. "Tutulungan NINYO kami".

"What do you mean?" - Kuanlin

"Nilista din kasi namin mga name ninyo para tulungan kami. Alangan kami lang ang mahirapan, siyempre dapat kasama din kayo" Jihoon explain.

"No!" I said.

"Yes"

"Joke lang iyan guys. Huwag kayo maniwala sa tatlong iyan" - Yeunjung

"Hindi kami nagbibiro" - Woojin

"Hindi naman kasi kapani-paniwala mga itsura ninyo" - Sohye

"Bahala ka, Penguin"

"Yah!" sabay turo kay Woojin. "Hindi ako penguin" sagot ni Sohye.

"Sana nga joke lang ito pero hindi" Daehwi sigh.

"Ano ba kasing nangyari?" naiiritang tanong ni Doyeon.

"Ganito kasi iyon..." at ipinaliwanag ni Daehwi ang nangyari.

Matapos ang nobelang explanation nila tungkol sa nangyari.

"Tapos na" - Daehwi

"Ah" - Kuanlin

"Ganoon pala" - Somi

"Community service" - Yeunjung

"In two weeks" - Mina

"Kasama kami" - Doyeon

Sus, iyon lang pala. Akala naman namin kung ano na nangyari. Community service in two weeks lang naman pala ang parusa nila at kasama kami. Teka? Napatulala kaming lahat nang mag-sink in at ma-realize namin ang sinabi nila.

"Kasama kami?" tanong ko.

"Hindi mo ba narinig? Akala ko pa naman pandak ka lang. Bingi ka din pala, tsk" - Woojin

"NOOOOOOOO!!" sigaw namin.

Dahil doon muling lumabas ang counselor sa office.

"Gusto niyo ba dagdagan ko pa ang parusa sa ninyo?"

Tumahimik kami tsaka umiling bilang sagot.

"Go back to your classroom. NOW!"

Agad kaming tumakbo palayo sa office. Habang tumatakbo kami sa open field ng buong campus. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Pagminamalas ka nga naman" salita ni Woojin.

Malas nga naman... malayo pa kasi kami sa gate ng Spring Building. Nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo ng biglang huminto si Somi. Kaya napahinto din kami sa pagtakbo.

"Bakit ka huminto?" - Mina

"Mas mababasa tayo ng ulan kung hindi tayo tatakbo" - Yeunjung

"Basa na rin naman tayo eh. Bakit hindi nalang natin lubusin?" - Somi

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Huwag na tayong pumasok" Daehwi said and smile.

"Tama, total late na rin naman tayo" - Doyeon

"Maligo nalang tayo sa ulan" Kuanlin said. Halata sa mukha nito ang excitement.

"Sang-ayon kami diyan" salita ni Jihoon sabay akbay kay Woojin.

"Happy birthday, Daehwi!" sigaw ni Somi.

"HAPPY BIRTHDAY LEE DAEHWI!!!" sigaw namin lahat. Wala kaming pakialam... wala naman makakarinig sa amin dahil nasa open field kami at malayo sa mga classrooms.

At nagpatuloy kami sa pagtatampisaw sa ulan na parang mga bata.

"Thank you, guys. Best birthday ever!" - Daehwi

"Group hug!" sabi ni Jinyoung sabay yakap kay Daehwi.

"Akala ko ba group hug? Bakit si Daehwi lang niyakap mo?" puna ko.

"Edi yumakap na din kayo para group hug na" sagot niya.

"GROUP HUG!!!" - Somi

At niyakap namin ang isa't isa. Matapos ng birthday moment in the rain namin. Napagpasyahan namin na hindi na pumasok ng klase at umuwi nalang sa dorm.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Dining area at Peach...

"HAPPY BIRTHDAY DAEHWI~. HAPPY BIRTHDAY DAEHWI~. HAPPY BIRTHDAY~. HAPPY BIRTHDAY~~~. HAPPY BIRTHDAY DAEHWI~~~~" kanta nang mga Hyung kay Daehwi.

"Cheers!" Seongwu sabay taas ng hawak na baso.

"CHEEEEERRS!!!" sigaw nang lahat at itinaas din ang mga baso nila.

Tumayo si Daehwi sa pagkakaupo at nagpasalamat.

"Masaya ako dahil kasama ko kayo. Maraming salamat sa inyong lahat" salita nito at yumuko 45° degree bilang pasasalamat.

"Tama na iyan at umupo kana" naka-ngiting salita ni Minhyun.

Muling umupo naman si Daehwi.

"Kainan na!" - Jisung

Magana at masaya silang kumain nang sabay-sabay bilang extension ng birthday celebration ni Daehwi.

"Bakit back to normal na ulit buhok ninyong tatlo" puna ni Jaehwan.

"Na guidance ulit kami dahil sa inyo" poker face na sagot ni Woojin.

"Hahahahaha~" Daniel and Jaehwan laugh.

"Balita ko dinamay niyo na naman ang mga taga-Cherry" - Jisung

"Hyung, the more... the merrier" Jihoon said. Naabala sa chicken feet na kinakain niya.

"Tama, what are friends are for" naka-ngiting segunda naman ni Daehwi.

"Kayo talaga, hindi na naawa" - Sungwoon

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Dining area at Cherry...

"Buti nalang umalis na kami kanina at hindi kayo sinamahan sa guidance's office" sabi ni Pinky. "Kundi pati kami madadamay na naman" dagdag pa nito.

Ngumiti lang si Chaeyeon dito.

"Huwag ka mag-alala, bukas pupunta ako sa guidance para kausapin si Ms. Counselor para isama ka sa list" poker face na sagot ni Doyeon.

"Yah! Subukan mo, I will kick you out" banta ni Pinky.

"Tama na iyan" sita ni Nayoung.

"Kumain nalang kayo" - Chungha

Tumahimik naman ang dalawa at nagpatuloy na sila sa pagkain.

 

♂♀♂       ♀♀♀♀♀♂♂♂         ♀♀

Kinabukasan... Maxford University...

"Bye, guys" naka-ngiting paalam ni Chaeyeon sa kanila.

"Good luck sa community service ninyo" sabi ni Pinky. "See yah!" at hinatak paalis si Chaeyeon.

SOHYE's POV

Matapos magpaalam nang dalawang Unnie, pumunta na kaming 11 sa guidance's office para ipaalam sa counselor na magsisimula na kaming mag-community service.

 

 

Guidance's office...

"Dahil 11 kayo, hahatiin ko kayo sa apat na grupo na may tig-tatlong member habang ang isang grupo ay dalawang member lang" paliwanag nang counselor. "At i-a-assign ko kayo sa bawat building ng Maxford University" dagdag pa nito. "Alam niyo naman na may apat na wing buildings ang school natin..." at nagsalita pa siya nang nagsalita. Habang kami nakatayo lang sa harap niya at tahimik na nakikinig kuno sa mga explanations niya.

 

 

Matapos ang tatlong oras na lintanya...

"Okay. I will announce your group and building assignment" salita niya. "For Summer wing, will be... Somi, Daehwi and Kuanlin. Spring wing... Yoojung, Doyeon and Yeunjung. Winter wing... Jihoon, Mina and Jinyoung. And last, Autumn wing... Sohye and Woojin" she announce. "Now, that you know your group and assigned building. You may all leave now" and she dismiss us.

Lumabas na kami sa office at nagpaalam sa isa't isa para pumunta sa aming assigned wing building.

 

♀♂

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Woojin-ah papunta sa Autumn wing kung saan kami naka-assign. Tahimik lang kaming naglalakad bitbit ang walis tingting, dust pan at sako na gagamitin namin sa aming community service.

"Ang boring naman kasama nang katabi ko" salita ni Woojin. 'Aba!'

Sasagot na sana ako nang nagsalita ulit siya.

"Akala ko ba ang penguin nagsasalita" tumingala pa siya na tipong nag-iisip.

Huminto ako sa paglalakad at tinuro siya. "Yah!" sigaw ko.

Huminto din siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Hindi ako penguin" sabi ko sabay pamaywang. "At talagang hindi nagsasalita ang penguin".

 

...

 

...

 

...

 

"Pffff~" sabay takip sa kaniyang bibig. 'Aba! Nagpigil pa sa pagtawa'.

"Sige na, tumawa kana. Kesa pigilan mo pa iyan... kung saan pa lumabas iyang hangin mo" salita ko.

"HAHAHAHAHA~". 'Tumawa nga ang mokong'. "HAHAHAHAHA. Totoo pala na nagsasalita ang penguin. Hahahaha~".

"Hindi nga nagsasalita ang penguin!"

"Aba, marunong din pala sumigaw ang mga penguin" sabay tap sa ulo ko.

Tinabig ko ang kamay niya at naglakad nalang ulit ako. "Bahala kana diyan" at iniwan ko siya. Naririnig ko pa din ang pagtawa niya kahit ilang dipa na ang layo ko sa kaniya. "Tsk, kailan pa nagsalita ang mga penguin?" salita ko habang patuloy sa paglalakad. Hindi ko namalayan na sumunod na pala siya sa akin at nasa likuran ko na, kasalukuyang nakikinig sa mga sinasabi ko. "Hindi naman kasi nagsasalita ang mga penguin. Mokong na iyon" salita ko.

"Talaga?"

"Oo!"

"Hindi marunong magsalita ang mga penguin?"

"Hindi marunong magsalita ang-" nahinto ako sa pagsasalita nang marealize ko na may kausap ako. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa gilid. "Anak ng penguin ka!" nagulat ako at napatakip ng bibig gamit ang dalawang kamay, dahil pagharap ko nakaharap din siya sa akin. Halos dalawang dangkal lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Hindi ako anak ng penguin" salita niya tsaka naglakad ulit.

Naiwan akong nakatulala at gulat pa rin dahil sa nangyari.

 

♀♀♀     +    ♀♀

Spring wing...

YEUNJUNG's POV

Sinimulan na namin ang paglilinis ng buong spring building. Nandito kami ngayon sa open field at nagwawalis.

"Bakit ba kasi tayo nadamay dito?" reklamo ni Doyeon. 'Bakit nga ba kami nadamay dito?' Sa pag-iisip hindi ko namalayan na naka-tulala na pala ako.

"Uy!" tapik sa akin ni Yoojung sa balikat. Natauhan ako dahil doon. "Natulala ka na naman diyan, Yeunjung".

"Ah, wala" sagot ko sabay ngiti. At nagsimula na ulit magwalis.

Habang busy kami sa pagwawalis, biglang dumating si Pinky-unnie at Chaeyeon-unnie.

"Hi, girls" naka-ngiting pagbati ni Chaeyeon-unnie sa amin.

Ngumiti lang kami sa kaniya dahil busy kami sa aming ginagawa.

"Girls, tama na iyan" sabi naman ni Pinky-unnie. "Mag-pahinga na muna kayo at hayaan niyo na muna iyan".

Hindi namin siya pinansin at pinagpatuloy lang namin ang ginagawa.

"Girls, take a break muna puwede?" salita ulit niya.

Hindi pa rin namin siya pinansin. Nagulat kami ni Yoojung nang lapitan niya si Doyeon at hablutin ang hawak nitong walis tingting.

"Ano bang problema mo!" sigaw ni Doyeon sabay tulak kay Pinky-unnie. Napa-upo tuloy ito sa sementadong daan.

"Sinasabihan ko lang kayo na magpahinga na muna!" sagot naman Pinky-unnie tsaka tumayo mula sa pagkakaupo nito sa semento.

Dahil sa nangyari, na agaw namin ang atensiyon nang mga estudyanteng pagala-gala sa campus at naki-tsismis na din. Halata sa mga mukha nila ang pagtataka at pagkagulat. Hindi siguro nila inaasan na may ganitong side kami. Dahil ang tingin nang lahat sa amin ay mga perpektong tao kami na bawal magkamali.

Bago pa lumala ang sitwasiyon pumagitna na kaming tatlo nina Yoojung at Chaeyeon-Unnie.

"At bakit? Sino ka ba para utusan kami sa mga dapat naming gawin!" pasigaw na sagot ulit ni Doyeon. Pinapa-kalma naman namin siya ni Yoojung. Habang si Chaeyeon-unnie nasa tabi ni Pinky-unnie.

"Ayaw ko lang na nakikita kayong nahihirapan!" sagot ni Unnie. "Bakit? Dahil mga kaibigan ko kayo!" dagdag pa nito.

Hindi nakapag-salita si Doyeon dahil sa narinig.

"Pasensiya na kung ayaw ninyo nang tulong namin" salita ulit ni Unnie tsaka tumalikod sa amin at umalis. Nag-paalam na din sa amin si Chaeyeon-unnie at sumunod kay Pinky-unnie.

Nang maka-alis na sila Unnie. Muling namin pinagpatuloy ang ginagawa. Nag-si-alisan na din ang mga estudyanteng naki-tsismis sa amin.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Makalipas ang tatlong araw...

MINA's POV

Araw ng Sabado. At dahil Sabado... walang pasok, nakahiga lang ako sa aking higaan sa itaas na bahagi ng isa sa dalawang double bed na nandito sa pang-limahang kuwarto. Nakaka-pagod din ang ilang araw naming pagku-community service. Buti at naawa sa amin si Ms. Counselor at tinapos na niya kahapon ang aming service. Hindi na namin kailangan pa mag-community service ng mahigit isang linggo. Two weeks kasi ang naging parusa sa amin. Mali pala, hindi sa amin kina Woojin, Daehwi at Jihoon lang pala... dinamay lang pala kami nang tatlo. Kaya ito ako ngayon... busy sa pag-scroll sa aking cellphone. Salamat sa technology, may napaglilibangan pa rin ako kahit paano dahil nakakapag-open ako nang aking mga social media accounts. Specially, ang Wattpad. Oo, isa akong reader sa Wattpad world. Katatapos ko nga lang basahin yung HEY, JP! ni tentay14. Grabe ang ganda ng story niya. Ngayon, binabasa ko ang horror stories ni Mr. Pink Potter. Kaya salamat talaga sa WiFi connection sa kabilang bahay. Si Nayoung-Unnie kasi...

******

Weeks ago...

"WAAAAAHHH!!!" sigaw ni Yeunjung. Naka-upo ito sa sofa habang titig na titig sa hawak nitong cellphone.

Nagulat at napa-tingin kaming lahat sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa sala nila Yoojung, Doyeon, Somi, Pinky-unnie, Sohye at Chaeyeon-unnie. Lahat kami ay naka-upo sa sahig at naglalaro ng jackstone na pansamantalang natigil dahil sa pagsigaw ni Yeunjung.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Chaeyeon-unnie.

"Para kang nakakita ng multo diyan ah" sabi naman ni Sohye.

Humarap siya sa amin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa kaniyang nakita mula sa hawak nitong cellphone. "Ga-guys" nauutal nitong salita.

Napa-kunot noo kaming lahat sa kaniya. Nagtataka kung bakit ganoon ang kaniyang itsura. Aakalain mo kasing nakakita nga siya ng multo dahil sa itsura nito ngayon. Iniharap niya sa amin ang hawak nitong cellphone. Napatingin kaming lahat dito. Sila lang pala, masyado kasi akong malayo sa puwesto niya. Ang iba ay lumapit pa sa kaniya para makita kung anuman ang gusto niyang ipakita sa amin. Matapos nilang makita kung anuman ang nasa cellphone ni Yeunjung nagtaka ako nang bigla nilang kinuha mula sa bulsa ng kani-kanilang mga shorts ang kanilang mga cellphone.

"NO!!" - Yoojung

"OMG!!" - Doyeon

"WAAAHHH!!" - Pinky

"This can't be!" - Somi

Pagkatapos, sandali silang napatulala at nakatingin lang sa hawak nilang mga cellphone.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko.

Dahan-dahan silang nag-angat nang kanilang mga mukha at tumingin sa akin.

"WALANG INTERNET CONNECTION!!!" sigaw nila.

"O-kay?" sagot ko.

Wala lang palang internet connection ang O.A naman nila. Teka? Nanlaki ang mga mata ko nang mag-sink in sa akin ang kanilang sinabi. Dali-dali kong kinuha sa bulsa ng aking short ang aking cellphone. Binuksan ito tsaka nag-log in sa Facebook. Ilang segundo lang... bumungad sa akin ang NO INTERNET CONNECTTION. Sinubukan ko naman mag-log in sa Instagram kaso... CONNECTION FAILED naman ang lumabas.

"NOOOOOO!!!!" sigaw ko.

Nagulat at napatingin kaming lahat sa may pinto ng biglang bumukas ito at bumungad sa amin ang tatlong Unnie na sina Nayoung, Sejeong at Chungha na kauuwi lang galing sa school.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Sejeong-unnie.

"Bakit kayo sumisigaw?" - Chungha-unnie

"Unnie, wala tayong internet connection!" sabi ni Somi sabay pakita ng kaniyang cellphone sa tatlo.

Lumapit dito ang tatlong Unnie tsaka napatingin sa isa't-isa. At muling humarap sa amin.

"Pinatay ko ang WiFi" poker face na sabi ni Nayoung-unnie.

"Unnie!!" we said in unison.

"Isa iyan sa mga punishment ninyo bukod sa pagka-grounded" sagot nito. At naglakad papuntang hagdan.

"Don't worry guys, bubuksan natin iyon mamaya" bulong ni Yoojung.

Napahinto sa pag-akyat ng hagdan si Nayoung-unnie at humarap sa amin.

"Kahit buksan niyo pa ang WiFi, hindi pa rin kayo makaka-connect dahil ni-rebut at binago ko din ang password doon" tsaka tuluyan na itong umakyat sa hagdanan.

Naiwan kami sa sala na nakatulala.

******

Back to reality...

Hindi rin naman kami puwedeng lumabas ng dorm o gumala sa mall dahil until now... grounded pa din kami. Kaya buti nalang talaga mabait si Minhyun-oppa at binigay sa amin ang password nang kanilang WiFi. Sa kundisyong hanggang 5pm lang kami puwedeng maki-connect. Kapag nahuli raw niya kami na lumagpas sa oras, hindi na kami makaka-connect pa... ang masaklap isusumbong pa niya kami kay Nayoung-unnie.

Napabalikwas ako at umupo sa higaan nang marinig ko na may pumihit sa doorknob. Agad ko din itinago sa ilalim ng unan ang aking cellphone sabay kuha ng pink na notebook na nasa gilid ko para magpanggap na nagbabasa. Bumukas ang pinto at pumasok dito sina Yoojung at Somi.

"Aba, nandito ka lang pala" naka-pamaywang na turan ni Somi.

Isinara ko ang notebook na hawak ko at humarap sa kanila.

"Bakit?" tanong ko sa kanila.

"Nagpapa-general cleaning si Nayoung-unnie" naka-pout na sagot ni Yoojung.

"Kaya bumaba kana diyan at tanggalin mo ang punda ng mga unan mo" sabi ni Somi na busy na ngayon sa pagtanggal ng mga punda ng unan sa higaan nang iba pa. "Pati kumot mo isama mo na, lalabhan namin iyan ni Yoojung-unnie" dagdag pa nito.

Sinunod ko ang sinabi niya, tinanggalan ko ng mga punda ang dalawang unan ko.

Biglang nagsalita naman si Yoojung. "Pati mga damit na labahan mo isama mo na" sabi nito na busy naman sa pagkuha ng mga labahan. "Sila Pinky-unnie at Chaeyeon-unnie naman ang maglalaba ng mga damit" dagdag pa nito.

"Okay" sagot ko habang bumababa sa aking higaan at nagtungo sa gilid ng double bed para kuhain ang basket na may lamang mga damit ko. Inilagay ko na din doon yung punda at kumot ko. "Ito na ang basket ko" sabi ko sa kanila.

"Ibaba mo na iyan at ilagay sa laundry area" sagot ni Somi na busy naman sa basket niya.

"Para matulungan mo na rin sila Sohye, Doyeon at Yeunjung sa paglilinis ng buong bahay" si Yoojung naman ang nagsalita.

"Nasaan ang mga Unnie?" na-itanong ko.

"Umalis sila para mamalengke at mag-grocery" - Somi

"Ganoon ba" bitbit ang laundry basket ko, naglakad na ako papunta sa pintuan at binuksan ito tsaka lumabas.

Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko na busy sila Sohye, Doyeon at Yeunjung sa paglilinis sa sala. Pumunta muna ako sa laundry area sa labas ng bahay para ibigay ang basket na hawak ko kina Pinky-unnie at Chayeon-unnie. Paglabas ko ng bahay, nadatnan ko ang dalawa na sitting pretty sa bench habang busy sa pagpindot sa kanilang mga cellphone. Lumapit ako sa kanila.

"Unnie, ito na laundry basket ko".

"Ilagay mo nalang doon sa gilid ng washing machine" sagot ni Pinky-unnie na hindi man lang tumingin sa akin dahil busy sa hawak niyang cellphone.

Umalis ako sa harapan nila at naglakad papunta sa puwesto ng washing machine tsaka ko inilapag sa gilid nito ang hawak kong basket. Napansin ko ang isa pang washing machine na mas malaki kumpara sa isa. Sa pagkakatanda ko, isa lang ang washing machine na meron kami. Bumalik ako sa dalawang Unnie.

"Kanino yung isang washing machine na medyo malaki?" tanong ko.

"Kina Minhyun-oppa, hiniram namin para mapadali ang paglalaba namin" sagot ni Chaeyeon-unnie na busy rin sa hawak na cellphone. Hindi na ako nagsalita pa at umalis na para pumasok sa loob ng bahay.

 

 

Pagkatapos ang tatlong oras...

Natapos kaming lahat saktong ala-singko na ng hapon. At ngayon... nasa sala kaming lahat at naka-upo habang ang iba naman ay nakahiga sa sofa at sahig. Lahat kami ay pagod na pagod, grabe naman kasi magbigay ng punishment si Nayoung-unnie.

"I'm so tired" sabi ni Somi na nakahiga sa hita ni Sohye. Nasa pahabang sofa sila.

"Ang bigat ng ulo mo Somi" reklamo ni Sohye na naka-upo naman sa sofa.

"Hindi kaya" sagot ni Somi sabay kuha ng unan sa likod ni Sohye at inunan sa kaniyang ulo.

"Grabe, pagod na pagod ako" reklamo ko. Nakaupo naman ako sa single sofa.

"Girls, malapit na ang Valentine's. Any plan?" sabi ni Pinky-unnie na naka-upo sa sahig at nakasaldal ang likod sa sofa.

"Wala naman akong boyfriend, kaya wala akong plano" sagot naman ni Doyeon na naka-upo sa isa pang single sofa. Buti at okay na sila ni Pinky-unnie matapos ang nangyari sa kanila three days ago. Si Doyeon din naman kasi ang nakipagbati after nung nangyari.

"Kahit wala namang boyfriend, puwede pa rin naman tayo mag-plano ah" sagot ni Chayeon-unnie na nakahiga katabi ni Somi sa pahabang sofa. Baliktad lang ang posisyon niya kay Somi, ang paa niya naka-patong sa headrest ng sofa malapit sa ulo ni Sohye habang ang ulo nito ay nasa armrest ng sofa.

"Tama si Unnie" pagsang-ayon ni Yoojung. Naka-higa naman siya sa sahig.

"So, you mean mag-pa-party ulit tayo?" tanong ni Somi.

"Ikaw nalang Somi" sagot ni Yeunjung na naka-upo sa sahig katabi ko. "Baka pagalitan ulit tayo ni Nayoung-unnie at forever na tayong grounded dito".

"Kesa isipin ninyo ang Valentine's at partieee~" okray na sagot ni Doyeon. "Isipin niyo muna kung ano ang magiging ganap natin sa birthday ni Chungha-unnie, next week na iyon" tsaka kinuha ang cellphone sa bulsa ng kaniyang shorts at nag-type doon.

"Oo nga pala, anong plano?" - Yeunjung

"Leave it to me!" Somi presented herself.

"Okay, aasahan namin iyan ah" sagot ni Doyeon tsaka ipinikit ang kaniyang mga mata.

Ilang sandali pa... knock out na silang lahat maliban sa akin. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at naghanap ng puwedeng kainin. Nahagip ng mga mata ko isang pack ng gummy bear. Napa-ngiti ako at kinuha iyon tsaka sinara ang refrigerator.

Umupo ako sa stool na nasa marble island at binuksan ang pack ng gummy bear. Kumuha ako ng isa at tiningnan ito. 'Cute' nasa isip ko tsaka ko ito kinain. Nangangalahati na ako sa pagkain nang bigla akong makaramdam ng pagka-antok. Dala na din ng pagod, yumuko ako sa marble island at nakatulog.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Mag-isang nag-general cleaning ng kanilang dorm si Minhyun. Habang abala ito sa paglilinis... abala din ang mga maknae sa pagkakalat este sa paglalaro ng hanapan. Yung naka-piring ang mga mata nang taya tapos hahanapin niya ang iba. Kapag may nahanap siya, iyon naman ang magiging taya. Basta ganiyan ang laro... hindi ko alam kung anong tawag sa laro na iyan. Anyway...

"Woojiniieee! Yung paa mo, huwag mong tapakan ang unan sa sofa!" sita ni Minhyun. Nasa kusina ito at naghuhugas ng plato. Maya't maya din ang paglingon nito sa sala.

Narinig ito ni Daewhi na siyang taya kaya agad niyang kinapa ang sofa para tayain si Woojin na agad namang nakatalon at tumakbo papunta sa may pinto kaya hindi ito nataya ni Daehwi. Muli nitong kinapa ang paligid at nakiramdam.

"Jihoon! Masanggi mo yung mga nerf gun!" sita ulit ni Minhyun. "Mahulog pa ang mga iyan!".

Agad naman na pinuntahan ni Daehwi si Jihoon sa puwesto nito. Pero hindi niya din ito nataya. Sinita naman ni Minhyun si Jaehwan na nasa center table ng sofa at naka-upo. Narinig ulit ni Daehwi iyon kaya kinapa niya ang center table.

"Ayawan na!" salita ni Woojin.

Dahilan para huminto sila sa paglalaro. Tinanggal naman ni Daehwi ang piring sa kaniyang mata at humarap kay Woojin.

"Bakit?" tanong ni Daehwi.

"Madaya kasi si Hyung" sabay turo nito sa nakatalikod na si Minhyun sa may kusina.

"Anong kinalaman ko diyan" patay malisya nitong sagot. Na abala pa din sa paghuhugas ng mga pinggan.

"Kanina mo pa kaya kami itinuturo kay Daehwi".

"Hindi ko kayo itinuturo" natatawang sagot ni Minhyun. "Correction, sinisita ko lang kayo" pinagdiinan pa ang salitang lang para convincing.

"Sinisita? Sinasabi mo kaya location namin" sabat ni Jihoon.

"Hindi kaya~"

"Tsk! Sa labas na nga lang tayo maglaro" sabi ni Woojin tsaka lumabas ng bahay kasunod ng iba.

"Hahaha, tama iyan sa labas kayo. Para walang magulo dito sa loob ng bahay. Hahahaha" tawang tagumpay ni Minhyun.

Kasalukuyan naman nasa grocery sila Seongwu, Jisung at Sungwoon. Kasama sina Nayoung, Sejeong at Chungha. Habang si Daniel naman ay nasa kuwarto nila at abala sa pag-ta-type sa kaniyang cellphone. Kung anuman ang kaniyang tina-type... no one knows.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

SEJEONG's POV

Pagbukas ko ng pinto... bumungad sa akin sa sala ang mga kabataan na natutulog sa sofa. Napa-ngiti ako dahil dito.

"Mukhang pagod na pagod sila" naka-ngiting turan ni Chungha na katabi ko na pala.

"Mukha nga" sagot ko.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa kusina. Napansin namin si Mina sa may marble island at natutulog.

"Diyan talaga siya natulog ah" puna ni Chungha habang inilalabas sa plastik ang mga pinamili namin tsaka inilapag sa dining table. Ngumiti lang ako sa kaniya at pumunta sa lababo para linisin ang mga gulay at karne.

"Kaninong box ito?" tanong ni Nayoung-unnie.

Hindi namin namalayan ang pagdating niya. Humarap ako sa kaniya at napansin ko ang isang box na hawak-hawak niya. 'Oo nga pala muntikan ko nang makalimutan' hinugasan ko ang kamay ko at ipinunas sa towel na nakasabit sa may refrigerator.

"Sa akin iyan" sagot ko tsaka lumapit sa kaniya at kinuha ang box. "Mga damit ko ito na hindi na kasiya sa akin" dagdag ko.

"Ganoon ba?" sagot ni Unnie. "Nakita ko kasi sa labas, sa gilid ng pinto".

"Ilalagay ko kasi sana ito sa storage room, kaso nakalimutan ko may niluluto pala ako. Kaya inilapag ko muna siya sa labas, sa gilid ng pinto at binalikan ang niluluto ko. Hanggang sa nakalimutan ko na siya" paliwanag ko.

"Naku, makakalimutin kana" - Chungha

"Pasensiya na" tsaka ngumiti sa kanila. "Bago ko ulit ito makalimutan, ilalagay ko na muna ito sa storage room" sabi ko at nagpaalam sa kanilang dalawa tsaka lumabas ng bahay papunta sa storage room.

Nasa harap na ako ng storage room, ibinaba ko muna ang bitbit kong box para buksan ang pinto. Pagbukas ko sa pinto... bumungad sa akin ang kadiliman nito, gabi na din kasi kaya madilim na din sa labas. Kinapa ko ang switch sa gilid ng pader para buksan ang ilaw. Pero naka-ilang pindot na ako sa switch hindi pa rin bumubukas ang ilaw. Nakatayo lang ako sa may pinto at nakatingin sa loob ng storage room. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako sa loob o hindi. 'Bahala na' kinuha ko sa lapag ang box at binitbit ito. Huminga muna ako ng malalim bago ko inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob. Sinadya kong iwan na naka-bukas ang pinto para madali akong makatakbo palabas mamaya. Malapit na ako sa isang divider cabinet ng biglang sumara ang pinto. Sa gulat ko, nabitawan ko ang hawak kong box at tinakbo ang pinto. Pinihit ko ang door knob para buksan ang pinto kaso hindi ito bumukas. Naalala ko na sira pala ang pinto ng storage room sa part namin. Hindi naman ako puwedeng dumaan sa kabilang pinto dahil alam ko na pina-padlock nang taga-Peach ang pinto sa part nila. Wala akong ibang maisip kundi ang kalampagin ang pinto at sumigaw. "Tulong!!".

 

Sa loob ng bahay...

Busy si Nayoung sa paghuhugas ng mga gulay at karne. Habang si Chungha naman ay naghihiwa ng mga rekado. Kasalukuyan din silang nakikinig ng kanta sa radio. Habang tulog na tulog pa din ang iba. Wala silang kamalay-malay na nakulong sa storage room si Sejeong.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Dahil sa isang masipag at malinis na tao si Minhyun, ngayon lang siya natapos sa kaniyang paglilinis sa buong bahay.

"Sa wakas, natapos din" salita nito at nag-unat pa ng braso. "Yah!" sita niya sa mga maknae na abala sa paglalaro ng pick up stick. "Bukas labahan ninyo mga damit ninyo ah".

"Oo, Hyung" sagot nang mga ito na abala sa nilalarong pick up stick.

Kinuha nito ang vacuum cleaner sa may kusina, sa gilid ng refrigerator.

"Hindi ka pa rin tapos maglinis, Hyung?" tanong ni Daniel nang makababa ng hagdan at mapansin nito ang hawak na vacuum cleaner ni Minhyun.

"Tapos na, ilalagay ko lang ito sa storage room" sagot nito. "Sira na kasi".

"Ganoon ba, ako nalang maglalagay sa storage room" naka-ngiting presinta ni Daniel.

Agad na binigay ni Minhyun ang hawak na vacuum cleaner at susi kay Daniel. Matapos ito makuha, lumabas na nang bahay si Daniel para pumunta sa storage room.

 

♀♂

Storage room...

Naka-upo sa gilid ng pinto si Sejeong at naka-tungo ang ulo sa ibabaw nang kaniyang mga tuhod habang tahimik na umiiyak. Nanginginig din ang buong katawan nito. Dahil sa tahimik sa loob ng storage room... rinig na rinig dito ang hikbi ni Sejeong na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi nito namalayan ang pagbukas ng ilaw sa kabilang side ng kuwarto. Isang lalaki ang lumapit at umupo sa may harapan niya.

"Sejeong?"

Dahan-dahan siyang nag-angat nang kaniyang mukha at humarap dito.

"Da-Daniel?"

Nang makumpirma na si Daniel nga ang kaniyang kaharap. Yumakap siya dito habang patuloy sa pag-iyak.

"Sshhh... tahan na" pag-aalo ni Daniel kay Sejeong.

Sa puntong iyon, biglang naalala ni Sejeong ang nakaraan.

******

Sixteen years ago...

"Omma! Appa!" sigaw ni Sejeong habang kinakalampag ang pinto ng comfort room para sa mga babae. Pinag-tripan kasi siyang ikulong doon nang mga classmate niya. "Ilabas niyo ako dito!".

 

Ilang oras pa ang lumipas...

Tahimik na naka-upo si Sejeong sa gilid ng pinto. Naka-yuko ito habang nakapatong ang ulo sa tuhod at patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang batang lalaki na nakatayo sa labas. Nag-angat naman siya nang kaniyang mukha at tumingin dito.

"Sejeong?"

Nang makilala ito ni Sejeong, agad siyang tumayo at yumakap dito.

"Dan-Dan!" patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Tahan na, nandito na ako"

******

Reality...

"Huwag ka nang umiyak, nandito na ako" salita ni Daniel na nagpabalik sa kaniya sa realidad.

Bumitaw siya sa pagkakayakap mula dito.

"Sa- sniff Salamat at du- sniff dumating ka sniff" - Sejeong

Nagulat siya sa biglaang pagdampi nang mga kamay ni Daniel sa kaniyang kanang pisngi.

"Wala iyon" salita nito sabay punas nang mga luha sa kaniyang mga mata. Nakatulala lang si Sejeong sa mukha ni Daniel. "Tara, labas na tayo?". Tumango lang siya dito bilang tugon. Inalalayan siya ni Daniel sa pagtayo. At sa kabilang pintuan na sila dumaan.

Nang makalabas na sila sa storage room, hinatid siya ni Daniel sa kabilang bahay. "Okay kana ba?" tanong ni Daniel kay Sejeong, nasa harap na sila ng gate sa Cherry Residence. Tumango lang siya at bahagyang ngumiti dito. "Mukhang okay kana nga" naka-ngiting turan ni Daniel. "Paano, uwi na ako".

"Salamat" - Sejeong

Ngumiti ulit si Daniel sa kaniya bago naglakad paalis. Binuksan niya ang gate at pumasok. Matapos isara ang gate, naglakad na siya papunta sa may pintuan.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Pagbukas niya ng pinto, nakita niya na naka-upo na sa upuan sa may dinning area ang mga maknae. Agad naman siyang nilapitan ni Nayoung.

"Anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya. "Kanina ka pa namin inaantay".

"Nag-alala din kami sa iyo" sabi ni Chungha na lumapit na din sa kanila.

"Nakulong kasi ako sa may storage room" sagot niya. "Pasensya na".

Napatingin sa gawi nila ang mga maknae na naka-upo na sa mga upuan nila sa dining area.

"Talaga! Nakulong ka sa loob ng storage room, Unnie?" tanong ni Somi.

Tumango lang si Sejeong dito bilang sagot. Nasimpatya ang mga maknae sa kaniya, kaya tumayo ang mga ito mula sa pagkaka-upo at nilapitan siya. Nagulat siya dahil bigla siyang niyakap nang mga ito.

"Takot ka pa naman sa madilim na lugar" salita ni Mina habang nakayakap dito.

"Pasensiya na, Unnie" salita naman ni Sohye na ipinagtaka nilang lahat. Bumitaw ito sa pagkaka-yakap sa kanila, humakbang din ito patalikod para dumistansiya sa kanila. Humarap naman sila dito. "Ako kasi ang nakasira ng pinto sa storage room" salita nito. "Hindi ko naman sinasadya at hindi ko din alam na ganoon pala ang mangyayari" yumuko ito bilang paumanhin.

Lumapit at niyakap niya si Sohye. "Hindi mo naman sinasadya eh" salita niya.

"Sali naman kami diyan" - Yoojung

Nginitian ni Sejeong ang mga ito. Napa-ngiti din ang mga ito sa kaniya tsaka lumapit at muling yumakap sa kaniya. Humiwalay si Mina mula sa pagkakayakap nito sa kanila.

"Girls, puwede bang kumain na tayo" salita nito dahilan para mabaling ang attention nang lahat sa kaniya habang nakayakap pa din ang mga ito sa isa't isa. "Nagugutom na kasi ako eh" naka-pout na turan niya. Tiningnang siya nang masama nang mga ito.

"MINAAAAAAA!" sigaw nang lahat.

"Bakit? E, sa nagugutom na ako eh" reklamo niya. "Hindi pa ba kayo nagugutom?" tanong niya.

Napa-buntong hininga lang sa kaniya ang lahat tsaka sila tumalikod at iniwan si Mina mag-isa sa sala.

"Masama ba ang magutom?" tanong niya sa sarili.

"Yah! Tatayo ka na lang ba diyan at matutulala" - Sejeong

"Akala ko ba gutom ka?" - Nayoung

Kasalukuyan na palang nasa dinning table ang lahat habang naka-upo sa mga upuan nila. Siya nalang ang wala. Dali-dali siyang lumapit sa mga ito at umupo sa puwesto niya.

"Sayang hindi ka naging bato sa kinatatayuan mo kanina" pang-ookray ni Doyeon.

Hindi niya ito pinansin at nagsimula ng kumain. Kumain na din ang iba.

 

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Nasa dining table ang mga taga-Peach at kasalukuyang kumakain ng kanilang dinner.

"Nakulong raw sa storage room si Sejeong-noona?" salita ni Daehwi.

"Sino naman nagsabi sa iyo niyan?" - Jisung

"Tinext sa akin ni Somi" sagot nito.

"Oo, totoo ang sabi ni Daehwi. Ako nakakita sa kaniya kanina sa may storage room" salita ni Daniel. Nabaling tuloy sa kaniya ang attensyon nang lahat. "Pagpasok ko kasi sa loob ng storage room, nakarinig ako ng humihikbi" kuwento niya. "Tapos binuksan ko ang ilaw. Nakita ko siya sa kabilang dako. Naka-upo at nakatungo ang ulo sa tuhod".

"Diba takot siya sa madidilim na lugar?" - Sungwoon

"Oo, Hyung" sagot ulit ni Daniel. "Nung nakita ko nga siya doon nanginginig ang buong katawan niya. Tahimik lang siyang umiiyak pero ramdam ko ang takot niya".

"Saan ba niya nakuha ang takot niya sa madilim na lugar?" - Minhyun

"Diba bata palang siya, takot na talaga siya sa madilim?" - Seongwu

Tumango lang si Daniel bilang sagot. Hindi naka-imik ang mga maknae dahil hindi nila alam na may takot pala sa madilim na lugar si Sejeong. Kaya tahimik lang sila habang kumakain.

 

Matapos kumain ng hapunan...

"Guys, gusto niyo manood ng horror movies?" tanong ni Sungwoon sa mga kasama niya. Kasalukuyan silang nasa sala at naka-upo sa sofa pampalipas ng oras.

"Anong klaseng horror movie?" - Minhyun

"Yung kay Valak" sagot ni Sungwoon.

"Game kami diyan!" sagot nang mga maknae.

"Kids, baka umiyak kayo sa takot. Hahaha~" - Jisung

"Tsk, hindi ako takot" - Woojin

"Walang Pink Sausages na duwag" salita naman ni Jihoon sabay akbay kay Woojin.

"Sa mga takot, puwede na kayong tumayo at matulog sa kuwarto ninyo" salita ni Seongwu sabay tingin kay Daehwi na busy sa pagpindot sa hawak nitong cellphone.

Napatingin din sa kaniya si Daehwi. "Hindi ako takot, Hyung" at pinagpatuloy ulit ang ginagawa.

"Ano? Game ba ang lahat?" - Sungwoon

"GAME!" sagot nang lahat.

"Okay"

Tumayo si Sungwoon sa pagkaka-upo at lumapit sa TV. Habang nagsi-set up si Sungwoon. Naisipan naman ni Kuanlin na magluto ng pop corn. Tumayo ito sa pagkakaupo at pumunta sa kusina. Pop corn plus movies, perfect combination. Sinundan naman siya ni Jihoon para tulungan siya sa pagluto. Kasalukuyang nasa kusina ang mga ito at abala sa pagluto ng pop corn. Matapos mai-set up ni Sungwoon ang lahat. Pinindot na niya ang play button sa hawak na remote control tsaka ito bumalik sa kinauupuan niya kanina. Bumalik na din ang dalawa galing sa kusina dala ang tatlong bowl ng pop corn na iba't iba ang flavor. Inilapag nila ito sa center table tsaka muling umupo sa sofa. Pinatay naman ni Jisung ang ilaw sa sala para mas magandang manood.

Nagsimula ng mag-play ang palabas. Tahimik lang ang lahat habang nanonood at kumakain ng pop corn. Ilang Segundo palang ang lumilipas.

"WAAAHHHH!"

Biglang sumigaw si Seongwu. Nabaling sa kaniya ang attention nang lahat.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Jisung na katabi ni Seongwu.

"Wala. Hahahaha" sagot nito. "Ang tahimik ninyo kasi".

"Baliw" salita ni Jaehwan sabay bato ng isang piraso ng pop corn sa kaniya. Binato din siya ng pop corn ni Seongwu. Hanggang sa nagbatuhan na silang dalawa.

"Titigil kayo o titigil kayo!" salita ni Minhyun habang nakatingin sa dalawa. Napatingin din ito sa nagkalat na pop corn sa sahig.

"Lagot~" pang-aasar nang iba. Sabay baling nang attention nila sa TV at muling nanood. Takot lang nila madamay.

Napatingin sila Jaehwan at Seongwu kay Minhyun na umuusok na ang ilong sa galit. Kunti pa at bubuga na ito ng apoy. Kaya tumigil na sila sa pagbabatuhan ng pop corn at tahimik na dinadampot ang mga nagkalat na pop corn sa sahig.

Matapos ng nangyari... tahimik na ulit ang lahat habang nanonood.

"Iyan pala itsura ni Valak" out-of-the-blue na turan ni Jinyoung.

"HAHAHAHAHA" tawa nang lahat.

"Bakit kayo tumatawa?" nagtatakang tanong ni Jinyoung sa kanila.

"Wala" - Jisung

"O-kay" - Jinyoung

 

 

After 30 minutes...

Tahimik na silang lahat. Wala nang maingay at nagsasalita sa kanila. Tanging ang pinapanood nalang nila sa TV ang maingay. Bakit? Tulog na kasi silang lahat. Nakatulog habang nanonood.

 

♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

Malalim na ang gabi, pero gising pa din si Sejeong. Kasalukuyan itong nasa veranda at naka-upo sa upuan. Maagang nagsitulog ang mga maknae dahil sa pagod nila sa pag-gegeneral cleaning kanina.

"Hindi ka pa inaantok?" tanong ni Nayoung. Nakasandal ito sa gilid ng pintuan ng veranda.

Napatingin siya dito.

"Hindi pa, Unnie" sagot niya.

"Okay, paano matutulog na ako ah"

Tumango siya bilang sagot.

"Good night" sabi ni Nayoung tsaka umalis sa harapan niya.

"Good night, Unnie"

Kumaway lang ito sa kaniya bago tuluyang umakyat ng hagdanan. Naiwan ulit siyang mag-isa habang tahimik na naka-upo at nakikinig ng kanta mula sa kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa. Nakatingin siya sa mga bituin na kumikislap at kumikinang sa malawak na kalangitan.

 

 

Makalipas ang mahigit tatlong minuto...

"Baro neo~" kanta niya sa last part ng kantang 'Way To Go' nang Girls Generation. Matapos ang kanta, sandaling tumigil sa pagtugtog ang cellphone niya. Pumaibabaw na naman ang katahimikan. Ilang sandali pa, muling tumugtog ang kaniyang cellphone, playing 'Spring Day' by BTS.

Bogo shipda 
Ireoke malhanikka deo
Bogo shipda
Neohi sajineul bogo isseodo
Bogo shipda
Neomu yasokhan shigan
Naneun unga mibda
Ijen eolgul han be on boneun geotto
Himdeureojin uriga

"Sa lahat naman ng kantang magpi-play ito pa talaga ang nag-play" malungkot niyang turan.

Yeogin ontong gyeoul ppuniya
Palworedo gyeouri wa
Maeumeun shiganeul dallyeogare
Hollo nameun seolgukyeolcha
Ni son jabgo
Jigu bandaepyonkkaji ga
Gyeoureul kkeutnaegopa
Geunumdeun
Eolmana nuncheoreom naeryeoya
Geu bomnam olkka
Friend

******

SEJEONG's POV

Sixteen Years Ago...

Maxford University - Summer or Northern Wing

Define FRIEND. What is Friend?

"Ang hirap naman sagutin ng tanong na ito" reklamo ko. Nasa may garden ako ngayon... naka-upo sa may bench, sa pinaka-sulok na bahagi, mag-isa at kasalukuyan sinasagutan ang binili kong slum note. "Bakit ba kasi ako naki-uso at bumili nito".

Tumingin ako sa paligid, pinagmasdan ang mga batang kasing edad ko na naglalaro, nagtatawanan at nagkukulitan kasama nang ibang mga bata. Ang iba sa kanila ay classmate ko.

Tiningnan ko ulit ang slum note na nasa ibabaw ng bench table. Tinitigan ang mga salitang nakasulat dito. "Define FRIEND" basa ko tapos tumingin ulit ako sa mga bata at sa mga classmate ko sa di kalayuan. "Iyan kaya ang sagot sa tanong na ito?" salita ko. Napabuntong hininga nalang ako at ipinatong ang dalawang kamay ko sa aking baba. Naka-pangalumbaba ako sa table habang nakamasid sa kanila. "Kung iyan man ang sagot, talagang mahihirapan ako sa pagsagot ng tanong na ito".

"Bakit naman?"

"Kasi wala naman akong kaibigan" sagot ko.

"Ako"

Napatingin ako sa may gilid ko.

"Anak ng pusa ka!" gulat na turan ko sa batang lalaki na naka-tayo sa may gilid ko.

"Hindi kaya ako anak ng pusa" naka-ngiting sagot nito. "Pero mahilig ako sa pusa" dagdag pa nito.

"Teka, sino kaba?"

"Kaibigan mo" naka-ngiti pa din siya. Tapos bigla siyang umupo sa tabi ko.

"Wala akong kaibigan" sagot ko sabay iwas nang tingin ko sa kaniya.

"Ako nga"

Muli kong iniharap sa kaniya ang tingin ko. "Paano kita naging kaibigan. E, hindi naman kita kilala" sagot ko.

Muli itong tumayo at naglahad nang kaniyang kanang kamay. "Ako nga pala si Daniel" naka-ngiting pagpapakilala niya sa akin.

"Da-Danel?" salita ko. Hindi ko inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Hahahahaha" tawa niya. Inilagay nalang niya sa bulsa ng kaniyang short ang kamay niya nang hindi ko ito tinanggap at nakipagkamay.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jhayne06
To all I.O.I and Wanna One fan/s.

Comments

You must be logged in to comment
Agyusshi
#1
Chapter 1: OMG ANG TAGAL KO NA NAGHAHANAP NG I.O.I X WANNA ONE FIC!!!! TAPOS TAGALOG PA HUHU