Chapter 9 (Christmas Special)

Blue and Green
Please Subscribe to read the full chapter
10:00 PM na. ilang oras nalang bago mag Christmas at lahat kami nasa green house. Nakaka-tuwa ngang tignan kasi lahat kami naka Violet. Lucky color daw kasi yun sabi ni Nayoung pero nung nakita ko naman dun sa isang website Yellow naman daw. Lokohan nalang eh. Pero since nakasanayan na namin na laging sumusunod sa lucky color para sa damit at si Nayoung ang nagsabi ng kulay, sumunod nalang lahat. 

 

Si Jisoo nandun sa may kasuluk-sulukang bahagi ng greenhouse. May ginagawa sya dun sa sketch pad nya. Actually, kanina pa nga yun eh. Simula nung gumising sya ng alas 3 ng hapon, yan agad inatupag nya. Ni hindi ko naka-usap ng maayos. Pag titignan ko yung ginagawa nya di naman ipapakita. Ewan ko ba sakanya. Pero hinayaan ko nalang. At least ngayon pwedeng pwede ko syang titigan ng hindi nya ko inaasar. 

 

Ang hot nya pag seryoso. 

 

Naalala ko kanina bago kami pumunta sa greenhouse, nag-picture pa kami ni Jisoo dun sa kwarto. Mirror shot pa yun tapos naka-akbay sya sakin. Alam nyo yung mga couple shots? Oo ganun. Ginawa ko ngang home screen yun kasi ang cute namin eh. Sinend ko yun sa gc namin at binati sila ng merry christmas. 

 

 

 

GC Name: Lady Eagles

 

Jennie: merry christmas sainyo mga hangal 

Nayeon: Bakit naka-akbay sayo yang Jisoo ko?! 

Jennie: Walang sayo Nayeon! 

Hwasa: Excited ka cyst? 10 pa lang 

Jennie: Bakit ba? Gusto ko kayong batiin eh. 

Sulli: Nasa Japan na kami guys wiii kala ko di na kami aalis eh

Joy: share mo lang? 

Sulli: tangina mo joy mmty k n

Jennie: hahahaha burn

Wendy: basag ka dun Sul ah? 

Lisa: Sige ka Joy di ka bibilhan nyan ng asong stuffed toy na gusto mo 

Joy: si Ate Sulli naman di mabiro hehe. Ikaw kaya pinaka-favorite kong ate. 

Sulli: pakyu ka Joy. Ngayon mo nga lang ako tinawag na ate. 

Solar: Kung may favorite kayong Ate, ako na yun wala ng iba. 

Tzuyu: syempre ikaw po pinaka-gurang eh. 

Wheein: NAYS ONE TZUYU HAHAHA

Solar: ah ganun? Dadagdagan ko ng limang laps yung jogging mo sa unang araw ng training. 

Tzuyu: ate solar di ka talaga mabiro HAHAHA. Alam mo namang favorite kita kahit dati pa hehe. 

Lisa: basta guys bagong lens ng camera lang pwede na sakin 

Nayeon: ulol walang nagmamahal sayo Lisa bahala ka dyan 

Lisa: Ang sama mo di ka mahal ni Mina!  

Nayeon: di ka din mahal ni Chaeyoung! 

Irene: awat na baka kayo pa magka-tuluyan

Lisa: si Nayeon? Wag na no te! 

Nayeon: may taste naman ako Ate Irene

Joy: nagkaka-personalan na po mga kaibigan 

 

 

Sa totoo lang, normal nalang samin yung asaran na ganyan eh. Buti nalang di nagkaka-pikunan. 

 

Isinantabi ko muna yung cellphone ko at inaninag yung buong greenhouse. Mukhang maayos naman ang magiging pasko namin ngayon. Yung mga matatanda kasi nag-prepare. 

 

Naalala ko kasi last year ewan ko ba tinamaan ata kaming magpi-pinsan ng kabobohan. Kasi kami yung nag prisinta na maghanda ng lahat. Mula sa ulam hanggang desserts. Sila Chaeyeon, Sejeong at Doyeon ang culinary students samin tapos yung kaming mga walang alam nalang yung nag-assist sa 3. Pero gaya nga ng sabi ko, isang malaking kabobohan ang desisyon na yun. 

 

Maayos naman naming nagawa eh. Pumalpak lang dun sa paglagay namin sa fridge. Yung mga ulam ang nalagay namin sa freezer tapos yung desserts ang naiwan sa kitchen. Tangina mas malamig pa yung ulam kesa sa desserts eh hahaha kaya never na kami pina-tulong ng mga magulang namin ulit. Di mo din naman kami masisisi kasi pare-parehas yung lagayan ng pagkain. Di na namin na-check yung laman at basta isinalpak sa fridge. 

 

Imaginin nyo nalang na kumain ng spaghetti na mas malamig pa sa graham cake. Ang epic. Pero nonetheless masaya naman. May videoke pa. Nagpapa-kitang gilas ng mga boses sila Lisa at Nayeon. Naglalaban ata sila nun sa kung sino ang mas panget na boses eh. Natatawa nalang kami sakanila kasi di na nila binitawan yung mic. 

 

Ano kaya ganap ngayong gabi? Sana marinig ko din si Jisoo na kumanta. Feeling ko maganda din boses nya kasi yung normal na pagsasalita nya ang sarap pakinggan eh or baka ako lang yun? Ah basta. Gusto ko marinig boses nya. 

 

Tumunog nalang bigla yung phone ko at kinuha ko iyon. Nagtext pala si Chanyeol. 

 

 

From: Chanyeol 

Jen, andito ako sa gate nyo. Punta ka saglit lang please. 

 

To: Chanyeol

Sige wait lang. 

 

 

Jusme ano namang ginagawa ng gwapong nilalang na yun dito? Pumunta ako kay Mommy na ngayon ay kadaldalan si Jisoo. Magpapa-alam lang ako. 

 

"My, punta lang ako saglit sa gate. Andun kasi si Chanyeol eh." 

"Okay anak. Papasukin mo muna sya dito kahit sandali lang." nakangiting tugon sakin ni Mommy 

"Okay po." Lalakad na sana ako palayo ng hawakan ni Jisoo yung laylayan ng damit ko 

"Wait." Sinarado nya yung kanyang sketch pad at tumayo "sama ako." 

"Okay?" 

 

Nasulyapan ko pa yung nakakalokong ngiti ni Mommy bago kami tuluyang maglakad ni Jisoo. 

 

"Bakit daw andito sya?" 

"Di nya sinabi eh." 

"Epal naman sya masyado dito. Di naman sya kamag-anak." Bitter nyang sabi. Ngayon ko lang narinig yung tono na yan sakanya ah? 

"Di ka din naman namin kamag-anak eh." Biro ko sakanya 

"Pero love ako ng Mommy mo kaya anak nya na din ako automatically." 

 

So pag sinabi kong love kita, girlfriend na agad kita? 

 

Ulol ka Jennie para namang may guts ka na sabihin talaga sakanya yan. 

 

Si Jisoo yung nagbukas ng gate namin at nauna pang maglakad sakin. Ang siga nya maglakad papunta dun kay Chanyeol. Nagulat pa nga yung isa tulad ko. 

 

"Bat andito ka?" Ang siga ni Jisoo. Ang hot pakinggan. Pero parang may mali-

"Bakit bawal ba?" Sagot pabalik ni Chanyeol na may tinatagong angas din pala eh 

"Pumasok ka dun sa loob. Gusto ka ata makita ni Tita. Dalian mo na para maka-alis ka din." 

 

Di pa din ako makapaniwala sa pangyayari? Nagpahila na nga lang din ako kay Jisoo nung hinatak nya ko pabalik sa loob eh. Gulong gulo ako sa nangyayari. Magkakilala ba sila? Never naman naging ganyan ka-rude si Jisoo sa kahit kanino. 

 

Tatanong ko nga sa babaeng to mamaya. 

 

"Ay si kuyang pogi andito ulit!" Narinig kong sabi ni Somi. Maharot din tong batang to ah. 

" Good evening po sainyo and merry Christmas po." Naka-ngiting bati ni Chanyeol sa mga kamag-anak ko

"Excited? 10 pa lang eh." Narinig kong bulong ni Jisoo kaya siniko ko sya. Ano bang problema nya? 

"Merry Christmas din iho. Napadaan ka?" Tanong sakanya ni Tito Jackson 

"May ipina-pabigay po sainyo ng family ko. Cake po sana po magustuhan nyo. Tapos konting gifts nalang din po para sa lahat." Nakangiting sabi ni Chanyeol at nilapag ang isang malaking box sa lapag at yung box ng cake ay sa table

"Nag-abala ka pa iho. Kung gusto mo lang manligaw kay Jennie, approve ka naman samin kahapon pa lang!" Sabi naman ni Tita Eunji 

"Ay buti pa po kayo approve. Si Jennie lang po hindi." Nahihiya nyang sabi

 

Oh my god. Chanyeol just exposedt me! Nakaka-hiya naman sa buong angkan ko jusmiyo at di din ba sya nahihiya na di ako pumayag?! Jusko baka kuyugin ako ng mga tita ko dahil obviously, boto sila kay Chanyeol. 

 

"Pakipot lang yan si Jennie. Konting charms lang bibigay din." Sabi naman ni Tita Naeun. Jusko parang ang easy to get ko naman sa lagay na yan. Ka stress 

"Sana po. Pero willing to wait naman po ako." Confident nyang sabi 

"Mabuti yan iho. Mukhang kayang kaya mong alagaan yung Jennie namin." Bat ba nila ako pinapamigay? 

"Oo naman po." 

 

Ayun, mahaba haba pa ang tuksuhan bago tuluyang nagpa-alam si Chanyeol. Hinahanap na din daw kasi sya ng parents nya kaya unalis na din sya. Pero bago sya umalis may inabot syang 2 box kay Jisoo at may binulong pa. Ang ganda pa nga ng wrapper eh tas ang lalaki nung box. 

 

May something nga talaga sakanila. 

 

"Oy Kim Jisoo." 

"I know what you're thinking already. Pero pwede layo muna tayo dito. It's a bit private." 

"Okay." 

 

Pumunta nalang kami ni Jisoo dun sa may pool side at naupo. Hawak nya pa din yung dalawang box. 

 

"Si Chanyeol pinsan ko sya." 

 

Oh my god. Bigla nya nalang ba ibabagsak yung bomba ng walang pakundangan?! I wasn't ready for it! 

 

"The . How?" 

"Nage-exist ba yung half cousins? Pinsang buo kasi sya ni Ate tapos ako half sister nya. So I guess ganun na nga. Pero pang hindi. Ewan!" Magulo nyang sabi pero tumango nalang ako kahit di ko sya ma-gets "Yung Tita Hyeri na pinakilala sayo ni Tita, yun ang Mommy ko. That explains why kung bakit ang foul ng mood ko kahapon tapos umiiwas ako ng tingin sakanila. Me and Chanyeol aren't that close. Lumaki kasi ako na ayaw nya sakin. Basta lahat ng park family ayaw sakin. Kaya ayun. Ang rude ko kanina kay Chanyeol." 

 

Wait. Parang di ata kayang i-process ng utak ko yung bagong information na nakuha ko. Di lang ako makapaniwala talaga. Si Tita Hyeri at Mommy ay med school buddies tapos Mommy ni Jisoo si Tita Hyeri. Si Prof Dara, Park ang surname. Same as Tita and Chanyeol. Di lang man ako nagkaruon ng kutob my goodness. Peor di nyo ko masisisi. Alangan namang isipin ko na lahat ng Park ay konektado kay Jisoo. 

 

Hay. Ang liit ng mundo. 

 

"Shocked? Expected ko na din. Di ko din inexpect na malalaman mo agad." 

"So.. how are you feeling? Nakita mo kahapon yung mom mo then yung pinsan mo.." maingat yung pagpili ko sa bawat salita dahil sensitive yung question

"I don't know din. Masaya naman ako na makita ulit sila especially si Mommy pero alam ko naman na sila hindi, so masakit." 

 

Pinagmasdan ko lang si Jisoo na pasimpleng nagpupunas ng luha. Kunyari kukusutin yung mata pero ang totoo pinupunsan lang yung luha. Been there kaya alam ko na yung style na yan. 

 

"You know what Jis? You can tell ne everything naman eh. I-share mo yung feelings mo. Pwede kang umiyak sakin. Anything. Wag mo lang sarilihin yung problema mo." 

"I'm not crying no." Tanggi nya kahit na ang pula na ng mata nya. "Pero thank you. Really." 

 

Parang kumawala ata yung puso ko nung biglang hawakan ni Jisoo yung kamay ko. At di lang yun. Hinalikan nya pa to. Puta sana labi nalang yung kamay! 

 

"Nag-blush naman agad." Asar nya sakin sabay kurot sa pisngi ko. Agad ko naman yun hinampas palayo 

"Wag mo nga kong kurutin. I hate it!" 

"Pero i love it eh. Para kang siopao. Ang taba ng cheeks mo." 

"Isa pang asar Jisoo di ko ibibigay yung gift mo." 

"May gift pa? You alone is enough na nga eh." 

 

Cause of death: Kim Jisoo

 

------

 

Naka-palibot kaming magpi-pinsan dito sa may pool area. May videoke sa harap namin at yung iba kong pinsan nagkaka-guluhan na dun sa pag-enter ng number. 

 

Si Yoojung ang nauna. At yung gago pinili ay 'Kung mawawala ka' by Ogie Alcasid. 

 

"Tangina may patay ba?!" Sigaw ni Jieqiong na ikinatawa naming lahat

"Eto ang gusto ko eh pake mo?!" 

 

Hahaha maganda naman talaga yung kanta eh. Maganda yung meaning at may hugot. Pero sadyang nakasanayan na pang-patay yun. Automatically pag nakarinig ako ng ganyan it's either may patay or trip lang sa kalye. Ang nakakatawa pa neto, nagawa talaga nyang kantahin yan ngayong pasko. 

 

Inasar-asar man namin si Yooju

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjisoo
OMG KAILAN PA NAGING 3K READS TO?!?! THANK YOU SA LAHAT NG BUMABASA AT NAG VIEW KAHIT DI NAGUSTUHAN HAHAHA THANK YOU PA DIN!! LOVE YOU ALL! :)

Comments

You must be logged in to comment
jisooskai
#1
Chapter 4: Hi author, pagalawin mo po baso hehe
markaxel
#2
Hello ulit authornim, napadaan lang, beke nemen 😅🥲😂
notjisoo
12 streak #3
grabe super dedicated nung ibang readers dyan HAHAHA it makes me want to update again. Pano kasi, nabaha yung phone ko last year and andun sa notes lahat ng drafts ko :(( sana pala inupload ko nalang sya back then but I'm not satisfied eh. Pero i'll consider it once na bakasyon na hihi, alam ko pa din namam flow ng story soooo, papaasahin ko kayo :>
_kathyyyyyyyyyy
#4
dalawang taon na akong naghihintay sa ud neto hahahaha sana maiutuloy mo author
markaxel
#5
Chapter 13: Authornim? 🥺 imy Ingat lagi 🥺
Neveabravo #6
Chapter 13: Please update soon author-nim🥺🥺
I badly need some jensoo
Neveabravo #7
Chapter 13: Wow ang ganda talaga author-nim
Still waiting for the next update🥰🥰🥰
holmesfreak1412 #8
Chapter 13: Mas nag eenjoy ako sa POV ni Jennie haha pero necessary naman tung side ni Jisoo din eh . Update ka na pls. Na eexcite akong mabasa yung mga voleyball matches
Seulgi4lyf #9
Chapter 13: ANG GANDAAAA EBARGS!!!!!!
markaxel
#10
Chapter 13: Hello authornim, I hope everything is well. Will be waiting to your next update :)