Chapter 11 (Jisoo's Birthday)

Blue and Green
Please Subscribe to read the full chapter

January 3 na!!!!

 

Super excited ako sa araw na to and at the same time kinakabahan. Parang ako yung may birthday eh!!

Anyway, it's my baby's birthday! Ay inangkin ni lokang assumera. Pero wala akong pake! She'll be mine soon hmmp. Tignan nyo lang!

Impossibleng hindi sya ma fall sa balak kong surprise sakanya mamaya. 

 

Di man sya super engrande pero i’m sure na magugustuhan nya kasi full of efforts to! Ilang sleepless nights ang sinacrifice ko para lang maging maganda ‘tong surprise ko for her. Okay medyo oa. 1 day ko lang talaga sya ginawa kasi kakauwi lang namin nung 1 ng gabi so 2 ko na sya sinimulan. Katulong ko yung teammates kong mag isip ng idea. 

 

Medyo cliché ng plano ko pero wala na akong pake. Pinaghirapan ko ‘to. Ngayon lang ako magsusurprise para sa isang tao. Ni jowa ko nga dati di nakaranas ng suprise kay Jennie Kim eh pero etong si Kim Jisoo, napaka swerte nga naman talaga. 

 

Gumising nga ako ng maaga para simulan yung plano eh. Kahit na late ako natulog at di talaga ako morning person. 

 

Hay, the things you do for love. 

 

Maaga ako gumising kasi kailangan ko magpabango ng sobra. Hindi naman sa mabaho ako, gusto ko lang maaamoy na agad ni Jisoo yung bango ko kahit nasa taft pa sya. Jok. 

 

Gaya ng ginawa ko bago kami pumunta ng baguio, halos ubusin ko na yung punong puno kong strawberry shampoo at yung body wash ko din na kakabili lang ni Mommy bago kami bumalik sa Manila. 

 

Nag plantsa din ako ng buhok after at naglagay ng light make up. Sabi nya kasi, gusto nya sa mga babae yung simple lang. Pero syempre di ako papayag na simple lang ang outfit ko! Poporma ako! 

 

Nag white crop top ako tapos pinatungan ng camouflage button up na hinayaan ko lang na nakabukas tapos black shorts. To finish my simple fashion, sinuot ko yung training shoes ko na matchy matchy kay Jisoo. I just know na parehas kami ng susuotin. 

 

Pag hindi, malabong maging kami. 

 

CHAROT. 

 

Baka magkatotoo gags. 

 

Anyway, after ng lahat ng kaek-ekan ko sa buhay, umalis na din ako sa dorm. Binungad naman ako ng sipol ng iba kong teammates. Di pa umuuwi yung iba, buti naman.  

 

 

“Ang ganda mo ngayon Jennie ah! Iyak ka dyan pag nireject ka ni Jisoo.” Pang-aasar ni Joy na agad kong pinakyuhan 

 

“Tangina mo, Joy.” 

 

“Sayang mascara kung iiyak ka lang din!” Dagdag pa ni Sulli. Aba sinusubukan ako ng nga hayop na to ah 

 

“Wala kayong libre sakin pag naging kami na ni Jisoo!” Banta ko sakanila. 

 

“Good luck kay Jisoo ah? Alam ko namang magiging successful yung surprise mo for her.” Sabi ni Nayeon. Teka? Si Nayeon ba talaga yon?! 

 

“Ang plastic mo Nadoong!” Sabi naman ni Lisa. “Pero good luck sis! Dami mong sinayang na oras for her! Malabong di nya magustuhan yan.” 

 

“Oo na mga plastic.” Kunwaring naiinis ako pero nakangiti na “Wish me luck and thank you guys.” 

 

“Oh wag kang iiyak!” Asar naman ni Wheein 

 

“Di ako iiyak no! Mga ulol kayo.” 

 

“Basta kami na bahala ng mga kailangan gawin dito sis. Ienjoy nyo muna yung trip nyo.” Sabi naman ni Hwasa. Hay, mga gago sila pero maaasahan. 

 

 

Nag dramahan pa kami bago ako tuluyang nakaalis. Sumakay na ko sa kotse ko at inistart ‘to. 

 

You can do this, Jennie! Maganda ka kaya walang imposible! 

 

Sana ready ka ng ligawan ako Kim Jisoo!!! 

 

Pero okay lang din naman kahit wag na ehehe. Papatagalin pa kung pwede naman kami na agad? 

 

 

————————————————

 

Sinundo ko pa si Jisoo sa dorm nya sa taft. Binigla ko nga lang syang niyaya eh. Di ko pa din binabati. Syempre ayokong batiin sya ng ganun ganun lang?! Dapat lahat ng may kaugnayan kay Jisoo ay special! 

 

Nasa labas na nga agad ang bebe ko pagkadating ko eh. Excited na excited naman na makita ako. hehe assuming! 

 

Meant to be siguro talaga kami kasi naka camouflage din sya pero t-shirt at naka adidas na trackpants. Chineck ko nga din agad yung sapatos nya. Sumimangot ako ng makita na Stan Smith ang suot nya. Hmp. Okay lang. Same color naman! 

 

Binusinahan ko na si Jisoo at agad nya naman akong nginitian at kumaway. 

 

 

“Pasok ka na, Jisoo! Malayo layo pa pupuntahan natin.” 

 

 

Nag comply naman sya sa sinabi ko at umupo na sa passenger seat. 

 

 

“Good morning, Jisoo!” Masiglang bati ko sakanya 

 

“Good morning din, Jen! San tayo?” 

 

“Secret, walang clue.” 

 

“Ay ang daya.” 

 

 

Nginitian ko lang sya at nagstart ulit mag drive. 

 

At some point, buti nalang naka red light sa stop light kasi baka may aksidenteng mangyari at mapa break ako ng wala sa oras nung sinabi nyang, 

 

 

“You look so pretty, Jen.” 

 

 

Maybe I died. 

 

Jisoo naman eh! Di pa nga nagsisimula yung surprise ko sayo mamamatay na ko! 

 

———————————————

 

 

“Oh my god! Nasa EK ba tayo?!” 

 

 

Para syang bata nung lumabas sa kotse ko at nagtatalong talon. She looks so excited. Kulang na nga lang halikan nya na ko sa sobrang saya eh. Kaso di nangyari. Ang sad. 

 

But still, nakakuha ako ng isang mahigpit na yakap sakanya. Sa sobrang higpit nga, okay lang na patayin nya na ako eh. Di ako magrereklamo. 

 

 

“Grabe, Jen! I’ve always wanted to go to EK kaso I don’t have time! How did you know?” 

 

“Hmm. Gut feeling?”  

 

“Weh? I love your guts then.” 

 

 

Yung guts ko lang? Pwede bang ako mismo? Charot. 

 

Actually, kay Ate Irene galing yung idea na yun. Tinanong ko kasi sya kung ano yung mga gustong puntahan ni Jisoo. Sabi nya naman, number 1 dun is Amusement Park. Kaya eto, dito ko sya dinala. 

 

 

“Tara pasok na tayo?” 

 

 

Tumango tango lang sya at hinawakan ang kamay ko. Nagpahila lang ako sakanya ng may ngiti na naglalaro sa labi ko. Hay, sana after this day, ganito na kami lagi. 

 

I plan to confess kasi mamaya. Kaya may niready ko dun sa dorm. Dun ko aaminin sakanya yung feelings ko na matagal ko ng gustong sabihin sakanya. 

 

Kinakabahan ako pag naiisip ko yun. Pero I brushed them away. I need to enjoy my time with Jisoo now. Mamaya ko na yung pro-problemahin. 

 

 

 

“Picture muna tayo!” 

 

 

Ayun, nag picture picture muna kami sa harap ng ek. Mukha na ngang photoshoots eh lalo na nung si Jisoo yung nagpipicture sakin. Kung ano anong anggulo kasi ang pinapagawa ng loka! Pero di ako makapalag lalo na kapag paulit ulit nyang sinasabi na ang ganda ko daw sa kuha nya! SIGE, sabihin mo sakin pano ka tatanggi dun!

 

At syempre, ang pinaka fave ko sa pictorial namin ay selfie naming dalawa. Ngiting ngiti nga ako eh, kitang kita yung gums. Di halatang masaya no? pero pake nyo ba. Cute ako eh. 

 

May iilang nagpapicture din sakin. Hay, iba na ang famous. Kahit san magpunta may nagpipicture sakin. Tinignan ko naman si Jisoo na nanonood lang samin. Nako. Once na magpakita ang dyosa nyang mukha sa UAAP, di malabong sya ang dudumugin tuwing magde-date kami in the future. 

 

Oh diba? Ang feeler!

 

Pero kasi! Ang ganda ng kutob ko sa mga mangyayari. Parang everything is going smooth according sa plano ko. Tsaka there’s no valid reason naman na walang gusto sakin si Jisoo. Kahit sinong may mata siguro, mapapansin na may gusto sya sakin. Feeler na kung feeler pero kasi lahat ng tao yun ang sinasabi sakin! 

 

Pero pano kung naturally sweet lang si Jisoo?

 

Manahimik ka satanas! Di ko kailangan ng opinyon mo ngayon! Walang makakapigil sakin. Aaminin ko na at magiging kami din at the end of the day. 

 

confidence level 100%

 

 

—————————————————

 

 

Pumunta pa kami muna sa mga booths dahil “warm up” lang daw muna namin yung bago sumabak sa rides. Utuin nya pa ko, sabihin nya nalang ay takot talaga sya! Halos libutin nga namin yung mga palaruan bago pa sya mag decide ng lalaruin nya. 

 

Tinitignan ko lang sya dito sa barilan thingy. Pinapanood ko lang sya walgasin yung pera nya sa iisang booth pa lang! Putspa! 

 

 

“Kuya, isa pa po!” Sigaw nya dun sa nagbabantay pero bago pa nya maiabot yung bayad binulungan ko sya,

 

“Huy Jisoo. May daya yung mga yan. Alam mo yan. Bakit mo ipinipilit!” 

 

“May daya o wala, gusto ko manalo.” 

 

 

Gosh. Kailan pa naging over competitive tong taong to?

 

 

“Kuya, isa pa po. Last na to, tignan mo lang Jen.” 

 

“Bahala ka nga dyan.” 

 

 

Pinanood ko lang ulit sya. Mas determined at seryoso yung mukha nya. Hot!

 

 Kailangan mo kasi makapag patumba ng 3 Cans na obviously may pampabigat. 

 

Pero I think natuklasan na ni Jisoo yung trick kasi namangha akong pinanood syang patumbahin yung mga cans. Naghiyawan nga din yung mga taong kanina pa nakapila eh! 

 

 

“Finally!!” 

 

“Nice one, Ate. At dahil dyan, you can pick whatever you would like.” 

 

“Kuya gusto ko po yung Pusa.” 

 

“Nice choice. Kamukha sya ng girlfriend mo.” 

 

 

Maiinis na sana ako sa sinabi nya na mukha daw akong pusa pero nabawi naman yun nung akala nyang mag jowa kami. Maganda ang mata nito ni kuya ah! 

 

 

“Ay hindi ko po si girlfriend pero mukha nga po syang pusa.” 

 

 

Etong Kim Jisoo na ‘to masasapak ko na. Kahit kailan napaka kill joy! Tsk, di mo naman na masasabi yan pag umamin na ko sayo mamaya! 

 

Finally, umalis na din kami sa booth na pinayaman lang naman ni Jisoo. Jusko, ano bang meron at pilit sya ng pilit maglaro kung pwede nya naman bilhin nalang yun sa mall. 

 

Maya maya, idinikit nya sa mukha ko yung Cat Plushie kaya tinignan ko sya ng masama. 

 

 

“Ano ba, Jisoo?!” 

 

“You two look a like. From now on, sayo na sya.” 

 

“Pinagsasabi mo dyan?” 

 

“I won it for you.” 

 

 

I won it for you..

 

I won it for you.. 

 

I won it for you..

 

She won it for me!!! 

 

 

“Sus, pinag gastusan mo ng bongga tas bibigay mo lang sakin?” Kunwaring pagtataray ko lang. Wag masyadong easy to

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjisoo
OMG KAILAN PA NAGING 3K READS TO?!?! THANK YOU SA LAHAT NG BUMABASA AT NAG VIEW KAHIT DI NAGUSTUHAN HAHAHA THANK YOU PA DIN!! LOVE YOU ALL! :)

Comments

You must be logged in to comment
jisooskai
#1
Chapter 4: Hi author, pagalawin mo po baso hehe
markaxel
#2
Hello ulit authornim, napadaan lang, beke nemen 😅🥲😂
notjisoo
12 streak #3
grabe super dedicated nung ibang readers dyan HAHAHA it makes me want to update again. Pano kasi, nabaha yung phone ko last year and andun sa notes lahat ng drafts ko :(( sana pala inupload ko nalang sya back then but I'm not satisfied eh. Pero i'll consider it once na bakasyon na hihi, alam ko pa din namam flow ng story soooo, papaasahin ko kayo :>
_kathyyyyyyyyyy
#4
dalawang taon na akong naghihintay sa ud neto hahahaha sana maiutuloy mo author
markaxel
#5
Chapter 13: Authornim? 🥺 imy Ingat lagi 🥺
Neveabravo #6
Chapter 13: Please update soon author-nim🥺🥺
I badly need some jensoo
Neveabravo #7
Chapter 13: Wow ang ganda talaga author-nim
Still waiting for the next update🥰🥰🥰
holmesfreak1412 #8
Chapter 13: Mas nag eenjoy ako sa POV ni Jennie haha pero necessary naman tung side ni Jisoo din eh . Update ka na pls. Na eexcite akong mabasa yung mga voleyball matches
Seulgi4lyf #9
Chapter 13: ANG GANDAAAA EBARGS!!!!!!
markaxel
#10
Chapter 13: Hello authornim, I hope everything is well. Will be waiting to your next update :)