Chapter 7

Blue and Green
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako dahil sa boses ng isang anghel na tumatawag sakin. Unti unti kong binuksan yung mata ko at nakita si Jisoo. 

 

Anghel nga. 

 

Napansin ko naman yung hawak nyang tray na may pancakes at chocolate syrup kaya napa-upo agad ako. 

 

"Breakfast in bed." Sabi nya sabay lapag ng tray sa lap ko

"Thank you.. pero di mo maman kailangang gawin to eh." Nahihiya kong sabi. Syempre pabebe muna diba?

"It's okay. naisip ko lang na baka pagod ka kasi 11 na at di ka pa din bumabangon." 

 

Agad naman akong napatingin sa relo at 11 pasado na! Grabe naman yung tulog ko. 

 

Teka speaking of tulog.. 

 

"San ka pala natulog kagabi?" Tanong ko sakanya. 

"You didn't get my text? Dun ako kay Chaeyeon nakitulog." 

"Ahh." 

 

Sumama naman bigla yung mood ko. Ano yun? Kakakilala palang nila tapos may tulugang naganap na? Nakaka-inis. Nakakaselos. 

 

"Bakit ganyan yung mukha mo?" Tanong nya sakin

"what do u mean?" 

"Ang maldita mo kasi tignan eh. Tsaka you're glaring at nothing." 

"Wala ka ng pake dun." 

 

Nagulat si Jisoo dun sa sinabi ko kaya ngumiti nalang sya. Halata namang peke. 

 

Sinundan ko lang sya ng tingin habang pumunta sya dun sa mini refrigerator ko at kumuha ng bottled water. Ang y kahit ng likuran nya. Jusme dagdag mo pa yung legs nya na exposed ngayon. May spandex din pala sya eh. Kala ko puro trackpants lang. 

 

Nilagay nya yung bottle sa night stand ko at umupo sa tapat ko. Pinapanuod nya lang ako at ako naman ay naiilang. Ang lalim nya kasi tumitig. 

 

"Wala ka bang ibang magawa?" Tanong ko sakanya

"Geez, you're awfully cold. I'm not used to it." 

"Masama lang gising ko." 

"Okay then. Hahayaan na muna kita. I'll meet you downstairs nalang." 

 

Tinanguan ko lang sya at lumabas na si Jisoo. Napa-buntong hininga ako at sumandal sa headboard ko. 

 

Ayoko talaga pag nagseselos ako eh. Lumalabas yung y side ko. Nakaka-inis naman kasi talaga eh. Hindi naman sa pinagdadamot ko si Jisoo sa kanila pero threatened lang ako, okay? Lalo na kay Chaeyeon. Para kasi sakin sya yung pinaka-maganda saming magpipinsan. Idagdag mo pa na magkaparehas ng ugali yung dalawa. Takot lang ako na baka ma-fall sakanya si Jisoo. 

 

Gusto ko akin lang sya. 

 

Ang possessive ba pakinggan lalo na't di naman kami? I can't help it. Kung kayo lang din naman, ipagdadamot nyo din yan si Jisoo eh. 

 

Biglang tumunog yung cp ko na nasa nightstand at nag message si Somi. Swimming daw kaming lahat sa pool kasi maganda yung panahon. 

 

Since wala naman akong gagawin, swimming nalang din ako. 

 

Minadali kong inubos yung pancake na binigay sakin ni Jisoo bago nagpalit ng rash guard at spandex. Ha! Kala nyo swimsuit no? 

 

Naglagay ako ng sunblock sa mukha at legs bago bumaba. 

 

Dun nakita ko si Mommy at Jisoo na nanunuod lang sa tv. Cute nila talaga tignan.  Parang mag-nanay. 

 

Sinalubong ko si Mommy ng yakap at halik sa pisngi. Sweet ko diba? At ganun din sya. 

 

"My, swimming daw po kami." 

"Okay anak. Maganda yung weather pero maglagay ka pa din ng sunblock. Ang panget mo kasi pag maitim ka." Pang-asar nya sakin pero pinalagpas ko nalang

"Done na, My. Ikaw Jisoo? Kailangan mo? Magpapalit ka ba?" 

"No need na. Maganda ako kahit maitim and okay na 'tong damit ko." Payabang netong sabi 

"Kapal mo! Tara na nga!" 

 

Sabay na kaming lumabas ni Jisoo ng bahay at andun na yung mga bakulaw kong pinsan sa pool. Di talaga ako mahilig mag-swimming kasi di naman ako marunong lumangoy. 

 

"Marunong ka ba lumangoy, Jis?" Tanong ko sakanya 

"Hindi eh." 

"Good! May karamay na ako!" 

 

Maya maya tumawa si Jisoo na ikinataka ko. Baliw ba sya? May nakaka-tawa ba sa sinabi ko.?

 

Pero guys nagulat ako nung biglang nagtanggal ng top si Jisoo. Revealing her abs. Yung mga pinsan ko naghiyawan. Ako din gusto kong humiyaw kasi guys, yung abs nya putaena. Walang sinabi yung mga lalaki sa magazine. Kinagat ko nalang yung labi ko upang mapigilang tumili. Shet. 

 

"I know I'm hot pero wag mo ko titigan ng ganyan. Ang manyak eh," Pang-asar nya. Agad ko naman syang sinipa 

"Pakyu," 

 

Tumawa lang sya. Nagulat na naman ako nung bigla nya akong niyakap. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Yung tipong isang maling galaw lang, mahahalikan ko na sya. Shet. Yung puso ko. 

 

"Sorry Jennie ah?" 

 

Nagtaka naman ako sa sinabi nya pero na-gets ko nung bigla nya akong binuhat at tumalon sa pool. 

 

Putangina. 

 

Pumasok ata sa ilong, bibig at tenga ko yung tubig at di ako makahinga. Buti nalang at hinila ako pataas ni Jisoo. Agad naman akong pumulupot sakanya sa takot.

 

Yan tuloy. Ubo ako nang ubo 

 

"Uy okay ka lang?" 

"Tangina mo. Ang sakit.." 

 

Naiyak nalang ako sa gulat at sakit ng ilong ko. Puta. Ngayon ko lang kasi na-experience yun at na-off guard ako sa ginawa nya. 

 

"Sorry.." 

" you." 

 

Sa sobrang inis ko sakanya, bumaon yung daliri ko sa exposed shoulders nya. Nakaka-gigil kasi. 

 

"Aray!!" 

"Serves you right! Natakot ako dun alam mo ba?!" 

"Sorry.." 

 

Hinawakan nya yung mag-kabilang pisngi ko at iniharap sa mukha nya. Tumigil ako sa pag-iyak nung pinunasan nya yung luha ko. May halong pag-aalala yung expression nya at halatang nagsisisi sya sa ginawa nya. 

 

Beshies. Ang lapit nya na naman. I swear pag ako di nakapag-pigil, hahalikan ko to. 

 

"Sorry talaga." 

"Okay lang, basta wag mo na uulitin yun." 

 

Normally, pag pinagtripan ako, matagal ako bago bumigay pero si Jisoo po itong pinag-uusapan natin. Kahit nga ata mabaril nya ko, papatawrin ko pa din dya agad-agad. Gosh, I'm so whipped. 

 

"Akala ko ba di ka marunong lumangoy? Bakit parang okay ka lang?" Tanong ko sakanya. 

"Ang baba lang kasi nung pool, Jen. Nag-panic ka lang talaga agad." Nakangiti nyang sagot sakin 

 

Agad naman akong napatingin sa kung hanggang saan nya yung tubig at hanggang dibdib nya nga lang. Nahiya naman ako bigla kaya tinanggal ko yung pagkaka-gapos ko sakanya. 

 

"Uy. Bat ka humiwalay?" 

"What do you mean? Abot ko naman eh." 

 

Napatili ako ng bigla nya kong niyakap. 

 

"Ano ba yan, Jisoo?!" Kunyari galit pero gusto naman 

"Gusto ko ng kayakap. Malamig yung tubig eh." 

 

Pinigilan ko naman yung sarili ko na mapangiti habang niyayakap ko sya. Ni-hindi ko na nga maramdaman yung lamig kasi nag-iinit ako. Pero Hoy! Hindi yung init na libog ah? Bad yun. Nagblu-blush kasi ang lola nyo. 

 

"Hold unto me lang ah? Punta tayo dun sa mga pinsan mo." 

"Okay." 

 

Hinigpitan ko yung yakap ko sakanya at binigbit nya ko papunta dun sa mga pinsan kong ulol. 

 

"Wala kang paa Jennie?" Tanong sakin ni Yoojung habang may nakakalokong ngiti sa labi nya 

"Pake mo ba? Wala ka lang kayakap eh!" 

"Feeling baby amputa." Sabi naman ni Doyeon. Agad akong humiwalay kay Jisoo at sinakal yung lukarit kong pinsan. 

"Pakyu kayo." 

 

Naupo ako sa may hagdan kung nasaan sila Mina, Sejeong at Sohye. Mapapansin mo talaga kung sino yung di marunong lumangoy eh. 

 

Sumunod din yung iba kong pinsan at si Yeonjung agad na yumakap sakin. Nag-usap na din kami neto kagabi sa text. Ayun. Sorry daw ganern. Syempre pinsan ko pa din yan kaya tinanggap ko agad yung sorry nya. Ang panget naman kasi na magka-away kami samantalang minsan nalang kami magkasama. 

 

Si Chaeyeon kasama na naman si Jisoo at parang may nakakatuwa silang pinag uusapan. Ngiting ngiti yung dalawang lasalista eh. Kayamot. 

 

"So guys we were thinking earlier na baka gusto nyo mag adventure ngayon?" Suggest ni Jieqiong 

"Alam mo namang g lahat dyan eh. San ba tayo?" Tanong ni Sejeong

"Okay so set na? Sky diving tayo!" Seryosong sabi ni Nayoung

"What the-?! Di ka naman pwede mag sky dive dito! Dati ka bang baliw?" Sabi ko dito at tumawa lang sya

"Biro lang. tree top tayo mga bes. Si Chaeyeon yung may sagot ng lahat." Bawi ni Nayoung tapos turo kay Chaeyeon na walang ka-alam alam 

"Hoy! Anong ako?! Di ako pumayag dyan!" Tanggi ni Chae sabay wisik ng tubig sa pinsan naming thunders 

"Dali na Ate, alam kong may pera ka dyan since kakasahod mo lang," Sipsip pa ni Somi 

"Oo na!" 

"Okay! One hour lang yung preparation mga paa tapos aalis na tayo!" 

 

At ayun. Nagsimula na kaming umahon sa pool. Nakakatuwa dahil inunahan pa ko ni Jisoo. Kilig ako hehe. 

 

Akala ko tutulungan nya ko pero ang tinulungan nya ay sila Jieqiong at Somi. Sila kasi yung mas malapit. Bigla tuloy nawala yung ngiti ko. 

 

Nag-mukha akong tanga dun ah. 

 

Napa-irap nalang ako at umahon mag isa. May kamay at paa naman ako. Di ko sya kailangan. 

 

Nakita ko naman na si Sohye nagpipigil ng tawa dun sa gilid. Nakita nya siguro. 

 

"Halika nga dito, Sohye.." 

"Ayoko nga!" 

"May sasabihin lang ako.." Malambing kong sabi 

 

Nauto ko naman yung loka. Kaya nung lumapit sya sakin, binatukan ko sya ng malakas. 

 

"Aray ko naman, Ate! Ilang araw nalang ako dito tapos ganyan ka pa!" Maktol nya sakin habang hinihimas yung part na hinampas ko

"What do you mean? San ka pupunta?" 

"Sasama na ko kila Mommy sa Japan." Malungkot nyang sabi 

"Seryoso? Kailan?" Puta ako din tuloy nalungkot

"Sa 29, Ate. Kaya maging mabait ka sakin ah." 

 

----

 

"Jennie, is there something wrong?" 

 

Siguro mga 50 times ko ng narinig yan mula kay Jisoo. Pano ba naman kase. After nung eksena dun sa pool, di ko na sya pinansin. Kaya ayun, hanggang sa van at dito sa tree top, kinukulit nya pa din ako. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjisoo
OMG KAILAN PA NAGING 3K READS TO?!?! THANK YOU SA LAHAT NG BUMABASA AT NAG VIEW KAHIT DI NAGUSTUHAN HAHAHA THANK YOU PA DIN!! LOVE YOU ALL! :)

Comments

You must be logged in to comment
jisooskai
#1
Chapter 4: Hi author, pagalawin mo po baso hehe
markaxel
#2
Hello ulit authornim, napadaan lang, beke nemen 😅🥲😂
notjisoo
12 streak #3
grabe super dedicated nung ibang readers dyan HAHAHA it makes me want to update again. Pano kasi, nabaha yung phone ko last year and andun sa notes lahat ng drafts ko :(( sana pala inupload ko nalang sya back then but I'm not satisfied eh. Pero i'll consider it once na bakasyon na hihi, alam ko pa din namam flow ng story soooo, papaasahin ko kayo :>
_kathyyyyyyyyyy
#4
dalawang taon na akong naghihintay sa ud neto hahahaha sana maiutuloy mo author
markaxel
#5
Chapter 13: Authornim? 🥺 imy Ingat lagi 🥺
Neveabravo #6
Chapter 13: Please update soon author-nim🥺🥺
I badly need some jensoo
Neveabravo #7
Chapter 13: Wow ang ganda talaga author-nim
Still waiting for the next update🥰🥰🥰
holmesfreak1412 #8
Chapter 13: Mas nag eenjoy ako sa POV ni Jennie haha pero necessary naman tung side ni Jisoo din eh . Update ka na pls. Na eexcite akong mabasa yung mga voleyball matches
Seulgi4lyf #9
Chapter 13: ANG GANDAAAA EBARGS!!!!!!
markaxel
#10
Chapter 13: Hello authornim, I hope everything is well. Will be waiting to your next update :)