Chapter 10 (NY Special)

Blue and Green
Please Subscribe to read the full chapter

Happy 1k reads. thank you sainyo!! Love you all! ❤️💞

 

Nandito ako ngayon sa may pool side at nagpapahangin lang. Kung hinahanap nyo si Jisoo, wala sya at sana wag na syang magpakita. Nakakainis sya. 

 

"Oh bakit ganyan mukha mo?" 

 

Tumingala ako at nakita ko dun si Chaeyeon. Agad naman akong napaayos ng upo at bumeso sakanya. 

 

"Wala. Naiinis lang ako, Chae." 

"Bakit naman?" Tanong nya sakin at naupo sa tabi ko. 

"Si Jisoo kasi eh. Ilang araw nya ng inaatupag yung mga laro nya. Kung hindi sya maglalaro dun sa laptop na binigay mo, dun sya sa ps4 nya. Tas bago matulog nagni-nintendo switch pa sya! Di ko na sya maka-usap." 

 

Hindi sumagot yung pinsan ko kaya napatingin ako ulit sakanya. Hinahagod nya yung buhok ko habang may naglalarong ngiti sa mga labi nya. Hindi 'to yung pang asar na madalas kong makita sa kanila kasi this time, it's rather warm. Ang gaan sa pakiramdam. 

 

"I actually like Jisoo." 

 

Sa loob ng isang segundo, mabilis na napalitan ng bigat yung naramdaman ko at tinignan sya ng matalim. What the hell? 

 

"Ang bait nya. Magaling sya mag-comfort ng tao. Kaya ka nya pasiyahin sa pinaka-corny na way pero matutuwa ka pa din. Matalino sya at athletic. Gamer and Bookworm. Syempre may abs din. Alam ko na kung bakit mahal na mahal ng pinsan natin yun," 

 

Di ko talaga alam yung reason kung bakit nya sinasabi sakin to. Pero one thing's for sure. Di ko gusto yung patutunguhan neto. Ayoko ng makinig. Ayoko na syang pakinggan. Nasasaktan ako. Baka may masabi akong ikakasira naming magpinsan. Please. Itigil nya na to. 

 

"Yung mga panahon na nagkaka-sama kami, wala syang ibang binigay sakin kundi saya. Nakakalimutan ko ang mga problema ko pag sya ang kasama ko," 

 

Tama na please. Wag ka na magsalita Jung Chaeyeon. 

 

"I really like Jisoo." 

"Chaeyeon-" 

"I really like her for you."

 

Ha? 

 

Napalitan ng pagtataka ang expresyon ng mukha ko. Tama ba narinig ko? 

 

Bigla naman syang tumawa at ako naman ay mukha pa ding tanga na di alam ang nangyayari. 

 

"Gusto ko pa sana patagalin yung pang-aasar ko sayo kaso baka tuluyan mo na kong kamuhian." Nakangiti nyang sabi sakin 

"Di ko maintindihan, Chaeyeon.." 

"Nung nahalata ko na nagse-selos ka samin ni Jisoo, nag decide ako na mas asarin ka pa. Couz, I really like Jisoo pero di gaya ng pagka-gusto mo sakanya." 

 

Tama ba naririnig ko? Seryoso? Putangina.  

 

Agad ko namang pina-ulanan ng sapak at sampal si Chaeyeon ng ma-realize na all along pinagtri-tripan nya ako. 

 

"Hey Jen chill! Ingat sa balat ko. Yan ang source ng pambili ko ng gifts sainyo." Natatawang sabi nya habang tinatakpan ang sarili nya 

"Tangina mo, Chae! Kulang nalang mag-hire na ko ng serial killer para pabagsakin ka tapos sasabihin mo sakin na pinagtri-tripan mo lang ako?!" 

"Oy you're bad ah. Grabe naman sa serial killer." 

 

Ayun, napagod din ako sa kakahampas sakanya at nagawa kong pakalmahin ang sarili ko kahit saglit. Jusko po. Bakit puro pantri-trip ang alam ng mga pinsan ko? 

 

Tangina. Akala ko masisira yung strong bond namin as cousins. Akala ko isang malaking threat si Chaeyeon sakin. Ako pa naman handa akong kalabanin kahit sinong sasagabal samin ni Jisoo at syempre nako-konsensya ako dahil akala ko si Chaeyeon ang isa sa candidates dun. Tas malalaman laman ko na trip nya lang ako. Pakyu sya. 

 

"Di ko nga alam kung bakit kailangan mo magselos samantalang madalas ikaw ang topic namin." Na off guard ako sa sinabi nya

"Seryoso?" 

"Minsan si Chungha pero iniiba ko na agad kasi baka magka-iyakan kami dun. Pero mostly, ikaw talaga ang topic namin," 

"A-Ano naman yung pinag-uusapan nyo about sakin?" Nauutal kong sabi.  

"Samin nalang yun." 

"Chaeyeon naman eh!" 

 

-----

 

Ayoko talaga pag nagne-new year dahil bukod sa nakakabinging ingay, ang usok lang talaga. Yung mga tito at pinsan ko kasi mahilig sila bumili ng paputok at kung ano pang gumagawa ng ingay. Basta ginagastusan talaga nila. 

 

Ako lang ata yung may ayaw magcelebrate ng new year eh. Kasi silang lahat nagkakasiyahan na dun sa may baba. Ako nandito naiwang mag isa sa kwarto ko dahil kahit si Jisoo sumama sakanila. 

 

Wala akong choice kaya naglaro nalang ako ng mga gadgets ni Jisoo dito. Di ko inakalang mae-enjoy ko din pala to. Lalo na yung ps4 ni Jisoo. May laro kasi syang sims dito at so far yun lang ang nagustuhan ko. Puro kasi panlalaki laro nya. Ayoko naman ng barilan at suntukan. 

 

Nun una, inis na inis ako sa mga laruan nya. Inaagawan ako ng oras kay Jisoo. Pero eto ako ngayon. Inuubos din yung oras dito. 

 

After din pala nung Christmas, wala talaga masyadong nangyari. Lumalabas lang kami ni Jisoo pag niyaya kami nila Mommy pero pag ako magyayaya sakanya? Galing humindi eh. Unfair. 

 

Nasa kalagitnaan ako ng pag-eenjoy ng laro ng biglang pumasok si Jisoo sa kwarto. May dala syang tray at di ko napigilang matawa. Mukha kasi syang waiter tignan. Naka long sleeve polo sya na polka dots. Ang cute nya. Buti at matino ang pinahiram sakanya ni Yoojung. 

 

Di nya kasi trip yung isa kong crop top na polka dots kaya nanghiram sya sa iba. Syempre pare-parehas na naman kami ng suot. Sino ang nagsabi? Edi si Nayoung. 

 

"I'm sure gutom ka na kaya dinalhan nalang kita ng pagkain since ayaw mong bumaba." 

 

Napangiti naman ako sa pagiging thoughtful nya at isinantabi muna yung controller. 

 

"Parang ang dami naman ata? Di ko kayang ubusin yan." Sabi ko sakanya ng makita ko na punong puno o yung dala nya tray. 

"Para sakin din yan no." 

 

Tumabi na sya sakin at nilapag nya sa lap nya yung tray. Pinunasan nya muna yung spoon and fork bago nya binigay sakin. Bigla namang nag-init yung mukha ko. 

 

Para kasi sakin, little things matters the most. Iba epekto sakin ng ganun. 

 

Nagsimula na akong kumain at dun ko palang napansin na isang utensils lang ang dinala nya. 

 

"Teka, pano ka kakain?" Tanong ko sakanya 

"What kind of question is that?" Natatawang tanong nya sakin kaya agad akong napa-irap

"I mean isa lang kasi yung dala mong utensils." 

"Problema ba yun? Edi yung gamit mo ang gagamitin ko." 

 

Bigla akong nabilaukan dun sa sinabi nya. Buti nalang may isang baso ng tubig sa gilid. Jusko po. 

 

Di ko inasahan na yun ang magiging sagot nya. Mas lalo namang nag-init yung mukha ko at halos di ko na naramdaman ang lamig ng Baguio. 

 

Puta. Indirect kiss yun ah? Para akong High School student na ginagamit pa din yung term na yun pero wala akong pake. Kinikilig ako eh. 

 

Tsaka ibigsabihin lang nun, sobrang comfortable na sya sakin. 

 

Or tinatamad lang bumaba? 

 

Kunyari di ko nalang naisip yung pangalawa para iwas sira ng moment. 

 

"Gano kadami yung ititira ko sayo?" Tanong ko

"Wag mo na problemahin yun. Gusto ko kumain ka lang dyan hanggang sa mabusog ka." Nakangiti nyang tugon at pinisil na naman ang pisgi ko na kaya tinusok ko sya ng tinidor

"Sabi kong wag mo kong gaganyanin eh!" Inis kong sabi sakanya 

"Oh wag ka iiyak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjisoo
OMG KAILAN PA NAGING 3K READS TO?!?! THANK YOU SA LAHAT NG BUMABASA AT NAG VIEW KAHIT DI NAGUSTUHAN HAHAHA THANK YOU PA DIN!! LOVE YOU ALL! :)

Comments

You must be logged in to comment
jisooskai
#1
Chapter 4: Hi author, pagalawin mo po baso hehe
markaxel
#2
Hello ulit authornim, napadaan lang, beke nemen 😅🥲😂
notjisoo
12 streak #3
grabe super dedicated nung ibang readers dyan HAHAHA it makes me want to update again. Pano kasi, nabaha yung phone ko last year and andun sa notes lahat ng drafts ko :(( sana pala inupload ko nalang sya back then but I'm not satisfied eh. Pero i'll consider it once na bakasyon na hihi, alam ko pa din namam flow ng story soooo, papaasahin ko kayo :>
_kathyyyyyyyyyy
#4
dalawang taon na akong naghihintay sa ud neto hahahaha sana maiutuloy mo author
markaxel
#5
Chapter 13: Authornim? 🥺 imy Ingat lagi 🥺
Neveabravo #6
Chapter 13: Please update soon author-nim🥺🥺
I badly need some jensoo
Neveabravo #7
Chapter 13: Wow ang ganda talaga author-nim
Still waiting for the next update🥰🥰🥰
holmesfreak1412 #8
Chapter 13: Mas nag eenjoy ako sa POV ni Jennie haha pero necessary naman tung side ni Jisoo din eh . Update ka na pls. Na eexcite akong mabasa yung mga voleyball matches
Seulgi4lyf #9
Chapter 13: ANG GANDAAAA EBARGS!!!!!!
markaxel
#10
Chapter 13: Hello authornim, I hope everything is well. Will be waiting to your next update :)