Chapter 6

Blue and Green
Please Subscribe to read the full chapter

Bored lang akong nakahiga sa kama ko. Nasa bahay na kasi ako at kakatapos ko lang mag impake para sa trip namin bukas. Kasama yung buong family namin, pupunta kami sa Baguio at dun magce-celebrate ng Christmas and New Year. Tradition na ata samin yun eh. 

 

Naalala ko tuloy si Jisoo. Nabanggit nya last night na madalas mag-isa lang sya sa Christmas eve pero kasama nya si Chungha pag New Year kasi umuuwi daw agad si Chungha from Baguio.

 

Kaya pala pag nagvi-video call kami ng mga pinsan ko pag new year, laging wala si Chungha. Umuuwi pala agad. 

 

 So this year mag-isa pala sya? Sama ko kaya sya? Okay lang ba yun or parang fc ako? Text ko muna si Ate Irene. The best sya sa mga ganito eh. 

 

 

Irene Bae 

Active now•

 

Jennie: Ate Irene!

Irene: yes? 

Jennie: I was just thinking kung okay lang na isama ko si Jisoo sa Baguio. Alam mo naman Ate para na din may makasama syang magcelebrate. 

Irene: actually jen, gusto din sana sya isama ni Mommy sa trip namin sa states pero baka ireject lang ni Jisoo eh kaya sige ikaw nalang bahala Jen. Baka sumama yun sayo. 

Jennie: you think so? Baka naman mukha akong fc ate?

Irene: ano ka ba? After nyong mag heart to heart talk kagabi? May yakapan pa nga eh 

Jennie: HA. PANO MO NALAMAN YUN. 

Irene: Check GC. Kinuhaan kayo ng pictures ni Lisa at Wheein. Invite mo sya ah? Kawawa naman yun walang kasamang mag celebrate

Jennie: I will, Ate. Thank you once again! Mwa

 

 

Sinilip ko muna yung sinend na pictures nung dalawang tukmol na yun. At tama nga si Ate Irene. Di lang 1 or 10. Di ako nagbibiro pag sinabi kong mga 50 shots siguro yung andun. Nag iwan ako ng matatalim na mura sa dalawa bago minessage si Jisoo. Sakto active. 

 

 

Jisoo Kim 

Active now•

 

Jennie: pst 

Jisoo: hi jennie. sup? 

Jennie: San ka this break? 

Jisoo: Dorm lang. why? Samahan mo ko? ;p

Jennie: nope. more likely na ikaw ang sasama sakin :p 

Jisoo: wdym? 

Jennie: Sasama ka samin sa Baguio and I won't take no for an answer. Pack your things na then susunduin kita bukas sa dorm nyo dyan sa DLSU. Mga 7 andyan na siguro ako dahil 10 yung alis natin. 2 weeks tayo dun. 

Jisoo: whattttttt! Ayoko nga! 

Jennie: wag ka na maarte! 

Jisoo: nakakahiya kaya 

Jennie: sige sasabihin ko kay Ate Irene na isama ka nalang sa states. Ano mas gusto mo? 

Jisoo: ugh fine! 

 

 

Napangiti naman ako. Success. 2 weeks with Kim Jisoo tayo mga kaibigan! 

 

 

-----

 

 

Mabilis akong nag-drive papunta sa dorm ng lady spikers. Pano ba naman kasi, 6:30 na ko nagising at kahit wala pang ligo-ligo, nag drive na agad ako papunta sa taft. Sinuwerte ako dahil wala masyadong traffic ngayon. 

 

Pag di pa sya gising, pasasabugin ko yung dorm nila. 

 

Gaya ng sabi ni Seul, nagpark ako sa tapat ng isang building na katapat lang ng DLSU. Never pa kasi ako nakapunta dito kaya malay ko din ba. 

 

Nakita ko na agad si Jisoo na naghihintay dun sa may lobby at nagc-cp. Naka-Neon Colored shirt sya at trackpants. Tila naman sya magjo-jogging kung tignan pero gaya nga ng sabi ko kahit dati pa, sadyang malakas yung dating nya. Ang cutie nya tignan and at the same time ang dyosa. Hay, goodbye world na. 

 

"Uy, nakatulala ka dyan." 

 

Nagulat naman ako nung nakita ko syang nasa harap ko na agad. Parang ang bilis naman ata ni hindi ko nga namalayan eh. So nakatulala lang pala ako na parang tanga kanina? Nakakahiya naman, kasalanan nya to eh! 

 

"S-Sorry. Tara na." 

 

Agad akong tumalikod para itago yung namumula kong pisngi. Di ko man nakikita pero mararamdaman ko. 

 

"Ako na magdri-drive." 

 

Di na ko nakapalag sa sinabi nya dahil bigla nyang hinablot sakin yung susi ng kotse ko. Okay fine. 

 

Dun na ako naupo sa passenger seat at sya naman sa driver's. Alangan namang sa likod sya umupo diba? 

 

Napansin ko na isang training bag lang yung dala nya. Mabubuhay na sya nyan? 

 

"Uy Jisoo, konti naman ata ng dala mo." Sabi ko dito na ngayon ay nagsimula ng magmaneho 

"Marami na yan. 10 shirts, 5 hoodies and 10 track pants. May sapatos pa yan then slippers." 

"Weh? Parang ang dami pang space." 

"Si Chaeng kasi nag-ayos nyan. She knows how to organize my stuffs kaya ayun parang konti lang." 

 

Si Chaeyoung pala eh. Lagi naming inaasar yan dati ni Lisa na katulong sa bahay kasi pag nasa iisang bahay kami, naglilinis sya maya't maya. Ayaw nya ng madumi at gusto nya organized lahat. Minsan nga sinasadya naming papuntahin si Chaeng pag magulo yung bahay kasi lilinisin nya yun kahit gano kagulo. 

 

"Okay lang ba sa family mo na maki-celebrate ako sainyo?" Tanong neto 

"Oo naman. Mas gusto nila Mommy pag may dinadala akong friends. Si Lisa at Nayeon ang kasama ko last year eh." 

"Ahh kaya pala. I saw the pics." 

"Ha? Pano? Sa pagkaka-alam ko di pa tayo magka-kilala nun." 

"Well, I know you at nakita ko sa acct ni Chungha. Minsan kasi ginagamit ko yun." 

"Stalker ka ah," pang aasar ko dito

"Not really. Feeler ka lang." 

 

Aray naman. 

 

Sinimangutan ko lang sya at inenjoy nalang yung tugtog mula sa radyo. Ewan ko ba laging natatapat sakin yung old songs. Yung tipong Ariel Rivera, Basil Valdez at Jaya yung bungad eh. Hello, millennial po ako pero di ko naman maitatanggi na maganda yung songs nila. 

 

-----

 

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, sinalubong agad ni Mommy ng yakap si Jisoo na obviously, nagulat din. Teka? Ako yung anak dito bat di ako yung sinalubong?

 

"It's been awhile, Jisoo! How have you been? Bat di mo na ko binibisita sa hospital?" Sunod-sunod na tanong ni Mommy 

"Okay naman po and sorry po. Busy po sa acads, training and work eh.." Nahihiyang sabi ni Jisoo. Ang cute nya mahiya hihi. 

"That's good! Buti bumalik ka na sa volleyball. Sayang kasi yung talent mo eh if ever na di mo tinuloy ulit. Tsaka haven't I told you na sa hospital ka nalang mag part time? Bibigyan pa kita ng mataas na salary!" Grabe, iba din yung pagka-madaldal ni Mommy. Ni hindi na nakasalita ulit si Jisoo eh 

"Oo nga po eh. Tsaka si Tita Suzy po kasi inofferan ako ng trabaho dun sa bagong bukas nyang café along katip. po." 

"Ah ganun ba? O sya, basta dun ka sa ospital ko magtra-trabaho after mong gumraduate ah?" 

"Opo." 

 

Hinayaan ko nalang muna mag catch up yung dalawa. Nakakatuwa silang tignan. Parang happy family tuloy kami. Tatanggapin kaya ni Mommy si Jisoo pag sinabi kong gusto ko sya? 

 

Tama kayo ng basa mga kaibigan. Inaamin ko na nga pong gusto ko si Kim Jisoo. 

 

Kagabi kasi di ako makatulog dahil sa kakaisip sakanya. Yung tipong kahit nakapikit ako sya talaga yung nakikita ko eh. Pag nakamulat naman ako ganun din. Siguro ngayon ko nalang din talaga na-realize dahil dun sa nangyari nung isang gabi. Nung nag open up sya sakin, parang mas nagustuhan ko pa sya. Para bang gusto ko din syang pasiyahin. 

 

Tinawagan ko din si Nayeon kagabi at sinabi ko sakanya yung nararamdaman ko at di nagulat si loka. Obvious naman daw kahit nung una pa. Para daw akong asong ulol kung makangiti pag andyan si Jisoo eh. Iba daw yung aura ko pag andyan sya.

 

 Hala, mukha kaya akong tanga sa harap nya? 

 

Tangina nakakahiya naman pero sabi ni Nayeon, parehas pa daw kaming di pa nakakahalata nung feelings ko sakanya. Sabi pa nga nya, manhid daw si Jisoo. Kahit pa nga daw bulag, mahahalata yung pagka-patay na patay ko sakanya. 

 

Ganun ba ka-grabe? 

 

Tumalon ako papunta sa kama ko at sumigaw sa mga unan. Nakaka-frustrate na ewan! Di naman ako ganito dati kay Yoongi pero bakit ngayon tila ako high school na first time ma-in love. 

 

Pero no, masyado pang maaga para sabihin na in love ako! Gusto ko lang sya. Tama, gusto ko lang sya. Yun lang yun. 

 

Maya maya may kumatok at alam kong si Jisoo yun kaya mabilis kong inayos yung sarili ko at pinagbuksan sya ng pinto. 

 

"Pasok ka muna. Liligo muna ako ah." Sabi ko dito at agad nya kong tinignan ng may halong pang-aasar 

"Ew. Di pa naliligo!" 

"Grabe ka maka-ew! Kahit mag amuyan pa tayo eh!" 

 

Pinagsisihan ko bigla yung sinabi ko dahil bigla nya kong hinila papalapit sakanya at inamoy yung bandang leeg ko. Putangina. Guys ang lapit nya!!! Kinikilabutan ako shems. Tas mga bes! Ang bango nya! Mas mabango sya kesa sa kahit na anong amoy na nalanghap ko! Ang sarap nyang kainin. Teka, ang panget ng term... pero basta ang bango nya eh! 

 

"Bango ah." Bulong neto sakin at naramdaman ko yung mainit nyang hininga sa leeg ko at kinilabutan talaga ako dun shet 

"T-Tigilan mo nga ako!" Nauutal kong sabi dito at tinulak palayo

"Sabi mo eh." 

 

Sinimangutan ko lang sya bago tumakbo papunta sa banyo. Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko. Tinry kong pakalmahin yung sarili ko. Jusme anong klaseng eksena yun? Shet na malupet.

 

Napa-iling nalang ako at naligo nalang sa malamig na shower. Para magising-gising din yung diwa ko. 

 

Kinuha ko yung strawberry body wash ko na bagong bili palang at kalahating laman nun ang ginamit ko. As in binudburan ko ng body wash yung buong katawan ko. Wala lang. gusto ko lang maamoy ako ng bongga ni Jisoo. Kahit nga shampoo naglagay ako ng napaka-dami eh. 

 

After kong mag-shower, nag apply pa ko ng light make-up kahit na dyosa na ko kahit wala nun. Gusto ko lang ulit mag-mukhang maganda sa paningin nya. Ang weird ko diba? Pero wala akong pake. 

 

Sinuot ko din yung hoodie ko at sweatpants since napansin ko na ganun yung porma ni Jisoo para matchy matchy kami kahit na di yun ang nakasanayan kong style. 

 

Lumabas na ko sa cr at agad napatingin si Jisoo sakin na ngayon ay may binabasa sa couch ko. Tinignan nya lang akong saglit at bumalik sa pagbabasa ng libro nya. 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjisoo
OMG KAILAN PA NAGING 3K READS TO?!?! THANK YOU SA LAHAT NG BUMABASA AT NAG VIEW KAHIT DI NAGUSTUHAN HAHAHA THANK YOU PA DIN!! LOVE YOU ALL! :)

Comments

You must be logged in to comment
jisooskai
#1
Chapter 4: Hi author, pagalawin mo po baso hehe
markaxel
#2
Hello ulit authornim, napadaan lang, beke nemen 😅🥲😂
notjisoo
12 streak #3
grabe super dedicated nung ibang readers dyan HAHAHA it makes me want to update again. Pano kasi, nabaha yung phone ko last year and andun sa notes lahat ng drafts ko :(( sana pala inupload ko nalang sya back then but I'm not satisfied eh. Pero i'll consider it once na bakasyon na hihi, alam ko pa din namam flow ng story soooo, papaasahin ko kayo :>
_kathyyyyyyyyyy
#4
dalawang taon na akong naghihintay sa ud neto hahahaha sana maiutuloy mo author
markaxel
#5
Chapter 13: Authornim? 🥺 imy Ingat lagi 🥺
Neveabravo #6
Chapter 13: Please update soon author-nim🥺🥺
I badly need some jensoo
Neveabravo #7
Chapter 13: Wow ang ganda talaga author-nim
Still waiting for the next update🥰🥰🥰
holmesfreak1412 #8
Chapter 13: Mas nag eenjoy ako sa POV ni Jennie haha pero necessary naman tung side ni Jisoo din eh . Update ka na pls. Na eexcite akong mabasa yung mga voleyball matches
Seulgi4lyf #9
Chapter 13: ANG GANDAAAA EBARGS!!!!!!
markaxel
#10
Chapter 13: Hello authornim, I hope everything is well. Will be waiting to your next update :)