Chapter 3
Blue and Green
"Pero mamsh bat ba kasi magkasama kayo kagabi?" Tanong ni Wheein
"Nakita ko sya dun sa loyola, bisitahin ko sana si dad. Sa hindi inaasahang pagkakataon, girlfriend nya pala yung pinsan kong si Chungha. Binisita nya din kasi kaya ayun" Explain ko sakanila
"Si Chungha? Pinsan mo pala yun? Perfect Couple tingin sa kanila dun sa MC eh." Sabi naman ni Ate Irene. Miriam din nga pala to galing.
"Ay shibs din pala tong si Jis, pwede sana sila ni Jen kaso may jowa." Sabi naman ni Lisa. Agad ko naman syang tinignan ng masama
"Pwede naman talaga eh. Namatay na kasi si Chungha," Sabi ni Ate Irene
"Ay shems. Sorry.."
Tinanguan ko lamang si Lisa. Si Ate Irene naman nilapag nya yung phone nya sa gitna at nakita namin ang picture ng dalawang babae. Stolen shot yun. Magkawak sila ng kamay sa loob ng campus ng miriam. Ang cute nila tignan kita mo sa mga mata at ngiti na mahal na mahal nila yung isa't isa. Grabe, nakaka miss si Chungha.
"Huy grabe. Ang sweet nila tignan sayang sila." Sabi ni Nayeon
"True, look at those love-sick smiles." Sabi naman ni Wendy
"Ang ganda nung pinsan mo, Jennie. Anyare sayo?"
Binato ko naman si Joy ng bola na malapit sakin. Yung akala kong seryosong usapan, napunta na naman sa barahan dahil kay Joy. Hayop talaga to pero ano bang bago?
-----
Napatingin ako sa cellphone ko at may 20 minutes pa bago matapos tong Anatomy & Physiology class ko. Isa to sa pinaka-ayaw ko na class kasi classmate ko lang naman yung ex ko, si Yoongi.
Sa lahat ata ng naging jowa ko sya yung pinaka-tumagal. Sa totoo lang, lately lang kami nag break neto. Naaalala ko pa dati parang power couple kami kasi Volleyball Player parehas tapos parehas din kami ng expression lagi. Laging tingin samin ng mga tao cold ganun pero iba naman talaga yun sa kung ano talaga kami. Nakilala din kami kasi nag perform kami ng kantang ginawa namin sa bonfire. Rap song pa nga sya eh.
Kaya maraming nanghinayang nung nag break kami. Perfect Couple daw ganun. Sa totoo lang, mas nanghinayang pa sila kesa sakin eh. Tangina, never akong manghihinayang sakanya no!
Masasabi kong bitter ako sakanya kasi tangina pinagpalit lang naman ako nyan sa teammate nya. Kay Jimin? Tama, sa lalaki lang naman. Kung sainyo mangyari yun, ano kaya mararamdaman nyo? Tsk, Magsama sila ng bakla nya.
Daming nagtatanong kung ano rason ng biglaang break up namin pero mas minabuti naming manahimik nalang. Ayoko ding mapahiya at ayaw din ni Yoongi na makarating to sa magulang nya.
"Jennie.."
"Ay bakla."
Nakita ko naman kung pano ako pinanlakihan ng mata ni Yoongi. Natawa lang ako ng bahagya kasi bakla pa talaga nasabi ko.
"Nagmamagandang loob lang sana akong sabihin sayo na kanina pa may tumatawag sayo." Sabi nya sabay turo sa nagvi-vibrate kong phone "natawag pa kong bakla."
"Bakit di ba totoo?"
Nag excuse na muna ako sa prof ko at lumabas saglit. Magandang excuse na din para mag cut ng class.
Unknown Number.
Di ko alam kung sasagutin ko o ano eh. Kaya hinayaan ko nalang muna at naglakad papalayo sa classroom namin.
Di nagtagal, message naman ang dumating.
unknown: Are you still in class? -Jisoo
Mas mabilis pa ko sa alas syete kung i-call back sya. Ewan ko ba, di ko maintindihan sarili ko.
"Hello? San mo nakuha number ko?"
"Hi Jen. Got it from Roseanne. May nawawala ba sayo?"
"Pinagsasabi mo?"
Tinignan ko naman yung sarili ko at parang wala naman.
"Rolex. I think it's yours?" Agad ko namang tinignan yung wrist ko at wala nga yung relo ko dun.
"Hala shems..San ka? Kunin ko yan."
"Parking Lot. I can see you already."
Agad naman akong napatingin sa Parking Lot at nakita ko nga si Jisoo na nakatingin din sakin. Naka hoodie sya kahit na ang init init? Di ko talaga sya maiintindihan.
Pag nale-late ako sa class ko or training, di ako tumatakbo, di din ako nagmamadali? So bakit ako tumatakbo ngayon? Di ko din alam.
Sinalubong ako ni Jisoo ng isang malawak na ngiti. Agad nya namang inabot sakin yung Relo ko.
"Di mo naman kailangang pumunta pa dito."
"Shouldn't you thank me first?"
"Tch. Wala ka bang classes?" Pang-iiba ko ng usapan.
"Meron."
"Eh ano pang ginagawa mo dito? Bumalik ka na sainyo." Pang-tataboy ko naman sakanya
"Gusto ko mag ikot-ikot eh. Samahan mo ko?"
"Ayoko nga. Bahala ka sa buhay mo."
Ang taray ko. May pag walk out si Ate Girl. Well, kahit na gusto ko sya samahan, di pwede. Kailangan ko kasi samahan si Lisa sa library. Ewan ko ba dun, tila ako lang yung kaibigan na meron sya at laging ako yung sinasama nya sa lahat.
Nakasalubong ko naman si Lisa sa pagpunta ko dun. Di ko naman maalis sa isip ko si Jisoo. Baka kung saan mapadpad yung tao eh pero naalala ko na taga Miriam sya at imposible namang di nya pa napasok tong school. Alam nya facilities dito for sure.
Since nasa library nalang din kami, nag-decide nalang akong mag aral para umunlad naman yung buhay ko.
"Jen, namamalik-mata lang ba ko o si Jisoo yung nakikita ko?" Sabi ni Lisa
Tumingin naman ako sa kung saan nakatingin si Lisa at naaninag yung pamilyar na babaeng naka hoodie. Tumitingin-tingin lamang sya sa paligid. Yung ibang students nakatingin din sakanya. Syempre, ano namang gagawin ng Lasallista sa Ateneo?
Tas ang nakakatawa pa, may naka print sa hoodie nya na "When arrows fly, eagles die." Lakas din ng loob magsuot ng ganun sa lungga ng mga kalaban eh no?
Kinuha ko yung phone ko at tinext sya.
Jennie: Bakit palakad-lakad ka lang dyan? Para kang tanga.
Jisoo: Well, someone named Jennie Kim decided to leave me. I have nowhere to go.
Jennie: Dito ako sa rizal lib. Nakaka-awa ka tignan dyan.
Jisoo: Don't worry, I want to be alone.
Wow? Bipolar din sya ah? Parang kanina gusto nya magpasama tapos ngayon gustong mapag-isa?
"Jen, si Chaeyoung pupunta din ata dito."
"Ha?" Bat ba nagpupuntahan yung mga kalaban dito?
Pinakita sakin ni Lisa yung snap ni Chaeyoung. Picture nya tapos naka-busangot. Ganda din talaga neto ni Chaeyoung pero kapansin-pansin yung caption.
When Bae left you and now you gotta follow her 💙🙃
"Pano mo naman nasigurado na si Jisoo tinutukoy nya?"
"Ano ka ba, bae tawag nya kay Jisoo. Di mo ba nakita yung snaps nya? Yung tweets? Yung sa insta nya-bat ganyan ka ngumiti?" Bigla nyang tanong ng makita akong nakangiti sakanya
"Stalker ka ah."
"Hoy h
Comments