Chapter 4
Blue and GreenLumipas ang ilang linggo, nagsimula ang twice a day training namin kay Coach Tai. Isang buwan mahigit nalang kasi at Volleyball Season na naman. Kailangan unang round pa lang maging strong na kami dahil mahirap maghabol. Madaming teams ang uhaw sa championship.
Di na kami makapag-chill lang dahil etong si coach tai masyado kaming pinapagod.
Ngayon nakahiga kami lahat sa sahig at hinahabol ang aming mga hininga. Binigyan kami ni Coach ng 15 minutes break. Kinuha ko naman agad yung cellphone ko at tinignan kung may nag message.
Jisoo: u look so tired
Jennie: wdym. San ka?
Jisoo: Hanapin no ;p
Napaupo naman ako ng wala sa oras at tinignan yung buong gym. Marami ding nanonood kaya mahihirapan akong hanapin tong loka na to.
Jennie: bat ba gala ka nang gala? No classes?
Jisoo: pake mo ba hahaha. I do have pero it's done na
Jennie: rude. San ka ba kasi?
Jisoo: why? Gustong gusto mo na ba ko makita?
Jennie: ew. u know what? Bahala ka dyan
Maya maya may naghagis sakin ng towel at sunod kong narinig ang mga nakaka-asar na hiyawan ng teammates ko. Inalis ko naman sa mukha ko yung towel at tinignan yung may sala. Nakita ko naman na si Jisoo yun. Meron na agad nakakasilaw na ngiti sa labi nya.
"Hi Jisoo! Napadpad ka?" Bati ni Ate Irene sabay beso kay Jisoo
"Hello Ate Joohyun. Malapit lang kasi yung workplace ko dito so daan nalang ako. Besides, I also want to see Jennie."
Etong conyo na to di ko alam kung gusto ba makipaglandian sakin or ano eh. Bat ganun sya magsalita?!
"Huyyy. May something sainyo ni Jennie no?" Mapang-asar na tanong ni Nayeon
"Wala po. Just want to be close to her."
"Edi may gusto ka nga kay jennie namin?" Singit naman ni Ate Solar
"Opo." Bigla naman lumakas yung kabog ng dibdib ko sa sagot nya. "Gusto ko po sya maging friend."
Ay putangina. Meron pa bang mas magiging paasa kay Kim Jisoo?? Ay teka? Anong paasa? Hoy nako Jennie Kim di pwede to!
"Ay kikiligin na sana kami kaso bigla mong binawi." Ay nako tama ka dyan Ate Sulli
"Ahh sorry po.. Gusto ko lang po sya maging kaibigan. Less malisya nalang po" Sagot naman ni Jisoo at tumingin sakin with matching ngiti pa pero sinimangutan ko lang sya
"Pero mukhang hindi yun ang gusto ni Jennie." Pang-aasar ni Wendy
"Mukha mo! Oh tapos na 15 minutes tara training na tayo!" Pang-iiba ko
"Excited ka mamsh? 5 minutes pa nga lang pahinga natin eh." Sabi naman ni Wheein
Oh at least nawala na samin yung atensyon. Naupo na lamang ulit ako at hinayaang pagkaguluhan ng teammates ko si Jisoo. Kung ano ano pinag-tatanong nila eh. Ako nalang yung nahihiya.
-----
"Girls? Is it okay if I join you? One set lang." Sabi ni Jisoo na ikinagukat naming lahat
"Seryoso ka?" Takang tanong ni Hwasa
"Yes po and kung okay lang, pwede Outside hitter din po ako?"
Ano pa bang next mong sasabihin Jisoo para di naman kami magulat ng ganito.
"Yes! Basta sa team ko si Jisoo okay?" Agad na sabi ni Ate Irene
"Luh ang daya nyo! Defense specialist yan eh. Pano na team namin?" Angal ni Joy
"Excuse me, nasainyo na nga yung starting line up tas nagrereklamo ka pa?" Sabi naman ni Tzuyu
"Oo na. Baka mamaya magkasabunutan pa tayo eh!"
Pumwesto naman kami sa kanya kanyang zone. Grabe. Seryoso ba si Jisoo? Maglalaro sya ng naka skinny jeans at vans pero nung nagtama yung mata namin, binigyan nya lang ako ng panatag na ngiti. Okay, bahala sya.
Sa team ko, andito si Lisa, Nayeon, Joy, Wendy, at Ate Solar. Sa kabila naman ay si Ate Irene, Jisoo, Wheein, Hwasa, Tzuyu at Sulli.
Ewan ko ba, feeling ko may nakakagulat na gagawin tong si Jisoo eh.
Nag serve na si Ate Irene, receive ni Wendy, at set ni Nayeon papunta kay Ate Solar pero bumalik samin ng nablock siya ni Sulli. Buti nalang at andun si Wendy at kahit broken play, naibalik namin sa kalaban. Free ball nga lang.
Nakita ko yung lantaran na sensyasan si Ate Irene at Jisoo. Nang-aasar ba sila? Tsk. Since nasa harap ko si Jisoo, mas maiging bantayan ko sya. Tignan natin ang kaya nyang gawin.
Receive ni Wheein, set ni Ate Irene kay Jisoo. Magkasabay kaming tumalon pero putangina higit na ang taas ni Jisoo sakin at nakita ko pa yun
Comments