Chapter 1

Blue and Green
Please Subscribe to read the full chapter
Hi! Bago nyo basahin tong fic na to, gusto ko lang sabihin na intense ang mga salita na makikita at mababasa nyo sa story na to. Maraming mura, kabalastugan o mga di kaaya-ayang salita. Kung di po kayo komportable sa ganun, wag nyo nalang po ituloy. Pero kung gusto nyo at desidido kayo, GO NA!!

 

------

 

"HOY GUMISING NA KAYO DYAN!!" 

 

Napilitan akong gumising sa nakakarinding sigaw ni Joy mula sa baba. Tangina, ang aga aga. Ano bang problema nya? Sa pagkaka alam ko, sabado ngayon at dapat pahinga namin. 

 

Sinilip ko yung mga roommates ko na si Lisa at Nayeon na ngayon ay tulog mantika pa din. Wala sa loob kong tumayo dito sa aking pagkakahiga. Mas mahirap pag si captain ang gigising samin. 

 

Iba pa naman magbunganga si Ate Solar at ang mas masaklap pa, baka mabuhusan pa kami ng malamig na tubig. 

 

Nag decide muna akong bumaba para malaman kung ano ba ang nangyayari sa mundo. 

 

Nakita ko na agad sa dining table ang teammates kong mas maaga pa sa manok. May mga kanya kanyang hawak ng cellphones habang umiinom ng kape. 

 

"Ate Solar, ano bang meron? Sa pagkaka alam ko, wala namang training ngayon." Pambungad ko na tanong sakanya. 

"Goodmorning din sayo, Jennie." Tumawa lang ako at nag peace sign sakanya, "May tune up game tayo sa La Salle ngayon, mamayang 10 dyan sa BEG. Nagulat nalang din ako sa balita nung tumawag si Coach sakin kanina." 

"La Salle talaga? Ayos pala eh. Mapapakita natin sa kanila na kayang kaya natin makuha yung championship sa kanila." Pagmamalaki ko

"Gago, la salle pa din yun. Sila lang naman ang naglampaso satin last season." Pagpapaalala ni Joy

"True at may bago silang libero. Fresh from Miriam yun mamsh. Tanong mo kay Ate Irene, kilala nya yun." Sabi ni Wendy 

"Sows! Kaya nya bang saluhin mga spike ko?!" Birong tanong ko habang umaakto na pumapalo

"Ang hambog mo, sis. Baka pagsisihan mo yan mamaya!" Pag angal ni Wheein 

"Baka pagsisihan." 

 

------

 

Sabay sabay kaming pumunta sa BEG. Tila kami hindi atenista kung mag-usap. Well, kasi naman, kahit galing kami sa marangyang pamilya, hindi kami katulad ng mga estudyante dito na spokening dollars at mga sophisticated. Minsan naman kaya namin maging ganun but most of the time, may pagkamaingay kami at minsan pa ay pasmado ang bibig.

 

Bago pa kami makapasok sa gym, may dumaan na bus at halatang galing sa La Salle. Pano mo di mapapansin eh kung pagkalaki-laking 'De La Salle University' ang nakabalandra sa bus nila. 

 

"Guys wait na natin sila." Sabi ni Ate Solar. 

 

Humilera naman kami sa labas ng BEG na may mga nakakasilaw na ngiti. Kung titignan mo sa malayo, kulang nalang ay mga photographer sa harap eh. Tila kasi kami nasa Red Carpet.

 

Unang lumabas si Coach Ramil na agad naman naming binati. Sunod na lumabas ang mga players at napahinga nalang ako ng malalim. Ang gaganda talaga ng players ng La Salle. Lalo na yung team captain nila na si Ate Krystal? Grabe, kaya nga baliw na baliw dyan yung kaibigan ko slash teammate nya na si Seulgi eh. 

 

Pamilyar sakin ang mga bumaba mula sa bus pero yung huling babae ay di ko kilala. Kasama sya ni Mina. Di sya katangkaran kumpara sa mga teammates nya pero sa tingin ko magkasing-tangkad lang kami. 

 

Parehas sila ni Mina, tila mga walang emosyon ang mukha. Sya siguro yung sinasabi nila Ate Solar na bagong libero nila. 

 

Napatingin sya sa gawi ko at agad akong nag panic at tumingin sa kawalan. , nahuli ako.

 

Tangina. Ang ganda nya naman. 

 

"Goodmorning sainyo. Salamat at pinagbigyan mo din kami sa kahilingan namin Coach Tai." Sabi ni Coach Ramil na tinanguan lang ni Coach Tai. Kala mo talaga naintindihan ni Coach eh no? "Start na ba tayo?" 

"Yes coach!!" 

 

Sabay-sabay kaming pumasok sa aming napakalaking gym at nag kanya kanyang hagis na ng sports bag dun gilid. Nagsuot na din ako ng knee pads at nagtali ng buhok. 

 

Instead na hiwalay ang stretching zone namin, pinag isa nalang ni Coach Ramil. Para daw magkaruon ng closure kahit na rivals. Actually, friends naman talaga kami off-court. Minsan nagha-hang out pa kami kasama sila pero yung iilan lang. Yung iba kasi sakanila di talaga namin ka-vibe. 

 

Ako di ko sila masyadong kinakausap kasi mapapasabak talaga ako sa matinding english-an dito! HIndi naman sa bobo kami when it comes to that pero kasi sila, first language ata ang english kaya yun ang lagi nilanga gamit.

 

Pero may kaibigan pa din naman ako dun. Si Chaeyoung, Yeri, Seulgi at Ate Moonbyul. Yung iba talaga it's either intimidating sila or di lang talaga ka-vibe. Di pa naman ako pala kaibigan. 

 

So ayun na nga, bumuo kami ng isang malaking bilog sa court at sa di inaasahang pagkakataon, yung ateng maganda kanina, nakita ko pang bumeso kay Ate Irene. Nako mga Miriam babies. 

 

Nagsimula na kami mag stretching. Yung dalawang captains ang nag lead. 

 

Napatingin na naman ako sakanya at nahuli nya na naman akong nakatingin sakanya. Agad na akong umiwas. Tangina, ganda kasi nya. Bakit di nalang sya nag Ateneo? 

 

"Jisoo." Isang malalim na boses ang narinig ko sa gawing kanan. 

"Ha?" Parang tanga kong tanong 

"Tingin ka kasi nang tingin eh. Feel ko nahihiya ka lang itanong pangalan ko kaya inunahan na kita."  

 

Ay puta. Ang hangin ah?! 

 

"Baka nga." Pagtatanggi ko pero puta feeling ko namumula ako? 

"Okay, sabi mo eh." Bigla syang nag smirk. Omg?! Ang hot nya? 

 

Di ko nalang sya pinansin. Turn off ako sakanya ng very slight. Ayoko kasi ng mahangin eh. 

 

Natapos na din ang pamatay na warm up at pumunta na kami sa designated side. 

 

"Girls, walang personalan tong game okay? Friendly match lang pero ayusin nyo. Takutin nyo yung La Salle. Pakita nyo na di madali ang magiging kalaban nila. Reminder lang sa mga spikers, grabe yung improvements ng blockers ng La Salle. I've watched their training the last time pero kaya naman lusutan yun lalo ka na Jennie. Ang ikatakot nyo ay si Jisoo. Kung may paraan para di mapunta ang bola sakanya, gawin nyo." Mahabang salaysay ni Coach Sherwin. May inasikaso kasi si Coach Tai kaya sya muna ang naghandle samin. 

 

What? Ganun ba talaga sya kagaling? At pati si Coach Sherwin ay nagagalingan sakanya? Minsan lang kasi pumuri tong bakla naming coach. 

 

"Mas magaling pa din yung Wendy natin!" Pagmamalaki ko 

"Mali ka, Jen. Kilala ko yan si Jisoo. Grabe humakot yan ng awards. Galing ka kasing abroad kaya di mo sya kilala." Sabi naman ni Wendy

 

Natahimik na lamang ako at napag isip isip pero kahit gano pa yan kagaling, may tiwala ako sa teammates ko. Kaya namin to. 

 

"Okay girls. Galingan nyo ah. One Two.." 

"HEARTSTRONG!" 

 

Si Ate Irene ang aming Setter, Si Ate Solar at ako naman ang Wing spikers, Si Lisa ang Outside, Si Joy ang Middle at si Wendy ang aming Libero. 

 

"Let's do this guys!" Pag anyaya ko sa teammates ko. 

"Yeah!!" 

 

Nakilala ko naman agad ang mga mukha na nasa kabilang side ng net. Mga dyosa talaga. At nakakalula yung tangkad nilang lahat. 

 

Si Ate Krystal, Seulgi, Chaeyoung, Moonbyul, Sana at Jisoo lang naman. 

 

Si Ate Moonbyul na katapat ni Ate Solar ay nagawa pang mag harutan. Tong magjowa talaga! 

 

Si Ate Irene ay nasa Service line na at na ideliver nya naman yun ng maayos. Talagang di nya to pinapunta sa gawi ni Jisoo. Na receive yun ng maayos ni Chaeng at Sinet naman ni Seulgi papunta kay Ate Krystal. Sa sobrang lakas nito, di kinaya ni Wendy at dumaplis  lang sa kanyang mga braso. Ganda ng pagka cross court hit. Idol talaga to. 

 

Si Seulgi naman ang nag serve at kay Wendy pa din ang target. Tangina alam nila na baguhan pa lang sya sa puwesto na to kaya sakanya talaga ang bigay eh. Sa kabutihang palad, na rece

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjisoo
OMG KAILAN PA NAGING 3K READS TO?!?! THANK YOU SA LAHAT NG BUMABASA AT NAG VIEW KAHIT DI NAGUSTUHAN HAHAHA THANK YOU PA DIN!! LOVE YOU ALL! :)

Comments

You must be logged in to comment
jisooskai
#1
Chapter 4: Hi author, pagalawin mo po baso hehe
markaxel
#2
Hello ulit authornim, napadaan lang, beke nemen 😅🥲😂
notjisoo
12 streak #3
grabe super dedicated nung ibang readers dyan HAHAHA it makes me want to update again. Pano kasi, nabaha yung phone ko last year and andun sa notes lahat ng drafts ko :(( sana pala inupload ko nalang sya back then but I'm not satisfied eh. Pero i'll consider it once na bakasyon na hihi, alam ko pa din namam flow ng story soooo, papaasahin ko kayo :>
_kathyyyyyyyyyy
#4
dalawang taon na akong naghihintay sa ud neto hahahaha sana maiutuloy mo author
markaxel
#5
Chapter 13: Authornim? 🥺 imy Ingat lagi 🥺
Neveabravo #6
Chapter 13: Please update soon author-nim🥺🥺
I badly need some jensoo
Neveabravo #7
Chapter 13: Wow ang ganda talaga author-nim
Still waiting for the next update🥰🥰🥰
holmesfreak1412 #8
Chapter 13: Mas nag eenjoy ako sa POV ni Jennie haha pero necessary naman tung side ni Jisoo din eh . Update ka na pls. Na eexcite akong mabasa yung mga voleyball matches
Seulgi4lyf #9
Chapter 13: ANG GANDAAAA EBARGS!!!!!!
markaxel
#10
Chapter 13: Hello authornim, I hope everything is well. Will be waiting to your next update :)