QBAI-8

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

                                      QBAI-8

 

SEULGI'S Pov

 

"O? Ano pang hinihintay mo babymanyak? Tara na sa loob" ginawaran ko naman siya ng masamang tingin pero ang gaga tinawanan lang ako at kinindatan. Tusukin ko mata niya eh!

 

"Ayaw mo? Sige bahala ka diyan" aalis na sana siya ng pinigilan ko. 

 

"B-bakit di nalang ikaw ang kumuha!?" ngumisi naman ito ng nakakaloko.

 

"Dahil hindi mo magugustuhan ang ibibigay ko sayo, babymanyak" tumawa pa ito ng malakas. Eh kung sampalin kaya kita diyan!

 

"I'm just gonna count to three babymanyak. Kapag hindi ka pa pumasok sa kwarto ko, matutulog ka talaga ng walang damit" sinamaan ko naman siya ng tingin. Demonyo talaga ang babaeng to. Ang sama ng ugali!

 

"One" 

 

"two"

 

"thr-"

 

"Oo na! Oo na!" dali-dali naman akong pumasok sa kwarto niya at hinanap kung nasaan man ang closet niya. Ang kaso nga lang, sobrang laki ng kwarto niya. Two times ata sa laki ng kwarto ko sa kabila. 

 

Jusko! Kwarto pa ba to o bahay

 

"Kung hindi ka ba naman tanga sana hinintay mo ako no" hindi ko siya pinansin at tumayo nalang sa gilid ng kama niya. Pinagmasdan ko siyang tumayo sa may isang pintuan at binuksan ito. 

 

Hay nako. Kung ano ang ikinaganda niya ayon naman ang ikinapangit ng ugali niya. 

 

"Alam kong nakakatulala at tulo-laway itong kayhan ko pero nangangalay na ako at nilalamig. So please pasok na" namula naman ako. 

 

"Asa!" pumasok ako sa binuksan niyang pintuan at tumambad lang naman sakin ang napakaraming damit. As in bawat sulok merong damit. Kita ko rin ang mga designer bags na nakadisplay sa isang sulok. Pero ang mas nakakalula ay ang mga sapatos na nakadisplay sa isang glass. May balak yatang magtayo ng boutique tong babaeng to. 

 

Binuksan niya ang ilan sa mga drawers. Sumunod naman ako sakanya.

 

"Here are my undergarments na hindi pa gamit. Pumili ka na lang diyan. And here are my sleepwears" tinignan ko naman ang mga iyon para makapili.

 

"Jusko? Bat lahat puro malalalaswa? Wala na bang mas desente?" eh sa puro malalaswa ang naroon eh. Halos lahat maninipis at revealing. 

 

"Hahaha. Oh my god! Babymanyak. Wala ako ng sinasabi mo. Kung gusto mo itong suot ko ang hiramin mo" namula naman ako. Eh Mas lalong ayaw ko! Nakasuot na kasi siya ng nightgown na mas malaswa pa sa malaswa. 

 

"Eh ayaw kong nagsusot ng mga ganito!" bulyaw ko sakanya.

 

"No choice ka babymanyak. It's either sleep without anything on or ang magsuot ng isa dito. Ikaw bahala. Hahaha" naaasar na talaga ako sa maarteng to ah! Isa nalang talaga. 

 

Lord. Please po. Yung mahabang pasensya ko unti-unti nang nawawala. 

 

Sinamaan ko siya ng tingin at inikutan ng mata. Buntong hininga naman akong kumuha ng damit pantulog niya kuno. 

 

"See that wasn't so bad was it" di ko nalang siya pinansin at derecho akong lumabas sa kaniyang kwarto. Narinig ko pa ang tawa niya habang papalabas.

 

Bwesit. Mawalan ka sana ng hininga kakatawa. 

 

 

*KINAUMAGAHAN*

 

Hmmm ang lambot lang ng hinihigahan ko pati na rin ng unan ko. Ang sarap matulog ng ganito. Idagdag mo pa na sobrang bango kaya mas sumiksik pa ako ng maiigi. Ang lambot talaga! Parang may nararamdaman naman akong mainit na hangin sa leeg ko. Sumiksik pa ako ng konti.

 

"mmmh h-hey babymanyak. Wake up" 

 

Teka! Hindi naman umiihip ng hangin ang unan ah at mas lalong hindi ito nagsasalita. At kaboses pa ni arte! 

 

Dahil sa gulat ay iminulat ko ang aking mga mata at sumalubong sakin ang mga hibla ng buhok. ! My God

 

Dahan-dahan akong yumuko at doon ko nga nakita na nakasiksik sakin si arte. Mukhang di rin ito makahinga ng maayos. 

 

"Ahhh! Bakit ka nandito! Anong ginawa mo sakin ha! Manyak!" asik ko sakanya at kumawala sa yakap.

 

"You're the Manyak here! I was trying to wake you up but you suddenly pulled me and hug me to death!" 

 

"Sinungaling! Di ko magagawa yan!" 

 

"Anong hindi! Eh nagawa mo na nga!" 

 

"Bakit hindi ka kumatok!" 

 

"Gawd!" nagpapadyak ito "I was knocking over and over. Pero di ka sumasagot so binuksan ko at pinuntahan kita para gisingin!" 

 

"Eh bakit ba!" naiinis na napaikot ito ng mata.

 

"We're getting late goddammit! Bahala ka nga diyan!" padabog itong lumabas. Wow! Ako na nga itong dapat na magalit at magwalk-out dahil sa ginawa niya. Wow siya Arte!

 

Pagkatapos niyang magwalk-out ay bumaba narin ako. Naabutan ko siya sa may hapagkainan kasama si nanay lucing na naghahanda ng mga pagkain. 

 

"Oh Seulgi iha, buti at gising ka nap. Kanina ka pa kasi ginigising ni Irene" tumingin naman kay arte. Walang imik lang ito. Haiist 

 

"Oo nga po nay. Sarap ng tulog ko po kasi hehe. Ah Good morning nga po pala" ngumiti naman ito at inanyayahan akong umupo sa silya.

 

"Sige kumain na kayo" tuman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu