QBAI-5

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

QBAI V

 

Seulgi's POV

 

Nakakailang. Nakakailang ang mga tingin ng mga estudyante. May mangilan ngilan pa ngang kinukuhanan ako ng picture. Tsk. Nakakainis. Kamusta na private life ko niyan. Idagdag mo pa ang bodyguards na palaging nakasunod sakin. Lakas makahakot ng atensyon.

 

Nasa canteen kami ngayon at saktong maraming mga estudiyante ang nandirito. Mukhang napansin naman ng dalawang ugok at ni Moonbyul ang pagka-ilang ko.

 

"Seul, gusto ko lumipat tayo? Sa garden nalang tayo. Tahimik pa don" suggest ni Wendy

 

"Oo nga. Tapos na naman kaming mag-order eh. Tara?" sang-ayon naman ni Yeol na tinanguan ni Moonbyul.

 

"Sige. Salamat" tumayo kami at nagtungo ng Garden.

 

"Dito nalang tayo palagi guys. Mas tahimik at presko pa dito" sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Yeol. Masarap ngang kumain dito lalo't na maganda ang tanawin. Maraming magagandang bulaklak at puno kaya presko. Dagdagan mo pa na kakaunti lang ang mga estudiyanteng kumakain dito.

 

Tahimik lang kaming kumakain. Huwag kayo. Ganyan lang talaga kami kapag kumakain.

 

*Ring* *Ring*

 

Napatingin naman kami kay Moonbyul na tahimik lang na kumakain.

 

"Ahm. Byul. Di mo ba sasagutin yan?" tanong ko. Mukhang walang balak yata na sagutin yung tawag. Nakaka-ilang ring na yung tawag. Sigurado akong kung sino man yung tumatawag ay naiinip na.

 

"Sasagutin" napanganga nalang kami sakanya. Bigla naman siyang tumayo at lumakad palayo sa pwesto namin.

 

"Parang di na tayo nasanay sakanya. Haha. Classic Byul"

 

"She truly lives by her reputation" totoo nga. Byul was known in the school as the Snob Hottie. Kasi literal na sina-snob niya ang gustong makipag-usap sa kanya but somehow some students especially the girls find it hot. Nakakatakot ang mga babae sa totoo lang.

 

"Maswerte na siguro tayo dahil siya ang nag-approach at nakipagkaibigan satin" napangiti naman kaming tatlo at inalala kung paano namin naging magkaibihan si Byul.

 

Lumalakad lang kami noon papuntang room ng makasalubong namin siya. Hindi sana namin siya papansinin dahil alam namin na hindi rin kami niyan papansinin kaya nag-tuloy-tuloy lang kami. Ng biglang may humawak sa balikat ko kaya napahinto naman kaming tatlo. Nagulat pa nga kami na si Byul pala ang may ari ng kamay.

 

"Pwede bang. Makipag- kaibigan sa inyo?" napanganga pa nga kami dahil hindi namin inexpect yun.

 

"Mali. Sadyang mahiyain at tahimik lang si Byul kaya napagkakamalang Snob"

 

Maya't-maya pa'y bumalik na si Byul pero may kasama siya. Teka. Mga tropa to ni Irene ah. Pero nasaan na siya? At Bakit ko ba hinahanap yun? Tsk. Curious lang ako.

 

"Hi Guys!" masiglang bati ng babaeng short na blond hair.

 

"Hello Seulgi. Andito rin pala kayo" bati ni Krystal pero naka'y Wendy ang tingin. Psh. Mukhang alam ko na ang mangyayari.

 

"Byul..Babe. Introduced mo naman kami sa mga kaibigan mo" parang bombang may sumabog sa tenga namin sa narinig.

 

Si Byul tinawag na babe? This is news to us

 

"Kayo na. Kaya niyo na yan" sagot nito sa babae na ngayon ay parang linta kung makalingkis sa braso ni Byul.

 

"Sige na nga. Kahit kailan talaga masungit ka" Nag-pout pa ito.

 

"Hello guys ulit! I'm Kim Yongsun. Tawagin niyo nanlang akong ate Sun o ate Solar either way okay lang sakin. And Oo nga pala. Girlfriend ako ni Moonbyul" sabi nito at hinalikan pa sa pisngi si Byul. Hindi naman nakaligtas sa amin ang pamumula ng pisngi ni Byul. So may tinatagong cuteness rin palang si Moonbyul na to.

 

 

"I'm Krystal. Wendy's future Wife" tumingin naman kami kay Wendy na nanlalaki ang mata at nakangaga ang bibig. Mukha siyang tanga. Mukhang natauhan naman siya.

 

"Aba't hoy! Magdahan-dahan ka diyan sa pananalita mo ha. Bad yan!" sabat naman ng isa.

 

Napa-smirk naman si Krystal. Lumapit siya kay Wendy at umupo sa lap nito. Pinaglingkis pa ang mga kamay nito sa leeg ni Wendy at hinalikan ito sa labi.

 

Shookt naman kaming napatingin sakanila. Wow. I know na may pagkamalandi si Krystal pero for her to do that. Wow.

 

Humiwalay na ito kay Wendy na naging estatwa na sa kanyang posisiyon.

 

"I've been wanting to do that Baby. You just have no idea"

 

Hindi naman talaga pakboy si Wendy eh. Sa katunayan pa nga ay napakabait nito. Tanga nga lang. Wala ngang interest sa lablyf yan. Nag-jojoke time lang naman ako ng sinabi kong marami nang nakarelasyon yang si Wendy na sa katunayan ay wala naman talaga. Pero alam ko na alam naman yon ni Krystal eh.

 

"A-ang...ang first kiss ko. Wala na. Kinuha mo!" T_T parang naiiyak na si Wendy sa frustration.

 

"Wow" si Yeol at tinignan pa si Tzuyu.

 

"Huwag kang feeling. May girlfriend na ako"

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu