QBAI-3

Queen and I
Please Subscribe to read the full chapter

 

QBAI - III

 

 

Before happens(Flashback to mga bes)


SEULGI'S POV

 

"Seryoso ka. Di mo talaga alam kung sino si  Irene Bae" Di makapaniwalang saad ni Chanyeol.

 

Umiling naman ako. Kanina pa kasi sila tanong ng tanong. Nakakapagod ng sumagot.

 

"Wow. Saang lupalop ka ba namalagi at hindi mo kilala si Irene Bae huh" sabi naman ni Wendy. Tsk nakakarindi na ah.

 

"Eh sa di ko nga siya kilala eh!. Paulit-ulit niyo ng tanong yan ano kayo unli? Bakit di niyo nalang sabihin sa'kin kung sino yang  Irene Bae na yan at makapag simula na'kong makipag connect sakanya ng masimulan na tong project nato." medyo beastmode ko nang sagot.

 

Nagkatinginan naman ang dalawa. They look like they are contemplating to tell me something(naks english ah!)

 

"Ah ano kasi Seul. Baka kasi magulat ka at mas lalong mag beastmode" ninerbyos na sabi ni Yeol at napapatingin pa ito kay Wendy na kinakabahan rin.

 

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Madala kayo sa eyebrows on fleek ko. Hmp

 

"What he meant to say Seul is that ano. Ahm. Shet ang hirap. Tsk. Bahala na nga." ano ba tong babaeng to

 

"Oh ayan oh. Cellphone ko. Search mo nalang sa IG ang pangalang Bae Irene. Password is 485698" sabi nito at hinagis pa talaga ang cellphone niya papunta sa'kin. Tsk ang yaman talaga. Hinahagis lang ang Iphone X.

 

Tinignan ko naman silang dalawa at tumango lang sila na parang sinasabing ituloy mo.

 

Ginawa ko naman ang sinabi nilang dalawa. Binuksan ko yung phone at inilagay ang password. Hinanap ko na agad ang Instagram app. Kahit na wala akong cellphone o di kaya social life eh alam ko pa rin naman ang mga bagay-bagay kagaya nito. Inilagay ko na rin ang pangalan ni Bae Irene sa may search bar. Hinintay ko naman loading pa kasi eh. Tsk

 

"Teka saan ba dito? Ang daming Irene Bae eh" ang dami nga. Sini ba talaga tong babae ba to hmm.

 

"Yung pangalang @ItsIreneB sakanya yan." Sabat ni Wendy

 

Pinindot ko naman ang sinabing account ni Wendy. Loading pa.

 

"Teka!" napatayo naman ako ng wala sa oras. Umambad lang naman sakin kasi ang mukha ng walangyang amazona na yon. Almost half a million na rin ang followers niya kahit na naka 9 post lang ito.

 

"Sinasabi namin sayo Seul. Siya nga yan" di makapaniwala naman akong nakatingin sakanila. Yung singkit kong mata naging fish eye na sa laki ng pagkakabuka sa gulat.

 

Biglang kumulo naman ang dugo ko sa katawan. Nagagalit ako na naiinis. Bakit siya pa! Bakit siya pa Lord! Huhu. Wala naman akong ginawang masama. Nagsisimba naman ako. Pero bakit siya pa Lord!

 

"S-seul kalma lang ok. Yung puso mo haha" sinamaan ko naman ng tingin si Yeol.

 

"Now alam mo na kung sino si Irene Bae. So goodluck nalang beshie." sarap batukan ni Wendy

 

"Teka! Sino ba talaga tong Irene Bae na'to huh? Bakit ang dami niyang followers? Bakit siya pa?" nanlulumo kong sabi

 

"Irene Bae. The daughter of two of the most powerful business tycoon. Dong-hae Bae and Siwon Bae." Panimula ni Wendy

 

"Yup. And she's also one of the top models here in the Philippines even though 20 years old palang ito so di malabong sikat siya"

 

 

Gulat naman akong nakatingin sakanila. Business tycoon and model. My gahd! Sino ba tong nabangga ko.

 

 

Napabuga naman ako ng hangin. At hinang napaupo sa silya. ! Pano ko na ngayong gagawin ang project ko? Di dapat ako mag fail. Mawawala scholarship ko. Huhu

 

"Here's her class schedule. Mag sit-in ka nalang sa isa sa mga klase niya. Tutal wala naman tayong pasok tomorrow due to the activity kaya doon ka na lang mag sit in" tulala naman kaming napatingin kay Wendy. Paano niya nalaman ang schedule ng Amazona na yon. Mukhang na gets naman niya ata ang reaksyon namin.

 

"What? May kilala ako na kaparehong-kapareho ng schedule ni Irene ok. Di ako stalker kung yun ang iniisip niyo" tumingin pa rin kami sa kanya

 

"Trust me! Yun ang totoo. Tsk" napatango nalang kami.

 

"So ano Seul? Ready kana ba bukas? Haha" sarap talagang sapakin ni Yeol.

 

Napabuntong hininga nalang ako.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Sianligh
Mag sh-shameless promote ako ng isa ko pang story dito. It's called APHRODITE'S FIRST LOVE. JUST CHECK IT OUT ON MY PROFILE. Hahahaha

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 20: waiting po
Pristinemoon
36 streak #2
Chapter 20: 🥺🥺🥺
Maddox03 #3
Chapter 2: Updateeee plsss
notjoohyunn
#4
Chapter 20: Update pleathhh 🥺
notjoohyunn
#5
Chapter 13: ʕっ•ᴥ•ʔっ
IS2SEULRENE #6
Chapter 20: Gandaaa updaye juseyooo
reuxxxklp
#7
Chapter 20: authornim mag update ka please ang ganda ng stories mo 😭😭
_rtempest
1026 streak #8
Chapter 20: ganda ng mga stories mo otor! waiting w/ respect din dito sa updates mo <3
broke_asf
#9
Chapter 20: Wendy ang Krystal unexpected ship pero nakakakilig sila huhu